MATAPOS masungkit ang WBC featherweight belt noong nakaraang Enero, tuluyan nang namayagpag ang pangalang Mark “Magnifico” Magsayo hindi lamang sa mundo ng boxing kundi sa buong sports community.
At ngayon, mas lalo pang makikilala ang husay at lakas ng isang Pilipinong mandirigma lalo pa at isa na siya sa mga kumakatawan sa “Laban Lang” campaign ng Alaxan. Kasama ni Magsayo bilang brand ambassador si Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz.
“Nagpapasalamat ako sa tiwala na ibinigay ng Alaxan FR sa akin, sa aking kakayahan. Isa po itong malaking karangalan para sa akin,” bulalas ng 26 anyos na boksingero.
Dagdag pa niya, “Ang ‘laban lang’ para sa akin ay isang paalala na hindi dapat sumuko sa mga pahirap at pagsubok para maabot ang pangarap at magtagumpay. Bilang boksingero, sobrang dami kong pinagdaanan kaya nagsumikap ako at nagdasal hanggang maging world champion ako.”
Lumaki si Magsayo sa Tagbilaran City. Panadero ang kanyang ama habang tindera naman ng tinapay ang kanyang ina. Sa edad na walong taon, tumutulong na si Magsayo sa paghahanapbuhay para sa pamilya sa pamamagitan ng pagtitinda ng ice cream sa kalsada.
Kuwento ni Magsayo, nangarap ito na maging pulis bago nadiskubre ang boxing. Noong umpisa ay tutol ang mga magulang niya sa gusto niyang pasukin dala ng takot na baka may mangyaring masama sa kanya.
Ngunit ‘di kalaunan ay sinoportahan din si Magsayo ng kanyang pamilya lalo pa at nagsunod-sunod ang pagkapanalo nito sa bawat laban.
“Marami akong nasubukan na sports kaso hindi ako nag-succeed kaya lumipat ako sa boxing. Nung nalaman ko na may talent ako sa boxing, doon na ako nag-focus. Na-inspire pa ako lalo dahil napapanood ko noon si Senator Manny na idol ko talaga.”
Magmula noon, itinuon ni Magsayo ang sarili sa unti-unting pag-abot ng kanyang mga pangarap. Lumaban siya sa amateur league sa loob ng siyam na taon bago siya nagdesisyon na umakyat sa professional league. Ang record ni Magsayo ay kahanga-hangang 24 wins, 16 knockouts, 0 losses at 0 draws.
Kasalukuyang nasa Amerika si Magsayo upang mag-training sa Wild Card Boxing Club sa ilalim ni Freddie Roach. Nakatakda na kasi ang laban nito sa Mexican boxer na si Rey Vargas sa darating na July 9. Ang nasabing laban ay upang idepensa ni Magsayo ang kanyang kasalukuyang WBC title.
Sa kabila ng tinatamasang tagumpay ngayon sa karera ni Magsayo kung saan nananatili siyang undefeated, hindi nito nakakalimutan ang mga pagkakataon na napabagsak din siya ng kanyang kalaban. Na-knockdown siya ng American boxer na si Chris Avalos noong 2016 at ni Julio Ceja noong 2021.
“Inisip ko ‘yung pamilya ko kasi sobrang hirap namin. Kaya kahit ma-knockdown ako sa laban, tatayo ako. Hangga’t nakikita ko ang kalaban, tatayo ako. Gusto ko rin maalala ng mga tao na mayroong isang Mark “Magnifico” Magsayo na nagbigay ng karangalan sa Pilipinas kaya lalaban ako,” aniya.
Muntik na ring matapos ng maaga ang career ni Magsayo nang magkaroon siya ng problema sa kanyang dating manager/promoter. Halos dalawang taon din siyang hindi nakatungtong ng boxing. “Na-depress ako pero sinabihan ako ng misis ko ‘laban lang, matutupad mo din ang pangarap mo.’ Mas nagsikap ako, nagpursige sa training at nagdasal,” pag-alala niya.
