• April 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March, 2023

Libreng taunang medical checkups sa lahat, isinulong

Posted on: March 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAIS  ng tatlong mambabatas na maglaan ang Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ng libreng annual medical checkups sa lahat ng mga miyembro nitoupang masiguro na makakakuha ang bawat Pilipino ng access sa preventive care at matugunan ang mga seryosong health conditions sa unang stages pa lamang.

 

 

Ayon kay Davao City Rep. Paolo Duterte, dala na rin sa Universal Health Care Act ay otomatikong miyembro ang lahat ng Pilipino sa Philhealth, kaya dapat na kasama rin ang libreng medical checkups sa benepisyo ng batas.

 

 

Inihain ni Duterte kasama sina Benguet Rep. Eric Yap at ACT-CIS Partylist Rep. Edvic Yap ang House Bill (HB) 5074 na ang layon ay otomatikong maisama ang bawat pinoysa libreng blood sugar at cholesterol  tests kada taon.

 

 

“To promote health, identify risks, and ensure early diagnosis, PhilHealth shall establish a system that allows access to a free annual medical check-up and ensure that Filipinos shall be accorded the quality health care services that they deserve,” ayon sa panukala.

 

 

Sinabi pa ni Duterte na ang pag-invest sa libreng medical checkups para sa bawat Pinoy ay makakatulong na makapagligtas ng buhay at masigurong walang maiiwan sa usapin ng health care.

 

 

Ang maagang pagkakadiskubre sa isang seryosong medical conditions ay hindi lamang kapaki-pakinabang sa bawat Pilipino kundi maging sa Philhealth,  dahil magagawang maibaba nito ang gastos sa pagbibigay ng mahal na medical procedures na kaakibat ng mga life-threatening diseases.

 

 

Sa ilalim pa ng panukala, makakakuha ng free medical checkup sa alinmang government-run  hospital o medical institution ang mga Pinoy.

 

 

Bukod sa libreng cholesterol at blood sugar tests, ipinanukala pa ng mga mambabatas ang pagsasama sa expanded laboratory at diagnostic tests sa libreng annual medical checkup benefit. (Ara Romero)

Ads March 3, 2023

Posted on: March 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

First time producer at sa pag-play ng Filipino role: LEA, magbabalik sa Broadway stage para sa “Here Lies Love”

Posted on: March 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

“PAMBANSANG Ginoo” at ngayon tinawag na ring “Man of the Hour” si David Licauco, matapos niyang gawin ang “Maria Clara at Ibarra” with Barbie Forteza, Julie Anne San Jose at Dennis Trillo at nagkasunud-sunod ang mga endorsements niya. 

 

 

Nanibago ba siya?

 

 

“Honestly, it’s a bit overwhelming  for me kasi, I would say I’m an introverted person, pero nandito na ako kaya, I’m just taking it day by day and bahala na,” nangingiting sagot ni David.

 

 

Sa tanong kung may pressure sa kanya to sustain his popularity, ayaw daw niyang isipin iyon, pero kinakausap din niya ang manager niya at nagtatanong kung ano ang dapat niyang gawin?

 

 

Kaya he still study acting para ma-improve ang acting sa next projects niya.

 

 

Naging ‘mabili’ rin si David sa mga pictorials at ngayon nga raw ay siya ang nagpabalik for a leading man na maging cover ng Cosmopolitan magazine na matagal-tagal na ring walang napi-feature.

 

 

Wala rin ba siyang balak mag-break sa trabaho para makapahinga?

 

 

“Meron kaming gagawin ni Barbie na dalawang projects, nakahingi ako ng two days break after ng “Daig Kayo ng Lola Ko” then balik ulit sa trabaho, a movie naman with  Barbie.

 

 

“Pero siyempre, kung nandiyan na yung opportunity, who am I to say no?”

 

 

***

 

THE producers of “Here Lies Love,” the musical, David Byrne and Fatboy Slim have announced that Tony and Olivier Award winner Lea Salonga, a global Filipina legend, will join the cast and producing team of  “Here Lies Love” on Broadway for a special guest engagement this summer.

 

 

Salonga will appear in the show for five weeks from Tuesday, July 11, through Sunday, August 13.  She will perform “Just Ask the Flowers,” sung by the character of Aurora Aquino – mother of Benigno “Ninoy” Aquino.

