• April 4, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October, 2022

Nangyari rin kay Zeinab na natanggal ng walang rason: IVANA, naghihimutok na pagkawala ng FB page na may 19M followers

Posted on: October 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGULAT at hindi malaman ng sexy actress at top youtuber na si Ivana Alawi kung bakit tinanggal ng Facebook at FB page niya na may 19 million followers.

 

Pareho sila ng isang Youtuber rin na si Zeinab Harake na may mahigit 10 million ang mga followers sa kanilang Facebook account, pero nagulat na lang sila nang tanggalin ng Facebook ang mga FB page nila.

 

Sabi ni Ivana sa kanyang tweet, “Bat ganon naman Facebook? Una niremove yung verified page ni @ZeinabHarake11 na 13M at hindi daw alam ng Facebook Team kung bakit nagkaganon.

 

“Tapos ngayon verified page ko din na 19M at Ivana Skin page nawala? No violations, no reports, no reason… why??? @facebook.”

 

Hayun, nababasa tuloy namin sa mga comment ng netizens, baka para wala raw babayaran sa kanila, huh!

 

Pero sa isang banda, kung wala naman ngang violation sina Ivana at hindi biro ang makapag-ipon ng sa tulad niya ay 19 million followers sa Facebook, unfair naman talaga sa kanila ang nangyari.

 

***

 

NAKAUSAP via video call ni Ogie Diaz ang aktor na si Tom Rodriguez.

 

Nalaman sa vlog ni Ogie na nakatira raw ang aktor sa common friend nila sa Las Vegas. At dahil birthday ni Tom nitong October 1 at nakausap nga raw niya ito.

 

At si Tom mismo ang nagsabi na halos natupad na raw ang mga birthday wish niya. Aniya, “I’ve been through a dark night of the soul this past few months.

 

“A lot of things that I don’t think would make it through. But my family has been all throughout. The kindness of strangers, people I’ve just met. People I’ve know before have truly helped me along kaya, sabi ko nga like I never felt I was alone all throughout the whole process.

 

“Kahit gaano kahirap minsan, I’m happy. So ngayon, wala na. Sana continuous na lang.”

 

Kaya it’s really safe to say na naka-move-on na nga ang actor sa pinagdaanan niya sa marriage life nila ni Carla Abellana.

 

 

 

 

(ROSE GARCIA)

Isiniwalat na nakabili na ng apartment sa Paris: HEART, napansin at pinuri ni VICTORIA BECKHAM sa suot na OOTD

Posted on: October 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA tuwing rarampa ang fashion icon at Kapuso actress na si Heart Evangelista, imposible talaga na hindi siya mapapansin, lalo sa mga designers clothes, bags and shoes na sinusuot niya.

 

 

And lately lang, nakuha ni Heart ang atensyon ng international star na si Victoria Beckham dahil sa kanyang latest OOTD sa Paris Fashion Week.

 

 

Isa si Heart sa mga celebrity fashion icon na present sa presentation ng former Spice Girls member na isa na ring fashion designer sa Paris Fashion Week show.

 

 

At suot nga ng Kapuso actress ang ilan sa design mula sa Victoria’s collection, na makikita sa photos and videos na pinost ni Heart sa kanyang Instagram account.

 

 

Last Saturday, October 1, ipinasilip ni Heart sa kanyang IG Reels, na suot niya ang structured coat black dress with ruffled tie-neck na design ni Victoria Beckham.

 

 

May hawak din siyang monogram circle bag na milyon daw ang halaga, base sa official website, at suot ang black platform ankle-strap heels.

 

 

Gamit ang ‘Feeling Good’ ni Michael Buble, may simple itong caption na black heart emoji at itinag si Victoria Beckham.

 

 

Napa-grabe ka! si Kakai Bautista.

 

 

Napa-comment naman si Karen Davila ng, “This is the BEST ⭐️ and im such a VB fan!!! Congrats dear! @iamhearte @victoriabeckham.”

