• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 6:19 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2022

Valenzuela, magbibigay ng P600K pabuya para sa pagkaka-aresto sa pumatay sa kagawad

Posted on: August 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAGBIBIGAY ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian ng PhP 600,000 na pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng mga suspek sa pamamaril na ikinamatay ng isang barangay kagawad noong Hunyo 29, 2022 sa lungsod.

 

 

 

Kinilala ng Valenzuela City Police Station (VCPS) ang dalawang salarin na sina Tito Santiago Salibio alyas “Tito” at Carlito Mansueto Abalos alyas “Andy” na umano’y mga hired killer at kapwa may patong sa ulo na PhP300,000 ang bawat isa.

 

 

 

Sa kuwento ng kasama ng biktima na si Edwin, habang sakay ng tricycle si Alexander Liwanag Joseph, 49, Kagawad ng Brgy., Canumay East, Valenzuela City patungo sa isang school graduation ceremony dakong alas-6:40 ng umaga nang tutukan ito ng baril ng mga suspek kaya tumakbo ang biktima subalit, hinabol siya ng mga salarin at nang makorner ay binaril siya ng ilang beses sa katawan.

 

 

 

Matapos nito, mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa Marton Street habang isinugod naman ang biktima sa Valenzuela Medical Center ngunit idineklara itong dead on arrival.

 

Sa isinagawang paghahanap, natagpuan ng mga imbestigador ang motorsiklong ginamit ng mga suspek bilang escape vehicle na nakaparada sa Barangay Tañong, Malabon City.

 

 

 

Narekober ng pulisya ang ilang identification card sa loob ng compartment nito, kabilang ang voter’s ID at Barangay ID ng isang Tito Santiago Salibio at certificate of registration ng nasabing sasakyan.

 

 

 

Sa pag-usad ng imbestigasyon, kinilala at inaresto ng mga pulis ang isang Michael Lagoc Tamayo Jr. sa pamamagitan ng isang testigo na nagngangalang Allan.

 

 

 

Si Tamayo Jr. ang naghanda ng escape vehicle na ginamit ng mga suspek matapos patayin si Joseph.

 

 

 

Sa kanyang sinumpaang salaysay sa harap ng mga pulis, ikinuwento niya ang kanyang partisipasyon sa nasabing krimen, sinabing siya ang responsable sa paghahanda at pagtatago ng escape vehicle na ginamit sa pagpatay.

 

 

 

Dagdag pa niya, nakasama pa siya sa ocular na ginawa ng mga suspek sa pinangyarihan ng krimen bago ang insidente. (Richard Mesa)

Gobyerno, susuriin kung gawa-gawa lang ang kakapusan sa asukal

Posted on: August 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGPIT na susuriin ng gobyerno ang mga bodega sa bansa para malaman kung totoo o gawa-gawa lang ang kakapusan sa suplay ng asukal.

 

 

Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, ang susunod na hakbang ng pamahalaan ay ang  alamin kung ang kakapusan ng asukal ay artificial.

 

 

“Subaybayan n’yo po at tuluy-tuloy kasi ‘yung operasyon natin dito sa pagi-inspect ng mga warehouses so we can get to the bottom of what appears to be an artificial shortage,” ayon kay Cruz-Angeles.

 

 

“Whether or not it is artificial will depend on the evidence produced by these warehouse operations,” dagdag na pahayag.

 

 

At sa tanong kung maglalaan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng  lahat ng “sugar output for crop year 2022-2023 para sa domestic use, sinabi ni Cruz-Angeles , “Depende po ‘yan sa magiging findings natin.”

 

 

“Ang tinitingnan natin sa ngayon ay kung artificial ba ang shortage ng asukal o hindi at ang paga-allocate po ay magiging base sa kung mayroon ngang kakulangan o hindi. So titingnan pa po natin,” ang wika ni Cruz-Angeles.

 

 

Nauna rito, kinumpirma ni Cruz-Angeles na may panukalang mag-angkat ng 150,000 metric tons ng asukal.

 

 

Ang detalye ng pag-angkat ay inaayos pa sa ngayon.

 

 

“Ito po ‘yung sinasabi na 150,000 metric tons ng asukal na iimport, kalahati na mapupunta doon sa industrial users po. Wala naman pong ibang napagusapan,” aniya pa rin.

 

 

“Hindi pa po yata final, may winoworkout lang, iaannounce po namin kapag final na po ito, it is yes a proposal and is seriously being considered,” sinabi pa ni Cruz-Angeles.

 

 

Matatandaang, binasura ni Pangulong Marcos ang panukalang mag-angkat ng  300,000 metric tons ng asukal sa gitna ng tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.