 

 

After her week run, guest stars from the Philippines will take over the role.  This production marks the first time Salonga will serve as a producer on a Broadway show, and her first time to play a Filipino role on the Broadway stage.

 

 

Nagkaroon din ng announcement si Lea tungkol sa guesting niya sa musical at kung gaano siya natuwa na mapapanood ito sa Broadway at makabalik siya para muling mag-perform doon at muling makasama ang mga Filipino performers like Jose Llana and Conrad Ricamora.

 

 

Magkakaroon ito ng performances simula sa June 17, ahead ng official opening night on July 20.

 

 

***

 

 

NAGSIMULANG masaya ang interview ni Boy Abunda sa “Fast Talk with Boy” last Wednesday, March 1, sa mga bida ng GMA Afternoon Prime series na “Underage” na sina Lexi Gonzales, Elijah Alejo at Hailey Meneses.

 

 

Pero later on naging emosyonal ang tatlong actress, na in real-life pala ay pare-parehong bread winner ng family.

 

 

Si Elijah, bata pa ay nagsimula nang magtrabaho lalo na nang magka-cancer ang mommy niya at nangungupahan lamang sila at nag-aaral pa siya.  Hindi raw niya nakilala ang father niya.

 

 

Si Lexi, sinikap niyang makapasok sa showbiz, dahil alam niyang matutulungan siya nito, kaya nag-join siya ng “StarStruck 7,” na naging first runner-up siya.  May communication naman sila ng father niya, at tanggap daw niya na may sarili na itong buhay.

 

 

Si Hailey, matagal na niyang hinahanap ang father niya para makilala man lamang niya, pero hindi raw ito nagpapakita, kaya ang tanong niya: “ayaw mo ba akong talaga makilala?”

 

 

Napapanood daily ang “Underage,” 4:20 PM sa GMA-7.

(NORA V. CALDERON)

“SUZUME” UNVEILS OFFICIAL TRAILER AHEAD OF MARCH 8 OPENING IN PH

Posted on: March 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

WARNER Bros. Philippines has just released the official trailer of the eagerly anticipated film Suzume opening in cinemas nationwide starting March 8, 2023.

 

 

YouTube: https://youtu.be/IGzBYaPNQRM

 

 

In one week, Suzume’s journey begins. Don’t miss the NEW #15 All-Time Film in Japan from Makoto Shinkai, the director of your name. and Weathering With You.  Doors have started opening for advance screening with limited edition Suzume premium items so get your tickets before the doors close.

 

 

About “Suzume”

 

 

Title: SUZUME《铃芽之旅》

Director: Makoto Shinkai (your name.; Weathering With You)

Voice Cast: Nanoka Hara, Hokuto Matsumura, Eri Fukatsu

Genre: Animation, Fantasy, Adventure

Language: Japanese (sub: English)

Runtime: 122mins

 

 

Film Synopsis:

On the other side of the door, was time in its entirety—

 

 

“Suzume” is a coming-of-age story for the 17-year-old protagonist, Suzume, set in various disaster-stricken locations across Japan, where she must close the doors causing devastation.

 

 

Suzume’s journey begins in a quiet town in Kyushu (located in southwestern Japan) when she encounters a young man who tells her, “I’m looking for a door.” What Suzume finds is a single weathered door standing upright in the midst of ruins as though it was shielded from whatever catastrophe struck. Seemingly drawn by its power, Suzume reaches for the knob… Doors begin to open one after another all across Japan, unleashing destruction upon any who are near. Suzume must close these portals to prevent further disaster.

 

—The stars, then sunset, and the morning sky.

 

Within that realm, it was as though all time had melted together in the sky…

 

 

Never-before-seen scenery, encounters and farewells… A myriad of challenges await her on her journey. Despite all the obstacles in her way, Suzume’s adventure shines a ray of hope upon our own struggles against the toughest roads of anxiety and constraints that make up everyday life. This story of closing doors that connect our past to the present and future will leave a lasting impression upon all of our hearts.

 

 

Drawn in by these mysterious doors, Suzume’s journey is about to begin.

