• April 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 4th, 2022

PBBM, nakipagpulong sa mga lider ng Filipino-Chinese business community

Posted on: October 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKIPAGPULONG si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. sa mga opisyal ng  Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) upang talakayin ang  economic recovery post-COVID-19 ng bansa.

 

 

Sa isang post sa pamamagitan ng kanyang official Facebook page, nakipagpulong si Pangulong Marcos, araw ng Sabado,  sa mga opisyal ng  FFCCCII sa Malacañang Palace, araw ng Biyernes, Setyembre 30.

 

 

“We thank our friends from the Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. for meeting with us yesterday and for sharing their ideas to speed up our country’s economic recovery from the pandemic,” ayon sa Pangulo.

 

 

Nagpasalamat naman ang Chief Executive sa Filipino-Chinese business leaders para sa agarang pagtugon sa kanyang   “whole-of-nation approach” sa COVID-19 economic recovery.

 

 

“We are pleased they have eagerly responded to our call for a whole-of-nation approach to addressing this immense and arduous task,” ang wika ng Pangulo.

 

 

Samantala, hanggang sa ngayon ay hindi pa rin makapagpapalabas ang Pangulo at ang Malakanyang ng detalye ukol sa pulong. (Daris Jose)

Publiko, hinihikayat na magsuot ng face mask habang tumataas ang kaso ng COVID-19

Posted on: October 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINIMOK ng isang analyst noong Sabado ang publiko na magsuot ng face mask kahit na sa mga bukas na lugar dahil ang bansa ay nakakaranas ng mataas na COVID-19 positivity rate.

 

 

Mula Setyembre 25 hanggang 30, nasa 15.2 porsiyento ang positivity rate ng bansa, tatlong beses na mas mataas kaysa sa 5-percent benchmark na itinakda ng World Health Organization (WHO).

 

 

Ang Pilipinas ay nagsusubok lamang ng average na mas mababa sa 20,000 araw-araw, ayon sa ABS-CBN Data Analytics team.

 

 

Nangangahulugan iyon na isaalang-alang ang pagsusuot ng mask sa mga oras ng mataas na positibo.

 

 

Sinabi ni Rye na ang mga commuter ay dapat palaging magsuot ng face mask sa lahat ng oras sa loob ng pampublikong transportasyon.

 

 

Ito, dahil muling pinayagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga nakatayong pasahero sa loob ng mga pampublikong sasakyan.

Malacañang, ipinagtanggol ang byahe ng Pangulo sa Singapore

Posted on: October 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IDINEPENSA ni Press Secretary Trixie Angeles ang naging byahe ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Singapore nitong weekend, kung saan namataan siyang nanonood ng Formula 1 Grand Prix, kasama ang anak nitong si Rep. Sandro at pinsan na si House Speaker Martin Romualdez.

 

 

Ayon kay Angeles, naging produktibo ang pagdalaw sa Singpore ng Pangulo.

 

 

Doon umano ay pinagpatibay niya ang mga pangunahing usapan sa huling state visit noong nakaraang buwan.

 

 

“Naging produktibo ang pagdalaw sa Singpore ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. Pinagpatibay niya ang mga pangunahing usapan sa huling state visit sa bayan na ito, at pinatuloy ang paghihikayat sa pag invest sa bayang Pilipinas,” wika ni Sec. Angeles.

 

 

Sinamantala rin umano nito ang patuloy na paghihikayat sa paglalagak ng puhunan ng mga negosyante doon para dito sa ating bansa.

 

 

Maging ang isa sa mga abogadong nakokonsulta ni President Marcos na si Atty. Harry Roque ay ipinagtanggol din ang byahe ng chief executive.

 

 

Para sa kanya, karapatang pantao ito ng punong ehekutibo, lalo’t weekend naman.

 

 

Ang mahalaga aniya ay hindi ito ginagawa sa oras ng trabaho at hindi rin naman nagwawaldas ng pampublikong pondo, dahil kaya naman ng presidente na gumastos ng personal para sa mga ganitong aktibidad.

