• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 9:54 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2022

Boston Celtics ambisyon din si Durant mula sa Brooklyn Nets?

Posted on: July 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LUMUTANG ngayon ang impormasyon na kabilang ang Boston Celtics sa mga teams na nag-aambisyon umano na makuha ang serbisyo ng NBA superstar na si Kevin Durant mula sa Brooklyn Nets.

 

 

Nasa isang buwan na ngayon na wala pa ring nakakasungkit kay Durant sa kabila ng hiling nito na malipat ng ibang team.

 

 

Gayunman duda ang ilang sports analyst na agad na makukuha ng Boston si Durant dahil kailangan din ang napakabigat na kapalit tulad na lamang kung kaya bang pakawalan ng Celtics ang kanilang All-Star forward na si Jaylen Brown.

 

 

Una rito, naging usap-usapan din na kabilang sa iba pang team na nakikipag-agawan na makuha si Durant ay ang Miami Heat, Phoenix Suns, at Toronto Raptors.

 

 

Madi Mojdeh hataw sa SLP Series

 

 

Gumagawa ng sariling pangalan si Behrouz Mohammad ‘Madi’ Mojdeh matapos manguna sa listahan ng mga Most Outstanding Swimmer (MOS) awardees sa Class A ng 23rd Swim League Philippines Series na ginanap sa Plaza Dilao sa Paco Manila.

 

 

Humakot ng gintong medalya si Mojdeh para pagharian ang boys’ 11-year division ng torneong nilahukan ng mahigit 300 tankers.

 

 

Sumusunod si Behrouz Mohammad sa yapak ng kanyang nakatatandang kapatid na si Micaela Jasmine na Philippine national junior record holder at masisilayan sa aksyon sa FINA World Junior Championships sa Peru sa Agosto.

 

 

Itinanghal ding MOS sa Class A sina Khloe A­driana Atendido, Drei Mabilin, Samantha Mia Mendoza, Kylee Magtangob, Gwen Eliz Luarca, Pepito Miguel Quitco III, Claire Briana Lim, Mariane Lopez, Andrae Kenzie Samontanes, Hannah Mikaela Lim, Enkhmend Enkhmend, Jhoey Leila Gallardo, Brendan Vinas, Julia Ysabelle Basa, Lleyton Rara, Mikai Trinidad, Angelo Sadol, Patricia de Chavez,  Albert Sermonia, Krisha Apin at Renz Sabalvaro.

 

 

Sa Class B, nanguna sa mga awardees sina Khloe Adriana Atendido, Samantha Mia Mendoza, Mikee Mojdeh, Kylee Magtangob, Princess Jewel Aquino at Rob Kevin Nolla.

 

 

Wagi rin sina Simon Bravo, Jared Jacob Aquino, Filip Solares, Geric A­arod Beredo, Jen Sermonia, Ashby Canlas, Amiel Lotino, Franchesca Alterado, John Kyrant  Mendoza, Al­bert Sermonia, Kyla Lois Jatulan, Krisha Apin at Dave Angelo Tiquia.

 

 

Pinangalanang MOS sa Class C sina Khloe Adriana Atendido, Princess Mikaela Quitco, Krissana Georgia Eugenio, Mizzien Khale Tapat, Jacques Audric Reguyal at Ianne Shanaiah Zafra.

Gobyerno, patuloy na kakalingain ang mga lubos na nangangailangan-PBBM

Posted on: July 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY na kakalingain ng gobyerno  ang mga kababayan na lubos na nangangailangan.

 

 

“Hindi po natin sila pababayaan,” ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City, araw ng Lunes, Hulyo 25.

 

 

Mangunguna  aniya sa pag-aagapay sa  mga ito ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

 

 

Kaya ang utos  niya sa DSWD ay ang mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad at mga iba’t ibang krisis.

 

 

Ang mga field office  aniya ng DSWD ay ay inatasan na maagang maglagak ng family food packs at non-food essentials sa mga LGU, bago pa man manalasa ang anumang kalamidad.

 

 

Sinabi pa ng Pangulo na magdadagdag din ang pamahalaan ng  mga operations center, warehouse at imbakan ng relief goods, lalo na sa mga malalayong lugar na mahirap marating.

 

 

Titiyakin din aniya ng gobyerno  na maayos ang koordinasyon ng DSWD at Department of Human Settlements and Urban Development ng sa ganun, madali ang pagpapatupad ng Emergency Shelter Assistance program para sa mga biktima ng kahit anong kalamidad.

