• April 4, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 3rd, 2022

P709-M halaga ng assistance inilaan sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng bagyo

Posted on: October 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGLAAN  ang Department of Agriculture (DA) ng mahigit P709 milyong halaga ng tulong at interbensyon para sa mga magsasaka na naapektuhan ng pananalasa ng supertyphoon Karding.

 

 

Sa ngayon, nasa P2.95 bilyon na ang pinsala sa agrikultura na dulot ni “Karding” basi sa pinakahuling datos ng kagawaran.

 

Idinagdag pa ng ahensya na ang Quick Response Fund nito na nagkakahalaga ng P500 milyon ay maaaring gamitin para sa agarang pagkukumpuni o rehabilitasyon ng mga nasirang pasilidad ng produksyon.

 

 

Ayon sa agriculture department, nakahanda rin itong ipamahagi ang mga buto ng palay, buto ng mais, at binhi ng gulay.

 

 

Magbibigay din ang ahensiya ng farm animals, drugs, at biologics na nagkakahalaga ng P2.45 milyon sa pamamagitan ng livestock at poultry programs nito, gayundin ng fingerlings at fishing equipment mula sa DA-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

 

 

Nauna ng sinabi ng kagawaran ng agrikultura na ang mga mobile KADIWA center ay inilulunsad sa mga apektadong lugar upang patatagin ang pagpepresyo at mga supply ng mga kalakal ng agri-fishery.

 

 

Magugunitang, sinabi ni Agriculture Usec. Domingo Panganiban na maaaring tumaas ng 15 hanggang 20 porsiyento ang presyo ng bigas at gulay sa mga susunod na araw dahil sa pinsala sa agrikultura sa bansa. (Daris Jose)

MAY KAPANGYARIHAN BA ang mga LGU na MANGUMPISKA ng DRIVER’s LICENSE?

Posted on: October 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Wala.

 

 

Ayon sa DILG ay tanging LTO lang at ang mga deputized enforcers ng Ahensya ang may kapangyarihan na mag confiscate ng driver’s license.

 

 

Pero ayon sa Abogado ng Manila ay tuloy pa rin ang pagkukumpiska ng kanilang mga enforcers dahil sa ilalim ng Local Government Code ay may kapangyarihan ang mga LGU na ipatupad ang kanilang mga lokal ordinance.  At ayon sa ordinance 8092 ay maaaring mag confiscate ang mga traffic enforcers ng Manila.

 

 

Malaking problema ito dahil siguradong pagtatalunan ito ng enforcer at driver. ‘Yung enforcer sasabihin pinatutupad lang niya ang ordinansa ng lungsod. So ano ba talaga?

 

 

Ayon sa RA 4136 LTO lang at ang kanilang DEPUTIZED enforcer ang may kapangyarihan na mag confiscate ng driver’s license.

 

 

Nilinaw ito ng DILG- DOTC Joint Memo 1 2008 guidelines in the review of local ordinance concerning public transport.

 

 

Pero may basehan din ang LGU na ipatupad ang kanilang ordinansa ayon sa Local Government Code. Yun nga lang may LIMITASYON ang ordinansa ng LGU ayon sa RA 4136 NA BATAS:

 

 

“NO provincial board; City or municipal board or council shall enact or enforce ANY ORDINANCE OR RESOLUTION IN CONFLICT WITH THE PROVISION OF THIS ACT.

 

 

So ang tanong:

 

 

Ang pag confiscate ba ng lisensya ng HINDI DEPUTIZED NG LTO ay labag sa RA4136 dahil IN-CONFLICT ito sa sinasabi na LTO lang o deputized enforcer nila ang pwede mag confiscate ng driver’s license?  Malinaw na conflict.

 

Pero di ba ang ordinansa ay batas sa nasasakupan ng LGU?  Yes, kaya nga sa Memo dated Sept. 14, 2022 ng DILG ay may direktiba ang DILG sa mga LGU to review their ordinance.  So HABANG NIRE-REVIEW NG LGU ang ordinansa maari ba nila ipatupad ito? Yan ang ginagawa ng Manila ngayon.

 

 

Ang kawawa tuloy ay mga motorista at enforcers . Sila ang nagtatalu-talo sa baba.

 

 

Ano dapat gawin?

 

 

Pwede na ang Mayor ay mag issue ng direktiba na habang nire-review ang ordinansa ay sumunod sila sa DILG. At kausapin ang LTO tungkol sa pag deputize ng enforcers nila.

 

 

Paano kung ayaw ng Mayor? Dahil kung di sila makapag confiscate ano ang silbi ng traffic violation ticket ng LGU?  Walang hold ang LGU.

 

 

At paano naman ang motorista?  Alam nila na bawal mag confiscate ang hindi deputize ng LTO dahil sa batas.

 

Oo nga pala, may mga special circumstances na pwede i-confiscate ng MMDA ang lisensya tulad kapag may aksidente, gamit ng ibang tao, at iba pa na maari sanang ilabas ng MMDA bilang anunsiyo para malaman ng tao.