 

 

Publiko, hinihikayat na magsuot ng face mask habang tumataas ang kaso ng COVID-19

 

 

Hinimok ng isang analyst noong Sabado ang publiko na magsuot ng face mask kahit na sa mga bukas na lugar dahil ang bansa ay nakakaranas ng mataas na COVID-19 positivity rate.

 

 

Mula Setyembre 25 hanggang 30, nasa 15.2 porsiyento ang positivity rate ng bansa, tatlong beses na mas mataas kaysa sa 5-percent benchmark na itinakda ng World Health Organization (WHO).

 

 

Ang Pilipinas ay nagsusubok lamang ng average na mas mababa sa 20,000 araw-araw, ayon sa ABS-CBN Data Analytics team.

 

 

Nangangahulugan iyon na isaalang-alang ang pagsusuot ng mask sa mga oras ng mataas na positibo. (Daris Jose)

Muling nagkasama noong birthday ng dating asawa: POKWANG, ‘di ipagkakait si MALIA kay LEE at maging masaya

Posted on: October 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KAHIT hiwalay na, nagkasama pa rin sina Pokwang at ex-partner na si Lee O’Brian para i-celebrate ang 47th birthday nito kasama ang kanilang mga anak.

 

Pinost ni Pokwang sa kanyang Instagram ang video ng birthday celebration ni Lee at masayang-masaya ang anak nilang si Malia.

 

“Happy birthday Dada @leeobrian. Pero ikaw @malia_obrian ang bida hahaahahaha ayan nanaman siya,” caption ni Pokwang sa IG video.

 

Noong July inamin ni Pokwang na matagal na silang hiwalay ni Lee pagkatapos ng walong taong pagsasama. Kahit na nangyari iyon, nanatiling magkaibigan ang dalawa.

 

Noong pumunta ng Amerika si Pokwang para sa ilang shows, sinama nito si Malia para magkita sila ng ama nito habang nagbabakasyon sila.

 

Sey pa sa host ng ‘TiktoClock’ na hindi raw niya ipagkakait si Malia kay Lee dahil alam niyang mahal na mahal nito ang kanilang anak. At gusto niyang laging masaya si Malia at iparamdam dito na hinding-hindi mawawala ang ama nito kahit hindi na ito nakatira sa bahay nila.

 

***

 

IKINATUWA ng Kapuso hunk na si Derrick Monasterio ang panalo niya bilang Outstanding TV Actor of the Year sa 2nd Diamond Excellence Awards para sa pagganap niya sa teleserye na ‘Return To Paradise’.

 

Ito raw ang kauna-unahang award niya bilang aktor kaya sobra ang pasasalamat niya. Nauwi rin ni Derrick ang special award as Male Star of the Night.

 

“Thank you 2nd diamond excellence awards for recognizing my talents, hardwork, and sacrifices. #1stActing Award. And oh, thanks for this unexpected male star of the night too ❤️,” post ni Derrick sa Instagram.

 

Kabilang sa nag-congratulate kay Derrick ay ang leading lady niya sa Return To Paradise na si Elle Villanueva.

 

“Proud of you deedee!!” comment ni Elle sa IG post ng aktor.

 

May balitang nagkakamabutihan na raw sina Derrick at Elle kahit matagal nang tapos ang taping nila ng kanilang teleserye. Ilang beses daw nakita ng mga marites na magkasama ang dalawa o baka naman promo pa rin ito ng ‘Return To Paradise’ kaya naman mataas ang ratings nito?

 

Anyway, wala namang masama kung magkatuluyan ang dalawa dahil pareho naman silang single ang available.

 

***

 

KUMPIRMADONG nagde-date na ang Hollywood actor na si Brad Pitt at model na si Emily Ratajkowski.

 

Ayon sa source ng Page Six: “They are spending a lot of time together. But friends aren’t sure if it’s serious and the two don’t appear to be dating formally.”

