• April 4, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October, 2022

Murder inihain vs 4 katao sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid

Posted on: October 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HAHARAP  na sa reklamong murder si Joel Estorial at tatlo pang suspek para sa pagkamatay ng ng radio commentator na si Percy Lapid (Parcival Mabasa), ito matapos umamin sa krimen ang nauna.

 

 

Martes nang iharap sa media ng pulisiya ang sumukong si Estorial habang itinuturo sina “Orly Orlando,” Edmon Adao Dimaculangan at Israel Adao Dimaculangan na binayaran diumano ng P550,000 para itumba si Lapid. Pare-parehong “at large” pa sina Orlando at ang magkapatid na Dimaculangan.

 

 

Makikitang hawak-hawak ni Roy Mabasa, kapatid ni Percy, ang reklamo para sa paglabag sa Article 248 ng Revised Penal Code (Murder).

 

 

Una nang sinabi ni Estorial na natakot siya at nakonsensya sa kasalanan niya, habang galing daw sa loob ng Bilibid ang utos na ipapatay si Lapid.

 

 

Tiniyak naman ni Interior Secretary Benhur Abalos na totoong gunman si Estorial at hindi basta iprinesenta lang bilang “fall guy” lalo na’t nag-match ang slug, ballistics atbp. sa imbestigasyon ng mga pulis. Sa kabila nito, marami pa ring duda.

 

 

“This is great police work. Binacktrack po ‘yan, tinyaga po ‘yan ng ating kapulisiyahan,” ani Abalos.

 

 

Una nang inilagay sa P6.5 milyon ang pabuya para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa ikakukulong ng mga suspects ng krimen.

 

 

Kilala ang biktima bilang kritiko ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating Pangulong Rodrigo Duterte, at sinasbaing ikalawang media man na pinatay sa ilalim ng panunungkulan ni Marcos Jr.

 

 

Umani ng malaking pagkundena ang karumaldumal na pagpatay kay Lapid sa Las Piñas ngayong buwan, dahilan para magmobilisa ang National Union of Journalists of the Philippines at magsalita ang sari-saring political figures.

(Daris Jose)

Ads October 20, 2022

Posted on: October 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Proud na rumampa sa Cannes, France kasama ang pamilya: ‘Cattleya Killer’ nina ARJO, first Filipino drama na pinalabas sa MIPCOM

Posted on: October 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DUMALO ang award-winning actor and first-termer bilang Representative ng Quezon City District 1 na si Arjo Atayde para sa international premiere ng ABS-CBN’s six-part drama series na “Cattleya Killer” sa MIPCOM Cannes, France.

 

Ang MIPCOM (Marché International des Programs de Communication), o ang International Market of Communications Programs, ay isang taunang trade show na ginaganap sa movie capital ng France na tumatakbo sa loob ng apat na araw sa Oktubre.

 

Sa Instagram post, masayang nag-pose si Arjo sa harap ng Palais des Festivals, na kung saan ipinapakita ng napakalaking billboard ng “Cattleya Killer,” ang first Filipino drama na pinalabas sa MIPCOM, ang itinuturing na largest content market sa buong mundo.

 

Sa kasunod na post ay makikita ang delegasyon ng Pilipinas sa pangunguna ng ABS-CBN International Production at executive producer na si Ruel Bayani.

 

Ang “Cattleya Killer” ang unang mainstream starring role ni Atayde mula nang manalo bilang Congressman sa unang distrito ng Quezon City sa pamamagitan ng landslide victory last May 2022 elections.

 

Si Cong. Atayde ay nakapag-propose na ng mahigit 41 na panukalang batas, kabilang ang House Bill 457, na naglalayong ideklara ang Quezon City bilang Film and TV Arts Capital of the Philippines.

 

Samantalang ang HB 459, na tungkol sa occupational safety para sa mga artista at manggagawa sa ang sektor ng pelikula at telebisyon.

 

Bilang vice chairman ng Creative Industry and Performing Arts Committee ng 19th Congress, kabilang sa mga responsibilidad ni Arjo ang pag-promote ng mga pelikulang Pinoy at serye sa pandaigdigang komunidad.

