• April 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March, 2023

Mga suspek sa Salilig hazing, pinasasailalim sa BI watchlist

Posted on: March 8th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAKIKIPAG-ugnayan na ang Philippine National Police (PNP) sa Department of Justice (DOJ) upang isailalim sa immigration lookout bulletin ang mga suspect sa pagkamatay ng hazing victim na si John Matthew Salilig ng Adamson University.

 

 

Ayon kay PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. kailangan na maalerto ang Bureau of Immigration upang mapigilang makalabas ng bansa ang mga suspek upang takasan ang kanilang kaso.

 

 

“We also coordinated already with the DOJ to put on the watch list itong mga suspects na ito so that at least Immigration will be alerted just in case these people try to flee outside our country,” ani Azurin.

 

 

Sa ngayon aniya, pito sa 15 suspek sa pagkamatay ni Salilig ang nasa kustodiya na ng pulisya.

 

 

Tiniyak ni Azurin na tinututukan ng kanyang mga tauhan ang kaso upang unti-unti nang makuha ang mga suspek.

 

 

Pebrero 28 nang matagpuan ang bangkay ni Salilig sa Imus, Cavite. Isang linggo itong naiulat na nawawala.

 

 

Si Salilig na isang chemical engineering student ay sumailalim sa welcoming rites ng Tau Gamma Phi Fraternity Biñan Chapter kung saan batay sa record tumanggap ito ng 70 palo sa katawan. (Daris Jose)

Nagpapasalamat sa ‘Sparkle’ sa naitulong sa Beautederm: RHEA, patuloy sa pagbibigay ng tulong sa mga mag-aaral at matatanda

Posted on: March 8th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PROUD na proud na pinost ng Beautederm Home endorser at Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera-Dantes sa kanyang IG stories ang mga photos ng 7-year old daughter nila ni Dingdong Dantes na si Zia Dantes, na kung saan nanalo ito ng Bronze medal for swimming.

 

 

Makikita sa larawan na nakasabit ang kauna-unahang medalya sa leeg ni Zia, at ‘yun isa naman ay kasama ang swimming coach ng dalagita.

 

 

Pinost din ni Maria ang black and white photo ni Zia na naghahandang mag-dive sa pool at nilagyan niya ito ng caption ng, “So proud of mahal.”

 

 

Grabe talaga itong si Zia, sobrang talented, halos lahat ay gustong subukan. Matatandaan na nagpamangha siya sa pag-awit kasama ang kanyang Daddy Dong, na nasundan ng pagkanta sa mga parties, magaling din siyang sumayaw tulad ng kanyang Mommy Yan, at nagkainteres din sa pangangabayo at may talent din sa pagdo-drawing at pagbi-bake.

 

 

Kinagigiliwan din siya ng netizens sa kanyang mga nagawang print and TV commercials, kaya san ka pa?

 

 

Pero mukhang hindi lang si Zia, dahil maging ang nakababatang kapatid na si Sixto ay mukhang nahihilig din sa mga sports, tulad ng taekwondo at pagsa-soccer, na kitang-kita naman sa mga photos na nai-upload sa social media na pinusuan ng mga netizens.

 

 

Winner na winner talaga ang Dantes Squad na patuloy na nagsi-send ng mga good vibes sa kani-kanilang posts.

 

 

***

 

 

PROUD na proud din ang CEO at founder ng Beautederm na si Rhea Anicoche-Tan na ibinahagi sa Facebook post niya ang bagong batch ng mga scholars para sa SY 2022-2023.

 

Sa tulong nga ito ng kanyang company at mga mamimili na patuloy na nagtitiwala sa mga kinagigiliwang produkto.
“Sa lahat po ng nagmamahal sa #BEAUTéDERM salamat po sobra sa pagbili, pagtangkilik sa amin. Every time bumibili kayo, nadadagdagan pinapag aral ng aming munting kompanya 🙏🫠 eto na po second batch of Scholars natin.

 

“Lord, nakakaiyak, thank you ! Your Love Never Fails. This is All for You.”

 

Ayon pa kay Ms. Rei, hindi pa rin daw niya ma-imagine na nakapagpa-aral siya ng ibang tao at mga anak ng kanyang empleyado, kaya ganun na lang pasasalamat niya sa Diyos.