 

Parehong may pending na divorce sina Brad at Emily. Si Brad ay ongoing ang divorce proceedings kay Angelina Jolie. Si Emily naman ay nag-file ng divorce sa kanyang husband, ang film producer na si Sebastian Bear-McClard sa New York.

 

Kahit wala pa ang official divorce, declared single na siya ng korte since 2019, kaya puwedeng makipag-date si Brad sa kahit sinong gusto niya.

 

Pero inuuna pa rin daw niya ang pagiging ama sa mga anak nila ni Jolie na sina Maddox, 21, Pax, 18, Zahara, 17, Shiloh, 16, and 14-year-old twins Vivienne and Knox.

 

“Brad has dinner with his younger kids when they are all in L.A. Since the kids are older now, they have their own life and friends. Brad still has a pretty good relationship with them,” sey ng source.

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Pagkapanalo ng 433 bettors paiimbestigahan sa Senado

Posted on: October 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PAIIMBESTIGAHAN ni Senator Koko Pimentel ang umano’y “suspicious and unsual” na pagkakapanalo ng 433 katao sa Grand Lotto na binola nitong Sabado ng gabi.

 

 

Sinabi ni Pimentel sa panayam sa DzBB, na nakakapagtaka ang winning combination numbers na divisible by 9 na maaaring aksidente lamang, subalit ang 433 ang mananalo ay dapat ang tsansa na manalo ay ‘1 in many billions”.

 

 

Giit ni Pimentel, na­ngangahulugan umano ito na mahirap itong tamaan kaya kaduda-duda na mayroong 433 ang tumama dito.

 

 

Dahil dito, maghahain umano ng resolusyon si Pimentel para imbestiga­han ang nasabing insidente at matanong ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kung may lucky pick ang naturang mga nanalo.

 

 

Nangangahulugan din umano ito na system ge­nerated ang number ng tumaya, kaya walang random ang kanilang lucky pick at nangangahulugan din ito na ibinigay nila ito sa 400 katao.

 

 

Ayon pa kay Pimentel, matagal na niyang napansin ang draw nila sa isang 6 digit na may 10 winners, na para sa kanya ang 2 winners ay bihira na kaya nakakapagtaka umano.

 

 

Sa pananaw pa umano ng Senador, katulad ng mga sugal sa casino maging ang POGO at lotto games na nasa Pilipinas ay dapat may integridad din ang PCSO at matanong ng mga tanong ng normal na tao.

 

 

Dagdag pa ni Pimentel na kailangan din umanong mag-imbita ng statisticians at professors upang hingin ang kanilang opinyon sa naturang usapin dahil marami ang nagtataka sa pagkapanalo ng may 433 katao.

 

 

“To get the 6 winning digits out of 55, that’s 1 out of 28,989,675 or 0.000003%,” ayon naman kay ABS-CBN Data Analytics head Edson Guido.

 

 

“Grabe ‘di ba, tapos 433 ang nakakuha,” aniya pa. (Daris Jose)

Sotto, 36ers sasagupa sa Suns

Posted on: October 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAKIKILATIS ang angas ng Adelaide 36ers kasama si Kai Sotto kontra sa Phoenix Suns sa NBL x NBA Tour sa Footprint Center sa Phoenix, Arizona.

 

 

Aarangkada ang aksyon sa alas-12:30 ng tanghali (Manila time) na magiging unang sabak din ni Sotto laban sa isang NBA team matapos maging undrafted sa 2022 NBA Rookie Draft noong Hunyo.

 

 

Pambihirang pagkakataon ito para sa 7-foot-3 Pinoy sensation na maipasilip ang potensyal sa harap ng mga NBA coaches at scouts kontra sa mga de kalibreng players kung maisasakatuparan man ang NBA dream sa hinaharap.

 

 

Subalit nasa 36ers muna ang buong atensyon ni Sotto lalo’t bahagi ang tune-up games kontra sa mga NBA teams ng kanilang paghahanda para sa 2022-2023 regular season ng NBL.

