• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2022

Tom Cruise Performs Another Death-defying Stunt In ‘Mission: Impossible 7’

Posted on: July 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TO celebrate Tom Cruise’s 60th birthday, Christopher McQuarrie has shared a brand new death-defying still from Mission: Impossible – Dead Reckoning Part One.

 

 

The movie star has been a part of the franchise since the first film in 1996. Brian De Palma’s original action film, which was adapted from the 1960s spy series of the same name as well as its late 80s continuation series, eventually spawned a long-running film franchise following Cruise’s superspy Ethan Hunt.

 

 

The franchise has become more consistently focused on showcasing dazzling spectacle in recent years, and often with Cruise at the heart of the action.

 

 

Mission: Impossible – Dead Reckoning Part One is going to be the first of a two-part sendoff to Cruise as he exits the Misson: Impossible movies. The project is scheduled to be released in theaters on July 14, 2023, with returning cast also including Ving Rhames, Henry Czerny, Simon Pegg, Rebecca Ferguson, Vanessa Kirby, and Frederick Schmidt.

 

 

The newcomers to the film will include Hayley Atwell, Pom Klementieff, Shea Whigham, Esai Morales, Rob Delaney, and Cary Elwes.

 

 

Last July 3, McQuarrie took to Twitter to celebrate his lead actor’s 60th birthday. To honor Cruise’s special day and show off how the actor is living a life unlike any other 60-year-old on the planet, he shared a brand new image from Mission: Impossible – Dead Reckoning Part One.

 

 

In the death-defying image, Cruise’s Ethan Hunt is hanging from the top of a biplane that is flying while flipped upside down. While the exact details of this stunt likely won’t be revealed until the promotional lead-up to the movie begins in earnest next year, it is the next in a series of exhilarating acts of athleticism that Cruise has become adamant in performing himself.

 

 

He began his modern run of over-the-top stunts in the Mission: Impossible franchise, which has afforded him the opportunity to run down the side of the Burj Khalifa and hang onto a plane mid-flight. He has continued his fascination with aeronautics in his 2022 megahit Top Gun: Maverick, which featured Cruise flying a real plane.

 

 

This brand new stunt in Mission: Impossible – Dead Reckoning Part One might seem slightly less grandiose than several of his previous plane stunts. However, a closer look will reveal that, if anything, it’s even more terrifying.

 

 

Although the size of the plane isn’t quite as impressive, Cruise’s grip strength seems to be the only thing preventing him from plummeting to his death, which will surely result in a tantalizing action sequence for the ages. (source: screenrant.com)

 

(ROHN ROMULO)

Umento sa suweldo ng mga guro inihirit

Posted on: July 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISINUSULONG ni ACT Teachers Rep. France Castro ang karagdagang suweldo sa hanay ng mga guro na hangad nitong maisama sa mga prayoridad na panukalang batas sa ika -19th Congress.

 

 

Sinabi ni Castro na napag-iwanan na ang suweldo ng mga guro kumpara sa mga nurse, pulis at militar pero tambak pa rin ang trabaho ng mga ito sa loob at labas ng kanilang mga classroom.

 

 

Ayon kay Castro na masyadong maliit ang suweldo ng mga guro kumpara sa mga pulis at sundalo na itinaas ng nakalipas na administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa 50 % hanggang 100 %.

 

 

Sinabi ng mambabatas na House Bill 203 ay isang refiled bill na naglalayon para itaas ang sweldo ng mga guro na may teacher 1 positions mula sa salary grade 11 to 15.

 

 

“The latest adjustment of salaries through the Salary Standardization Law 5 by no means addressed the disparity between salaries of those in the low- and middle-level salary grades who comprise majority of the civil service–and those in the managerial levels and especially of top level officials”, ayon sa lady solon.

 

 

Inihayag ni Castro bilang mga education frontliners ay ang mga guro ang nagsisilbing “backbone ‘ sa pagpapatuloy ng edukasyon sa kabila ng 2 taong blended distance learning ng DepEd na konti lamang ang naging suporta mula sa gobyerno sa gitna na rin ng COVID 19 pandemic. (Daris Jose)

Verified Nanunumbalik na pinagtawanan, nilait at hinusgahan ang anak: SYLVIA, proud na proud kay ARJO na isa ngayong Congressman

Posted on: July 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA Instagram post ng premyadong aktres na si Sylvia Sanchez, proud na proud siya sa anak na si Arjo Atayde na nanalong Congressman sa District 1 ng Quezon City.