 

 

Pero nang makita nga ng dating Spice Girls member ang Instagram posts ni Heart, ‘di nga napigilang mag-comment ito at purihin ang Kapuso star.

 

 

“U look incredible!!! Perfect VB muse!!!” papuri ng asawa ni David Beckham.

 

 

At sumagot naman si Heart ng, “@victoriabeckham love all 🙂 congrats! (red heart emoji)”

 

Tuwang-tuwa naman ang mga followers ni Heart at may comment para sa isang basher, “oh ayan basahin mo, anong pinagsasabi mo hindi sila close? ayan ha nag-comment na si victoria herself, boba! (crying and smiling emojis)

 

Say pa nila, “ang gagaling ng mga bashers dito… perfect nyo talga mga Pinoy… dats her job!… leave her alone or unfollow her, cuz we are millions fans to support her.”

 

“Heart, continue doing what you love because those who are rooting for you are so proud of how far you’ve come. And to the bashers thank you for noticing Heart it only means she’s successful.”

 

Samantala, ibinahagi ni Heart na nakabili na siya ng apartment habang nasa Paris pero hindi pa rin siya doon mamalagi dahil mga trabaho din siya sa Pilipinas.

 

 

“I’m not living here,” say niya.

 

 

“I have work here and I have work in the Philippines and kailangan natin ng work because you know, you gotta be independent, work for your stuff without hingi-hingi ng anik-anik. So, kailangan super work tayo. Hindi ako naniniwala sa hingi ng hingi. I’m a working girl.”

 

 

Tungkol naman sa nabili niyang apartment, “Okay I just got myself an apartment. So I do not really plan to buy anything else because I have all my nice furniture.

 

 

“I really want, very, very nice… I’m saving up for that. But I’m also so busy, I have no time to shop. The only time I have to spare is to be on my bed and rest.”

 

 

(ROHN ROMULO)

PBBM, pinangunahan ang oath-taking ng kanyang cabinet members sa Malakanyang

Posted on: October 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  ang  oath-taking  ng kanyang mga reappointed Cabinet members, araw ng Martes, Oktubre 4, sa Malakanyang.

 

 

Una sa listahan si newly-appointed Executive Secretary Lucas Purugganan Bersamin, 72,  tubong- Bangued, Abra.

 

 

Pinalitan ni Bersamin si Atty. Victor Dayrit Rodriguez, bumaba sa puwesto noong nakaraang linggo.

 

 

Pinangunahan din ng Chief Executive ang oath  taking  ng mga sumusunod na ad-interim cabinet appointees gaya nina:

 

  • Benjamin Estoista Diokno – Secretary of the Department of Finance
  • Manuel Manligas Bonoan – Secretary of the Department of Public Works and Highways
  • Alfredo Espinosa Pascual – Secretary of the Department of Trade and Industry
  • Erwin Teshiba Tulfo – Secretary of the Department of Social Welfare and Development
  • Jaime Jimenez Bautista – Secretary of the Department of Transportation
  • Renato Umali Solidum Jr. – Secretary of the Department of Science and Technology
  • Raphael Perpetuo Mercado Lotilla – Secretary of the Department of Energy
  • Maria Susana Vasquez Ople – Secretary of the Department of Migrant Workers
  • Arsenio Molina Balisacan – Secretary of the National Economic Development Authority
  • Jose Rizalino Larion Acuzar – Secretary of the Department of Human Settlements and Urban Development

 

 

Sinasabing, ang mga ito ay nauna nang na-bypassed ng Commission on Appointments (CA). (Daris Jose)

Mga pagkilala at suportang pinansyal, bumuhos sa mga bayaning tagapagligtas

Posted on: October 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BUMUHOS ang mga pagkilala at pinansiyal na suporta para sa mga bayaning tagapagligtas sa ginanap na espesyal na pagpupugay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan para sa kanilang kabayanihan na tinawag na “Salamat at Paalam… Luksang Parangal para sa mga Bayaning Tagapaglistas! sa Bulacan Capitol Gymnasium dito kahapon.

