KAILANGAN pa raw pag-aaral nang husto bago igulong ang planong “digital driver’s license” ng Land Transportation Office — posibleng pagmulan daw kasi ito ng problema kung hindi maipapatupad nang maayos, ayon sa Department of Transportation.
Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang ibunyag ng LTO ang plano nitong maglunsad ng electronic version ng mga lisensya. Layun nitong palitan ang inilalabas na temporary licenses na pini-print lang ngayon sa papel bunsod ng shortage sa plastic cards.
“Actually we have to study that very carefully with the [Department of Information and Communications Technology],” wika ni Transporation Secretary Jaime Bautista sa reporters nitong Miyerkules sa reporters.
“Kailangan lang pag-aralan natin. Kasi dapat tignan ba natin, for example may violation, paano mache-check ‘yan noong ating mga enforcers?”
Lunes lang nang sabihin ni LTO chief Jay Art Tugade na kukunin nila ang serbisyo ng DICT para sa naturang e-license, na siyang magiging bahagi raw ng pagsusumikap ng ahensyang i-digitalize ang kanilang mga serbisyo.
Aniya, isasama raw ito sa “super app” na dine-develop ngayon ng DICT. Una nang sinabi ni Tugade na pwedeng ipakita sa law enforcement officers ang digital licenses oras na ma-apprehend. Pero gusto muna raw ‘yan matiyak ni Bautista.
“So there are issues that need to be cleared,” banggit pa ng DOTr official.
Nag-ugat ang paglalabas ng LTO ng temporary paper licenses matapos maglabas ng DOTr ng department order na nagsasabing sa kanila dapat dumaan ang anumang procurement na aabot ng P50 milyong halaga pataas.
Una nang in-extend ng LTO ang validity ng mga lisensyang mag-e-expire sa noong Abril patungong Oktubre kaugnay ng nasabing shortage.
Inaatasan naman ngayon ni Bautista ang National Printing Office na mag-deliver ng 5 milyong plastic driver’s licenses sa loob ng 60 araw upang mapabilis ang paglalabas nito sa publiko. (Daris Jose)
INAPRUBAHAN sa ikatlo at pinal na pagpasa ng kamara ang panukala para sa maagang paboto ng mga kuwalipikadong senior citizens, persons with disabilities (PWDs), abogado at human resources for health sa national at local elections.
Nagsagawa ng maikling dialogo ang mga militanteng grupo sa tanggapan ng Department of Agrarian Reform para ipanawagan sa ahensiya ng gobyerno na mamamayan muna kesa proteksiyon ng mga malalaking negosyante… Photo By: (Robert Glips)
DAPAT lamang na magdoble-sikap ang ASEAN na itaguyod at panindigan ang international law sa rehiyon.
HINDI maiiwasan na mapag-usapan ng mga lider na dadalo sa 42nd ASEAN Summit ang isyu ng tensyon sa Taiwan Strait.
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkakilala ang kanyang ina na si Unang Ginang Imelda Marcos at King Charles III.
Governor Daniel R. Fernando awards the certificate of commendation and appreciation to Malolos City Police headed by PMAJ Erickson Miranda during the Monday Flag Ceremony held at Bulacan Capitol Gymnasium, City of Malolos, Bulacan for capturing the Top 1 Most Wanted Person of City of Malolos and for their unwavering commitment to serve justice to the victims of crimes. Also in the photo are Board Members Richard Roque, Allan Andan and Cezar L. Mendoza.
BUMABA pa lalo ang water level ng Angat Dam.
PATULOY na ihihirit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gobyerno ng Indonesia na bigyan ng commutation o pardon ang pinay na si Mary Jane Veloso na nasa death row ng nasabing bansa dahil sa kasong droga.