 

Meantime sa mga LGU. DAPAT ay sundin nila ang direktiba ng DILG Secretary dahil bilang alter ego ng Presidente, ang pagsuway dito ay pagsuway sa Presidente. At ang pagsunod dito ay pagsunod sa Presidente. (Atty. Ariel Inton Jr.)

Sa pagbabalik nila sa lock-in taping sa Vigan City: ROCCO, nag-aalala dahil malapit nang manganak ni MELISSA

Posted on: October 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

CONGRATULATIONS to Kapuso actor Mike Tan.  

 

 

Kahit pala pandemic, nagpasya si Mike na ipagpatuloy ang kanyang college studies, ngayon ay graduate na si Mike ng Bachelor of Science in Psychology sa Arellano University.

 

 

Nagpasalamat si Mike sa kanyang Instagram post: “I’m grateful to God for His presence, provision, and His pipelines of grace, like:  may manager Boss Vic @bossenteng, his handlers sa GMA, to his friends and classmates and ALL OUR UNIVESITY PROFESSORS AT AU, especially Prof. John Marc Balano and Prof. Nestor Linquenco, my thesis adviser Dr. Jinamarlyn Doctor @jainaha06 for her encouragement, kindness, and guidance, the thesis defense panelists Dr. Paulo Macapagal and Dr. Hazel Martinez whose insights helped improve my research; ALL MY FELLOW ACTORS AND CELEBRITIES WHO EAGERLY PARTICIPATED IN MY RESEARCH, my parents and siblings; my wife Cris and my daughters Tori and Prisci who inspired me to go through this program and finally receive my college degree.  I THANK THE LORD FOR ALL OF YOU.”

 

 

Ngayong tapos na ng studies niya si Mike, tamang-tama na tuloy na ang na-hold na isang GMA Afternoon Prime series na “The Seed of Love” dahil sa pandemic, na pagtatambalan nila ni Glaiza de Castro.  

 

 

Muli silang magsasama ni Glaiza, pagkatapos ng “Nagbabagang Luha” na ipinalabas during the pandemic. Tamang-tama rin na matatapos na ang “Running Man Philippines” every weekend sa GMA-7, at si Glaiza tuloy na ang church wedding nila rito ng husband niyang si David Rainey sa January, 2023.

 

 

***

 

 

MAGANDANG balita para sa mga sumuporta at mga netizens na nagbigay ng “Best Primetime Serye” ng Gawad Pilipino 2022 Icon Awards, sa “Lolong,” ang Kapuso adventure-serye na pinagbidahan ni Ruru Madrid. 

 

 

Last Friday, September 30, nagkaroon na ito ng Season Finale, at nag-announce na rin ang production na magkakaroon ito ng Season 2, as per requests ng mga viewers. Bunga ito ng pamamayagpag sa ratings at magagandang feedbacks na nakukuha ng “Lolong” tungkol sa husay ng cast at ganda ng kuwento.

 

 

Ngayon, naghahanda na ang production ng mas magandang story ng adventure-serye, na tiyak na mapapanood, early 2023.  Mas malaki raw ang season 2 na hindi lamang sa Villa Escudero sila magsu-shoot, they will explore new locations at may mga bagong characters na papasok, bukod kina Ruru, Shaira Diaz, Arra San Agustin, Mikoy Morales at Paul Salas.  

 

 

Kaabang-abang kung babalik pa si Christopher de Leon, dahil isa na rin siyang Atuban, na hindi namamatay?

 

 

***

 

WORLD premiere na ngayong gabi ng “Maria Clara at Ibarra.”

 

 

Tampok dito sina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza as Klay, Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose as Maria Clara, and Kapuso Drama King Dennis Trillo as Crisostomo Ibarra.

 

 

Marami ang bumubuo sa cast, at isa si Rocco Nacino as Elias, isang fugitive ng panahong iyon sa novel ni Dr. Jose Rizal, na magiging devoted supporter ni Crisostomo Ibarra.

 

 

Inamin ni Rocco na medyo nahihirapan siya nang nagti-taping sila nito: “Medyo po kinakabahan ako kasi malalim ang pagsasalita ng Tagalog.  Lumaki po kasi ako sa Singapore at nang bumalik ako rito, isa po iyon sa mga subjects na nahirapan ako.

 

 

“Thankful po ako na nagkaroon kami rito ng mga coaches sa tamang pagsasalita at pagbigkas ng Tagalog during the Spanish time, na sinulat ni Dr. Jose Rizal and “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.”

 

 

Babalik muli sa lock-in taping ang cast ng serye sa Vigan City at nag-aalala si Rocco dahil malapit na ring magsilang ang wife niyang si Melissa sa kanilang baby boy.

 

 

Hindi raw siya sure kung makakaalis siya, pero ibinigay na raw niya ang oras niya sa taping, dahil trabaho niya iyon.

 

 

Ang “Maria Clara at Ibarra” ay mapapanood at 8pm sa GMA-7, after ng “24 Oras.”

(NORA V. CALDERON)