HAPPY ang mga JayVer fans nina Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, dahil hindi na nila ikinakaila ang namamagitan na sa kanilang dalawa.
Dahil naka-lock-in taping si Julie sa Vigan City, Ilocos para sa “Maria Clara at Ibarra” with Barbie Forteza at Dennis Trillo, hindi nila ikinakailang nami-miss nila ang isa’t isa.
Madalas silang mag-post how they miss each other.
Nang minsang mag-taping break si Julie, sinamantala na nila ni Rayver na mag-invite together para sa coming concert nila: “JulieVerse” concert is just around the corner at the Newport Performing Arts Theater, Pasay City on Saturday, November 26, 2022.
“Our special guests are Kyline Alcantara and Mavy Legaspi, director is Paolo Valenciano. For tickets, visit gmanetwork.com/synergy or at ticketworld.com.ph! See you there!”
Sa ngayon ay patuloy pa ang lock-in taping at nagpapasalamat ang buong cast at production staff ng historical fantasy portal na dinidirek ni Zig Dulay, dahil sa magaganda nilang comments at gabi-gabi silang sinusubaybayan at nagti-trending sa timeslot nilang 8 pm sa GMA-7, after ng “24 Oras.”
***
LAST Sunday, October 16, um-attend si Asia’s Multimedia Star Alden Richards ng “AlDub Nation Charity Event,” in celebration nila ng 7th year nila as fans nina Alden at Maine Mendoza.
Yes, masigla pa rin ang bumubuo ng AlDub, tahimik lamang sila sa patuloy na pagsuporta nila sa kanilang mga idolo, kaya naman, hindi nagkakait ng oras nila kahit isa lamang sa kanila, kapag may mga okasyon silang isini-celebrate.
Tulad nga ng charity event, para sa pagsuporta nila sa AR Foundation ni Alden, na ang layunin ay makakakuha ng mga scholars para matulungan nilang makatapos ng pag-aaral. Invited nilang nag-host si Kapuso comedian Betong Sumaya para sa games and raffle nila at pag-interview rin kay Alden.
Personal ngang nagpasalamat si Alden sa AlDub Nation: “Hindi po matatawaran ang patuloy ninyong pagsuporta sa amin ni Maine, at sa AR Foundation. Sa ngayon po ay may 12 scholars na tayo, 3 na po ang naka-graduate ng college at may ga-graduate pang 5 this year.
“Sa susunod pong school year baka magkaroon na tayo ng 25 scholars, sinisikap po naming mas maraming matulungan tayong mga kabataan na gustong makapagtapos ng pag-aaral. Muli, ang aming pasasalamat sa patuloy ninyong pagsuporta sa amin.”
Sa ngayon ay tapos na tapos na ang taping ng “Start-Up PH” nila nina Bea Alonzo, Jeric Gonzales, Yasmien Kurdi, Ms. Gina Alajar and others, sa direksyon nina Jerry Sineneng at Dominic Zapata na napapanood every night, after “Maria Clara at Ibarra.”
***
MATUTUWA na siguro ang mga netizens na sumusubaybay sa GMA Afternoon Prime series na “Return to Paradise” nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva, ngayong papalapit na ang finale week nila.
Makakapaghiganti na ba si Amanda (Eula Valdes) laban kay Rina (Teresa Loyzaga), sa lahat ng kasamaan nito sa kanya at sa anak niyang si Eden (Elle)? Maniwala na kaya si Red (Derrick) sa katotohanan na masama ang kanyang inang si Rina at humingi siya ng sorry kay Amanda?
Napapanood ang “Return to Paradise” daily, 3:25 PM after “Abot-Kamay na Pangarap.”
Exciting naman para sa mga fans nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, ng “What We Could Be” ng GMA Networks at Quantum Films, kung maayos na ang mga problema nila like ang pag-alis ni Franco (Miguel) nang walang paalam at pag-iwan niya kay Cynthia (Ysabel).
Pagkakataon na ba iyon ni Lucas (Yasser Marta) na makuha niya ang atensyon ni Cynthia?
Napapanood naman ang “What We Could Be” Mondays to Thursdays, 9:35 pm, pagkatapos ng “Start-Up PH”.
(NORA V. CALDERON)
PINAALALAHANAN ng Commission on Human Rights (CHR) ang law enforcement agencies na tiyakin ang kaligtasan ng mga mamahayag sa pamamagitan ng “necessitates a careful balance in respecting individual and collective rights”.
PARA sa infectious disease expert na si Dr. Rontgene Solante, naniniwala siya na nakapasok na ang bagong COVID-19 Omicron subvariant XBB sa bansa dahil sa maluwag na polisiya ng pamahalaan sa “border control” at pagpasok ng mga biyahero.
MAAARI pa ring magpatupad ng distance at blended learning, paglampas ng Nobyembre 2, ang mga pribadong paaralan sa bansa.
ISASAGAWA na sa Disyembre 3 ang paghaharap ni dating three- division champion John Riel Casimero at Japanese veteran boxer Ryo Akaho.
KUNG ganun-ganun na lang pasasalamat ni Ice Seguerra sa wife na si Liza Dino-Seguerra, na nag-suggest nga na magka-concert siya to celebrate ang kanyang 35 years in the industry at ang kinalabasan ay sold-out concert nga ang ‘Becoming Ice’ last October 15 sa The Theater at Solaire.
ZENDAYA spent three months training for her role in the tennis-themed romantic comedy, Challengers.
DAHIL marami na ang nakakapanood ng historical portal fantasy series na Maria Clara At Ibarra ng GMA-7 kaya naman ang mga Pinoy na naka-base sa ibang bansa ay hinihiling na lagyan ng English subtitles ang bawa’t episodes kapag pinapanood nila ito sa YouTube.
AABOT na sa halos tatlong milyon tickets ang naibenta para sa FIFA World Cup sa Qatar.
INIANUSYO ngayon ni Office of the Press Secretary officer in charge Usec Cheloy Garafil na pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang proclamation na nagdideklara sa October 31 ngayong taon bilang special non working holiday.