 

 

Sa ngalan nina George E. Agustin mula sa Iba O’ Este, Calumpit; Troy Justin P. Agustin ng Sta. Rita, Guiguinto; Marby A. Bartlome mula sa Bulihan, Lungsod ng Malolos; Jerson L. Resurreccion mula sa Catmon, Santa Maria; at Narciso Calayag, Jr. mula sa Lungsod ng  Malolos, tumanggap ang kani-kanilang pamilya ng plake ng pinakamataas na pagkilala mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, gayundin ng mga cash gift at scholarship mula sa iba’t ibang nasyonal at rehiyong ahensiya, opisyales ng gobyerno, at pribadong sektor.

 

 

Kabilang sa mga pinansiyal na suporta na natanggap ng mga nagdadalamhating pamilya ang P300,000 mula sa Bulacan Rescue katuwang ang Insular Life; P200,000 mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan; P200,000 mula sa Chairman ng Century Peak Holding Corp. Wilfredo Keng, na iniabot ng kanyang anak na si Katrina Keng kasama ng scholarship para sa isa sa mga naulilang bata mula sa bawat pamilya; P100,000 mula kay Al Tengco, chairman ng Philippine Amusement and Gaming Corp.; P10,000 mula sa Angat Buhay Foundation at Bulacan Angat Buhay Volunteers ni dating Bise Presidente Maria Leonor “Leni” Robredo; at scholarship grants mula sa Bulacan State University.

 

 

Sinagot naman ni Gobernador Daniel R. Fernando ng Bulacan ang lahat ng mga gastusin para sa serbisyo ng punenarya at nagkaloob ng P100,000 sa bawat pamilya mula sa kanyang sariling bulsa.

 

 

Aniya, bagaman walang katumbas na anumang halaga ang pagkawala ng limang rescuer, ang umaapaw na suporta, parangal, pagpapahalaga at pasasalamat na ipinakita hindi lamang ng mga Bulakenyo kundi mula sa lahat ng mga Pilipino ay isang testamento na hindi nasayang ang kanilang naging sakripisyo.

 

 

“Nabalot ng pagdadalamhati ang mga araw sa ating lalawigan subalit bumubuhos ang pakikiramay, mga pinansyal na tulong mula sa iba’t ibang panig ng lugar at bansa para sa pamilya ng ating limang Bulakenyong bayaning tagapagligtas. Lubha po tayong nalulungkot sa nangyari. Hindi po natin ito inasahan at hindi kailanman hinangad na mangyari lalo na sa ating mga bayaning rescuers na mas pinili ang tumulong at iligtas ang buhay ng iba kahit ang kapalit nito ay kanilang sariling buhay. Marapat lamang na lahat ng insentibo at tulong ay ating maipagkaloob sa kanilang pamilya,” ani Fernando sa ginanap na necrological service.

 

 

Ipinahayag naman ni Jessa Agustin, maybahay ni Troy Justin, ang kanyang pasasalamat para sa espesyal na pagpupugay at suportang pinansyal na kanilang natanggap.

 

 

“Ramdam na ramdam po ng pamilya namin ang pakikiramay at tulong ng buong Pilipinas. Sa lahat ng opisyal ng gobyerno lalong lalo na po kay Gov. Daniel R. Fernando at Mayor Jocell Vistan, sa mga pribado at pampublikong mga grupo at ahensya, sa media, hanggang sa mga simpleng sibilyan na katulad ko, taos pusong pasasalamat po sa inyong lahat mula sa aming pamilya sa nag-uumapaw na tulong maliit man o malaki,” naluluha niyang sabi.