 

 

Pagtitibayin din aniya niya ang komprehensibong programang ‘Assistance to Individuals in Crisis Situations’ o ang  tinatawag na AICS, para maiparating ang tulong sa mas maraming biktima.

 

 

Siniguro naman ng Pangulo na hindi niya pahihirapan ang mga biktima ng krisis na dudulog sa ahensiya — “gagawin nating simple ang proseso ng paghingi at pagpaparating ng tulong.   Dahil hindi naman dapat dinadagdagan pa ang hirap  na nararanasan ng ating mga mamamayan. ”

 

 

“Upang matiyak na mapupunta sa kwalipikadong mga pamilya ang tulong ng pamahalaan sa pamamagitan ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program, titiyakin natin na malilinis ang listahan ng benipisyaryo,” ani Pangulong Marcos.

 

 

Samantala, ibinalita naman nito na higit na sa isang milyong pangalan na ang naka-graduate na sa listahan.

 

 

“At nagagalak akong mabatid na sila ay nakakatayo na sa kanilang sariling paa,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Kaugnay nito ay inutusan aniya niya ng DSWD na pag-ibayuhin pa ang pag-repaso ng listahan upang maitutok ang pamimigay ng sapat na ayuda sa mga lubos na nangangailangang pamilya.

 

 

Bukod dito, magpapatuloy din aniya ang supplemental feeding program para sa mga bata sa Child Development Centers at Supervised Neighborhood Play, at lalo pa aniya niyang  palalawakin  ito sa taong 2023.

 

 

Hindi rin aniya niya  nakakalimutan ang mga solo parents  at mga nanay na nahiwalay sa kanilang mga mister dahil sa karahasan.

 

 

“Pagtitibayin natin ang programa sa Violence Against Women and Their Children, kabilang na ang counselling para sa mga biktima, katuwang ang ating mga LGU,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Tiyakin natin na sapat ang pondo sa halos pitumpong residential care centers at pitong non-residential care centers para sa vulnerable sectors at persons with disabilities na sumisilong dito,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Nope Cast Reveals If They Believe in Aliens in Real Life

Posted on: July 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

THE cast of Jordan Peele’s Nope has revealed if they believe in aliens in real life.

 

 

The thrilling alien horror Nope released in theaters on July 22, finally bringing answers to the vague trailers and plot details of Peele’s mysterious movie. Nope is Peele’s third outing as director following the success of Get Out in 2017 and Us in 2019.

 

 

Peele’s Nope follows Daniel Kaluuya’s Otis “OJ” Haywood Jr. and Keke Palmer’s Emerald “Em” Haywood as they investigate disturbing circumstances on the Haywood Hollywood horse ranch, which was left to them after their father passed away from mysterious debris falling from the sky. With the help of Brandon Perea’s Angel, a tech salesman, and information from Steven Yeun’s Ricky “Jupe” Park, the Haywoods confront what has been terrorizing their area and aim to get proof of the being and become famous in the process.

 

 

Critics have largely praised Nope for its ambitious scope and storytelling and it is Peele’s third film to hit number one at the box office and the first original film to do so since his last movie Us.

 

 

In an interview with CinePop, Kaluuya, Palmer, and Yeun all admit to being believers in aliens. While Kaluuya believes humanity hasn’t seen aliens yet, Palmer says they may not look how humans expect, which is also something Nope explores. Yeun expresses great excitement to see any kind of proof of extraterrestrials whether it be a spaceship, lights in the air, or an alien itself.

 

 

The cast also concurred they wouldn’t put it past marketing to be involved when asked about the recent UFO sightings in Tijuana and San Diego, with Yeun expressing that humanity could use some help from aliens. Read the cast’s full comments below.

 

 

While the cast seems to be in agreement there is other life out there, Perea seems a little more skeptical but admits images like the Tijuana and San Diego sightings force him to think about what could be out in the universe. Getting people to think more about what’s lurking in the sky seems to be a goal of Peele’s with Nope, with the director citing King Kong and Jurassic Park as inspiration for the theme of humanity’s addiction to spectacle. Peele also manages to bottle the feeling of vertigo and a presence he describes felt when focusing on a cloud that sits alone too low to the ground, with Nope using a low unmoving cloud to create an ominous scene for the characters.

 

 

It is fun to see the cast excited about possible real-life aliens, with Yeun especially keen on wanting to see proof for himself. Palmer makes an interesting point and connection to Nope stating that aliens may not look like what audiences expect and could have plans of their own, pointing to the beautiful science fiction film Contact as an example. Both the cast’s enthusiasm and the sense of mystery pushed by Nope reflect Peele’s goal of getting audiences to look up and wonder what else could be possible in the universe while also delivering a gut-wrenching thriller.