 

 

Ibinahagi niya ang mahabang mensahe para award-winning actor, kalakip ang mga larawang kuha sa panunumpa nito.

 

 

Panimula ni Sylvia, “Ang saya saya ng puso ng isang INA kapag nakita nya na nagtatagumpay ang Anak nya sa larangang gusto nya.❤️

 

“Isa ako sa pinaka masayang Ina sa araw ng iyong panunumpa bilang Congressman ng Distrito Uno ng lungsod ng Quezon City.

 

At sa araw na ito anak July 1, 2022 ikaw na ang official na nakaupo bilang Congressman ng Distrito Uno🙏💪😘❤️”
Pagpapatuloy pa niya, “walang mapagsidlan ang kagalakan ko sa tagumpay mo. Pinaglaban mo ang gusto mo, ang laman ng pusot isip mo at pinatunayan mong tama ka💪💪💪 Iba ka manindigan anak!!

 

“Habang pinapanood kita, tinatawanan ko nalang lahat ng pagod, hirap, pangungutya sayo at sa pamilya natin dahil bago ka daw at walang alam at artista lang at kung ano ano pang masasakit na salitang ipinukol sayo.

 

“Lahat ng yon napawi habang pinapanood kitang nanunumpa bilang Bagong Congressman ng Distrito uno. Napaka proud ko sa mga oras na yon.”

 

Sabi pa ni Sylvia, “Pero bilang isang ina habang pinapanood kita, pasensya na anak, di ko maalis na manumbalik sa isipan ko na ito ang batang kinutya, pinagtawanan, nilait at hinusgahan pero wala akong nakita o narinig na pambabastos mo sa mga taong bumatikos syo, bagkus ang tanging sinabi mo lang sa akin, hayaan mo sila Mommy, wag tayong sumabay sa pambabastos nila, hindi tayo tulad nila.

 

“Basta ako andito tumakbo dahil gusto ko makatulong sa kapwa ko at mas makakatulong ako pag nasa pwesto ako. I dont want to be a good politician, I want to be a Good Public Servant.”

 

Kaya nasabi na lang niya na, “Sige anak, abutin mo lahat ng pangarap mo, gusto mong tumulong sa kapwa mo, gawin mo lahat yan. Ikalat mo sa Distrito Uno ang Respeto, Pagtitiwala, Pagmamahal, Pag aalaga, Pagpapahalaga at magtanim ka ng Kabutihan sa mga nasasakupan mo at naway Gabayan ka ng DIYOS🙏🙏🙏”

 

Panghuli pa niyang mensahe kay Arjo, “Dito lang kami lagi ni Daddy at ng mga kapatid mo na handang tumulong at aagapay sayo.

 

“Mahalin mo anak at alagaan mo ang mga bagong nagmahal at magmamahal pa sayo ang buong Distrito Uno😄❤️ Kaka proud!!!!”

 

“LORD, pakialalayan po anak ko ha 🙏🙏🙏”

 

Dagdag pa niya, “Nak pahabol😄 sa bahay tatawagin pa din kitang Arjo o Gwapo Ogag😝 pero sa labas tatawagin kita Cong nak hahaha ok ba yon My Congressman?

 

“Serve QCD1 Well anak 🥂🍷🥂 #thankuLORD

 

Pagkaraan ng ilang araw, na-post uli si Sylvia na kung saan hawak-hawak ni Cong. Arjo ang first six bills na nai-file niya.

 

Caption pa ni Sylvia, “6 bills filed!!!

 

“My Cong @arjoatayde means what he said💪💪💪
#AksyonAgad.”

(ROHN ROMULO)

Bukod sa pagsabak din sa maiinit sa eksena: MAVY, puring-puri ang mahusay na pagganap ni ZOREN

Posted on: July 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IDOL ng SPARKADA member na si Sean Lucas ang Kapuso heartthrob na si Miguel Tanfelix.

