CONSISTENT talaga ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards na idol niya talaga sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.
Kaya ang unang pagsasama raw nila ni Bea ngayon sa ‘Start-Up PH’ ay isang bagay rin na noong una ay hindi niya inakalang posible pala.
“Hindi naman po lingid sa iba na sobrang fan po ako ng Bea at John Lloyd loveteam, ever since before pa ako magsimula po ako sa showbiz. Sa totoo lang po, sa kanilang dalawa lang po ako na-starstruck sa buong buhay ko.
“So working with her, parang I was given a chance to work with my idol, parang gano’n ‘yung dating, e. Iba rin ang experience as I go along po sa showbiz, 11 years na po ako rito, patuloy pa rin po ang pagtupad ni Lord sa mga pangarap ko.
“And ito nga po yun, which is Star-Up Ph, nagkaroon ako ng chance to be paired with Bea Alonzo,” sey niya.
Tinanong namin si Alden kung bakit nga napili niya ang ‘Star-Up’ na gawan ng adaptation. Kung sa character ni Good Boy na ginampanan ng Korean actor na si Kim Seon Ho, masasabing mas marami siyang ‘di-hamak na mas challenging roles na nagawa na before.
Kaya curious kaming malaman kung ano ang nakita niya sa role ni Good Boy na noong binasa niya, na-challenge pa rin siya.
“Kasi kami po, siyempre, napanood naman natin ang Korean version. ‘Yung pagkakalapat po ng story is very different sa Filpino version. Ang maganda po, na-appreciate ko po na nagawa ng mga Creatives natin na malalim po ang character ni Good Boy na hindi natin nakita sa Korean version. Mas mae-emphasize rin po ‘yun at mas malalim po ang hugot.”
Sabi pa niya, “Of course naman po, gusto po natin na every project, mas nagpa-progress tayo. I also take that into consideration and don’t worry po, kapag napanood niyo po ito, makikita niyo po ang sinasabi ko.”
Sey naman namin kay Alden, wala naman kaming worry sa pwede niyang ipakita at baka nga mas mahigitan pa niya ang original.
***
WALANG duda na going international talaga ang peg ni Liza Soberano. Recently lang, spotted siya ng ilang beses sa ilang event sa Hollywood.
Ngayon naman, ang mga pasabog ni Liza na tila collaboration niya with no less DK of South Korean boy group na iKON. Kahit si DK, ipinost din niya ang dance moves nila ni Liza sa kanyang Tiktok account.
Pero ang pinaka-achieve sa pagpunta ni Liza sa South Korea, ang hindi lang siya nagpa-fangirling, hindi lang siya namasyal but instead, naging guest siya sa isa sa mga show sa Korea.
Ang MBN’s show na “Not Hocane But Scance”
Sey niya, “Had my first ever korean show guesting tonight on MBN’s ‘Not Hocane but Scance.’
“Thank you to the hosts and guests of the show for making the experience fun and comfortable!”
Ang mga hosts na sina Ye Ji-won, Ji-young Kang, Nicole Jung at Soyou. Sa interview, sinabi rin ni Liza na hoping siya na magkaroon ng project sa Korea.
“I am here for a kind-of-vacation-kind-of-work. I’m just exploring Seoul and I’m a huge fan of K-pop and K-drama so I want to find work here.”
Sa isang banda, pwedeng sabihin na ang bagong management company ni James Reid ay may koneksiyon talaga internationally, huh!
(ROSE GARCIA)
WALA nang makakapigil sa pagbabalik ng “full face-to-face” classes matapos itong banggitin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA).
NABASAG ni Armand Duplantis ang kaniyang sariling pole vault world record sa World Championships.
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Philippine Statistics Authority ang pagpapalabas ng 30 milyong national IDs bago matapos ang taong 2022.
WALANG balak si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpatupad pa ng lockdown sa bansa sa kabila nang nananatili pa rin ang banta ng COVID-19 lalo’t may mga nadidiskubreng bagong variants ng coronavirus.
NAUNA ang dalawang Health Centers sa Lungsod ng Taguig ang nabigyan ng license to operate bilang Primary Care Facilities (PCF) ng Department of Health (DOH).
PINANGATAWANAN na talaga at ini-enjoy ni RR Enriquez ang pagiging sawsawera sa mga isyu sa showbiz, kaya naman inaabangan na rin ng mga netizens ang kanyang opinyon.
BINIGYAN ng send-off party ng “All-Out Sundays” last July 24, ang Kapuso Balladeer at “The Clash Season 1” alumnus na si Garrett Bolden Jr.
GANAP nang naging batas ang kontrobersiyal na Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act o mas kilala bilang Vape Bill.