 

Ibang klase talaga si Ms. Rei, kaya patuloy siyang bini-bless dahil sa pagiging very generous niya at ngayong Women’s Month, nakita namin na nakaparami rin niyang sinusuportahang adhikain ng mga kababaihan.

 

Samantala, limang taon na pala ang partnership ng Beautéderm at Sparkle GMA Artist Center.

 

Kaya sa ginanap na media conference, kahapon, March 7, sa Luxent Hotel, labis nga ang pagpapasalamat ni Ms. Rei sa naging kontribusyon ng Sparkle sa kanyang kumpanya.

 

Sa naturang presscon, present ang Beautéderm endorsers na sina Cassy Legaspi, Bianca Umali, Ruru Madrid, Rayver Cruz, at Sanya Lopez na nag-renew ng kontrata.

 

“I value my partnership with Sparkle GMA Artist Center. Part of the reason why Beautéderm continues to sparkle is because of these artists—Ruru, Rayver, Cassy, Bianca, Sanya—who put us on the map.

 

“They represent the brand well through their efforts, talents, and beauty inside and out,” pahayag ni Rhea.

 

Nadagdagan pa ng limang bagong endorsers ang Beautéderm na nagmula rin sa Sparkle GMA Artist Center, na sina Patricia Tumulak, Buboy Villar, Thia Thomalla, Ysabel Ortega, at EA Guzman.

 

“Beautéderm is beyond grateful and beyond beautiful. We believe that these stars—Patricia, Buboy, Thia, Ysabel, and EA are perfect example for what beyond beautiful means.

 

“We are dedicated to reaching more people all over the world, making sure they have quality products to rely on—from beauty to wellness products.

 

And by expanding more, we are able to help more people—from elderly people to our scholars,” pagbabahagi pa niya.
Sa paglago ng negosyo ni Rhea, na natatagpuan sa Angeles City, Pampanga ang Headquarters, mas maraming taong matutulungan.

 

Para sa Beautéderm CEO, patuloy siyang magbibigay-tulong—free scholarships para sa mga mag-aaral at quality assistance para sa mga matatanda.

 

Sina Cassy, Bianca, Ruru, Rayver, at Sanya, kasama sina Patricia, Buboy, Thia, Ysabel, at EA, na endorsers ng Blanc Set, an effective and proven skincare regimen that delivers visible results in as early as one week, ay nagpasalamat kay Ms. Rhea.

 

Ayon sa kanila, “Big thanks to the one and only, Ms. Rhea Tan, for giving us the opportunities to represent her brand Beautéderm. We have the highest respect for her and this opportunity will forever be treasured. Ms. Rhea is the epitome of achieving success not just for herself but also for others. We hope to help the brand continue to sparkle.”
Para sa karagdagang detalye, follow Beautéderm on Instagram @beautedermcorporation, @beautedermcorp on Twitter, and @beautedermcoporation on TikTok; like Beautéderm on Facebook; and subscribe to Beautéderm TV on YouTube.

(ROHN ROMULO)

Cha-cha aprub na sa Kamara

Posted on: March 8th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

LUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panawagang pag-amyenda sa 1987 Constitution o Charter change.

 

 

Sa botong 301 pabor, anim kontra at isang abstention ay ganap na naipasa ang Resolution of Both Houses (RBH) 6 na nanawagan ng reporma sa ekonomiya sa pamamagitan ng Constitutional convention (Con-con) bilang paraan ng pag-amyenda sa Saligang Batas.

 

 

Ang RBH 6 na pangunahing iniakda nina Speaker Martin Romualdez, Majority Leader Manuel Jose Dalipe, Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez at Kapatiran Party ay para sa layuning amyendahan ang probisyon sa ekonomiya upang lumikha ng trabaho at kumita para suportahan ang mga pro-poor programs ng gobyerno.

 

 

Sinabi ni Romualdez na ililimita ang Cha-cha sa probisyon sa ekonomiya ng pangunahing batas ng bansa upang makaakit ng mga dayuhang mamumuhunan.

 

 

Binigyang diin ni Romualdez na ang reporma sa investment sa pamamagitan ng probisyon sa ekonomiya ay magsisilbing huling piraso sa isang ‘puzzle’ para mapagbuti ang ekonomiya at investment sa bansa.

