• March 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 15th, 2023

TANSINGCO UMAASA NA MAISASABATAS ANG BAGONG IMMIGRATION LAW

Posted on: May 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UMAASA si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na ang batas para pagbabago ng ahensiya ay tuluyan din maipapasa.

 

 

Ginawa ni Tansingco ang pahayag kasunod ng pagsuporta ng ilang mambabatas sa Kongreso na ipapasa nila ang natitirang priority bills.

 

 

Tinukoy ng BI ang Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) ang sinasabing proposed immigration modernization law na priority measure.

 

 

Umaasa si Tansingco na maaaprubahan sa ikatlong pagbasa kasunod ng State of the Nation Address ng Pangulo.

 

 

Sinasabing ang nasabing batas ang solusyon upang mabago ang 83-year-old na immigration law.

 

 

Bukod sa updates sa visa types at penalties, sinisiguro sa bagong batas ang augmentation sa suweldo ng mga empleyado lalo na sa mga mabababa ang suweldo at papayagan ang ahensiya na mag-recruit ng bagong graduate mula sa mga magagandang eskuwelahan na pumasok sa government service. GENE ADSUARA

Bukod sa pagiging aktor at direktor: XIAN, ibinahagi na may talent din sa pagkanta

Posted on: May 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BUKOD sa pagiging aktor at direktor, pinakita rin ni Xian Lim ang isa pa niyang talent at ito ay ang pagkanta.

 

 

Sa Instagram, nag-share si Xian ng photo at video habang nasa isang recording session siya. Inawit ni Xian ang isang song na makakasama sa soundtrack ng kinabibilangan niyang GMA primetime teleserye na ‘Hearts On Ice’.

 

 

“Excited for this! Thank you Hearts On Ice fam for this wonderful opportunity. Watch out for it in the coming episodes of our series,” caption pa ni Xian na ka-love triangle na niya kay Ponggay (Ashley Ortega) ay ang best friend niyang si Bogs (Kim Perez).

 

 

Obvious na inspired ngayon si Xian sa takbo ng kanyang career. Bukod kasi sa mataas ang ratings ng kanyang teleserye, nagagawa pa rin niya ang iba pang gusto dahil ito sa maayos na relasyon niya sa girlfriend na si Kim Chiu.

 

 

Sa huling post niya sa Instagram kunsaan kasama niya si Kim noong birthday nito last month, nilagay niya ay “Truly, Madly, deeply in love with you and I cherish every single moment I have with you. So many years have gone by and we’re still by each others side.

 

 

“Nothing beats silencing all the noise around us. Let the naysayers talk and assume all they want. No one knows more about our relationship than you and I. I love you and I will always be here by your side.”

 

***

 

NALABAS na and bagong love song ng Sparkle Artist and AraBella star na si Shayne Sava titled ‘U-Turn.’

 

 

Composed by Rina Mercado, tungkol ito sa pakikipaglaban sa pag-ibig at self-love.

 

 

“I feel honored to have this as my song kasi this is a dream come true lalo na at bukod po sa acting and dancing, my first love is singing. I am just overall happy and excited.

 

 

“The song is about whether to stay or to leave. Whether to stay because of the memories at syempre mahal mo ‘yung tao, or to leave because it’s getting toxic already.

 

 

“This song can also be about you, about self-love. Kasi at the end of the song, mas pinili niya ‘yung sarili niya. Mas pinili niyang mag u-turn mula sa taong mahal niya na paulit-ulit siyang sinasaktan. I think naka-relate rin po ako kasi I’m very particular po with self-love, self-care.”

 

 

Listen to Shayne Sava’s ‘U-Turn,’ now available on all digital streaming platforms worldwide.

 

 

***

 

 

PAGKATAPOS ng kanyang third term bilang city councilor ng Puerto Prinsesa, Palawan noong nakaraang taon, handa na ulit na balikan ng dating Viva heartthrob na si Matthew Mendoza ang showbiz.

 

 

Hindi raw maipagkakaila ni Matt na marami siyang na-miss sa showbiz noong maging isa siyang public servant for nine years. Pero updated naman daw siya sa mga nangyayaring bago sa showbiz.

