IPINAG-UTOS ni Manila Mayor Honey Lacuna ang paglilinis sa listahan ng mga senior citizen upang makatiyak na residente pa ang mga ito sa lungsod.
Ang direktiba ay ibinigay kay Office of Senior Citizens’ Affairs (OSCA) chief Elinor Jacinto, matapos na makatanggap ng ulat na may mga nasa listahan na hindi na nakatira sa Maynila at patuloy na nakakatanggap ng ayuda.
Ito rin, ayon kay Lacuna, ang dahilan kung bakit nire-require ng OSCA ang personal appearance ng mga senior citizens kapag kukuha sila ng monthly financial aid na ipinamimigay ng pamahalaang lungsod ng Maynila.
Kabilang din sa pinabubusisi ang mga nasa listahan na doble ang pangalan o mga nakatala sa magkaibang barangay dahil sa paglipat ng tirahan o upahan.
Sinigurado naman ng alkalde na ang mga inactive ang status dahil sa hindi kumpleto ang kanilang detalye ay aasistihan ng pamahalaang lungsod.
Sa katunayan, sinabi ni Lacuna na marami ng mga senior citizens ang humingi ng tulong sa tanggapan ng OSCA para mag-fill out ng mga kailangang detalye para sila ay mapabilang sa listahan ng mga tatanggap ng monthly cash assistance na ibinibigay ng lokal na pamahalaan.
“Marami na ang nagtungo at natugunan naman ang kanilang problema tungkol sa masterlist. May mga pinagagamit tayong laptops or computers para malutas kaagad ang mga ganyang problema,” sabi ni Lacuna.
Binanggit pa ng lady mayor na may mga pagkakataon na ang isang senior citizen ay nakarehistro sa kanyang sariling barangay, pero nakarehistro pa rin sa barangay ng kung saan nakatira ang anak nito.
Kapag nasa masterlist na ang isang senior citizen, wala ng dahilan, ayon kay Lacuna para hindi niya matanggap ang kanyang allowance sakaling ito ay available na.
MASARAP palang maging kuya si Ruru Madrid dahil very protective ito sa kanyang mga kapatid.
NAG-COURTESY call si Filipino Olympian at pole vaulter EJ Obiena kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., araw ng Biyernes sa Malakanyang.
NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga opisyal ng fiber broadband provider Converge ICT Solutions, Inc. at South Korea’s largest telecommunications firm, KT Corp., araw ng Biyernes sa Malakanyang.
AS filming finally kicks off on the long-awaited sequel, James Wan has shared a new The Nun 2 behind-the-scenes photo confirming another original character’s return.
INANUNSYO ng West-zone Maynilad Water Services na makaranas ng water supply interruptions ang ilang bahagi ng Metro Manila, Cavite, at Bulacan area simula Linggo dahil sa mataas na demand sa Bagbag Reservoir.
NAPABALITANG maggi-guest si dating Senator at Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa “Running Man Philippines” na adaptation ng Korean variety show.
NASA pitong ambulansiya ang ipinamahagi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa limang munisipalidad, mga sundalo at isang pagamutan, sa ilalim ng kanilang Medical Transport Vehicle (MTV) Donation Program.
NAGPAKA-FANGIRL si Korina Sanchez at may nalaman siya tungkol sa lovelife ni Raymond Bagatsing.