 

 

Bago ang luksang parangal, nagsagawa ang mga fire truck mula sa iba’t ibang probinsya at lungsod sa bansa  ng water salute sa mga labi na mga pumanaw na bayani sa pagdaan nito sa mga gusali ng PDRRMO at Kapitolyo. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Ads October 4, 2022

Posted on: October 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

FIFA ikinalungkot ang nangyaring riot sa football match sa Indonesia

Posted on: October 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ITINUTURING  ng football governing body na FIFA na isang nakakalungkot sa mundo ng soccer ang nangyaring kaguluhan sa isang football game sa Indonesia na ikinasawi ng 125 katao.

 

 

Naganap ang insidente nitong gabi ng Sabado ng matalo ang Arema Football Club sa Persebaya Surabaya sa East Java kung saan dahil sa kapikunan ay nagpanggabot ang mga fans.

 

 

Napilitan ang mga kapulisan na gumamit ng tear gas para masawata ang kaguluhan.

 

 

Sinabi ni FIFA president Gianni Infantino na nasa state of shock ang mundo ng football.

 

 

Ang nasabing insidente ay maaari sanang mapigilan subalit hindi na ito nakontrol ng mga otoridad.

 

 

Kinondina nito ang mga kapulisan na gumamit ng tear gas sa mga fans.

 

 

Nagpaabot na rin ito ng pakikiramay sa mga nasawing biktima.

 

 

Ilang mga football clubs at teams ang nagulat at nagpaabot ng pakikiramay sa mga nasawing biktima.

 

 

Pinangungunahan ito ng Asian Football Confederation, La Liga, Spanish Football Federations at ilang clubs sa Premier League.

Malakanyang, tikom ang bibig sa ulat na lumipad pa-Singapore si PBBM para manood ng F1 Grand Prix

Posted on: October 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANANATILING tikom ang bibig ng Malakanyang kaugnay sa ulat na lumpipad patungong Singapore si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para manood ng F1 grand Prix. 

 

 

Hanggang ngayon kasi ay hindi sumasagot ang Malakanyang sa “multiple requests for a statement” ukol sa di umano’y  weekend trip sa Singapore ng Pangulo sa kabila ng nagkalat na sa social media ang mga kuhang larawan nang pagdalo ng Pangulo sa nasabing event.

 

 

Makikita rin sa official website ng F1 Singapore ang mga kuhang larawan ng anak ng Pangulo na si  Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos.

 

 

Matatandaang nito lamang araw ng Biyernes, inulan na ang  Office of the Presss Secretary (OPS) ng mga tanong at request para kumpirmahin nga ang nasabing biyahe ng Pangulo subalit walang naibigay na impormasyon ang OPS.

 

 

Samantala ang F1 Grand Prix, ang una matapos ang dalawang taon ay idinaos sa  Marina Bay street circuit. (Daris Jose)

‘Mission: Impossible 7’ Director Reveals Tom Cruise’s New And Groundbreaking Stunt

Posted on: October 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Mission: Impossible – Dead Reckoning Part One director Christopher McQuarrie has revealed that he and star Tom Cruise are developing a brand new, groundbreaking stunt.

 

The pair first collaborated on 2008’s Valkyrie, which was co-written by McQuarrie. The next time they worked together was a minor overlap three years later, when McQuarrie performed script revisions on the fifth Mission: Impossible film, Mission: Impossible – Ghost Protocol.

 

However slight, this collaboration came at the perfect time for both creators, as it was during the period that Cruise was developing his taste for performing real-life, incredibly dangerous stunts on camera.

 

Ghost Protocol is the film where Cruise famously performed a stunt where he ran down the side of the Burj Khalifa in Dubai.

