• April 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October, 2022

SIM Registration Bill, Barangay/SK polls sa Oktubre 2023 niratipikahan ng Kongreso

Posted on: October 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NIRATIPIKAHAN  na ng dalawang kapulungan ng kongreso nitong Miyerkules ng gabi ang panukalang pagpapaliban sa December 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan elections at idaos sa October 2023.

 

 

Maging ang panukalang  mandatory SIM card registration ay naihabol din bago ang kanilang adjournment.

 

 

Sinasabing nagkasundo ang House panel at counterpart sa Senate upang maiayos ang magkakaibang provisions sa House Bill (HB) No. 4673 at Senate Bill (SB) No. 1306 na naglalayong ipagpaliban ang barangay at SK elections.

 

 

Sa bersiyon ng bill na inaprubahan ng Kamara ay itinakda ang susunod na barangay at SK elections sa unang Lunes ng December 2023 habang sa Senate version ay itinakda sa ikalawang Lunes ng December 2023.

 

 

Sa halip na gawin ang halalan sa December 2023, nagkasundo ang bicam na ire-schedule ang barangay at SK polls ng mas maaga o October 2023.

 

 

Samantala, umaasa naman si House Speaker Martin Romualdez, ang tumayong main author sa SIM Registration Act na hindi mabi-veto ang SIM card registration Bill. Sa ilalim ng panukala, may mandato ito na irehistro ang lahat ng Subscriber Identity Module o SIM card.

 

 

Sinabi ni Romualdez na sa ipinasang bersyon ngayon ng panukalang SIM Card Registration Act ay inalis nila ang probisyon ukol sa pagpaparehistro ng social media accounts na siyang dahilan ng pag-veto noon dito ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Binigyang diin ni Romualdez, napapanahon itong maisabatas bilang solusyon sa talamak na panloloko sa pamamagitan ng text messages na maaring magdulot ng trahedya sa buhay at makasira sa public order.

 

 

Ang dalawang panukalang batas ay ipapadala na sa Palasyo para lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para tuluyang maging batas. (Daris Jose)

SC: NCAP hearing sa Dec. 6 gagawin

Posted on: October 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BINAGO ang petsa ng nakatakdang pagdinig ng petitions sa Supreme Court (SC) tungkol sa oral arguments ng legality ng no-contact apprehension policy (NCAP).

 

Matapos ang panawagan ng mga transport advocates tungkol sa petitions ng legality ng NCAP, ang petsa ng pagdinig ay ginawa na sa darating na Dec. 6 at hindi na sa Jan. 25 sa susunod na taon.

 

Sa isang En Banc na ginawa noong nakaraang Tuesday, ang mga SC justices ay nagdesisyon na baguhin ang petsa ng oral argument. Habang ang preliminary conference ay itinakda sa darating na Nov. 4.

 

Kamakailan lamang ay pinahinto ng Supreme Court (SC) En Banc ang pagpapatupad ng no-contact apprehension policy (NCAP) na ginagawa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng limang (5) lokal na pamahalaan sa Metro Manila.

 

Nagbigay ng temporary restraining order (TRO) ang SC bilang sagot sa petitions na inihain ng magkakahiwalay laban sa pagpapatupad ng NCAP. Sinabi naman ng mga respondents naang ginawang TRO ay hindi man lamang nagbigay ng due course sa petitions.

 

“It issued the TROs without yet giving due course to the petitions,” wika ng SC sa kanyang pahayag.

 

Ang mga respondents saunang TRO ay ang siyudad ng Manila, Quezon, Valenzuela, Paranaque, Muntinlupa at Land Transportation Office (LTO). May isa (1) pa na TRO ang inilabas kung saan ang respondents ay ang Sangguniang Panglungsod ng Manila at Mayor Honey Lacuna.

 

Sa unang TRO, sinabi ng SC na kahit na anong apprehensions sa pamamagitan ng NCAP program at ordinances na may kaugnayan dito ay hindi pinapayagan gawin hanggang walang further orders ang Korte.

 

Samantala, sa ikawalang TRO, ang SC ay pinagbabawalan ang LTO na magbigay ng kung ano man information sa mga local government units (LGUs) sa pagpapatupad ng NCAP.

 

Pinaliwanag naman ni SC spokesman Brian Keith Hosaka na kasama pa rin ang MMDA kahit na hindi covered ng TRO bilang isang respondent. “Upon verification with the Clerk of Court, I was informed that the MMDA is covered by the TRO in the NCAP case. MMDA is covered because of its Resolution No. 16-10, Series of 2016 which was the basis of the local ordinances of LGU respondents,” wika ni Hosaka.

