KUMBINSIDO si Roy Mabasa, kapatid ni Percy Lapid na hindi fall guy si Joel Escorial at ito mismo ang bumaril at nakapatay sa kanyang kapatid noong Oktubre 3 sa Las Piñas.
Sa kanyang pagsama sa ginawang walk through sa crime scene ng pulisya, sinabi ni Mabasa na nagkaroon siya ng pagkakataon na makausap at kuwestiyunin si Escorial at mapalitaw kung nagsasabi ito ng totoo.
Ayon kay Mabasa, kumbinsido siyang nagsasabi ng totoo si Escorial dahil sa mga mahahalagang impormasyon, pagpaplano at detalye ng pagpaslang sa kanyang kapatid.
“On the basis of what he (Escorial) said, I believe in this suspect. I believe the statements he made because the specific details he discussed are really important,” ani Mabasa.
Aminado si Mabasa na una siyang nagduda na posibleng fall guy si Escorial. Ito rin ang mga espekulasyon ng mga netizens.
Sa walkthrough din niya nalaman na nagpagupit ito bago sumuko.
Una nang sinabi ni Escorial na ang kanyang pagsuko ay bunsod ng takot na patayin at ang matinding konsensiya.
Dito na binanggit ni Escorial kay Mabasa na kinontak sila ng ‘middleman’ upang magtungo sa ‘safehouse’. Para kay Escorial ang ‘safehouse’ ay nangangahulugang pagpatay sa kanila kaya nagpasya na siyang sumuko.
Aniya, ang mahalaga sa ngayon ay matiyak ang kaligtasan ni Escorial na sumuko at handang tumulong sa pagresolba sa pagpatay sa kanyang kapatid.
Tiniyak naman ni Mabasa na hindi kilala ni Escorial kung sino ang nagpapatay sa kanyang kapatid dahil ang middleman lamang na nasa New Bilibid Prisons ang kumontak sa kanya. Sinabi ni Escorial na binayaran silang lima ng P550,000 para sa pagtumba kay Lapid. Nasa P140,000 ang kanyang nakuha.
Nanawagan din si Mabasa sa pulisya na tiyakin ang kaligtasan ng ‘middleman’ dahil ito ang posibleng nakakakilala sa masternmind.
Ibinunyag na rin ni Escorial ang tatlo pa niyang nakasama na kinabibilangan nina Edmund at Israel Dimaculangan at isang nagngagalang Orly.
Samantala, sinampahan na ng kasong murder ang suspek na si Escorial at tatlo nitong kasabwat sa Department of Justice (DOJ) kahapon.
Personal na nagtungo kahapon sa DOJ si Mabasa para sa pagsasampa ng kaso laban kay Escorial at tatlong iba pa na sina Israel Dimaculangan, Edmon Dimaculangan, at isang alyas Orly/Orlando.
Kasama ni Mabasa ang mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detective Group sa pangunguna ni Police LtCol. Joel Manual Ana, bilang complainant din sa kaso.
Sinabi ni Prosecutor General Benedicto Malcontento na isinagawa ang ‘inquest proceeding’ nitong Martes ng gabi at posibleng mailabas ang resolusyon ngayong Huwebes. (Daris Jose)
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na suportado ng kanyang administrasyon ang modernisasyon ng Philippine Coast Guard (PCG).
PATULOY ang pagsososyo ng nagdedepensang University of the Philippines at National University sa liderato sa UAAP Season 85 men’s basketball tournament.
HANDA na ang lahat ng miyembro ng Philippines BEST (Behrouz Elite Swimming Team) Killerwhale sa 2022 Hamilton Aquatics Short Course Swimming Championships na lalarga sa Oktubre 22 hanggang 23 sa Hamdan Bin Mohammed Bin Rashid Sports Complex.
SISIMULAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian ang pagtatayo ng bago at modernized na Finance Center Building at Legislative and People’s Center Building kasunod ng isinagawang groundbreaking ng mga ito bilang sagot sa mga umiiral na isyu sa city hall.
GAGAWIN na sa Pilipinas ang susunod na laban ni dating world super flyweight champion Jerwin Ancajas.
PANSAMANTALANG manunungkulan bilang Alkalde ng Lungsod ng Maynila si Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto dahil sa pagdalo ni Mayor Honey Lacuna-Pangan sa C4 World Mayors Summit na gaganapin sa Buenos Aires, Argentina.
NILINAW ng Department of Education (DepEd) na hindi pa pinal ang pagtanggal ng pagtuturo ng mother tongue o sariling dialect bilang asignatura.
HINDI kami pabor sa sinasabi nina Senator Robin Padilla at Senator Jinggoy Estrada na dapat i-ban ang mga K-dramas sa Pilipinas.
NAKAPAGTALA na ang Pilipinas ng bagong mas nakakahawang Omicron XBB subvariant at XBC variant ayon sa Department of Health (DOH).