 

 

Sinimulan ng Adelaide ang final build-up sa pag-iskor ng 86-81 panalo kontra sa Overtime Elite bago ang duwelo sa Suns nina NBA superstars Chris Paul at Devin Booker.

Mas maraming eco activities, asahan sa Metro Manila Subway Project- PBBM

Posted on: October 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr.  na asahan na ang mas maraming  economic activities  sa Metro Manila Subway Project.

 

 

Pinangunahan kasi ni  Pangulong Marcos Jr.   ang  ground breaking  ceremony para sa pagtatayo ng Ortigas at Shaw Boulevard stations ng Metro Manila Subway Project (MMSP- COntract Package 104) sa Pasig City.

 

 

Umaasa ang Pangulo na mage-enjoy ang mga mamamayang Filipino sa benepisyo ng nasabing proyekto.

 

 

“With accessible designated stations that can cater to a massive volume of passengers, we anticipate helping our people skip the long lines of traffic and even spare themselves from the perils of commuting,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang  keynote message.

 

 

“With improving linkages of key areas in business districts in the metro as well as the availability of stalls and other stores in the stations and nearby markets, we can see more business opportunities for entrepreneurs and investors and additional economic activity,” dagdag na wika ng Pangulo.

 

 

Hinikayat naman ng Punong Ehekutibo  ang publiko na manatiling positibo  at sa halip ay tanggapin ang inconveniences na dala ng pagtatayo ng  subway system bilang “small prize to pay” para sa  beneficial results nito.

 

 

“Although it is a given that the construction of these structures will take time and cause disruption, let us be optimistic and just count the small inconveniences as a small prize to pay for the fruitful results that this program, this project will yield,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“Let the breaking ground of this subway system signal our intention to the world to pursue even grander dreams and more ambitious endeavors that will bring comfort and progress to our people all over the country,” aniya pa rin.

 

 

Samantala, inilatag naman ni Transportation Secretary Jaime Bautista   ang  “highlights”  ng buong MMSP,  ang kauna-unahang underground railway system ng bansa na tatakbo  mula  Valenzuela hanggang  Bicutan, o mahigit  sa33 kilometers, na may  17 stations.

 

 

Ayon kay Bautista, ang MMSP  ang magsisilbing “crown jewel” ng  mass transit infrastructure system ng bansa sa oras na matapos na ito.

 

 

“We are running at full speed on this project. We owe it to the commuting public,” ani Bautista.

 

 

Ang subway, sa oras na maging operational, ay kayang mag- accommodate ng mahigit sa  519,000 pasahero  kada araw.

 

 

Mababawasan na nito ang travel time mula Valenzuela hanggang Bicutan ng 45 minuto.

 

 

Ang groundbreaking ceremony ang magiging senyales ng pagsasara ng  bahagi ng  Meralco Avenue sa Pasig City – mula  Capitol Commons hanggang Shaw Boulevard – kung saan ang traffic  ay magiging ‘rerouted’ simula  Oktubre  3, 2022 hanggang 2028 upang bigyang daan ang nasabing konstruksyon.

 

 

Ang kabuuang  contract package ay  3.4 kkilometers long na may dalawang stations na konektado sa  920.5-meter tunnel at extended pa hanggang  1.86-kilometer tunnels na kumokonekta naman sa  Shaw Blvd hanggang  Kalayaan Avenue Station sa Taguig City.

 

 

Ang  MMSP ay suportado ng loans ng PIlipinas mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA).

 

 

“The tunnel will be formed using two huge tunnel boring machines (TBM) from Japan, using a technique called New Austrian Tunneling Method (NATM),” ayon sa ulat.

 

 

“Each TBM to be used in the project can excavate 300 to 500 cubic meters of soil daily and creates a tunnel 9 to 12 meters long daily, using rotating cutting wheels that can easily break up hard soil and rocks. While the massive TBMs can significantly hasten the process of tunneling, above ground disruption will be kept to the minimum,” ayon pa rin sa ulat(Daris Jose)