 

 

 

(ROHN ROMULO)

PH rescue team na ipinadala sa Turkey, binigyan ng ‘heroes welcome’ sa muling pagbabalik sa bansa

Posted on: March 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BINIGYAN ng isang “heroes welcome” ang Philippine contingent na ipinadala sa Turkey para tumulong sa disaster response sa mga biktima ng malakas na lindol doon.

 

 

Kasabay ito ng muling pagbabalik sa Pilipinas ng 82 miyembro ng search and rescue team na ipinadala ng pamahalaan sa nasabing bansa para sa isang mahalagang misyon.

 

 

Dito ay isa-isang sinaludo at kinamayan ang mga rescuers nina Department of National Defense Secretary Carito Galves Jr., kasama sina Office of the Civil Defense Asec. Raffy Alejando, Metropolitan Manila Development Authority Chairman Romando Artes, Turkish Ambassador Niyazi Eyren Akyol, AFP chief of staff General Andres Centino at iba pang key officials mula sa Department of Foreign Affairs, at Department of Health.

 

 

Ito ay matapos ang labing-apat na araw na misyon ng grupo sa Adiyaman, Turkey na isa sa lubhang naapektuhan ng nasabing lindol kung saan ininspeksyon ng mga ito ang nasa 36 na mga gumuhong gusali kung saan narekober ang anim na labi at nalapatan ng lunas ang nasa mahigit isang libong pasyente nasaktan din mula sa naturang trahedya.

 

 

Ayon kay Office of the Civil Defense Asec. Raffy Alejandro, bibigyan ng tribute o pasasalamat ang mga ito at isasailalim din sila sa debriefing psychosocial intervention.

 

 

Aniya, ang karanasang ito ng ating PH contingent ay malaki ang maitutulong sa paghahanda ng ating bansa sa posibleng sakunang mangyari sa Pilipinas.

 

 

Sa kabilang banda naman ay tinawag na mga bayani ng Turkish government ang grupo dahil sa ipinamalas na kabayanihan ng mga ito sa pagsagip ng buhay ng maraming mamamayan doon.

 

 

Dahil dito ay lubos na nagpapasalamat ngayon ang Turkish government sa pamamagitan ni Turkish Ambassador to the Philippines na si Niyazo Akyol.

 

 

Samantala, sa ngayon ay inihahanda naman na ng Department of Foreign Affairs ang tulong pinansyal na ipapadala ng bansa para sa mga naapektuhan din ng magnitude 7.8 na lindol sa Syria.

Mag-live-in partner na tulak kulong sa P374K shabu sa Valenzuela

Posted on: March 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ISINELDA ang mag live-in partner na tulak ng illegal na droga at kapwa listed bilang high value individual (HVI) matapos makuhanan ng halos P.4 milyon halaga ng umano’y shabu sa buy bust operation sa Valenzuela City.

 

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong mga suspek bilang sina John Erwin Reyes, 24, at Michaela Sevilla alyas “Ella”, 19, kapwa ng 125 Dulong Tangke, Brgy. Malinta.

 

 

 

Ayon kay Col. Destura, dakong alas-6:30 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PCPT Joel Madregalejo ng buy bust operation sa Dulong Tangke, Brgy. Malinta matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa pagbebenta umano ng iligal na droga ng mga suspek kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa kanila ng P1,000 halaga ng shabu.

 

 

 

Nang matanggap ang pre-arrange signal mula sa kanyang kasama na nagpanggap na poseur buyer na hudyat na nakabili na siya ng shabu sa mga suspek ay agad lumapit ang back-up na operatiba saka inaresto ang mag partner.

 

 

 

Ani PCpl Christopher Quiao, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 55 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P374,000, marked money, P600 seized money, dalawang cellphones, dalawang valid IDs at coin purse.

 

 

 

Pinuri ni Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, ang Valenzuela CPS sa kanilang matagumpay na drug operation habang mahaharap naman ang mga suspek sa kasong pagpalabag RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Jeepney phase out deadline pinalawig hanggang Dec. 31

Posted on: March 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINALAWIG  ng pamahalaan ang deadline ng phase out ng mga traditional jeepneys sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program hanggang katapusan ng taon.