 

 

Samantala, aprubado na rin ng komite ang paghahalal ng mga delegado sa Con-con na isasabay sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre 30, 2023. (Ara Romero)

DOTr, tataasan pa hanggang P260-K ang subsidiya para sa mga modern jeepney

Posted on: March 8th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG  ng Department of Transportation (DOTr) na plano nitong taasan pa ang equity subsidy para sa tsuper ng mga public utility vehicles ng hanggang Php260,000.

 

 

Ito ay upang mabigyan sila ng pondo at pagkakataon na makabili ng mga e-jeepney para sa ipapatupad na PUV modernization program ng pamahalaan.

 

 

Paliwanag ni DOTr Undersecretary Mark Steven Pastor, dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at iba pang gastusin ay itataas din ngayon ng Kagawaran ang ibinibigay nitong equity subsidy para sa mga PUV drivers.

 

 

Sa ngayon kasi ay nasa PHP160,000 ang halaga ng equity subsidy na ibinibigay ng DOTr para sa mga PUV drivers.

 

 

Habang tinatayang aabot sa Php1.4 million hanggang Php1.8 million ang halaga ng class 1 modern jeepney; nagkakahalaga naman sa Php2 million hanggang Php2.6 million ang class 2; habang nasa Php 2.5 million hanggang Php3 million naman ang halaga ng class 3 jeepneys.

 

Ang naturang dagdag equity subsidy program ng DOTr ay target maipatupad ng Transport department sa ikalawang bahagi ng taong 2023.(Daris Jose)

Ads March 8, 2023

Posted on: March 8th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Mga dating OFW mula sa Saudi Arabia makakatanggap ng tig-P10,000 mula sa gobyerno

Posted on: March 8th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAKAKATANGGAP ng tig-P10,000 na tulong ang mga nasa 10,000 na dating overseas Filipino workers (OFW) sa Saudi Arabia na hindi pa nakukuha ang kanilang mga sahod mula sa kanilang mga amo.

 

 

Ayon kay Depatment of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Toots Ople na ng financial package ay mula sa pagitan ng ahensiya at mga ahensiya gaya ng Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

 

 

May inilaan kasi ang DMW-OWWA at DSWD na P50 milyon bawat isa para mabigyan ng tig-P10,000 sa mga manggagawa.

 

 

Dagdag pa ng DMW na nasa 100 sa 10,000 na mga claimants ang pumanaw na habang hinihintay ang kanilang hindi pa nilang natatanggap na pasahod matapos na magdeklarang bankrupt ang mga kumpanya na kanilang pinapasukan.

 

 

Dagdag pa ng kalihim na ang nasabing halaga ay aprubado ng kanilang board at ilalabas nila ang mga panuntunan sa pamamahagi ng halaga sa mga susunod na araw.

Tigil-Pasada na ikinasa ng ilang transport group sa bansa ‘generally peaceful’ – PNP

Posted on: March 8th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INIULAT ng Philippine National Police na naging “generally peaceful” ang unang araw ng ikinasang weeklong tigil-pasada ng ilang transport group sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

 

 

Batay sa paunang assessment ng Pambansang Pulisya, naging maayos ang isinagawang kilos-protesta ng ilang grupo ng mga tsuper at operator sa unang araw ng kanilang tigil pasada at kaugnay nito ay wala namang naitalang anumang untoward incident ang kapulisan.

 

 

Ngunit gayunpaman ay nilinaw ng PNP na nananatiling nakaalerto ang kanilang buong hanay para sa weeklong transport strike na isasagawa ng mga ilang grupo ng transport sector.

 

 

Habang magpapatuloy din ang iniaalok na libreng sakay ng PNP para sa mga pasaherong maaapektuhan ng naturang tigil pasada.

 

 

Kasabay ng patuloy ding pakikipag-ugnayan ng pulisya sa kanilang mga lokal na pamahalaan kaugnay nito.  (Daris Jose)

Pag-IBIG Fund, ipinagpaliban ang 2023 contribution hike

Posted on: March 8th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IPINAGPALIBAN ng Pag-IBIG Fund ang ikakasa na sanang monthly contribution hike para sa mga miyembro nito ngayong taon.