 

Ang premiere screening ng “Cattleya Killer” ay ginanap noong Miyerkules, Oktubre 19, sa Palais Auditorium na pinangunahan ng Asian Academy Creative Awards 2020 Best Actor, kasama ang kanyang kapatid na aktres at producer din na si Ria Atayde, ina at premyadong aktres na si Sylvia Sanchez, at negosyanteng ama na si Art Atayde. Sila nga ang nasa likod ng Nathan Studios Inc. na kasosyo sa drama serie. Nagsimula na nga silang mag-produce ng shows (‘Becoming Ice’), series at films.

 

At sa unang pagpapalabas ng ‘Cattleya Killer’ sa Cannes ay opisyal na minarkahan ang unang pagkakataon na ang isang seryeng Filipino ay ipapakita sa mga gumagawa ng desisyon sa industriya ang pag-aasam na makakuha ng kasosyo para sa global distribution.

 

Mula ito sa mabusising direksyon ni Dan Villegas, kasama rin sa serye sina Jake Cuenca, Christopher de Leon at Zsa Zsa Padilla.

 

Ang drama series ay tungkol sa nakaka-intrigang imbestigasyon ng misteryosong pagpatay ng isang copycat ng isang kilalang serial killer na nanakot sa Maynila, dalawang dekada na ang nakararaan.
Ang isang anak ng pulis na nagbukas sa kaso ay magiging pangunahing suspek kapag nabunyag ang mga nakaraang trauma at matagal nang nakabaon na mga lihim.

 

Ang proyekto ay kinunan sa Filipino at mayroon na ngayong English subtitles at overdubs para sa international screening.

 

Ang “Cattleya Killer” ay bahagi ng pelikula sa 2021 Full Circle Series Lab, isang Southeast Asian talent development initiative ng Film Development Council at French film company, Tatino Films, na may creative development na ginagabayan ng mga International mentor mula sa South Africa, Israel at Germany.

 

Proud na proud naman si Sylvia sa latest achievement na ito ng kanyang mga anak na sina Arjo at Ria (na maraming pumupuri sa kanyang litaw na litaw na kagandahan)

 

Of course, rumampa si Sylvia suot ang mga creations ni Frankie De Leon, na Pinoy na Pinoy ang dating.
Goodluck sa Cattleya Killer at sa Nathan Studios!

(ROHN ROMULO)

DSWD, pinagtibay ang suporta sa mas pinalakas na Asean regional cooperation

Posted on: October 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAGTIBAY ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo  ang commitment ng Pilipinas na suportahan ang development policies  ng Association of Southeast Asian Nations (Asean), tumutugon sa kakailanganing pagbabago para sa  marginalized at vulnerable sectors sa gitna ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ng DSWD na nakiisa si Tulfo sa ibang  ranking officials mula sa member-states ng  regional block para talakayin ang development policies  na naglalayong palakasin ang regional cooperation noong idaos ang  28th Asean Socio-Cultural Community (ASCC) Council meeting sa Phnom Penh, Cambodia mula Oktubre 12 hanggang 14.

 

 

Pinag-usapan sa miting ang ASCC priority areas na nakamit para sa taong 2022 at maging ang “concerns and cross-pillar issues” kabilang na ang polisiya para palakasin ang  “social protection, climate change adaptation, Covid-19 recovery, and reduction of inequalities in the Asean region.”

 

 

Inendorso rin nito ang “substantial outcome documents” para sa  adoption at notation ng mga  Asean leaders sa panahon ng nalalapit na Asean summits sa Nobyembre.

 

 

Sa naging talumpati ni Tulfo sa  senior officials meeting para sa  ASCC,  muling inulit ng Kalihim ang strong advocacy ng Pilipinas at nanawagan para sa “heightened efforts and investments” para sa paghahatid ng basic health, education, at social welfare services”. Tinukoy ang mga naging karanasan at hamon sa kasagsagan ng pandmiya at post recovery efforts.

 

 

“Now more than ever, shock responsive and adaptive social protection interventions will help safeguard the progress we have made in building resilient communities and social protection systems sustainable even with the fast-changing environment and shocks,” wika ni Tulfo.

 

 

Nagpahayag din ng pagsuporta si Tulfo para sa  advancement ng social work profession sa Asean region.

 

 

“Consistent with the mainstreaming of the Asean Roadmap to Implement the Hanoi Declaration on Strengthening Social Work Towards a Cohesive and Responsive ASEAN Community, we reiterate our strong commitment and support for the advancement of the social work profession, building positive perception and greater recognition on the role of Social Work and the wider social service workforce in Social Protection and allied sectors,” ang pahayag ni Tulfo.