 

 

Samantala, binansagan ng Malakanyang ang  Order No. 4 bilang illegal, nag-convened kasi ang Sugar Regulatory Board at nagpalabas ng resolution ng walang pahintulot ni Pangulong Marcos, kasalukuyang   Agriculture secretary at  chairperson ng SRB.

 

 

Ang mga signatories ng kontrobersiyal na kautusan ay sina Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian, board member Atty. Roland Beltran, at Sugar Regulatory Administration administrator Hermenegildo Serafica, pawang mga nagbitiw sa puwesto. (Daris Jose)

Ads August 22, 2022

Posted on: August 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Senate building nasa total lockdown: 8 senador na ang sunod-sunod na nagpositibo sa COVID-19

Posted on: August 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INIUTOS  ni Senate President Migz Zubiri ang total lockdown sa Senate building sa Lunes, Aug. 22 matapos na umabot na sa pitong mga senador ang sunod-sunod na nagpositibo sa COVID-19 ngayong buwan.

 

 

Dahil dito, lahat na mga Senate employees ay pansamantala muna sa kanilang “work from home” upang bigyang daan ang isasagawang disinfection.

 

 

Muling babalik ang sesyon ng mga senador sa Aug. 23, araw ng Martes.

 

 

Una rito, kinumpirma rin ni Sen. Joel Villanueva na nagpositibo siya sa COVID.

 

 

Magkasunod na kinumpirma rin nina Senators JV Ejercito at Nancy Binay na parehong nagposito rin sila sa COVID-19.

 

 

Kung maalala ang iba pang mga mambabatas na nagpositibo rin sa COVID-19 ay sina Senators Alan Peter Cayetano, Imee Marcos, Cynthia Villar, Grace Poe at si Sen. Chiz Escudero na naka-isolate rin matapos maging close contact.

 

 

“Please stay safe and healthy everyone. Together we shall fight this virus and continue to deliver government service as efficiently as possible. Maraming salamat po,” ani Zubiri sa advisory.

 

 

Sa ngayon pinapairal muna ang mas mahigpit na pag-oobserba ng health protocols sa Senado dahil pa rin sa naturang outbreak matapos na magkakasunod na tinamaan ng virus ang walong mga senador mula ng magbukas ang 19th Congress noong buwan ng Hulyo. (Daris Jose)

LTFRB nagbukas ng 133 PUV routes

Posted on: August 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULING binuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang may 133 na ruta para sa mga public utility vehicles (PUVs) sa Metro Manila para sa pagbubukas ng klase ngayon Lunes.

 

 

 

“There are 68 routes for traditional and modern jeepneys, 32 for UV Express Service ang 33 non-EDSA bus routes in time for the opening of classes in Metro Manila,” wika ni LTFRB chairman Cheloy Garafil.

 

 

 

May 11,000 PUV units ang magkakaron ng operasyon sa university belt at iba pang lugar na may maraming paaralan at mga estudyante. Umaasa si Garafil na ang karagdagan ruta para sa mga PUVs ay sasapat upang mabigyan ng serbisyo ang tataas na bilang ng mga pasahero ngyon linggo para sa pabubukas ng klase.

 

 

 

Nagsimula noong Biyernes ang pagbibigay ng special permits sa mga PUVs at ang LTFRB ay mananatiling bukas hanggang weekend upang patuloy ang pagbibigay ng special permits sa mga operators ng buses at jeepneys.

 

 

 

Mga special permits lamang ang ibibigay ng LTFRB kapalit ng prangkisa para sa public convenience upang maging madali at mabilis ang transaksyon.

 

 

 

“PUV operators with valid franchises, provisional authorities as well as those with expired certificates of public convenience with an application for extension of validity would be allowed to operate,” saad ni Garafil.

 

 

 

Umaasa si Garifil na sa muling pagbubukas at pagpapalawig ng mga ruta ay matutulungan ang mga drivers na muling makapasada ng mas mahaba at makabalik  sa lansangan. Inaasahan na may 80 porsiento ng PUVs ang babalik sa mga lansangan upang magkaron ng operasyon.

 

 

 

Ang mga dati at lumang ruta na sinara noong may pandemya ay binuksan na habang ang bagong ruta naman ay siyang magsisilbing dagdag para sa University Belt at iba pang lugar na may madaming estudyante.

 

 

 

Sinusunod lamang ng LTFRB ang kahilingan ni President Ferdinand Marcos at Vice-President Sara Duterte na dapat ay masiguro na mayroon tamang dami ng PUVs para sa pagubukas ng face-to-face na klase.

 

 

 

Matutulungan din ang mga operators sa muling pabubukas ng mga ruta upang sila ay maging financially viable sa gitna ng tumataas na presyo ng krudo at produktong petrolyo.

 

 

 

Sinabi rin ni Garafil na ang dami ng authorized PUVs ay nanatiling katulad pa rin bago pa ang pandemya.