 

 

Ito’y matapos na opisyal na  aprubahan ng  Pag-IBIG Fund Board of Trustees  ang pagpapaliban sa  contribution hike na ikakasa na sana ng ahensiya para ngayong taon.

 

 

Ang dahilan, patuloy pa ring bumabawi ang mga manggagawa at business owners mula sa pandemya.

 

 

Sinabi ni Secretary Jose Rizalino Acuzar, pinuno ng Department of Human Settlements and Urban Development at 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees, na nagkaisa  silang aprubahan ang rekomendasyon ng  Pag-IBIG Fund Management  na ipagpaliban ang umento sa  monthly contributions ng mga miyembro nito ngayong taon.

 

 

Pinagtibay ang naunang anunsyo ng ahensiya na ipatupad ang dagdag sa kontribusyon sa Enero ng susunod na taon.

 

 

Kasama rin sa ipinagpaliban ang share ng kanilang mga employer.

 

 

“This is in line with the call of President Ferdinand Marcos Jr. to alleviate the financial burden of our fellow Filipinos due to the prevailing socio-economic challenges brought about by the Covid-19 (coronavirus disease 2019) pandemic,” ani Acuzar.

 

 

Taong 2019, inaprubahan ng mga opisyal ng ahensiya ang pagdaragdag sa  monthly contributions matapos  makuha ang pagsang-ayon ng mga  stakeholders na magpatupad ng planong  contribution increase noong  2021.

 

 

Noong panahon na iyon, nakita ng ahensiya na  mahalaga ang dagdag sa kontribusyon dahil ” it projected that the amount of loans disbursed will eventually outpace the total collections from both loan payments and members’ contributions.”

 

 

Gayunman, kinilala ang epekto ng pandemiya sa mga miyembro at business community, nagdesisyon ang Pag-IBIG Fund  na ipagpaliban sa pangatlong magkasunod na taon  ang dagdag sa contributions rates na nananatiling hindi  nagbabago simula pa noong 1986.

 

 

Samantala, sinabi ni Pag-IBIG Fund chief executive officer Marilene Acosta  na ang robust fiscal standing at malakas na koleksyon ng ahensiya mula sa mga miyembro nito ang dahilan para mas makaipon  ang ahensiya sa ilalim ng  Regular at MP2 Savings programs, pinapayagan nito na tugunan ang lumalaking  loan demand ng mga miyembro nang walang contribution rate increase ngayong taon.

 

 

“Our strong financial position shall allow us to again postpone the increase in our contribution rates for a year. We are happy to report that even without any increase in our rates, we were able to post record-highs in 2022 with our membership savings collections reaching nearly PHP80 billion, loan payment collections amounting to PHP127.42 billion, short-term loan releases at 57.69 billion and home loan takeout amounting to PHP117.85 billion,” ayon kay Acosta.

 

 

“And, with the continued trust and support of our members, the business community and housing industry partners, we look forward to achieving another banner year for Pag-IBIG Fund in 2023 despite not increasing our contribution rates for the 37th consecutive year,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

‘Kalap’ program, makatutulong para makaya ng mga magsasaka at MSMEs na maging mas ‘productive, competitive’ -PBBM

Posted on: March 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr.  na makatutulong ang  Kapatid Angat Lahat for Agriculture Program (KALAP), isang private sector initiative  na makaya ng mga magsasaka at micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa bansa na mas maging  “more productive, profitable, sustainable and globally competitive.”

 

 

“We know very well how MSMEs are crucial in the creation of new ideas, of jobs and wealth in the country, so it is only right that we recognize the power and the influence that this sector holds,” ang bahagi ng talumpati ni Pangulong Marcos sa ceremonial signing ng  memorandum of agreement (MOA) sa KALAP program sa Malakanyang.

 

 

“We also recognize the role of big corporations in [innovating] MSMEs, spurring their growth, and realizing their potential. Hence, I am very happy to note the objective of the KALAP to integrate small farmers and agri-entrepreneurs into the value chain of large companies,” ayon sa Chief Executive.