 

Ayon naman sa MMDA ay hindi na muna nila ipapatupad ang NCAP dahil sa sinabi ni Hosaka na ang ahensya ay covered ng SC’s TRO sa pagpapatupad ng NCAP.

 

Ang unang petisyon na inihain laban sa NCAP ay ginawa ng Kilusan sa Pagbabago ng Industriya ng Transportasyon Inc., Pasang Masda, Alliance ng Transport Operators and Drivers Association of the Philippines at Alliance of Concerned Transport Organization.

 

Sa ikalawang petisyon ay inihain naman ni Atty. Juman Paa kung saan niya nagbabala na ang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ay may access sa database ng LTO tungkol sa mga registradong sasakyan kasama na ang address at pangalan ng may-ari nito.

 

Nilinaw naman pa rin ni Hosakana ang mga LGUs na nakalagay sa TRO ay siya lamang mga magiging respondents.

 

Nang tinanong si Hosaka kung covered pa rin ang mga motorista na nabigyan ng apprehension bago pa ilabas ang TRO at kung magbabayad pa rin sila ng mga multa ay wala siyang masabi kung hindi ang maghintay na lamang ang publiko ng actual pronouncement ng SC para sa main petitions.

 

Ayon sa SC Public Information Office kanilang ilalagay sa kanilang website ang mga importanteng resolusyon kapag nakuha na nila ang official copy mula sa Office of the Clerk of Court En Banc.

 

“Likewise, the SC PIO will be creating a microsite in the SC website in connection with the case and where the public may access and view all pertinent pleadings,” saad ni Hosaka.

 

Ang NCAP ay isang road safety at traffic management program na pinatutupad ng limang (5) lungsod sa Metro Manila at MMDA sa pangunguna ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).  LASACMAR

Warriors star Curry at BTS member Suga nagkita na

Posted on: October 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGKITA  na sina Golden State Warriors star Stephen Curry at BTS member Suga.

 

 

Naganap ang pagkikita ng dalawa sa Japan kung saan nagpalitan sila ng mga gamit.

 

 

Isang basketball jersey ang ibinigay ni Curry na pirmado niya habang isang pirmado na kopya ng BTS album na “Proof” ang ibinigay ni Suga.

 

 

Mayroong dalawang laro kasi ang Warriors at Washington Wizards sa Japan.

 

 

Nauna rito ay nagpalitan ng mensahe sina Curry at Suga sa social media bago ang kanilang pagkikita.

Tinanggap ang offer na makatambal si Richard: MAJA, tuloy-tuloy lang sa ‘Eat Bulaga’ kahit balik-serye na sa ABS-CBN

Posted on: October 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

STARTING this Monday, October 3, GMA Network proudly presents the next important television milestone that will make history and love for the country a fun learning experience via “Maria Clara at Ibarra.” 

 

 

Tatampukan ito nina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose and Kapuso Drama King Dennis Trillo.

 

 

Among the  three lead stars, very excited si Julie Anne for her role, as Maria Clara, and how it inspires her in real life.

 

 

“Si Maria Clara kasi napaka-iconic.  We all know her as a symbol of hope, purity and sacrifice. Ini-embody niya ‘yung isang babae na ipinaglalaban niya ‘yung mga karapatan niya.”

 

 

Humanga rin si Julie Anne sa preparations ng production para ma-assure ang accuracy and credibility of Rizal’s novels.

 

 

“May historians and consultants po kami sa show,  language coach ng Spanish.  Kahit ang pagsasalita namin, dapat tama ang pagbigkas ng Tagalog noong panahong iyon, ang pagkilos, pag-arte at pananamit namin, para maging authentic ang mga eksena at paniwalaan na nangyari talaga ang mga iyon nang panahong iyon at maganda kapag nag-meet na ang past at present.”

 

 

Sa direksyon ni Zig Dulay, with Creative Consultant, Suzette Doctolero, mapapanood ang “Maria Clara at Ibarra,” after “24 Oras.”

 

 

***

 

SURPRISED urprised si Sparkle GMA Artist Derrick Monasterio sa dalawang awards na natanggap niya  mula sa The Diamond Excellence Awards na ginanap sa Okada Hotel last September 27.

 

 

Si Derrick ang napiling Outstanding TV Actor of the Year at siya rin ang napiling Male Star of the Night nang gabing iyon.

 

 

Nagpasalamat si Derrick: “Thank you 2nd Diamond Excellence Awards for recognizing my talents, hardwork and sacrifices.  And oh, thanks for this unexpected Male Star of the Night Award too.  #1stActingAward.”