 

 

“The Philippines is looking  forward to the notation of the regional guidance that will support policymakers, managers, and members of the social service workforce to further strengthen the role of social work in contributing to the enhanced equitable access of the poor and the vulnerable to responsive, effective, and inclusive social welfare programs,” aniya pa rin.

 

 

Ang ASCC ay isa sa tatlong pillars ng Asean community na committed na itaas ang kalidad ng buhay ng mga mamamayan ng member-states sa pamamagitan ng cooperative activities na “people-oriented, people-centered, environmental-friendly, at  socially responsible.” (Daris Jose)

LTFRB aaralin ‘surge fee’ sa pamasahe ng jeep, bus tuwing rush hour

Posted on: October 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PAG-AARALAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon ng ilang transport groups na magpatupad ng “surge pricing” sa pamasahe ng mga jeep at bus tuwing rush hour at peak hours bilang tugon sa pagtaas ng presyo ng langis.

 

 

Ito ang sinabi ng board, matapos magpetisyon ang ilang grupo ng dagdag na P1 na pamasahe sa mga jeep (tradisyunal at moderno) sa ibabaw ng minimum fare tuwing peak hours ng 5-8 a.m. at 4-8 p.m. Hiling din ang dagdag na P2 para sa mga bus.

 

 

“Base sa petisyon, hiling ng transport groups na lagyan ng dagdag-pasahe sa kada kilometrong biyahe tuwing rush hour o peak hours. Ang sinumiteng petisyon ay kasunod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo,” ayon sa LTFRB sa isang pahayag kanina.

 

 

Ang naturang surge pricing ay kamukha ng ipinatutupad na dagdag pamasahe ng mga ride-hailing apps tuwing masikip ang daloy ng trapiko habang nasa peak hours ang mga kalsada.

 

 

“Nauunawaan ng pamunuan ng LTFRB ang hinaing ng mga drayber at mga operator na itaas muli ang pamasahe dulot nang patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo.”

 

 

Kasama sa mga grupong humihiling ng surge fee ang grupong Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP) at Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO). Nitong Biyernes lang nang matanggap ng LTFRB ang petisyon.

 

 

“Bukod diyan, naiintindihan din ng LTFRB ang panawagan ng mga komyuter na ang muling pagtaas ng pamasahe ay lalong magpapahirap sa pang-araw araw na gastusin,” sabi pa ng board.

 

 

“Bagama’t magkakaroon ito ng inflationary effect sa ekonomiya ng bansa, isinasantabi muna ito ng ahensya upang mahimay ang mga puntong inilatag ng transport groups sa naturang petisyon.”

 

 

“Patuloy ang LTFRB sa pag-aaral ng mga petisyong inihahain sa ahensya at iba pang mga polisiya para sa kapakanan ng mga driver, operator, at mga pasahero.”

 

 

Kasalukuyang nasa P12 ang minimum na pamasahe sa tradisyunal na jeep habang P14 naman ang minimum na singil sa mga modernong jeep.

 

 

Samantala, nagpatupad naman ng dagdag pa P2 uniform base fare increase para sa mga city at provincial buses para sa unang limang kilometro, na siyang may P0.35 hanggang P0.50 na increase sa mga susunod na kilometro depende sa klase ng bus.

 

 

Itinutulak ang naturang surge sa pamasahe kahit na sumampa na sa 6.9% ang inflation rate nitong Setyembre, ang pinakamataas simula pa noong Oktubre 2018 kung kailan kasing-bilis ang pagtaas ng presyo ng bilihin.

 

 

Una nang sinabi ng mga kumpanya ng langis na magmamahal ng P0.80/litro ang presyo ng gasolina, P2.7/litro ang presyo diesel habang P2.90/litro naman ang presyo kerosene simula ngayong araw. (Daris Jose)

MICHAEL B. JORDAN’S “CREED III” REVEALS ADRENALINE-FUELED TRAILER

Posted on: October 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

THERE’S no enemy like the past. From director Michael B. Jordan, watch the official “Creed III” trailer now and see the movie in cinemas and IMAX March 1, 2023.