 

 

Nagpahayag naman ng labis na pasasalamat si Pangulong Marcos kay GO Negosyo Founder Jose Maria “Joey” Concepcion III  para sa”the efforts you invest in our economy, particularly in the agricultural sector, [which] are truly instrumental in bringing progress across our lands.”

 

 

“The partnerships that Go Negosyo has been fostering for many years are precisely “the kind of partnerships that we are hoping to bring together,” ayon sa Chief Executive.

 

 

Pagbibigay diin sa mga benepisyo ng whole-of-society approach, sinabi ng Pangulo na ang kanyang gobyerno, ang mga  private businesses, at ang publiko ay marapat lamang na magbigay ng suporta sa programa at sa isa’t isa.

 

 

“I have always said that in the difficulties that we are facing ahead, there is no sector of society that can manage the recovery by itself,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

“And it cannot be done unless the different sectors of society are working together, working together and trying to implement a plan with a common understanding of what is needed to be done, with a common understanding of what people need, without forgetting every part of that sector or that area of the economy,”  giit ng Pangulo.

 

 

Nais din ng Pangulo na makipagtulungan ang mga ahensiya ng pamahalaan sa Philippine Center of Entrepreneurship-Go Negosyo at iba pang katuwang sa pribadong sektor kasabay nang paghikayat na manatiling totoo sa  kanilang calling bilang civil servants, “embracing patriotism, integrity, and excellence” para sa tagumpay ng KALAP program.

 

 

Umaasa naman ang Pangulo na hindi mapapagod na makipagtulungan sa administrasyon ang mga  private partners ng gobyerno at mga negosyo. (Daris Jose)

Normal ang operasyon ng PUVs sa bansa-Malakanyang

Posted on: March 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng Malakanyang na walang magiging aberya maliban sa kaunting ruta sa  National Capital Region (NCR) sa gitna ng  nagpapatuloy na  transport group strike. Tinukoy ang mga ulat mula sa  DOTr, LTFRB, MMDA at PNP, sinabi ng Malakanyang na sa pamamagitan ng  Libreng Sakay program, nagbigay ang gobyerno ng libreng sakay para sa mga commuters o mananakay na apektado ng transport group strike.

 

 

Siniguro nito sa publiko na ang pamahalaan ay mayroong  sapat na assets at mga tauhan para tugunan ang mga pangangailangan ng  commuting public.

 

 

“As of 10 a.m.,  ang EDSA Busway Carousel ay hindi pa naaapektuhan ng kahit na anumang  transport strike activity, maayos na operasyon   na may mababang bilang ng mga pasahero sa lahat ng istasyon. Pinangasiwaan naman ng Philippine National Police (PNP) personnel  ang pag-ferry sa mga pasahero mula Almar Subdivision sa  Caloocan  hanggang  Quezon City.

 

 

Nag-deploy din ang mga awtoridad ng mga sasakyan para ipagamit sa mga pasahero na may  Dapitan-Baclaran route. “As early as 4 a.m., inihanda na ng gobyerno ang mga bus para sa Libreng Sakay sa Pasay City, Marikina City, Caloocan City, at maging sa  Quezon City.

 

 

Base sa report kaninang 7:15 ng umaga, ang EDSA Busway ay nananatiling normal na nago-operate  na may “moderate to heavy volume” ng mga pasahero sa southbound mula  north sector stations, MCU at Roosevelt. Sinabi ng mga awtoridad mayroon kasing sapat na bilang ng mga bus sa ground para mag-biyahe ng stranded passengers. Sa  Calabarzon, kaninang alas-6 ng umaga, iniulat ng mga awtoridad ang kondisyon ng  SM-Crossing Calamba Terminal sa City of Calamba sa Laguna. Iniulat na may  30 stranded passengers sa terminal, idagdag pa na ang mga pampasaherong dyip na may Calamba- Biñan route ay nasa  normal operation.

 

 

Ang mga modern jeeps na buma-byahe sa  Calamba-Pacita Complex route ay nasa  normal operation din.

 

 

Tinatayang may 11 major jeepney at UV (utility vehicle) groups sa Kalakhang Maynila ang naunang sumalungat sa planong transport group strike na pinangungunahan ngayon ng Manibela, isang alyansa ng  UV drivers at isang party-list group. (Daris Jose)