 

 

 

Ito ang inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pamumuno ni chairman Teofilo Guadiz kung saan niya sinabi na magkakaron ng pagkakaantala ang consolidation ng mga public utility vehicles tulad ng libo-libong traditional jeepneys, UV Express Service at multicabs dahil binigyan nila ang mga operators at drivers nito ng hanggang Dec. 31, 2023

 

 

 

Hindi naman nababahala si Guadiz sa banta ng mga transport groups na magkakaron sila ng isang linggong welga upang iprotesta ang memorandum ng LTFRB na nagsasaad na hanggang June na lang deadline upang sila ay mag consolidate.

 

 

 

“To be honest, there is no pressure for us from the strike. More than 90 percent of the transport groups have signified support to the LTFRB,” wika ni Guadiz.

 

 

 

Ayon sa kanya, ang kanilang desisyon na palawigin ang deadline ay isang sagot sa pronouncements ni President Marcos at Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista at ilang senador.

 

 

 

“In compliance with the advice of Sec. Jaime Bautista and the pronouncement of President Bongbong Marcos, we extended the consolidation of jeepneys from June 30 to the end of December 2023. It was also deferred to the appeal of senators who urged the LTFRB to extend the deadline to give operators more time to comply with the requirements under the PUV modernization program,” saad ni Guadiz.

 

 

 

Sa ilalim ng LTFRB Memorandum Circular 2023-013, ang isang single operator na mabigong sumunod sa consolidation requirement sa takdang panahon ay babawiin ang kanilang prangkisa o ang kanilang certificate of public convenience. Ang prangkisa ng mga operators na hindi sasama sa consolidation ay “automatically rewarded” sa existing consolidated entity na may operasyon sa parehong ruta.

 

 

 

Sa nilabas na datus ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), may 96,000 na jeepneys lamang ang sumama upang maging kooperatiba o korporasyon na siyang pangunahing kailangan sa ilalim ng public utility modernization program (PUVMP).

 

 

 

“The figure is equivalent to 61 percent of the 158,000 traditional jeepneys plying routes across the country,” wika ni LTFRB technical division chief Joel Bolano.

 

 

 

Ang sektor naman ng UV Express ay mataas ang naitalang compliance sa ilalim ng consolidation policy.

 

 

 

“UV Express sector has 72 percent or 19,000 units of it nationwide have complied with the requirement,” dagdag ni Bolano.

 

 

 

Pinag-aaralan din ng LTFRB at DOTr ang iba pang problema sa loob ng PUVMP ng pamahalaan kasama na ang mataas na presyo ng modern jeepney units.

 

 

 

“That’s one of the areas we will be studying, I believe they are setting a supplemental budget that they request from the Department of Budget and Management whenever the need arises. The department has the flexibility to realign the budget as it sees fit,” dagdag ni Guadiz.

 

 

 

Samantala, umaasa naman si President Marcos na hindi na itutuloy ng mga transport groups ang kanilang plano na magkaron ng isang linggong welga at kung saan naman niya sinabi na ang jeepney modernization program ay hindi naman urgent sapagkat ang bansa natin ay may kakulangan pa rin sa infrastructure upang isulong ito.

 

 

 

“Based on my studies, it sees that the implementation of the modernization is not good. It’s true that jeepneys, tricycles and buses need to be safe. But the standards employed varied. Maybe we can talk to transport groups and say that we can amend it. We have to implement it in a different way. We have to look properly at what the real timetable is for the introduction of electric vehicles, when it can be done, if it can be done now,” sabi ni Marcos.

 

 

 

Sa mataas na kapulungan ay sinabi ni Senator Francis Escudero na ang pamahalaan ay dapat magkaron ng audit ng kalagayan ng jeepney modernization program ng DOTr dahil sa maraming reports na ang mga ibang bagong sasakyan ay parating nagkakaron ng break-down at hindi nakakatakbo dahil sa kakulangan ng mga spare parts.

 

 

 

Ang Anakbayan naman ay nagsabi na magkakaron ng monopolya sa sektor ng transportasyon. Sinabi rin nila na magdudulot ito ng financial burden sa mga jeepney drivers at operators sapagkat masyadong mahal ang presyo ng isang unit at dahil na rin  ang interest rate ay umaabot sa 6 percent kung saan ang isang unit ng modern jeepney ay nagkakahalaga ng P3.4 million. LASACMAR

PBBM, gustong gamitin ang biofertilizers para pagaanin ang kalagayan ng mga magsasaka

Posted on: March 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang plano ng kanyang  administrasyon na pagamitin na ang mga  magsasaka  ng biofertilzer para mabawasan o hindi na umasa pa ang mga ito sa mga mamahalin at imported na  petroleum-based fertilizers.