 

 

YouTube: https://youtu.be/PDEcgnUjxuc

 

 

Facebook: https://www.facebook.com/warnerbrosphils/videos/1483728455425197/

 

 

About “Creed III”

 

 

From Metro Goldwyn Mayer Pictures comes “Creed III,” with Michael B. Jordan making his directorial debut and returning in the role of Adonis Creed in the third installment of the hit franchise. The film also stars Tessa Thompson (“Creed” franchise, “Passing”), Jonathan Majors (“Da 5 Bloods,” “Lovecraft Country”), Wood Harris (“Creed” franchise, “Blade Runner 2049”), Florian Munteanu (“Creed II,” “Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings”), newcomer Mila Kent, and Phylicia Rashad (“Creed” franchise, “Soul”).

 

 

Jordan directs from a screenplay by Keenan Coogler (“Space Jam: A New Legacy”) & Zach Baylin (“King Richard”), from a story by Ryan Coogler (“Black Panther: Wakanda Forever”) and Keenan Coogler & Zach Baylin. It is produced by Irwin Winkler, Charles Winkler, William Chartoff, David Winkler, Ryan Coogler, Michael B. Jordan, Elizabeth Raposo, Jonathan Glickman and Sylvester Stallone. The executive producers are Sev Ohanian, Zinzi Coogler, Nicolas Stern and Adam Rosenberg.

 

 

Jordan is joined behind the camera by director of photography Kramer Morgenthau (“Creed II,” “Thor: The Dark World”), production designer Jahmin Assa (“mid90s,” “Angelyne”), editor Tyler Nelson (“The Batman,” “Rememory”),  costume designer Lizz Wolf (“Creed II,” “Pacific Rim: Uprising”), with a score by composer Joseph Shirley (“Jackass Forever,” “The Book of Boba Fett”).

 

 

Metro Goldwyn Mayer Pictures Presents A Chartoff-Winkler Production, “Creed III,” which will be distributed internationally by Warner Bros. Pictures including the Philippines.

 

 

Join the conversation online and use the hashtag #Creed3

 

 

(ROHN ROMULO)

Libreng-libre nang mag-celebrate ng 5th anniversary… BARBIE, proud na pinost na ka-holding hands si JAK at may caption na ‘O Aking Tahanan’

Posted on: October 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY ang pagpapakilig ng JulieVer tandem nila Julie Anne San Jose at Rayver Cruz sa TikTok.

 

Ang latest na pampakilig nila sa kanilang mga fans ay ang sarili nilang rendition ng Ed Sheeran song na ‘How Do You Feel’.

 

Kung hindi nga sila sumasayaw ay kumakanya sina Julie at Rayver na bentang-benta sa kanilang mga follower.

 

Sa pag-awit nila ng ‘How Do You Feel’, si Rayver ang naggigitara habang sabay silang kumakanta ni Julie. At ang hinihintay ng kanilang mga fans ay ang panakaw na pagsulyap nila sa isa’t isa.

 

Caption pa ni Rayver: “Mas maganda pala talaga tong song na toh pag may kasama…nagkita rin kami sa wakas ni Maria Clara…@Julie Anne San Jose…”

 

Sa comment section naman, sinulat ni Julie ay “Miss you…”

 

Ilang buwan din kasing hindi nagkasama ang dalawa dahil sa lock-in taping ni Julie ng top-rating GMA teleserye na ‘Maria Clara At Ibarra’. Ngayon at tapos na ang taping, ang pagkakaabalahan na ni Julie ay ang concert nila ni Rayver na ‘JulieVerse’ sa November.

 

Sure ang mga fans na hindi na nami-miss ng dalawa ang isa’t isa dahil magkasama na sila parati sa rehearsals.
At sa magiging Halloween Party ng Sparkle GMA Artist Center na The Sparkle Spell on October 23, sina Julie at Rayver din ang magka-date. Inaabangan na nga kung ano ang magiging costume ng JulieVer sa gabing iyon.

 

***

 

PINAKILIG nila Barbie Forteza at Jak Rober

 

to ang maraming netizens sa latest post nila sa social media kunsaan naka-close up ang pag-holding hands nila.
Nag-celebrate kasi ang JakBie ng kanilang relasyon na nasa ikalimang taon na. Nagsimula ang pagligaw ni Jak kay Barbie noong nagkasama sila sa teleserye na ‘Meant To Be’ noong 2017.

 

Sa Instagram, proud na pinost ni Barbie ang magkahawak na kamay nila ni Jak, na may caption na: “O Aking Tahanan.”

