DALAWANG projects ang proud si Julie Anne San Jose na kasama niya si Rayver Cruz.
Ito ay ang YouTube mini-series na “Pag-ibig Na Kaya” at ang “The Cheating Game” ng GMA Pictures.
Kasama na rin siyempre ang pagiging host nila sa GMA singing contest na The Clash Season 5.
Sey ng Asia’s Unlimited Star na isang blessing daw na naging partner niya si Rayver sa mga projects niya dahil ramdam niya ang pagiging masigasig nito sa trabaho at never daw niyang narinig na nagreklamo ito kahit alam niyang pagod na ito.
“Kasi, para mag-work ‘yung mga kasi eksena talaga, you have to get to know the person. And I’ve known Rayver for quite a long-time. We’ve been really-really close,” sey pa ni Julie.
Bukod sa kanilang mga projects, hindi raw sila nakalilimot na gumawa ng mga TikTok videos para sa mga ever-loyal fans ng loveteam nila na JulieVer.
Ang mga pampakilig na duets at sayaw daw nila sa TikTok ay para sa mga fans nila na hindi nagsasawang sumuporta sa mga ginagawa nilang shows sa Kapuso network. Hindi nga raw mabubuo ang JulieVer kung hindi dahil sa mga fans nila.
Nagpasalamat din si Julie sa mga sumubaybay sa Maria Clara At Ibarra hanggang sa pinakahuling episode noong nakaraang February 24.
Marami raw nakamit na parangal ang show, pero ang pinaka-espesyal daw ay ang maibalik nila sa mga kabataan ngayon ang importansya ng pagbabasa ulit ng mga libro at bigyang halaga ang pagiging isang Pinoy.
Post pa ni Julie: “Isang napakalaking karangalan na mapabilang sa programang #MariaClaraAtIbarra. Maraming salamat sa @gmanetwork at @sparklegmaartistcenter sa tiwala at pagkakataon na mabigyang buhay ko si Maria Clara.
“Higit sa lahat, maraming salamat sa inyo gabi-gabi, nakakataba ng puso ang inyong pagsuporta at pagmamahal sa programang ito. Hanggang sa muli, ito po ang inyong Maria Clara delos Santos Y Alba, isang maalab na pagpupugay sa kasaysayan ng Pilipinas, salud!”
(RUEL J. MENDOZA)
TODAY, March 1, ang simula ng showing ng second episode ng controversial but top-grossing movie for 2022, na “Maid in Malacanang,” ang “Martyr or Murderer” produced again by Viva Films under the direction of Darryl Yap.
IKINAKASA ngayon ng ilang transport group ang isang linggong tigil pasada o pitong araw sa buwan ng Marso asais- hanggang a-dose para sa mga UV express at mga traditional jeepney sa bansa.
NANGAKO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magtatayo ang kanyang administrasyon sa pamamagitan ng “National Pabahay Para sa Pilipino Housing” (4PH) ng 1 milyon na housing units kada taon o 6 million units sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2028.
Tumugon si Stephen Loman, isang bantamweight contender at dating Brave CF bantamweight champion, sa hamon ng bagong koronang ONE bantamweight world champion na si Fabricio Andrade kasunod ng kanyang panalo laban kay John Lineker noong Sabado sa Lumpinee Boxing Stadium sa Bangkok.
Agad nagpasikat si De La Salle University rookie Angel Canino sa kanyang unang laro sa UAAP women’s division na tamang tama sa hype na nakapaligid sa kanya.
KINUMPIRMA ng West Zone concessionaire na Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) na may nadiskubre silang major pipe leak sa Osmeña Highway, kanto ng Zobel Roxas sa Maynila, kasunod na rin ng isinagawang leak detection activities sa lugar kamakailan.
UMAPELA sa pamahalaan ang mga grupo ng mga kumadrona, partikular na sa Department of Health na huwag silang balewalain at kilalanin ang kanilang kontribusyon sa health sector.
NAKIPAGPULONG ang delegasyon ng Bangsamoro Sports Commission (BSC) sa Philippine Sports Commission (PSC) Board nitong Lunes, Pebrero 27, para sa grassroots program ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).