 

 

Sa isang  video message na ipinalabas ng  Presidential Communications Office (PCO), sinabi ng Pangulo na ang mga magsasaka ay sasailalim sa pagsasanay sa kung paano ang tamang paggamit ng biofertilizers.

 

 

“We are totally dependent on petroleum-based fertilizer. Now, we are going to introduce biofertilizer to our farmers and teach them how to use it. And hopefully, this will ease our concerns when it comes to the supply of fertilizer. And we can fully control the availability of biofertilizer,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Ang Biofertilizers ay natural fertilizers na binubuo ng  living microorganisms. Ginagamit ito upang suportahan ang paglago ng halaman sa pamamagitan ng pagdaragdag ng  nutrient supply sa lupa.

 

 

Winika pa ng Pangulo na ang  biofertilizers ay gagamitin bilang alternatibo dahil sa mataas na presyo ng common fertilizers at alalahanin ng availability nito.

 

 

Aniya pa, nagpakita ng “promising” results ang ginawang trials ng DA sa  biofertilizers.

 

 

“Kayang-kaya raw dito i-produce sa Pilipinas ‘yan. And furthermore, there are many technologies from UPLB (University of the Philippines – Los Baños), from the other SUCs (state universities and colleges), the agricultural colleges. Marami silang na-research, na-develop na technologies diyan sa biofertilizer,” aniya pa rin.

 

 

Magkagayon man, nilinaw naman ng Punong Ehekutibo na maaari pa ring gumamit ang mga magsasaka ng non-organic at petroleum-based fertilizers, lalo na ang  urea.

 

 

“Now, there will still be a mix. Hindi mawawala ‘yung urea, hindi mawawala ‘yung mga non-organic. But we will lessen our dependence on importation when it comes to fertilizer supply,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Excited nang maipalabas ang nakaka-inspire na serye: ASHLEY, hinangaan si XIAN sa effort at dedikasyon para matutong mag-ice skate

Posted on: March 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments
PAREHONG excited na sina Ashley Ortega at Xian Lim na mapanood ng lahat ang unang seryeng pagtatambalan nila, ang Hearts On Ice.
Sumabak sila sa matinding training sa ice rink sina Ashley at Xian bilang paghahanda sa kanilang mga karakter sa kauna-unahang ice-skating drama series ng bansa.
Kahit dati ng isang competitive figure skater, nag-training ang aktres at naglaan ng panahon para mapag-aralang mabuti ang kanyang bagong karakter.
“Aside from training, siyempre inaaral ko rin yung character ko. I want to give justice to my role, her name is Ponggay. At saka may extra challenge din yung role ko roon sa figure skating. Extra challenge siya for me kasi may something siya, so I have to make an effort–to look good inside the rink, to do all my stunts without falling,” pahayag ni Ashley.
Ikinuwento rin ng aktres na sabay silang nagte-training ni Xian at nakikita niya ang dedikasyong ibinibigay nito para matutong mag-ice skate. Dahil backdrop ng magandang kuwento ng Hearts On Ice ang sports na figure skating, kinakailangan din ng aktor na matutunan ito.
“Si Xian Lim, talagang he trained for three to four months para lang hindi raw s’ya magmukhang nakakahiya. Kapag nakikita ko siya sa skating rink, mas maaga pa siyang pumupunta sa akin roon. Magbubukas pa lang ‘yung mall nandu’n na siya.
“Sabi ko, ‘Bakit nandito ka na tapos parang araw-araw?’ Sabi niya, ‘Nahihiya kasi ako sa ‘yo,’ sabi ko, ‘bakit ka mahihiya sa akin. Ako nga ‘yung nahihiya sa ‘yo because you’re Xian Lim.’ Pero I really admired his effort and his passion, na-in love s’ya sa sport ko.
“Nung nagsu-shoot kami… ‘yung production like every time they would film me performing, nai-in love din sila sa sport, naa-appreciate nila. So sana once na nag-air na s’ya, ma-in love din lahat ng tao sa sport, sa ginagawa namin, because it’s really inspiring,” kuwento niya.
Abangan ang unang tambalan nina Ashley at Xian sa Hearts On Ice ngayong Marso sa GMA Telebabad.
***
HINDI nga pinalad na manalong Pangulo ng Pilpinas si Isko Moreno sa nakaraang eleksyon noong Mayo 2022.