 

 

Dagdag pa ni Derrick, magiging inspirasyon niya ang first acting award niya para lalo niyang pagbutihin ang trabaho niya ngayon, ang ongoing GMA Afternoon Prime series na “Return to Paradise,” with Eula Valdes, Teresa Loyzaga, Allen Dizon, and new Sparkle GMA artist Elle Villanueva na napapanood at 3:20PM sa GMA-7.

 

 

***

 

 

PUMUTOK na ang balita na bumalik na muli sa kanyang home network ang aktres na si Maja Salvador.  

 

 

Nabalita rin na nakita sila magkasama ni Richard Gutierrez sa Cebu, dahil doon daw ang shoot ng pagtatambalan nilang serye, ang “Iron Heart,” sa Kapamilya Channel, at makakasama nila sina Sue Ramirez at Jake Cuenca.

 

 

Taped na last Monday to Wednesday ang long-running noontime show na “Eat Bulaga,” kaya akala ng mga netizens, umalis na si Maja sa show.  Pero last Thursday, live na ang EB, at naroon na si Maja.

 

 

Allowed naman siguro siya na mag-guest pa rin sa ibang shows, kahit nasa ABS-CBN na siya uli, dahil lumalabas rin siya sa TV5.

 

 

***

 

NAG-SIGN ang GMA Network, Inc. at ang Nestle Philippines ng isang agreement for a joint campaign on climate change to intensify consumer education and encourage collective action on plastic waste via “Kapuso at Kasambuhay ng Kalikasan.”

 

 

Ayon kay GMA Network’s Vice President and Head of Corporate Affairs and Communications Angel Javier Cruz, magiging faces and the heart of the campaign ang mga Sparkle Artists na sina Sanya Lopez, Bianca Umali, Sofia Pablo, Allen Ansay, Anjay Anson, Kirsten Gonzales, at Vanessa Pena, to inspire and to influence Filipinos to protect our common home.

(NORA V. CALDERON)

P2.3 bilyong pondo ng OVP sa 2023, aprub sa Senado

Posted on: October 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MABILIS na inaprubahan ng Senate Committee on Finance ang P2.3 bilyon na panukalang budget ng Office of the President (OVP) para sa taong 2023.

 

 

Personal na humarap sa komite si Vice President Sara Duterte na mainit ding tinanggap ng mga senador sa pangunguna ni Senate President Juan Miguel Zubiri.

 

 

Sa pagsisimula pa lamang ng budget hearing, agad na hiniling ni Zubiri sa mga kapwa senador na agad aprubahan ang budget ng OVP bilang kurtesiya na katulad ng ibinigay ng Senado sa mga dating bise-presidente.

 

 

Bukod dito, tama rin lang umano ang hinihinging budget ni Duterte para sa ikabubuti ng taumbayan.

 

 

Para naman kay Sen. Sonny Angara, chairman ng komite na tradisyon na mabilis na inaaprubahan ang budget ng OVP bilang respeto sa tanggapan at hindi lang dahil sa ang nakaupo ay si Duterte na masipag, brilliant at maraming programa.

 

 

Hindi na inusisa pa ng mga administration senators ang panukalang budget ng OVP para mabilis ang talakayan at kaagad din na nagmosyon si Sen. Bong Revilla na aprubahan na agad ito.

 

 

Isa umano sa proyekto ng OVP ay sa pagtukoy ng permanenteng tahanan para sa vice-president na nilalaanan na nila ng inisyal na P10 milyon kung saan kausap nila ang GSIS at isa sa minamataan nila ay ang Coconut Palace. (Daris Jose)

TEXT SCAMS NAILALAGAY SA PANGANIB ANG RIGHT TO PRIVACY NG MGA PILIPINO

Posted on: October 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI matutuldukan ng SIM card registration bill ang text scams kundi mailalagay pa umano sa panganib ang right to privacy ng mga Pilipino.

 

 

Inihayag ni Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas na isang seryosong banta sa mahinang estado ng data privacy at sa komunikasyon sa Pilipinas ang ratipikasyon ng senado at kamara sa bicameral reports sa Sim Card Registration Bill.

 

 

“This SIM card registration bill, which is now to be transmitted in the Office of the President for signature, puts forward a lopsided presumption that all Filipinos are considered as potential criminals and evading the law unless registered as SIM card holders,” ani Brosas.

 

 

Ayon sa mambabatas, wala umanong kasiguraduhan na kapag nirehistro ng lahat ang kanilang SIM cards ay matitigil na ang mga spam messages at trolls dahil sa totoong buhay, may mga malalaking tao na nakikinabang dito.