 

 

It is fun to see the cast excited about possible real-life aliens, with Yeun especially keen on wanting to see proof for himself. Palmer makes an interesting point and connection to Nope stating that aliens may not look like what audiences expect and could have plans of their own, pointing to the beautiful science fiction film Contact as an example.

 

 

Both the cast’s enthusiasm and the sense of mystery pushed by Nope reflect Peele’s goal of getting audiences to look up and wonder what else could be possible in the universe while also delivering a gut-wrenching thriller. (source: screenrant.com)

 

(ROHN ROMULO)

Diaz focus muna sa gold sa 2024 Paris Olympics

Posted on: July 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PANSAMANTALANG  isasantabi ni Tokyo Olympic Games gold medalist Hidilyn Diaz ang pagbuo ng pamilya kasama ang fiance na si coach Julius Naranjo.

 

 

Sasabak pa kasi ang tubong Zamboanga City lady weightlifter sa 2024 Olympics sa Paris, France kung saan hangad niya ang ikalawang sunod na Olympic gold.

 

 

“Yes, we’re planning to have our family soon. Ako, gusto na. But we’re still aiming for Paris 2024,” wika ng 31-anyos na si Diaz sa isang panayam ni Karen Davila.

 

 

Nakatakda ngayong araw ang kasal nina Diaz at Naranjo sa Baguio City na siya ring petsa ng pagbuhat ng national weightlifter sa Olympics gold sa Tokyo, Japan.

 

 

Sa 2024 Paris Olympics ay sasalang si Diaz sa women’s 59 kilogram division matapos pagreynahan ang 55-kg class sa Tokyo Games.

Ads July 27, 2022

Posted on: July 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Ito ang kauna-unahan niya kaya panay ang training: PIA, naghahanda sa pagsali sa New York City marathon

Posted on: July 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAHANDA na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa pagsali niya sa New York City marathon.

 

 

Ito raw ang kauna-unahang marathon na sasalihan niya kaya panay ang training niya.

 

 

“It’s only 3 months before race day and these were my thoughts before I started training and got serious about running cos I was never a runner before, and I couldn’t even stand doing any sort of cardio then. But I’ve always looked at runners with a lot of respect,” post ni Pia sa kanyang Instagram page.

 

 

Sa in-upload niya photo ay suot niya ang kanyang running outfit and hydration belt habang nakatanaw siya sa Lake Como in Italy.

 

 

Dagdag pa niya: “But here I am getting ready for the NYC marathon @nycmarathon. It will be my first ever marathon & I’ve been training for it since late Feb.”

 

 

Isa sa dahilan kung bakit sasali sa marathon si Pia ay dahil hindi gusto niyang palakasin ang katawan niya, lalo na raw noong magkaroon siya ng sakit na COVID.

 

 

“I’m tired of being sick and tired. I felt like, ‘Okay Pia if you don’t do it now, you’ll never do it. So I took the chance to join the NYC marathon and joined the registration (not under a brand or org this time), made a donation and waited. It didn’t take me three tries this time,” pag-refer ni Pia sa tatlong beses na pagsali niya sa Bb. Pilipinas bago siya manalo sa Miss Universe noong 2015.

 

 

Natuwa si Pia nang makuha na niya ang ticket niya para sa NYC Marathon: “Yay! My ticket to my first ever marathon. ‘Pia Alonzo Wurtzbach, Athlete from the Philippines!’ na ba to?! Chos lang. It feels so good to actually feel and see progress.

 

 

“Today, my weekend runs go for 18 [kilometers]++ when a few months ago I could not even finish 3 kilometers without hating everything. What I’m trying to say is – it’s all possible. But LABAN! I’ll be sharing more about my running journey as race day gets closer. Wish me luck.”

 

 

***

 

 

NAG-CELEBRATE ng kanilang anniversary sa Bali, Indonesia ang mag-partner na sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo.

 

 

Sa latest vlog ni Andi, kasama ang kanyang buong pamilya sa kanilang Bali vacation.

 

 

“We celebrated our anniversary in Bali by doing what we love–bonding with the fam over healthy meals and a good work-out too! And of course we went out to see sights, and some gelato too,” caption niya sa Instagram post.

 

 

Mapapanood sa Happy Islander vlog ni Andi, enjoy ang kanilang mga anak sa iba’t ibang activities sa Bali. Panay din naman ang workout ni Andi kasama si Philmar. Healthy food naman daw ang kinakain nila sa kanilang bakasyon.