 

Although they worked together on Jack Reacher and Edge of Tomorrow in the meantime, their most fruitful collaboration yet proved to be 2015’s Mission: Impossible – Rogue Nation, which McQuarrie directed. That film featured Cruise clinging to the side of a plane in midair, a death-defying act that spurred both creators to push themselves even farther on each subsequent project, which includes Mission: Impossible – Fallout, the 2021 megahit Top Gun: Maverick, and the upcoming pair of sequels Mission: Impossible – Dead Reckoning Part One and Part Two.
On his official Twitter account, McQuarrie responded to a fan question about his collaborations with Tom Cruise. The fan, whose screen name is Amanda Hunt, asked if there are any stunts that he and Tom Cruise want to do but have proven to be impossible to pull off. The Top Gun: Maverick writer’s intriguing response was to share a story from the past week, saying that “On Friday morning, I told Tom that the technology to film a specific stunt simply did not exist,” going on to say that thanks to their skilled team, “by six o’clock it existed.”

 

While this Tweet will certainly pique the interest of Cruise fans, one frustrating element is the fact that McQuarrie didn’t reveal exactly what movie the stunt he’s describing will appear in. Unless his Tweet is misleading and he’s referring to a Friday that happened long ago, it seems unlikely that it will appear in either Dead Reckoning Part One or Two, because principal photography wrapped on those films in September 2021. While it’s possible that the stunt could be part of a reshoot, it seems more likely that it will be a part of an upcoming film that both of them are working on.

 

Unfortunately, that doesn’t necessarily narrow things down. Cruise and the Mission: Impossible – Dead Reckoning Part One director are currently collaborating on at least four upcoming films, including a new action franchise, a musical, and a new collaboration with the director of Tropic Thunder.

 

However, while all those are in development, they are actively in production on a collaboration with SpaceX that will be filmed in outer space. Considering how intense the technological necessities would be for that film, it seems most likely that this is the project McQuarrie was referring to in his Tweet. (source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)

Mandatory drug test sa mga artista, itinulak

Posted on: October 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DAPAT  munang sumailalim sa mandatory drug test ang bawat artista bago ito bigyan ng pelikula o project sa telebisyon.

 

 

Ito ang mungkahi ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, kasunod na rin ng pagkakaaresto ng pulisya sa aktor na si Dominic Roco at apat na kasamahan sa ikinasang buy-bust operation sa Quezon City nitong Sabado ng umaga.

 

 

“Actors, actresses and other movie celebrities should all be drug-free because they are public figures that are being idolized by the public, particularly the Filipino youth. ” ani Barbers.

 

 

Ang mga artista ang nagsisilbing ehemplo ng publiko at malakas na ‘influencer’ kaya dapat lamang na malinis ang kanilang imahe.

 

 

Bagama’t marami sa mga artista ang hindi gumagamit ng iligal na droga, mayroon din umanong sumusubok at gumagamit na humahantong pa sa pagtutulak.

 

 

Ayon kay Barbers, dapat na bantayan at higpitan ng mga namumuno sa movie industry ang mga artista at paigtingin ang kampanya laban sa droga sa pamamagitan ng pag-police sa kanilang ranks at i-subject ang kanilang mga talents sa drug test.

 

 

Matatandaang nahuli sa illegal drug si Roco at apat pa niyang kasamahan, nang salakayin ang isang townhouse sa Barangay Holy Spirit, QC nitong Oktubre 1.

 

 

Ang grupo ni Roco na nasa kustodiya pa rin ng pulisya ay nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Gene Adsuara)

Inisa-isa ang magiging bahagi ng anniversary concert: ICE, nagpasalamat at binalikan ang mga alaala kina MARTIN at GARY

Posted on: October 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SUNOD-SUNOD ang Facebook at Instagram post ni Ice Seguerra para sa mga special guest niya sa ‘Becoming Ice: The 35th Anniversary Concert’ na magaganap ngayong October 15 (Saturday, 8 pm) sa The Theater at Solaire.

 

 

Para sa singer-songwriter at direktor na rin, dream come true nga na makasama ang dalawang OPM icons na tulad din niya, na iniidolo talaga sa music industry.

 

 

Sa kanyang post, may kuwento si Ice at pasasalamat sa magiging bahagi ng kanyang first major concert in ten years at first time din siyang magpi-perform bilang Ice.