 

 

Sinabi pa ni Brosas na ang lahat ng personal information na irerehistro sa sim cards ay ipapadala sa public telecommunications entity na lalo umanong magbubukas sa kanilang private data sa cyberattacks, spam, at scam.

 

 

“Yung mga natatanggap natin ngayon na spam at scam messages, mas lalo pa yang dadami kapag nalikom na sa isang database kung saan nakalagay ang lahat ng personal information ng sim card holders,” pahayag nito.

 

 

Ngayon pa lang aniya ay hindi na maresolba ang cyberattacks at data breach, paano pa pag nasa kamay na ng PTEs ang data ng konsyumers.

 

 

Ang dapat umanong unahin ng gobyerno ay ayusin ang implementasyon ng kasalukuyang data privacy measures.

 

 

Idinagdag ni Brosas na nagagamit umano ang rehistradong personal information ng mga kritiko sa surveillance at pag-atake.

 

 

“We cannot entrust our data to state security forces notorious for using critics’ personal information to harass and vilify them. We call on the Marcos Jr. administration to veto the bill and uphold the Filipinos’ right to communication,” pagtatapos ni Brosas. (Ara Romero)

After nang kinagiliwang vlogs kasama si Borgy: Sen. IMEE, nakipag-bonding naman kay Atty. MICHAEL sa isang rare interview

Posted on: October 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISA na namang bonggang linggo ng mga kapana-panabik na dalawang bagong vlogs ang hatid ni Senator Imee Marcos sa kanyang opisyal na YouTube channel na tiyak na kagigiliwan ng kanyang mga tagahanga.

 

Una na rito, nagbigay-pugay si Sen. Imee sa kanyang ama at dating Pangulo na si Ferdinand Marcos Sr., bilang pagunita sa ika-33 na anibersaryo ng kamatayan nito.

 

 

Sa special at heartwarming na vlog na ito, isang grupo ng mga Marcos loyalists ang magbabahagi ng kanilang mga alaala kasama ang Pangulo na kung tawagin nila ay ‘Apo Lakay’.

 

 

Habang magbibigay naman ng isang insightful tour si Mamerta Agustin sa loob ng sikat na Marcos Museum sa Ilocos Norte. Ipakikita rin sa vlog ang pagdalaw ng Senadora sa kanyang ama sa Libingan ng mga Bayani.

 

 

At dahil na rin sa request ng milyun-milyong tagahanga, ngayong Sabado, Oktubre 1, nakipag-bonding si Sen. Imee sa kanyang ikalawang anak na si Attorney Michael Manotoc, para sa pinaka-kuwela at rare intimate interview.

 

 

Mapapanood sa vlog ang mga aspeto ng pagkatao ni Atty. Michael na hindi pa nakikita ng publiko.

 

 

Ang trending na successful interview ni Sen. Imee sa kanyang panganay na si Borgy Manotoc ang sinundan ng vlog na
ito, kung saan si Michael naman ang bida habang ipinapasilip niya ang ilan sa mga impormasyon sa kanyang personal na buhay.

 

 

Mapapanood din rito kung paano ipinagtanggol ni Atty Michael ang kanyang sarili sa nakaka-aliw na paratang sa kanya ng mga kapatid na sina Borgy at Ilocos Norte Governor na si Matthew Manotoc na siya ay “iyakin.” Habang ipinapakita rin ang kanyang pakikitungo sa ina na si Sen. Imee sa nakakatuwang tsikahan nila.

 

 

Ipagdiwang natin ang buhay at pamana ni Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at magpakasaya sa front seat pass sa exclusive bonding moment nina Sen. Imee at Atty. Michael.

 

 

‘Wag ding kalimutang mag-subscribe
sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured.

(ROHN ROMULO)

Ugnayan ng Pinas-Saudi , pinagtibay nina PBBM at Saudi Foreign Minister

Posted on: October 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULING pinagtibay nina Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. at Prince Faisal bin Farhan Al Saud, Minister of Foreign Affairs ng  Saudi Arabia ang ugnayan ng Pilipinas at Saudi Arabia.

 

 

Mainit na tinanggap ng Pangulo si Prince Faisal sa Malakanyang nang mag-courtesy call ang huli.

 

 

Naka-upload sa official Facebook page ng State-run Radio Television Malacañang (RTVM) ang maikling video  ng pagkikita at pagpupulong nina Pangulong Marcos at Prince Faisal.

 

 

Makikita rin sa  nasabing video ang pagpirma ni Prince Faisal sa guest book sa  Malacañang Palace.