 

 

 

“It’s just that many have no longer plied their routes because the distance of the route was reduced. So, we were asked if the routes could be returned to make plying the routes more viable,” dagdag ni Garafil.

 

 

 

Balak din ng LTFRB na magdagdag ng mga buses na tumatakbo sa EDSA busway upang makapagbigay ng serbisyo sa mga tataas na bilang mga pasahero kung magsimula ang klase.

 

 

 

Sa ngayon ay may 400 buses ang tumatakbo sa EDSA Carousel at may balak itong maging 500 buses upang masiguro na may sapat na supply ng buses kung rush hours. Nagkakaron naman ng problema ang mga operators dahil sa kakulangan ng mga drivers at dahil na rin sa mga breakdown ng mga buses.

 

 

 

Samantala, pinaalalahanan ni Garafil ang mga pasahero na hindi papayagan ang standing sa mga PUVs at maximum seating capacity lamang ang papayagan upang masunod ang COVID health protocols. LASACMAR

Hindi pa bakunadong mga guro, pwede na rin magturo sa darating na pasukan – DepEd

Posted on: August 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PAHIHINTULUTAN na ng Department of Education (DepEd) na muling makapagturo sa darating na pasukan ang mga hindi pa bakunadong mga guro sa bansa.

 

Ayon kay DepEd Usec. Revsee Escobedo sa isang pahayag na papayagan na ng kagawaran na magturo ang lahat ng guro sa bansa bakunado man o hindi.

 

Basta’t pananatilihin lamang ng mga ito ang palagiang pagsunod sa ipinapatupad na minimum public health protocols tulad ng pagsusuot ng facemask at gayundin ang maayos na ventilation sa mga silid-aralan.

 

Sa datos ng DepEd, sa ngayon ay nasa 37,000 na mga guro na lamang ang hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19.

Nasa 20,000 sa kanila ay nakapagpatala na para magpabakuna habang nasa 17,000 naman ang bilang ng mga guro ang hindi pa talaga rehistrado para makatanggap ng nasabing proteksyon laban sa coronavirus disease.

 

Samantala, batay naman sa pinakahuling datos ng kagawaran.. as of 7:00am ngayong araw ay umabot na 21,272,820 ang bilang ng mga nagparehistro na mga mag-aaral mula noong July 25.

 

Karamihan dito ay mula sa Region IV-A na umabot na sa 3,070,451 ang bilang ng mga mag-aaral na nag-enroll, na sinundan naman ng Region III na mayroong 2,366,003 , at National Capital Region na mayroong 2,295,245.

 

Magpapatuloy naman hanggang sa Lunes, August 22 ang nasabing enrollment para sa school year 2022-2023.

Ads August 20, 2022

Posted on: August 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

23,000 pulis ikakalat sa pagbubukas ng klase sa Lunes

Posted on: August 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

AABOT sa 23,000 tauhan ng Philippine National Police (PNP)  ang kanilang ikakalat sa buong bansa para sa pagbibigay seguridad sa pagbubukas ng klase sa Lunes, Agosto  22.

 

 

Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, karamihan sa mga  pulis ay itatalaga  bilang police assistance desk malapit sa mga school campus sa iba’t ibang panig ng bansa.

 

 

Sinabi naman ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr.,  na inatasan na  niya ang lahat ng  police units sa buong bansa na simulan na ang  pagpapatupad ng security measures upang matiyak ang seguridad  ng mga guro at estudyante sa face-to- face classes sa Lunes.

 

 

Nagpalabas na rin sila ng  memorandum para sa isasagawang strategic deployment ng kanilang  mga pulis sa iba’t ibang paaralan, unibersidad  at transportation terminals.

 

 

Sa naturang bilang  9,500 dito ang ikakalat ng National Capital Regional Police Office (NCRPO).

 

 

Ayon kay NCRPO chief Police Brigadier General Jonnel Estomo,  makikipagpulong siya  sa  mga unit commanders upang maisaayos ang sistema ng pagbibigay ng seguridad at peace and order  sa  pagsisimula ng  klase sa Lunes, Agosto 22.

 

 

Aniya, magkakaroon ng augmentation ng mga pulis sa mga  paaralan at unibersidad upang mabigyan ng sapat na seguridad ang mga estudyante laban sa pagkidnap, snatching at holdap.

 

 

Dagdag pa ni  Estomo paiigtingin din niya ang random checkpoints at police visibility sa Kalakhang Maynila.

 

 

Malaking tulong ang police visibility  sa pagbaba ng krimen.

 

 

Umaasa siyang susuportahan ng mga local government units ang kanilang isinasagawang security mea­sures sa Metro Manila. (Daris Jose)

Customs ni-raid ‘hoarders’ ng libu-libong sako ng asukal sa Pampanga

Posted on: August 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LIBU-LIBONG  sako ng hinihinalang hino-hoard na asukal ang nasabat sa isang warehouse sa San Fernando City, Pampanga sa gitna ng reklamo ng mga konsumer ng nagtataasang presyo nito sa merkado.