 

Sweet naman ang comment ni Jak sa post ni Barbie: “I love you so much.” Agad ito sinundan ni Barbie ng: “I love you! Laters, baby.”

 

Muling nagkasama sina Barbie at Jak noong matapos ang lock-in taping ng aktres para sa historical portal fantasy series na ‘Maria Clara at Ibarra’.

 

Ilang buwan din daw silang hindi nagkasama dahil sa trabaho kaya nasabik sila sa isa’t. Ngayon lang daw sila talaga puwedeng mag-celebrate ng kanilang 5th anniversary bilang magsyota dahil pareho silang libre na sa kanilang trabaho.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Pangako ni PBBM, susuportahan ang PCG modernization

Posted on: October 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SUSUPORTAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalawak at modernisasyon ng  Philippine Coast Guard’s (PCG).

 

 

Ito ang inihayag ni Pangulong Marcos sa pagdiriwang ng  ika- 121  founding anniversary ng PCG sa  Port Area, Manila.

 

 

Hindi naman lingid sa kaalaman ng Pangulo na maraming mga bagong gampanin ang mga miyembro ng coast guard sa labas ng kanilang balwarte.

 

 

“Now, you are in the frontline in the defense of our maritime territory, in defense of our economic zones, in defense of our baselines. Although this may not have been originally part of the mission of the Philippine Coast Guard, you have nonetheless been performing that mission with honor, with skill, with dedication,” ang bahagi ng naging talumpati ni Pangulong Marcos.

 

 

“As your leader, I assure you that this administration will always be behind you, supportive of your efforts and initiatives to modernize the Philippine Coast Guard, which will redound to the better delivery of service to the nation,” wika pa ng Pangulo.

 

 

Pinuri naman ng Chief Executive ang PCG dahil sa kahanga-hangang  record nito bilang “oldest and only humanitarian armed service” ng bansa simula noong 1901.

 

 

Pinasalamatan naman ng Punong Ehekutibo ang mga tauhan ng PCG para  sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa karagatan, pagbibigay ng  tulong sa  mga distressed Filipino,  lalo na sa panahon ng natural calamities at sakuna sa karagatan.

 

 

“Throughout your century-old narrative, you have never failed to heed the call of your fellow Filipinos, always in their time of need,” ang wika ng Pangulo sabay sabing . “This success speaks well of your loyalty, your perseverance, and also your triumphs in carrying out your mandates, as you continuously evolve into a more reliable, relevant agency over the years in the future.”

 

 

Ang PCG  ang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na responsable sa  pagganap sa  “maritime search and rescue, maritime law enforcement, maritime safety, marine environmental protection at maritime security.”

 

 

Nakikinita na nito ang sarili bilang “world-class” sea guardian sa taong  2028 na may layuning “to save lives, ensure safe maritime transport [and] cleaner seas, and secure maritime jurisdiction.”

 

 

Aasahan naman ng Pangulo ang patuloy na  “good work” ng PCG.

 

 

Kumpiyansang inihayag ng Pangulo na ang  PCG ay magta-transform bilang  “world-class guardian of the sea  that steers the Philippines towards safer shores and even onwards to a better, brighter, and more prosperous future.”

 

 

“As you fulfill your duty, know very well that you will never sail as a lone body in these unsettling waters. The entire force of the Filipino people will fuel your voyages, aiding you in your mission, as you brave our seas and make a difference in the lives of the people that you serve,” ayon sa Pangulo.

 

 

“I urge you to continue your dedication and persistence in your duties and responsibilities and move full throttle towards the realization of your vision to be a world-class guardian of the sea — committed to save lives, assure safer maritime transportation, ensure cleaner seas, and secure maritime jurisdiction,” dagdag na wika pa nito.

 

 

Samantala, pinuri rin ni Pangulong Marcos ang mga miyembro ng PCG  bilang  “stewards of the environment” na magpo-promote ng environmental sustainability sa pamamagitan ng tiyakin na ang lahat ng ‘vessels at activities” sa karagatan ay sumusunod sa umiiral na regulations and laws ng bansa.

 

 

Kinilala naman ng Pangulo ang pagsisikap ng  PCG na paghusayin pa ang operational efficiency nito sa pamamagitan ng i-maintain ang  lighthouses para masiguro ang kaligtasan ng mga  mangingisdang Filipino  at Philippine ships.