 

 

Sey ni Andi: “A simple day out for extra bonding time with the entire family. New VLOG is up tonight at 7PM! Stay tuned, this is only the end of the first half of our Bali adventure. We go from Uluwatu to Canggu in the coming weeks!

 

 

“Been dreaming about this moment! To me, there is no better way to make cherishable memories than to travel the world with my family. We were finally able to do it.”

 

 

***

 

 

PUMANAW na sa edad na 83 ang American actor na si Paul Sorvino sa Jackson, Florida. Siya ang ama ng Oscar-winning actress na si Mira Sorvino.

 

 

Nakilala si Sorvino sa paglabas nito sa gangster classic na Goodfellas at sa pagganap nito bilang si Henry Kissinger sa pelikulang Nixon.

 

 

“I am completely devastated. The love of my life & the most wonderful man who has ever lived is gone. I am heartbroken,” post ng misis ni Paul na si Dee Dee Sorvino on Facebook.

 

 

Tweet naman ni Mira: “My father the great Paul Sorvino has passed. My heart is rent asunder — a life of love and joy and wisdom with him is over.”

 

 

Born in April 1939 in New York, multi-talented artist si Paul na hindi lang pag-arte ang alam kundi may appreciation ito sa arts. Isa rin siyag painter, sculptor, poet, author at opera singer.

 

 

Ilang pang pelikulang nilabasan ni Paul ay A Touch of Class, Reds, The Rocketeer, The Cooler, Romeo + Juliet, The Firm, Turk 182, Rules Don’t Apply, Careful What You Wish For at Birthday Cake. Sa TV ay napanood siya sa Law and Order, That’s Life, Bad Blood, The Oldest Rookie, Grandfathered, The Goldbergs, at Godfather of Harlem.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Sa naging selebrasyon ng 8th anniversary… JERALD, ‘di nagpakabog kay KIM pagdating sa ‘sweet messages’

Posted on: July 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LAST July 21, nag-celebrate sina Jerald Napoles at Kim Molina ng kanilang 8th anniversary.

 

 

At katulad ng kanilang nakagawian, nagpasiklaban na naman ang magkarelasyon ng sweet messages para sa isa’t-isa sa social media, na kung saan kinabog ni Jerald si Kim.

 

 

Sa post ng aktor kasama ang photo nila ni Kim, panalong-panalo ang caption na kinompos niya.

 

 

“Ang tsokolate ko sa malulungkot na araw, ang kape ko sa mababagal na sandali. Ang fried chicken sa plain rice. Ang wasabi sa sashimi.

 

 

“Ngayon lang ako nakumpleto ng ganito, ikaw ang aking pahinga sa nakakapagod na mundo. Happy Anniversary @kimsmolina, mahal kita. #HappyAnniversaryKimJe.”

 

 

Sagot naman ni Kim sa kanyang sweetheart, “BA YAAAAANNN!!!! TALO NANAMAN AKO SA CAPTIONINGST!!!!! MAKATA!! 😭😭😭😭🥹🥹🥹 I love you. @iamjnapoles 🧡”

 

 

Nag-post din si Kim sa Instagram ng mga photos nila ni Jerald na sa pagkakalarawan ng aktres ay parang pictorials ng ’90s loveteam para sa cover ng notebook.

 

 

Caption niya, “Ladies & chenemen, ‘90s loveteam notebook FTW! My rock, my core, my love, HAPPY ANNIVERSARY! Blessed to move mountains with you everyday. I love you! @iamjnapoles #KimJe.”

 

 

Reply naman ni Jerald, ” Love you mimi !!! Happy Anniversary! 😘😘😘”

 

 

Pinusuan at nag-comment ang mga supporters sa socmed para batiin din sila ng “happy 8th anniversary”.

 

 

Say ng ilang netizens, “Yun oh grabe Ang sweet…. tlga ng team #.kimje …. ayyiee so much kilig feels much promise. it and xempre enjoy your special day together guys….”

 

 

“Happy Anniv sa inu kimje. Stay strong and inlove❤️”

 

“Nice! Tindi ng caption! And ang sweet!”

 

Ang tanong, ngayong nalampasan na nila ang ika-pitong taon na relasyon, nalalapit na kaya ang pagpapakasal nina Jerald at Kim, o patuloy pa rin silang nag-iipon para sa kanilang future?

 

***

 

NGAYONG nagsimula na ang countdown variety show ng GMA na Tiktoclock kahapon, July 25 at 11:15 na ka-back-to-back ng Eat… Bulaga!, may ikalawang katapat ang Tropang LOL nina Billy Crawford.