Samantala, sa bawat laban ni Magsayo, katuwang niya rin ang Alaxan na tumutulong sa pagtanggal ng sakit ng katawan in as fast as 15 minutes at direstong umaaksyon sa pamamaga na sanhi ng sakit nito.
“Tiwala talaga ako sa Alaxan dahil noon pa man, basta sakit ng katawan, ‘yan lang ang iniinom ko.”
Pagtatapos ni Magsayo, “Nagpapasalamat din ako na naniniwala ang Alaxan sa akin, hindi lamang dahil sa ito ang una kong grand endorsement kung hindi pati na rin sa kanilang physical and emotional support. Tinutulungan ako ng brand para maka-recover sa body at muscle pain, lalo na kapag may pamamaga habang nasa matinding training. At higit sa lahat, sila ang talagang naniwala sa akin bilang boksingero at mandirigma sa buhay sa simula pa lang. Sabi nga ng Alaxan: “Aaray, pero ‘di bibigay! Laban lang!”
MUKHANG final na kaya at wala ng balikan na magaganap sa pagitan nina Jeric Gonzales at girlfriend niya na si Rabiya Mateo?
USAP-USAPAN pa rin hanggang ngayon ang naging pahayag ni Ella Cruz nang tanungin tungkol sa pagganap bilang Irene Marcos sa pelikula ng Viva Films na “Maid In Malacañang” na mula sa direksyon ni Darryl Yap.
Ipinakita nina Gob. Daniel R. Fernando, may-ari ng Damayang Filipino Bulacan Republicans at kapwa may-ari Arch. Romeo O. Cardenas kasama ang mga miyembro ng kanilang koponan ang kanilang tropeyo sa ginanap na Lingguhang Pagtataas ng Watawat sa Bulacan Capitol Gymnasium, Lungsod ng Malolos, Bulacan kahapon makaraang magwagi ng 1st Runner Up sa National Basketball League (NBL) Season 2022 President’s Cup noong Hunyo 27, 2022. Kasama rin sa larawan sina (unang hanay, ikaapat mula kanan) team consultant BENRO Department Head Atty. Julius Victor C. Degala, Bise Gob. Alexis C. Castro, (ikalawang hanay, ikaanim mula kaliwa) team manager Benjamin B. Santos, Jr., (ikatlong hanay, mula kanan) team manager Jeffrey G. Puertillano, mga Bokal Allan P. Andan, Liberato Sembrano, Cezar Mendoza, (ikaapat na hanay, mula kanan) Raul Mariano, Romeo V. Castro, Jr., Romina Fermin, Allen Dale Baluyut, Richard A. Roque, (ikalimang hanay, mula kanan) Arthur A. Legazpi, Lee Edward Nicholas, Enrique Delos Santos, Renato DL. De Guzman, Jr., (ikaanim na hanay, mula kanan) Myron A. Nicholas, William Villarica at Ramilito Capistrano.
MAY inilatag na rekomendasyon si Transportation Secretary Jaime Bautista hinggil sa pagpapahusay ng serbisyo ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) matapos ang surprise inspection sa rail line noong Lunes.
HINDI umano basta-basta pakakawalan ng Brooklyn Nets ang kanilang veteran superstar na si Kevin Durant sa kabila ng paghahangad nito na lumipat na sa ibang team.
SUMALI na sa World Wrestling Entertainment (WWE) ang kontrobersyal na American YouTube star Logan Paul.
TINANGGIHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suhestiyon na bawasan ang bilang ng mga manggagawa sa mga ahensiya ng gobyerno para makatipid at makaipon ng pondo habang ang Pilipinas ay patuloy na bumabawi at bumabangon mula sa COVID-19 pandemic.
HUMANDUSAY ang duguan at walang buhay na katawan ng isang bagitong pulis matapos pagbabarilin ng isang hindi kilalang gunman na sakay ng isang motorsiklo sa Caloocan City.
EXCITED na ang ilang Sparkle artists para sa magaganap na GMA Thanksgiving Gala sa July 30.