GANAP nang batas ang pagpaparehistro ng sim card, matapos itong lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ngayong umaga sa Malacanang.
Sa kanyang mensahe, sinabi ng pangulo na matagal na dapat itong naisabatas.
Isa aniya itong epektibong paraan ng pag-regulate ng mga sim card na karaniwang ginagamit sa mga panloloko o spam at scam messages.
Ayon sa pangulo, ang batas na ito ay magbibigay ng mas malakas na panlaban sa pagsasagawa ng mga iligal na aktibidad o krimen.
Sa ilalim ng Sim Card Registration Act, sinabi ng pangulo na obligado ang publiko na may cellphone at gumagamit ng sim cards na magparehistro.
Sinumang hindi magri-rehistro sa itinakdang panahon ay otomatikong madi-deactivate ang sim card.
Inaatasan naman ang mga telecommunication companies na panatilihing confidential ang pagkakakilanlan ng nagmamay ari ng sim card.
Maliban na lamang kung may utos ang korte na makuha at isiwalat ang pangalan ng nagmamay ari nito o may hiling ang mga otoridad na ito ay mabunyag dahil sa mga insidenteng ginamit ang sim card sa iligal na gawain o krimen at ito ay kasama sa imbestigasyon ng mga otoridad.
Ito ang kauna-unahang panukala na naisabatas ng administrasyong Marcos, na ayon sa pangulo ay napapanahon sa mga nangyayaring iligal na aktibidad gamit ang sim cards.
Sa ilalim ng RA 11934, isasagawa ang sumusunod:
*pagpaparehistro ng lahat ng SIM cards, dahilan para maobliga ang lahat ng public telecommunication entity o direct seller na magmintena ng SIM Card Register ng kanilang mga subscriber na maglalaman ng lahat ng impormasyong kailangan sa ilalim ng batas
*kakailanganin nang magpresenta ng end users ng SIM cards ng valid identification document para ma-validate ang kanilang pagkatao
*ioobliga rin ng batas na mairehistro ng mga telecommunications entities ang mga lumang SIM card phone subscribers sa loob ng isang takdang panahon
*magtatakda ng parusa ang batas sa paggamit ng pekeng impormasyon sa tuwing nagrerehistro ng SIM card
Pagtitiyak din ng gobyerno, magkakaroon naman ng proteksyon ng confidentiality at data privacy rights ng mga subscriber na siyang mangyayari oras na ibinenta ang SIM.
Sa kabila nito, maaaring pwersahin ang mga public telecommunication entity na ibahagi ang impormasyong nasa rehistro ng SIM card matapos makapagpaluwal ng subpoena o court order upang “mapigilan ang paggawa ng krimen gamit ang cellphones.” (Daris Jose)
NAGSIMULA na ngang mag-shooting na may working title na ‘Socmed Ghosts’, na isang horror, tragedy and drama movie na ipo-produce ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. na kung saan ang founder ay si Dr. Michael Raymond Aragon.
TINATAYANG abot P272,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa limang drug suspects, kabilang ang isang mag-asawa matapos maaresto sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.
AKSIDENTENG nagkaroon ng butt exposure si Diego Loyzaga sa ‘Pabuya’, na dinirek ni Phil Giordano for Vivamax pero hindi naman ito big deal sa anak nina Teresa Loyzaga at Cesar Montano.
ILAN sa mga hirit sa bagong mommy na si Angelica Panganiban ng mga kaibigan niya, sinalo raw nito ang lahat ng blessings.
AFTER 44 years, the most acclaimed, revered horror franchise in film history reaches its epic, terrifying conclusion in “Halloween Ends” – an Ayala Malls Cinemas exclusive starting October 12.
SINIMULAN na raw ng Commission on Human Rights (CHR) ang kanilang motu proprio investigation sa insidenteng naging daan para sa i-hostage si dating Senator Leila de Lima na kasalukuyang nakapiit sa PNP-Custodial Center sa Camp Crame.
UMABOT na sa P29.5 bilyong halaga ng tulong ang naipalabas na ng Department of Budget and Management (DBM) para sa iba’t ibang benepisaryo sa loob ng ‘100 days’ ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.’ sa tanggapan.