 

Araw-araw na ngang magpapasaya tuwing umaga sina Pokwang, Rabiya Mateo, at Kuya Kim Atienza, kaya tiyak kaming tututukan ito ng viewers para silipin kung worth nga ba itong panoorin.

 

Samantala, hindi pa nga sila halos nakaka-adjust sa bagong timeslot ang Tropang LOL at nabawasan pa ng 15 minutes ang show, heto at may bago pa silang katapat na dapat talaga nilang paghandaan, para manatili sa loyal viewers nila at patuloy na mapanood at lumaban sa ratings game.

 

(ROHN ROMULO)

Ads July 26, 2022

Posted on: July 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

10 lalawigan, ‘very high’ ang COVID-19 positivity rate

Posted on: July 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SAMPUNG lalawigan sa bansa ang nakapagtala ng higit sa 20% o ikinokonsiderang “very high” COVID-19 positivity rate sa loob ng isang linggo, habang naitala sa 14% ang Metro Manila.

 

 

Tinukoy ni OCTA Research Group fellow Dr. Guido David ang mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Rizal, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Aklan, Antique, Capiz, at Isabela na nakapagtala ng higit sa 20% positivity rate nitong Hulyo 22.

 

 

Ang positivity rate ang tumutukoy sa porsyento ng mga tao na nagpositibo sa COVID-19 mula sa kabuuang bilang ng sumailalim sa test.

 

 

Pinakamataas ang Aklan na may 32.6%, kasunod ang Capiz (31.9%), Nueva Ecija (30.5%), Isabela (27.8%), Pampanga (26.1%), Laguna (26%), Cavite(24.5%), Tarlac (24%), Rizal (22.8%), at Antique (22.2%).

 

 

Nasa 14% ang positivity rate ng National Capital Region nitong Hulyo 22 mula sa 12.7% nitong Hulyo 16.  Umakyat naman ang arawang positivity rate ng rehiyon sa 16%.

 

 

Nitong Sabado, nakapagtala ang bansa ng 3,604 bagong kaso ng COVID-19 para umakyat ang mga aktibong kaso sa 25,743 (Ara Romero)

“BLACK ADAM” UNVEILS NEW COMIC CON SNEAK PEEK

Posted on: July 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

“YOU can be the destroyer of this world, or you can be its savior.” 

 

 

Check out the Comic Con Sneak Peek of “Black Adam” below and watch the film in cinemas and IMAX across the Philippines starting October 19.

 

 

YouTube: https://youtu.be/kV17aDgRJ04

 

Facebook: https://fb.watch/erZKNmi_Cc/

 

About “Black Adam”

 

 

From New Line Cinema, Dwayne Johnson stars in the action adventure “Black Adam.” The first-ever feature film to explore the story of the DC Super Hero comes to the big screen under the direction of Jaume Collet-Serra (“Jungle Cruise”).

 

 

Nearly 5,000 years after he was bestowed with the almighty powers of the ancient gods—and imprisoned just as quickly—Black Adam (Dwayne Johnson) is freed from his earthly tomb, ready to unleash his unique form of justice on the modern world.

 

 

Johnson stars alongside Aldis Hodge (“City on a Hill,” “One Night in Miami”) as Hawkman, Noah Centineo (“To All the Boys I’ve Loved Before”) as Atom Smasher, Sarah Shahi (“Sex/Life,” “Rush Hour 3”) as Adrianna, Marwan Kenzari (“Murder on the Orient Express,” “The Mummy”) as Ishmael, Quintessa Swindell (“Voyagers,” “Trinkets”) as Cyclone, Bodhi Sabongui (“A Million Little Things”) as Amon, and Pierce Brosnan (the “Mamma Mia!” and James Bond franchises) as Dr. Fate.

 

 

Collet-Serra directed from a screenplay by Adam Sztykiel and Rory Haines & Sohrab Noshirvani, screen story by Adam Sztykiel and Rory Haines & Sohrab Noshirvani, based on characters from DC.  Black Adam was created by Bill Parker and C.C. Beck.

 

 

The film’s producers were Beau Flynn, Dwayne Johnson, Hiram Garcia and Dany Garcia, with Richard Brener, Walter Hamada, Dave Neustadter, Chris Pan, Eric McLeod, Geoff Johns and Scott Sheldon.

 

 

“Black Adam” smashes into theaters and IMAX in the Philippines beginning 19 October 2022.  It will be distributed worldwide by Warner Bros. Pictures.

 

 

Join the conversation online and use the hashtag #BlackAdam

 

 

 

(ROHN ROMULO)