 

 

Bilib nga raw si Sean sa talento na pinapakita ni Miguel. Magaling daw kasi itong kumanta, sumayaw at umarte. Para sa kanya ay triple threat si Miguel.

 

 

Noong mag-audition nga raw si Sean sa GMA Artist Center, umarte daw siya at ang ginamit niyang monologue ay galing sa isang teleserye na pinagbidahan ni Miguel.

 

 

“Ang galing niya umarte. And aside from that, what I really idolize about him is sobrang galing niya rin talagang sumayaw. At tsaka in terms of fashion din, ang galing niya pumorma.

 

 

“So, lahat ng iyon, ‘yun ‘yung reasons kung bakit idol na idol ko siya. Noong audition ko nga po, ‘yung monologue niya po ‘yung ginamit ko kasi sobrang ina-idolize ko po talaga siya do’n.”

 

 

Magagamit na nga raw ni Sean ang mga natutunan niya sa naging acting workshops nila sa upcoming Kapuso kilig series na LUV IS: Caught in his Arms na pinagbibidahan nina Sofia Pablo at Allen Ansay.

 

 

Kasama rin sa LUV IS ang ibang SPARKADA na sina Vince Maristela, Raheel Bhyria, Michael Sager, Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Kirsten Gonzales, at Tanya Ramos.

 

 

***

 

 

NAGPAPASALAMAT si Zoren Legaspi sa kanyang anak na si Mavy Legaspi dahil sa pagpuri nito sa pagganap niya bilang si Cesar sa top-rating GMA Afternoon Prime teleserye na Apoy Sa Langit.

 

 

Bukod kasi sa pagsabak ni Zoren sa mga maiinit na eksena kasama si Lianne Valentin, lumalabas na ang pagiging mapaglinlang, masama at ganid na tao na handang manakit at pumatay makuha lang ang gusto niya.

 

 

Sa Instagram Story ni Mavy, pinost niya ay: “Just wanted to say how proud I am of my Tatay, @zoren_legaspi. Yes, he is known as an Action Star and is given little credit when it comes Drama.

 

 

“But with this show, he definitely shut everyone up. I saw how he worked for this character and the effort he put in to prove himself that he can achieve so much more as an actor.”

 

 

Ni-repost ni Zoren ang IG Story ni Mavy at nilagyan niya ng caption na: “Maraming salamat anak @mavylegaspi sa pag puri mo sa amin ng nanay mo. Mabuti nakikita mo ang aming pagsisikap sa pagganap ng aming karacter sa aming palabas. Isang karangalan para sa amin na mabati mo kami. Salamat anak.”

 

 

Bukod kasi sa mahuhusay na co-stars ni Zoren na sina Lianne, Mikee Quintos, Carlos Siguion Reyna, Patricia Ismael at Maricel Laxa, nagpapasalamat ang aktor sa pagdirek sa kanya for the first time ng award-winning director na si Laurice Guillen.

 

 

***

 

 

NAGBABALIK sina Bette Midler, Kathy Najimy at Sarah Jessica Parker bilang the Sanderson Sisters sa sequel ng 1993 Halloween comedy na Hocus Pocus.

 

 

Nilabas na ng Disney ang trailer ng Hocus Pocus 2 at magsisimula na itong ma-stream sa Disney+ on September 30.

 

 

Hindi raw nagdalawang-isip ang tatlong aktres na muling buhayin ang mga characters nila bilang makakapatid na witches na ninanakaw ang kaluluwa ng mga bata sa Salem, Massachusetts para manatili silang buhay at sariwa.

 

 

“It’s been 29 years since someone lit the Black Flame Candle and resurrected the 17th-century sisters, and they are looking for revenge. Now it is up to three high-school students to stop the ravenous witches from wreaking a new kind of havoc on Salem before dawn on All Hallow’s Eve,” ayon sa Disney release.

 

 

Kasama sa cast ng Hocus Pocus 2 sina Tony Hale, Sam Richardson, Whitney Peak, Belissa Escobedo, Lilia Buckingham, Doug Jones, Hannah Wittingham at Froylan Gutierrez.

 

 

(RUEL J, MENDOZA)

3 players ng NBA champ Warriors na sina Payton, Porter at Anderson pinakawalan sa free agency

Posted on: July 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ILANG linggo pa lamang ang nakakalipas matapos na magkampeon ang Golden State Warriors, nabulabog din ang kanilang team matapos na pakawalan ang tatlong players para sa free agency.