 

 

“The PCG is likewise crucial to the government’s law enforcement initiatives by ensuring and maintaining peace and order at sea,” ani Pangulong Marcos sabay sabing  “For all that you have done and that you continue to do, the entire Filipino nation is grateful.”

 

 

Sa nasabi pa ring event, nagkaloob naman si Pangulong  Marcos  ng  awards sa  13 outstanding PCG personnel at nakatanggap naman ng isang memento mula sa  coast guard.

 

 

Nagkaroon din ang Pangulo ng tour ng  BRP Gabriela Silang, itinuturing na “largest offshore patrol vessel” ng PCG. (Daris Jose)

‘JulieVerse’ concert, inaabangan na ng mga fans: JULIE ANNE at RAYVER, ‘di ikinakailang nami-miss ang isa’t-isa

Posted on: October 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HAPPY ang mga JayVer fans nina Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, dahil hindi na nila ikinakaila ang namamagitan na sa kanilang dalawa.  

 

 

Dahil naka-lock-in taping si Julie sa Vigan City, Ilocos para sa “Maria Clara at Ibarra” with Barbie Forteza at Dennis Trillo, hindi nila ikinakailang nami-miss nila ang isa’t isa.

 

 

Madalas silang mag-post how they miss each other.

 

 

Nang minsang mag-taping break si Julie, sinamantala na nila ni Rayver na mag-invite together para sa coming concert nila: “JulieVerse” concert is just around the corner at the Newport Performing Arts Theater, Pasay City on Saturday, November 26, 2022.

 

 

“Our special guests are Kyline Alcantara and Mavy Legaspi, director is Paolo Valenciano. For tickets, visit gmanetwork.com/synergy or at ticketworld.com.ph! See you there!”

 

 

Sa ngayon ay patuloy pa ang lock-in taping at nagpapasalamat ang buong cast at production staff ng historical fantasy portal na dinidirek ni Zig Dulay, dahil sa magaganda nilang comments at gabi-gabi silang sinusubaybayan at nagti-trending sa timeslot nilang 8 pm sa GMA-7, after ng “24 Oras.”

 

 

                                                            ***

 

 

LAST Sunday, October 16, um-attend si Asia’s Multimedia Star Alden Richards ng “AlDub Nation Charity Event,” in celebration nila ng 7th year nila as fans nina Alden at Maine Mendoza. 

 

 

Yes, masigla pa rin ang bumubuo ng AlDub, tahimik lamang sila sa patuloy na pagsuporta nila sa kanilang mga idolo, kaya naman, hindi nagkakait ng oras nila kahit isa lamang sa kanila, kapag may mga okasyon silang isini-celebrate.

 

 

Tulad nga ng charity event, para sa pagsuporta nila sa AR Foundation ni Alden, na ang layunin ay makakakuha ng mga scholars para matulungan nilang makatapos ng pag-aaral.  Invited nilang nag-host si Kapuso comedian Betong Sumaya para sa games and raffle nila at pag-interview rin kay Alden.

 

 

Personal ngang nagpasalamat si Alden sa AlDub Nation: “Hindi po matatawaran ang patuloy ninyong pagsuporta sa amin ni Maine, at sa AR Foundation.  Sa ngayon po ay may 12 scholars na tayo, 3 na po ang naka-graduate ng college at may ga-graduate pang 5 this year.

 

 

“Sa susunod pong school year baka magkaroon na tayo ng 25 scholars,  sinisikap po naming mas maraming matulungan tayong mga kabataan na gustong makapagtapos ng pag-aaral.  Muli, ang aming pasasalamat sa patuloy ninyong pagsuporta sa amin.”

 

 

Sa ngayon ay tapos na tapos na ang taping ng “Start-Up PH” nila nina Bea Alonzo, Jeric Gonzales, Yasmien Kurdi, Ms. Gina Alajar and others, sa direksyon nina Jerry Sineneng at Dominic Zapata na napapanood every night, after “Maria Clara at Ibarra.”

 

 

                                                            ***

 

 

MATUTUWA na siguro ang mga netizens na sumusubaybay sa GMA Afternoon Prime series na “Return to Paradise” nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva, ngayong papalapit na ang finale week nila.