 

 

Huwebes nang salakayin ng mga ahente ng Bureau of Customs ang Lison Building, kung saan naroon ang New Public Market, sa barangay Del Pilar sa utos ni Executive Secretary Victor Rodriguez mula sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Una nang sinabi ni Marcos Jr. na kailangang gamitin ng Customs ang visitorial powers nito sa lahat ng customs bonded warehouses para masilip ang imbentaryo ng mga imported agricultural products sa layuning malaman kung merong nag-iimbak ng asukal.

 

 

“The BoC’s Pampanga sugar warehouse raid may very well serve as a warning to unscrupulous traders who are currently hoarding their stocks of sugar in order to profit from the current artificial sugar shortage situation,” ani Rodriguez.

 

 

Ang hinihinalang hoarded na sako ng bigas ay sinasabing nagmula sa Thailand. Nasabat din ng BOC agents ang daan-daang sako ng bigas na siyang nakita sa loob ng ilang delivery vans.

 

 

Kung mapatunayang smuggled ang mga sako ng asukal mula Thailand, haharap sa kaso kaugnay ng Customs Modernization Act ang mga may ari ng warehouse.

 

 

Nangyayari ito ngayong sumirit na sa P100 kada kilo ang presyo ng refined sugar, ayon sa price monitoring ng Department of Agriculture kahapon. P75 kada kilo naman ang “washed” sugar habang P70 naman ito para sa brown sugar.

 

 

Isang Chinese-Filipino warehouse keeper na nagngangalang Jimmy Ng ang nakatanggap ng letter of authority at mission order mula sa Customs agents, na siyang nakakita rin ng ilang imported items gaya ng corn starch mula Tsina, ilang sako ng imported na harina, plastic products, langis mula sa plastic barrels, piyesa ng mororsiklo at gulong ng ilang brands, helmets, LED television sets at pintura.

 

 

Una nang sinabi ni Rodriguez na iniimbestigahan nila ang ulat na ang importasyon ng 300,000 metric tons ng asukal ay “itinutulak nang husto” ng mga traders para magamit na palusot sa paglalabas nito. Hindi pa raw ito mailabas dahil sa mapapababa nito ang presyo ng asukal sa merkado.

 

 

Ilan sa mga ulat na nakarating kay Rodriguez ang nagsasabing magreresulta sa “windfall profits” para sa mga trader ng halos P300 milyon ang malaking importasyon ng askukal, ang bahay nito’y diumano’y lobby money.

 

 

Huwebes lang nang makiusap si Sen. Risa Hontiveros kay Bongbong na tugunan ang malalang problema ng DA at magtalaga na ng panibagong kalihim sa gitna ng kaguluhan sa importasyon ng asukal.

 

 

Kasalukuyang si Marcos Jr. kasi ang namumuno sa DA ngayon habang wala pang secretary ang kagawaran.  (Daris Jose)

Hindi pa bakunadong mga guro, pwede na rin magturo sa darating na pasukan – DepEd

Posted on: August 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PAHIHINTULUTAN na ng Department of Education (DepEd) na muling makapagturo sa darating na pasukan ang mga hindi pa bakunadong mga guro sa bansa.

 

 

Ayon kay DepEd Usec. Revsee Escobedo sa isang pahayag na papayagan na ng kagawaran na magturo ang lahat ng guro sa bansa bakunado man o hindi.

 

 

Basta’t pananatilihin lamang ng mga ito ang palagiang pagsunod sa ipinapatupad na minimum public health protocols tulad ng pagsusuot ng facemask at gayundin ang maayos na ventilation sa mga silid-aralan.

 

 

Sa datos ng DepEd, sa ngayon ay nasa 37,000 na mga guro na lamang ang hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19.

 

 

Nasa 20,000 sa kanila ay nakapagpatala na para magpabakuna habang nasa 17,000 naman ang bilang ng mga guro ang hindi pa talaga rehistrado para makatanggap ng nasabing proteksyon laban sa coronavirus disease.

 

 

Samantala, batay naman sa pinakahuling datos ng kagawaran.. as of 7:00am ngayong araw ay umabot na 21,272,820 ang bilang ng mga nagparehistro na mga mag-aaral mula noong July 25.

 

 

Karamihan dito ay mula sa Region IV-A na umabot na sa 3,070,451 ang bilang ng mga mag-aaral na nag-enroll, na sinundan naman ng Region III na mayroong 2,366,003 , at National Capital Region na mayroong 2,295,245.

 

 

Magpapatuloy naman hanggang sa Lunes, August 22 ang nasabing enrollment para sa school year 2022-2023.