 

 

Pumayag kasi sina Gary Payton II na pumirma sa Portland Trail Blazers, si Otto Porter Jr. ay napunta naman sa Toronto Raptors, habang si Juan Toscano-Anderson ay maglalaro na sa Los Angeles Lakers.

 

 

Inaasahang mas malaking pera ang kanilang makukuha sa deal lalo na at mahalaga ang papel na kanilang na ginampanan sa pagkampeon ng Warriors.

 

 

Samantala mananatili naman sa Golden State ang kanilang starting center na si Kevon Looney matapos na pumayag na magkaroon umano ng discount sa kanyang tatanggapin na suweldo.

 

 

Ang Warriors starting center ay babalik pa rin sa $25.5 million sa mahigit na tatlong taon.

 

 

Sinasabing mas mataas pa sana ang tatanggapin ni Looney kung nasa ibang team lamang na may non-taxpayer exception.

Pamasahe sa PUJ tumaas muli ng P1

Posted on: July 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TUMAAS ng P1 ang pamasahe sa public utility jeepney (PUJs) simula noong nakaraang Biyernes kung saan ito ay binigyan ng go-signal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) matapos ang hearing na ginawa noong June 28.

 

 

Magiging P11 ang miminum na pamasahe sa mga PUJs mula sa dating P10 kung saan ito ay tumaas muli ng P1.

 

 

Sa isang seven-page na desisyon ng LTFRB na nilagdaan noong June 29, sinabi nito na ang mga PUJs sa buong bansa ay binibigyan ng pagkakataon na magtaas provisionally ng P1 sa pamasahe mula sa dating P10 para sa unang apat (4) na kilometro lamang ng pagpasada.

 

 

Lahat din na mga modern PUJs sa buong bansa ay pinapayagan na magtaas ng P1 sa pamasahe kung saan ito ay magiging P13. Wala naman mangyayari na pagtataas ng pamasahe sa susunod na mga kilometro para sa dalawang klase ng PUJs.

 

 

Dalawang beses ng tumaas ang pamasahe nitong nakaraang buwan dahil sa nararanasan na tumataas ng presyo ng produktong petrolyo mula sa sektor ng transportasyon.

 

 

Noong nakaraang ginawang pagdinig ng petisyon ng mga PUJs, nakita ng LTFRB na tumaas ng 14 na beses ang presyo ng diesel simula ngayon taon, mula sa dating P47.52 kada litro hanggang sa ngayon na P89 na kada litro noong nakaraang linggo. Ito rin ang dahilan kung bakit masyado ang pressure ang nararanasan ng sektor.

 

 

Sinabi pa rin ng LTFRB na ang nasabing fare increase ay makakatulong sa mga PUJ drivers at operators upang magkaron sila ng disenteng kita at ng mabawasan ang masamang epekto ng oil price increase at ng COVID-19 sa kanilang sektor.

 

 

“In issuing this resolution, let it not be said that the agency is indifferent to the plight suffered by the transport sector due to the increase of fuel prices. With the cautious examination of the complexities of the various concerns of our stakeholders, the Board balances the principle that now, more than ever, the need for the riding public to have mass transportation must be sufficiently met,” wika ng LTFRB board.

 

 

Sa ilalim ng kondisyon ng provisional increase ng pamasahe, ang mga estudyante, PWDs at senior citizen ay kinakailangan bigyan ng 20 percent discount sa kanilang pamasahe. Kinakailangan din na magpaskil ang mga drivers ng fare matrix sa kanilang mga sasakyan kung saan ito ay makikita ng mga pasahero.  LASACMAR

Magsayo todo ang paghahanda sa laban nila ni Vargas

Posted on: July 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK  ni WBC featherweight champion Mark “Magnifico” Magsayo na ito ay nasa tamang kondisyon sa paghaharap niya kay Rey Vargas isang linggo bago ang kanilang laban.

 

 

Sinabi ng Filipino Olympic boxer na halos 200 rounds ng sparring ang kaniyang ginagawa kung saan gumanda na ang kaniyang timbang.