At bilang malapit kay Isko, tinanong namin si Yul Servo, na Bise-alkalde na ngayon ng Maynila, tungkol sa sinapit ng kanyang dating Alkalde.

 

 

“Siyempre malungkot, malungkot na hindi pinalad, pero siyempre may dahilan yan kung bakit, ‘di ba?

 

 

“Siguro hindi pa yun para sa kanya.

 

 

“Pero naniniwala ako sa kakayahan ni Yorme, na kaya din niyang maging magaling na lingkod-bayan sa buong Pilipinas, hindi lang siguro pa panahon, hindi pa para sa kanya.

 

 

“Pero nandiyan naman siya, hindi naman siya tumitigil sa pagtulong, pagbibigay ng advice, so sa lahat ng aspeto ng paglilingkod nandiyan pa rin naman siya, nakagabay sa aming Asenso Manilenyo e,” sinabi sa amin ni Yul na nakausap namin sa relaunch ng The Manila Film Festival na naglalayong mas pasiglahin ang panonood ng mga pelikula, lalo na ng mga baguhang filmmakers, sa buong Kamaynilaan.

 

 

Sa pagbabalik ng The Manila Film Festival ay katuwang ng gobyerno ng Maynila ang Saranggola Media Productions at Edith Fider.

 

 

Si Ms. Fider ang magbibigay ng grant (at least three hundred thousand pesos) para sa walong mapipiling screenplay na kasama sa The Manila Film Festival.

 

 

Ang TMFF ay bukas qualified bonafide students mula sa pribado at pampublikong unibersidad kolehiyo at senior high school.

 

 

Ang deadline ng submission ng screenplay entries sa pamamagitan ng e-mail ay sa Marso 10 sa ganap na 11PM at ipadala sa themanilafilmfesival@gmail.com

 

 

Sa March 20 ang announcement ng selected eight entries, awarding of first tranch of production grants, assignment of mentors, June 2 naman ang submission of completed film and teaser, June 3-24, promotion period, June 17 film screening at ang petsa ng awarding of prizes to follow.

 

 

Ang mga direktor na sina Al Tantay at Jay Altarejos ay ilan sa magsisilbi bilang mga mentor ng mga mapipiling kalahok.

(ROMMEL L. GONZALES)

Senate probe sa phaseout ng traditional jeepneys, gumulong na

Posted on: March 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TATALAKAYIN  sa Senado ang resolusyon tungkol sa pagpapaliban sa nakatakdang phaseout ng traditional jeepneys sa Hunyo 30.

 

 

Itinakda ng Senate Committee on Public Services na pinamumunuan ni Senador Grace Poe ang pagdinig dakong ala-1:30 ng hapon.

 

 

Bukod sa jeepney phaseout at PUV modernization program ay layon din ng pagdinig na pigilan ang nakaambang tigil pasada ng mga transport groups sa Marso 6-12.

 

 

Kabilang sa inimbitahan sa pagdinig ang mga opisyal ng DOTr, LTFRB, DILG, DTI, DBM, Landbank of the Philippines at Development Bank of the Philippines.

 

 

Ipapatawag din ang mga transport at commuter groups kabilang ang Manibela, ALTODAP, PISTON, Pasang Masda, FEJODAP, Laban TNVS, Stop and Go Transport Coalition, Lawyers for Commuters Safety and Protection at Move as One gayundin ang iba pang stakeholders tulad ng Get Vehicles (e-jeep), EVT USA at MPT Mobility.

 

 

Humingi ng permiso si Poe sa mga senador na agad dinggin sa Huwebes ang resolusyon upang mapigilan ang nakaambang isang linggong tigil-pasada

 

 

Kinatigan naman ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang hirit ni Poe na bagama’t mayroong 3-day rule na sinusunod ang Kongreso bago isalang sa pagdinig ang isang panukala o resolusyon, maituturing namang ‘national concern’ ang problema na nangangailangan ng agarang atensyon ng mga mambabatas. (Daris Jose)