 

 

Suportado ng kanyang pamilya ang muling pagbalik ni Matt sa showbiz.

 

 

“I have a very supportive family. My wife Angie, she’s been with me through thick and thin. Kung ano ang maging desisyon ko sa career ko, she’s always there at alam niya na they will always be my priority. I’ve always been a family man.

 

 

“My kids, Bea (23), Kyla (20) and Luke (17), malalaki na sila and they love whatever I’m into. Noong malaman nila na artista pala ako before, they want me to tell them stories about my time in showbiz noong ’90s. They are very interested in what my life was before being a politician.”

 

 

Huling napanood si Matthew sa 2018 sa teleserye na Wild Flower ng ABS-CBN. Bago iyon ay lumabas siya sa Destined To Be Yours (2017), Kapag Puso’y Sinugatan (2013), Angelito: Batang Ama (2012), Sinner Or Saint (2011), Alakdana (2011), Imortal (2010), Dyosa (2008) at Daisy Siyete (2008).

 

 

Isa sa top leading man ng Viva Films noong ’90s si Matthew sa mga pelikulang Dysebel, Sabado Nights, Nag-iisang Ikaw, Nang Iniwan Mo Ako at Ikaw Naman Ang Iiyak. Nakatrabaho niya ang mga mahuhusay na direktor tulad nila Joel Lamangan, Don Escudero, Jose Javier Reyes, Romy Suzara, Ike Jarlego Jr. and Emmanuel Borlaza.

 

 

Gusto naman ni Matt na makatrabaho ang maraming bagong artisa ngayon.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Ads May 15, 2023

Posted on: May 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

US-based firm, nangako na dadagdagan pa ang pamumuhunan sa Pilipinas

Posted on: May 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NANGAKO ang Cerberus Global Investment LLC na nakabase sa US ng dagdag na pamumuhunan at pagpapalawak sa Pilipinas, ayon yan sa Malacanang.

 

 

Sa paglitaw mula sa isang pulong sa mga nangungunang executive ng kumpanya, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang karagdagang pamumuhunan sa paggawa ng barko ay magbibigay-daan sa bansa na mabawi ang posisyon nito sa pandaigdigang industriya ng paggawa ng barko.

 

 

Sinabi ni dating US vice president at Cerberus chairman James Danforth Quayle sa Pangulo sa courtesy call na inaasahan ng kumpanya na maging bahagi ng kwento ng paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.

 

 

Kabilang na ang pagpapaplano ng mas marami at mas malalaking pamumuhunan sa Pilipinas.

 

 

Ang Cerberus, isang pandaigdigang alternatibong kumpanya sa pamumuhunan na may mga asset sa kabuuan ng credit, private equity, at real estate strategies, ay nakuha ang Subic shipyard noong 2022 at nag-invest ng $40 milyon para gawing muli ang nasabing shipyard.

 

 

Sa ngayon, ang Philippine Navy ay mayroong naval operating base sa Subic, Zambales na mayroong 800 personnel. (Daris Jose)

Pamilyang Pinoy na dumanas ng gutom, nabawasan – SWS

Posted on: May 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NABAWASAN ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nakaranas ng gutom sa nakalipas na tatlong buwan

 

Batay sa March 2023 survey ng Social Weather Station (SWS), 9.8% na mga pamilyang Pinoy o katumbas ng 2.7 milyong katao ang nakararanas ng involuntary hunger sa nakalipas na tatlong buwan.

 

Higit na mas mababa ito sa 11.8% hunger rate noong Disyembre 2022 at 11.3% o 2.9 milyon noong Oktubre 2022.

 

Gayunman, nilinaw ng SWS na nananatili pa ring mas mataas ito kumpara sa pre-pandemic period noong 2019. Lumalabas din sa survey na pinakamaraming nakaranas ng gutom sa mga pamilya mula sa Mindanao na nasa 11.7%. Sinundan ito ng Metro Manila (10.7%), Visayas (9.7%) at Balance Luzon (8.7%).

 

Isinagawa ang survey mula March 26-29 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 indibidwal na may edad 18 pataas.