 

 

Inaasahan kasi niya na magiging malaking hamon ang nasabing laban dahil wala pang talo ang 31-anyos na Mexican sa 35 na laban nito na minsan ay naging world super bantamweight champion.

 

 

Noong Enero kasi ay tinalo ni Magsayo si Garry Russel Jr.

 

 

Gaganapin ang laban ni Magsayo kay Vargas sa Hulyo 9 sa Alamodome, Texas.

Cabinet officials ni PBBM, sumabak na sa trabaho

Posted on: July 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAY ILANG  miyembro na ng gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang nagsimula nang sumabak sa kanilang trabaho.

 

 

Sa katunayan, may ilan ang nag- first day “warming up” na sa kanilang staff at sinasanay na ang kanilang sarili sa tanggapan na kanilang magiging  “official home” sa mga darating na araw.

 

 

Isa na rito si Trade Secretary Alfredo Pascual kung saan tinanggap ang  flag ng Department of Trade and Industry mula sa dating hepe nito na si Ramon Lopez, sa turnover rites sa nasabing tanggapan.

 

 

“It is an honor and privilege for me to be allowed to serve our country, particularly at this time of pandemic recovery and new emerging uncertainties,” ayon kay Pascual sa  kanyang naging talumpati sa  naturang seremonya.

 

 

Sa ilalim ng kanyang liderato,  nangako si  Pascual  na palalakasin ang suporta ng gobyerno sa “micro, small and medium enterprises; boost the country’s manufacturing sector; push for the ease of doing business; lure investors, broaden exportation; and reassess the organizational structure of the department.”

 

 

Winelcome naman ni Outgoing Labor Secretary Silvestre Bello III ang bagong department head na si  Bienvenido Laguesma,  na nangakong ipagpapatuloy ang sinimulan ni Bello sa departamento.

 

 

“Sana ‘yung pangarap na makapagbigay ng mga serbisyo dun sa mga higit na nangangailangan, tayo naman ay masugid na ginawa ni Sec. Bello, sana ay aking matugunan,” ayon kay Laguesma.

 

 

Si Bello, sa kabilang dako ang siya namang mamumuno sa  Manila Economic and Cultural Office bilang chairman nito.

 

 

Gayundin, dumalo naman si  Department of Public Works and Highways Secretary (DPWH) Manuel Bonoan  sa turnover ceremony, araw ng Biyernes.

 

 

Matapos ang aktibidad, tumawag na agad ito ng miting kasama ang mga department officials  kung saan inilahad niya ang kanyang mga polisiiya at prayoridad.

 

 

“I call upon you all my co-workers and the entire DPWH family to do our share and give the best of us in delivering the much-needed infrastructure support to hasten the economic recovery as envisioned by the President,” anito.

 

 

Nagsimula naman ng manungkulan si Secretary Susan Ople bilang pinuno ng bagong likha na Department of Migrant Workers (DMW).

 

 

Tiniyak ni Ople na ang  DMW  ay magkakaroon ng zero-tolerance policy para sa  illegal recruiters at human traffickers.

 

 

Inanunsyo rin nito ang pagtatatag ng One Repatriation Command Center which na mangangasiwa sa repatriation o pagpapauwi sa lahat ng OFWs na nais ng umuwi ng Pilipinas mula sa ibang bansa.

 

 

“Bisitahin natin muli lahat ng requirements at ‘yung sistema sa contact  verification, pagkuha ng OEC (Overseas Employment Certificate),” ayon kay Ople.

 

 

Habang nilibot naman ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla ang kanyang bagong tanggapan. Siya ngayon ay nasa “familiarization” stage sa departmento.

MMDA walang balak mag-expand ng number coding scheme

Posted on: July 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WALANG plano ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na palawigin ang number coding scheme sa Metro Manila dahil kumonti na ang mga sasakyan sa lansangan.

 

 

Ayon sa MMDA ay bumaba na ito ng 390,000 mula sa dating 417,000 na naitala noong May 5 at 405,000 bago pa magsimula ang pandemya noong 2020.

 

 

“For now, we are not planning to have the expanded number coding scheme, since we do not see the use for it. Currently, the number of cars on the roads are less than usual, and the traffic is moderate,” wika ni MMDA chairman Romando Artes.

