
ALIW si Ruru Madrid, tila na miss nito ang girlfriend na si Bianca Umali na hindi na umabot sa presscon.
Kaya kahit standee man lang ng Kapuso actress, binitbit niya at itinabi sa kanya habang kumakanta silang lahat na Sparkle artists ambassadors ng Beautéderm kasama ang C.E.O. na si Ms. Rhea Anicoche-Tan.
Nang makausap namin si Ruru, tinanong namin ito kung ramdam na ramdam niya ang pagmamahal ni Bianca na nagpa-convert talaga sa kanyang relihiyon, ang Iglesia Ni Cristo.
Sabi naman ni Ruru, “Siguro marami rin na misconceptions na mga tao na parang pakiramdam na ‘yung pag-convert ni Bianca sa INC just because of me, pero siguro, naging instrumento ako for her. Pero siyempre, hindi ko naman siya tinutukan ng baril na, ‘mag-convert ka para sa akin!’
“Walang gano’n, siya po ang nagsabi sa akin na na-open siya sa aral ng Iglesia Ni Cristo. At no’ng sinabi niya po sa akin na gusto niyang magpa-doctrina, birthday niya po ‘yon. Kaya sobrang na-touch ako.”
At binigyang-diin din ni Ruru na hindi basta-basta nagiging kaanib ng INC.
“Hindi naman po overnight lang parang maging parte ng Iglesia, it will take months bago ka ma-convert. So, inaral niya po ‘yon. I don’t think it’s because of me kaya po niya ginawa.”
Natakot daw sila ni Bianca noong magpaalam silang dalawa sa Lola Vicky nito na magpapa-convert na nga si Bianca. Natakot daw sila na baka hindi ito pumayag, kaya nagulat pa sila na napaka-open din nito.
Pag-amin pa ni Ruru, “Pinag-panata ko ‘yon. Every night, pinagpi-pray ko ‘yon.”
Sa isang banda, kumpara dati na nakilala siyang babaero, nagka-crush man daw siya sa ibang babae, pero hanggang doon na lang.
“Siyempre, may mga paghanga pa rin, pero hindi ko masasabi na romantically na gusto kong maging girlfriend ang babaeng ‘yon, wala na pong gano’n siyempre,” sey niya.
Inamin ni Ruru na selosa si Bianca, pero may dahilan naman daw. At inamin din niya na may dahilan dati kaya ito nagselos.
“Kaya sabi ko nga sa kanya, lalo na no’ng binigyan niya ‘ko ng isa pang pagkakataon na hindi ko na hahayaang masayang ang tiwalang binigay niya sa akin. Ayoko ng makita siyang masaktan. Ayoko ng makita siyang umiiyak.”
Magkasama rin sina Bianca at Ruru sa unang pagkakataon sa bagong teleserye ng GMA in collaboration sa VIU, ang “The Write One.”
***
TEENAGER na ang panganay na anak nina Lian Paz at Paolo Contis na si Xonia.
Ang ikalawang anak naman nila na si Xalene ay 12 years old na. Magkasabay ang birthday nilang dalawa na March 7, with only one year apart.
Nag-post si Lian ng emotional message sa kanyang dalawang dalaginding na parehong beauty and brains. Pero mas tumatak sa amin ang sweetness at thoughtfulness ni John Cabahug.
Si John ang partner ni Lian kunsaan, sa Cebu na sila naka-base. Kahit na hindi tunay na anak ni John sina Xonia at Xalene, hindi mo ito mararamdaman dahil mas mararamdaman kung gaano niya kamahal ang dalawa na literally, lumaki na sa kanya at siya na rin talaga ang nag-provide ng mga pangangailangan.
Nag-post si Lian sa kanyang IG stories sa pagsu-surprise ni John kina Xonia at Xalene. Sinalubong ni John si Xalene sa paglabas ng school at binigyan ng malaking stuffed toy. Si Xonia, as 13 na, sinurpresa niya ng bouquet of roses.
May caption si Lian na, “first flowers ever bago may ibang makapagbigay.”
Si John naman, may Instagram post at greetings sa dalawa na, “Happy Birthday mga anak! Thank you for loving daddy! I will forever try my very best to take care both of you. Always kayo good girls ha. Love you!”
Pinupuri naman ng mga netizens si John sa pagmamahal at pag-aalaga nito at pagiging “ama” nga ng dalawang bata.
(ROSE GARCIA)
PINAG-UUSAPAN ngayon ang ni-reveal ng Korean-American businessman na Jeffrey Oh tungkol sa controversial actress na si Liza Soberano.
ITINUTURING ng mga negosyante sa bansa na may malaking tulong sa ekonomiya ang Republic Act 11592 o ang panukalang batas na nagreregulate ng liquefied petroleum gas industry.
PASASALAMAT at pagpupugay sa mga tauhan ng Accounts Management Section (AMS) ng SSS Diliman Branch, Quezon City.
NAKAHANDA ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbigay ng cash-for-work assistance sa mga residenteng apektado ng oil spill dahil sa lumubog na motor tanker MT Princess Empress sa bayan ng Naujan sa lalawigan ng Oriental Mindoro noong Pebrero 28, 2023.
LABIS na ikinatuwa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang naging desisyon ng dalawang transport groups na itigil na ang kanilang ikinasang tigil-pasada at hindi na paaabutin pa ito ng isang linggo.
NAGPAHAYAG ng kahandaang magsalita at makipagtulungan ang apat na nadakip na suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at walong iba pa.
TULOY ang showbiz career nina Jan Marini at mister niyang si Gerard Pizarras sa pamamagitan ng manager nilang si Rams David ng Artist Circle Management.
HINDI na kailangang magsuot ng face masks at magpakita ng patunay ng vaccination ng mga taong nagtutungo sa mga tourist spots sa bansa.