 

 

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng detalye ang Malakanyang hinggil sa naging pagpupulong ng dalawa.

 

 

Sa kabilang dako, nagbahagi rin ang Embahada ng Saudi Arabia sa Pilipinas ng mga larawan ng pagpupulong nina Pangulong  Marcos at Prince Faisal sa  Twitter account.

 

 

Ipinaabot  naman ng  Saudi Foreign Minister ang ‘wish’ nina  Saudi Arabia’s King Salman bin Abdulaziz at Crown Prince Mohammed bin Salman  kay Pangulong Marcos  na “continued success.”

 

 

“During the reception, they reviewed the bilateral relations between the two friendly countries based on cordiality, friendship, and joint cooperation in various fields,” ayon sa embahada.

 

 

Kasama ng Pangulo sa nasabing courtesy call sina  Executive Secretary Lucas Bersamin, Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Presidential Management Staff Secretary Ma. Zenaida Angping.

 

 

Dumating sa bansa si Prince Faisal, Miyerkules ng gabi  bago pa makipagpulong kina Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo at Pangulong  Marcos.

 

 

Samantala, nagkasundo naman sina Pangulong  Marcos at Sri Lankan President Ranil Wickremesinghe na palakasin ang  bilateral relations ng Pilipinas at Sri Lanka.

 

 

Ang  commitment  ng dalawang  lider ay nangyari sa  kanilang  bilateral meeting sa Malacañan Palace, Huwebes ng umaga.

 

 

Hangad ng dalawang lider ang  “new approaches”  upang mas lalo pang mapahusay ang ugnayan ng dalawang bansa.

 

 

“Following their friendly conversation, the two leaders commenced their bilateral discussions. During this discussion, greater emphasis was placed on further strengthening the longstanding bilateral relations between Sri Lanka and the Philippines through new approaches,” ang kalatas na naka-upload sa official website ng Sri Lanka’s President’s Media Division (PMD).

 

 

Nabanggit naman ni Pangulong Marcos  na napag-usapan nila ni  Wickremesinghe ang pagdaraos ng  Association of Southeast Asian Nations (Asean) Summit and Related Summits ngayong taon at maging ang posibleng paglikha ng  monitoring at regulatory body  na mangangasiwa sa  Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).

 

 

“In today’s courtesy call with Sri Lankan President Ranil Wickremesinghe, we discussed the upcoming Asean conference and explored the possibility of having a monitoring and regulatory body to administer the Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP). We both believe this will be beneficial to all Asean members,” ang pahayag ni Pangulong Marcos sa kanyang Facebook post.

 

 

Ang 40th at 41st Asean Summit and Related Summits ay idaraos sa Nobyembre ngayong taon. (Daris Jose)

Gross domestic product sa Pilipinas inaasahang lalago – World Bank

Posted on: October 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KUMPIYANSA ang World Bank na makakabawi ang Pilipinas sa consumption

 

Ang consumption o pagkonsumo ay tumutukoy sa mga private consumption expenditures o paggasta ng mga mamimili.

 

Sa ulat ng East Asia at Pacific Economic Update Oktubre 2022 na inilabas, inaasahan na ngayon ng World Bank ang paglago ng gross domestic product (GDP) ng bansa sa 6.5 percent para sa taong ito, mula sa 5.7 percent forecast na ibinigay nito noong Abril.

 

Ang forecast ng World Bank ay nasa ‘low end’ ng 6.5 percent hanggang 7.5 percent growth target na itinakda ng gobyerno para sa taong ito.

Ayon kay World Bank East Asia and Pacific chief economist Aaditya Mattoo na ang pangunahing dahilan ng pagbabago sa forecast ng gross domestic product (GDP) ay ang malakas na pagbangon ng private consumption sa Pilipinas, tulad ng sa karamihan ng mga bansa sa rehiyon.

 

Sinabi niya na ang bansa, na nakakuha ng tulong mula sa election spending, ay nakakita ng muling pagbabago sa parehong pampubliko at pribadong pamumuhunan, pagpapabuti ng mga pag-export at turismo.

 

Ang forecast ng gross domestic product (GDP) ng World Bank ay nagpapakita na ang Pilipinas ay inaasahang maglalagay sa pangalawang pinakamabilis na paglago sa mga bansa sa Silangang Asya at Pasipiko sa taong ito kasunod ng Vietnam, na inaasahang lalago ng 7.2 porsyento.

 

Ang ekonomiya ng Pilipinas ay lumago ng 7.8 porsyento sa unang semester.

 

Noong nakaraang taon, ang ekonomiya ay nakapagtala ng 5.7 percent growth.