NANGGULAT sa social media ang anak ni Mark Anthony Fernandez na si Grae Fernandez.
Pinost nito sa kanyang Instagram na shirtless siya. Nilagyan niya ito ng caption na: “I miss the Heat.”
Kuha ang naturang sexy photo niya sa Miami, Florida. Bigla tuloy siyang pinagnasaan ng mga nag-init na accla!
Sumikat ang loveteam ni Grae at Kira Balinger sa teleserye na Ang Iyo Ay Akin sa ABS-CBN noong 2020. Yun na kasi ang naging huling TV appearance ni Grae bago ito nawala sa eksena.
Napag-alaman na pagkatapos ng kanyang teleserye noong 2021, lumipad ito for the US at doon na namalagi kasama ang kanyang mother. Dun niya pinagpatuloy ang kanyang pag-aaral kaya iniwan niya pansamantala ang showbiz.
Sa ibang post ni Grae sa IG, ay mas mature na siya at lalo pang guwapo. At dahil 21-years old na siya, hiling ng mga accla na bumalik sa Pilipinas si Grae at maging celebrity endorser ng sikat na underwear brand.
Sayang naman daw ang katawan nito kung hindi niya ise-share!
***
UNTI-UNTI nang nakaka-recover si Carlos Agassi sa natamo niyang aksidente sa kanyang tuhod noong nakaraang taon.
Last month ay natanggal na ang cast sa kanyang kaliwang binti at maayos na siyang nakakatayo at nakakalakad. Pero kailangan pa rin daw niya ng physical therapy para bumalik ang dating lakas ng pareho niyang binti.
Post niya sa Instagram: “Leg update. surgical left leg 140 degree flexion and normal extension, good right leg normal but got bakers cyst from physiotherapy excersises, trying to regain the muscle size of surgical leg to right leg. lesson learn, do your own reserach and do whats good for you.
“No one else will endure, the pain, suffering and expenses of surgery medicine and rehab plus the effort, down time also of not being able to work and do normal routine, trust your gut feel trust yourself. love yourself.”
September 2022 noong maaksidente si Amir habang naglalaro ng baskteball. Napuruhan ang kaliwang tuhod niya at kinailangan niyang sumailalim sa isang surgery para maibalik sa dating puwesto ang kanyang tuhod. Nangamba noon si Amir na baka hindi na siya makalakad ulit dahil sa matinding sakit na pinagdaaanan niya habang nagpapagaling siya.
Ngayon ay mabilis nang nakakapaglakad si Amir at bumalik na siya sa pag-workout ng kanyang legs para muling bumalik ang mga nawalang muscles sa mga ito.
(RUEL J. MENDOZA)
HINARANG ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tatlong babaeng pasaherong patungong Lebanon na nagtangkang umalis sa pagkukunwari bilang mga turista. Sinabi ni BI Commissioner Noman Tansingco, ang tatlong babae ay pinigil sa pag-alis sa kanilang mga flight matapos nilang aminin na sila ay papuntang Lebanon at na-recruit para magtrabaho doon bilang mga domestic helper.
MARAMI nga ang kinilig sa Fast Talk with Boy Abunda noong Huwebes, March 16 dahil sa JulieVer.
TINIYAK ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na sapat ang suplay ng isda sa panahon ng Semana Santa.
IKINATUWA ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang inhaing Senate Bill No. 2002 ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri na nagsusulong sa ₱150 across-the-board increase ng minimum wages ng manggagawa sa private sector.
ISANG internal memorandum ang ginawa ng Department of Transportation (DOTr) kung saan kanilang minumungkahi na babaan ang pamasahe sa mga public utility vehicles (PUJs) sa buong bansa.
IPATUTUPAD na simula sa Abril ang fare discount para sa mga public utility vehicles (PUVs), hindi lamang sa National Capital Region (NCR) kundi maging sa ilang piling ruta nationwide.