 

 

Makakapaghiganti na ba si Amanda (Eula Valdes) laban kay Rina (Teresa Loyzaga), sa lahat ng kasamaan nito sa kanya at sa anak niyang si Eden (Elle)? Maniwala na kaya si Red (Derrick) sa katotohanan na masama ang kanyang inang si Rina at humingi siya ng sorry kay Amanda?

 

 

Napapanood ang “Return to Paradise” daily, 3:25 PM after “Abot-Kamay na Pangarap.”

 

 

Exciting naman para sa mga fans nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, ng “What We Could Be” ng GMA Networks at Quantum Films, kung maayos na ang mga problema nila like ang pag-alis ni Franco (Miguel) nang walang paalam at pag-iwan niya kay Cynthia (Ysabel).

 

 

Pagkakataon na ba iyon ni Lucas (Yasser Marta) na makuha niya ang atensyon ni Cynthia?

 

 

Napapanood naman ang “What We Could Be” Mondays to Thursdays, 9:35 pm, pagkatapos ng “Start-Up PH”.

 (NORA V. CALDERON)

Media security, “best done” sa pakikipag-ugnayan sa newsrooms-CHR

Posted on: October 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAALALAHANAN ng  Commission on Human Rights (CHR)  ang law enforcement agencies na tiyakin ang kaligtasan ng mga mamahayag sa pamamagitan ng “necessitates a careful balance in respecting individual and collective rights”.

 

 

Sa isang kalatas,  sinabi ng CHR  na welcome sa kanila ang naging  direktiba na ihinto at imbestigahan ang napaulat  na “Unannounced police visit” sa bahay ng ilang mamamahayag sa Kalakhang Maynila kamakailan upang alamin kung mayroong silang natatanggap na banta sa buhay.

 

 

“Media security is best pursued through regular coordination with their respective organizations, as well as journalist groups, to institutionalize efforts protecting media freedom and safety,” ayon sa komisyon.

 

 

“In this way, members of the media are aware of what to expect and what law enforcement agencies can commit as a means to level off and further improve on protocols as necessary,” wika pa nito.

 

 

Nauna rito, humingi ng paumanhin si Interior Secretary Benhur Abalos kasunod ng kontrobersyal na pagbisita ng mga pulis sa bahay ng ilang mamamahayag sa Kalakhang Maynila kamakailan upang alamin kung mayroong silang natatanggap na banta sa buhay.

 

 

Ang hakbang ng kalihim ay kasunod ng paghingi rin ng paumanhin ng Eastern Police District (EPD) matapos pumalag ang mga mamamahayag na binisita ng mga pulis ang kani-kanilang bahay na malinaw na  paglabag sa kanilang privacy.

 

 

Dahil dito, ipinag-utos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief PBGen. Jonnel Estomo  sa kanyang mga tauhan na itigil na ang mga unannounced visits.

 

 

“Sabi ko nga kila General (Estomo), the intention is good. However, the effect was not good,” ayon kay Abalos.

 

 

“While the move is coming from good faith… it created panic. If it created panic, pasensya na. Hindi na mauulit ito,” sabi ni Abalos sa isang panayam nitong Linggo sabay sabing “Pasensya na po kung nagkaroon ng undue fear sa baba.”

 

 

Kinondena naman  ng National Union of Journalist of the Philippines ang ginagawang “unannounced visit” ng mga pulis sa bahay ng mga mamamahayag.

 

 

Kasunod ito ng ulat na pagbisita ng isang hindi naka-unipormeng pulis sa private residence ng isang reporter ng GMA News nitong Sabado upang mangamusta kung nakatatanggap ito ng mga pagbabanta.

 

 

Sa inilabas na statement ng NUJP, nagpahayag ng pagkabahala ang grupo sa pagbisita ng mga pulis sa bahay ng mga mamamahayag nang wala munang pasabi.

 

 

Bagama’t maganda ang hangarin, mainam anila na gawin na lamang ang pakikipag-usap sa newsroom o sa mga press corps, press club at mga organisasyon ng mga journalist sa NCR.

 

 

“While the National Capitol Region Police Office’s statement that they would reach outto journalists in the wake of Pethe murder of Percy Lapid is welcome and encouraging, the National Union of Jounalists of the Philippines is concerned at reports of police officers visiting colleagues in their homes and without proper coordination,” saad ng NUJP.

 

 

“Assuming good faith, these meetings and dialogues are best done through newsrooms or through the various press corps, press clubs, and journalists’s organizations in the capital.” (Daris Jose)