 

 

Dagdag pa ni Artes na bahala na ang susunod na administrasyon kung kanilang palalawigin ang number coding scheme.

 

 

Ang pagtaas ng presyo ng gasolina at iba pang produktong petrolyo ang maaaring dahilan kung bakit kukunti na ang gumagamit ng kanilang mga sasakyan.

 

 

Makikita rin ito sa mga bumibiyaheng mga taxis sa Metro Manila kung saan bumaba na ito ng 40 porsiyento na marahil ay siya rin sanhi kung bakit maluwag ang trapiko sa mga lansangan.

 

 

“From before the pandemic there were around 27,000 cabs going around Metro Manila. Now, I think the number is down to 15,000 at certain times. Passenger demand for taxis has gone down by about 55 percent as more people are staying and working at home despite the easing of travel restrictions,” saad ni Philippine National Taxi Operators Association president Bong Suntay.

 

 

Marami sa mga drivers ay hindi na bumibeyahe sa kanilang ruta at ang iba naman na mga operators ay ipinagbili na lamang ang kanilang mga units sapagkat halos pumapalo sa P40,000 ang kanilang monthly expenses sa gasolina.

 

 

Samantala, pinagbigay alam naman ng MMDA na ongoing na ang pag-aayos ng EDSA-Timog flyover Southbound kung kaya’t ito ay totally closed sa trapiko sa loob ng isang buwan na sinumulan noong June 25.

 

 

Ang repairs ay kasama ang reconstruction ng nasirang diaphragm ng tulay at ang construction ng bagong bridge deck slab ng flyover.

 

 

“Total closure of the bridge has to be implemented, considering that the construction works have to be done without any vibration movement. Repairs will be done manually without heavy equipment,” saad ni Artes.

 

 

Gumawa ng inspection ng MMDA at Department of Public Works and Highways (DPWH) kung saan nakita ang mga sira ng EDSA-Timog flyover.  Halos may 140,000 na sasakyang dumadaan at gumagamit ng nasabing flyover.  LASACMAR

DOH: Kaso ng dengue ng sumirit lagpas 45K ngayong mid-2022

Posted on: July 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SUMIPA na sa mahigit 45,000 ang naitalang kaso ng dengue sa bansa mula ika-1 ng Enero hanggang ika-11 ng Hunyo ngayong taon, ayon sa Department of Health (DOH).

 

 

 

Batay sa National Dengue Data na iniulat ng kagawaran, Martes, 45,416 na ang bilang ng kumpirmadong kaso nito — bagay na 45% mas mataas kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon. Nasa 31,320 lamang kasi ang kaso sa parehong time period noong 2021.

 

 

 

Naitala sa Central Visayas ang pinakamataas na kaso ng nasabing mosquito-borne viral disease kung saan 13% ng bilang ay nagmula sa kanilang probinsya. Sumunod naman ang Central Luzon (12%) at Zamboanga Peninsula (10%).

 

 

 

Ani ng Kagawaran, nasa 11,680 kaso ang naitala sa bansa mula Mayo 16 hanggang Hunyo 11 kung saan 15% dito ay mula sa Central Luzon (1,742).

 

 

 

Samantala, sinabi namn ng DOH na mayorya ng lugar sa bansa ay nalampasan na ang “epidemic threshold” o ang paglobo ng bilang ng tinatamaan ng nasabing infectious disease.

 

 

 

Kaugnay nito, pinaigting ng ahensya ang panawagan nila sa publiko na mag-ingat at gawin ang 4S: “Search” and destroy breeding places, “secure” self-protection, “seek” early consultation, at “support” spraying in hotspot areas.

 

 

 

Una nang nagpaalala ang Kagawaran sa publiko hinggil sa pag-iingat kontra dengue upang maiwasan ang outbreak nito lalo pa’t parating na ang tag-ulan.

 

 

 

“As the rainy season approaches, many diseases spread – and one of those is dengue. We are taking proactive actions in preventing outbreaks and raising awareness to curb the increase in the number of cases,” ani DOH spokesperson Maria Vergeire sa isang pahayag noong Mayo.

 

 

 

“Rest assured that the DOH is closely monitoring every disease trend, and is well-prepared to respond to any healthcare aid any Juan or Juana may need,” dadag niya.