 

 

Una siyang nagbigay ng message kay Concert King Martin Nievera, “Nu’ng bata ako, bago ko pa ma-realize na siya si Martin Nievera, tambay na ako sa bahay nila. Nakiki-swimming, nakikikain, feeling kapatid ng mga kids niya. Haha!

 

 

“Kuya Martin is the type of person na kahit isa na siyang haligi sa industriya, never niyang pinaramdam sa amin yun. Kuya siya ng lahat. I remember when we did shows in Japan, kahit madaling araw at maliit na venue, hindi nagbago ang performance niya. Du’n talaga ako napahanga sa kanya, lalo na kung paano siya makitungo sa mga taong nasa paligid niya.

 

 

“He’s someone I really look up to, mula noon hanggang ngayon, not just because of how good he is pero dahil sa puso niyang napaka generous.

 

 

“I love you, Kuya Marts! I’m so glad na magkasama tayo sa concert ko on October 15.”

 

 

Para naman kay Mr. Pure Energy Gary Valenciano, “Idol ko na si @garyvalenciano nasa tiyan pa lang yata ako ng nanay ko. I grew up listening to his songs. Ginagaya ko mga asta niya, from his dance moves hanggang panginginig ng baba, plakado dapat.

 

 

“Never ko inakala na yung ulitimate idol ko eh makakasama ko. Naging tatay ko siya sa Papa’s Girl (movie), nakasama ko rin bilang isang manganganganta, nag mentor pa kami sa Elements Camp together, at pinalad akong ma direct siya sa isang production number for an event.

 

 

“His artistry knows no bounds, he’s the ultimate professional. Napaka ganda ng work ethics, marunong sumabay sa bago without losing his identity. Mapa dance songs o ballads, alam mo ang tatak ni Gary V.

 

 

“Parang bawat stage ng buhay ko, andiyan si Tito Gary kaya sobrang saya ko na kasama ko siya to celebrate my 35th Anniversary in the business.

 

 

“Thank you for continuing to inspire me with you excellence, hard work, and generosity. Tito Gary. Can’t wait to do this concert with you.”

 

 

Ang gaganda rin ng kuwento ni Ice sa iba pang magiging guests na sina Princess Velasco na madaling nakagaanan ng loob dahil walang arte at very professional; si Juris na parang boses anghel na naging kaibigan dahil sa siomai at di maku-complete ang concert kung wala ito at si Sitti na masarap kasama dahil loka-loka at wala ring arte.

 

 

Ang Tres Marias na sina Cooky Chua (Color It Red) na hinangaan at kinaadikan niya nung 90s, Bayang Barrios (Bagong Lumad) at Lolita Carbon (Asin) na nagpa-realize kay Ice ng love niya pagkanta at nagdadala sa kanya sa ibang dimension.

 

 

Ang isa pang OPM icon na si Chito Miranda (Parokya Ni Edgar) na iniidolo ni Ice simula pa noong bata, na malaki rin ang impluwensiya sa kanya ng 90’s bank breakout.

 

 

Pasok din sa listahan ang queens ng Drag Race Philippines, na kung saan si Ice ang nagdi-direk ng ‘Drag Race PH Untucked’.

 

 

Post niya, “Sa lahat ng guests ko, sila siguro yung pinaka recent kong nakilala but these queens are just so endearing and the connection we have is inexplicable. Feisty and fierce in drag but softies in person. We’ve shared so many moments together, both happy and sad, in and out of work. These queens are my babies!!!

 

I’m so happy they said yes to be part of #BecomingIce coz my 35 years in this industry won’t be as colorful and fabulous if hindi ko sila nakasama.

 

“Love you, Queens! Shantay, you’re all staying in my heart for life!”

 

Ang naturang concert ay produced ng Fire and Ice Media Productions, Inc. at Nathan Studios. Sa mga wala pang ticket, call sa Ticketworld (02-8891-9999) or visit premier.ticketworld.com.ph.

 

 

(ROHN ROMULO)