NAWALAN ang pamahalaan ng P500 million na kita dahil sa ginawang programang Libreng Sakay sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT 3) na siyang nagtulak upang ihinto ng Marcos administrasyon ang nasabing programa.
Ayon sa datos na naitala, ang pamahalaan ay nawalan ng P515.91 million na kita mula sa nasabing programa na tumagal ng tatlong buwan mula noong March 28 hanggang June 30.
Ang mga naitalang losses ay ang mga sumusuond: P155.13 million mula March 28 hanggang April 30; P172.67 million mula May 1-30; at P188.11 million mula June 1 hanggang June 30.
Nabigyan naman ang mahigit kumulang na 29.62 million na pasahero ng benepisyo mula sa programa ng Libreng Sakay sa MRT 3 na nakatulong upang mabawasan ang epekto ng tumataas na presyo ng pangunahing bilihin at serbisyo.
Sa datos na nilabas ng pamunuan ng MRT 3 may naitalang 8.47 million ang sumakay mua March 28 hanggang April 30; 9.6 million mula May 1 hanggang May 31; at 10.56 million na pasahero mula June 1 hanggang June 30.
“Libreng Sakay was twice extended to mitigate the impact of inflation on commuters. The program was launched on March 28 and was scheduled to conclude on April 30. However, former president Duterte decided to extend Libreng Sakay twice – first, for the whole of May and then for the whole of June – to spare passengers from the soaring fuel costs,” wika ni MRT officer-in-charge Michael Capati.
Dahil sa programang ito, naipakita rin ng pamunuan ng MRT 3 ang mga improvements na ginawa sa rail line matapos sumailalim ang MRT 3 sa dalawang taon na rehabilitation.
Kahit na nakapagbigay ng benepisyo sa mga tao ang nasabing programa, nagdesisyon naman si President Marcos na ihinto na ito dahil sa funding issues. Ang Department of Transportation (DOTr) ang nagbigay ng rekomendasyon na ihinto ito dahil ayon sa DOTr ang pamasahe sa MRT 3 ay subsidized naman ng pamahalaan.
Sa isang memorandum na nilagdaan ni Marcos ay kaniya naman pinalawig ang libreng sakay sa EDSA Carousel buses na tatagal hanggang katapusan ng taon. Kasama rin sa memorandum ang pagbibigay ng libreng sakay sa MRT 3, Light Rail Transit Line 2 (LRT 2) at Philippine National Railways (PNR) para sa mga estudyante na papasok simula sa August 22 kung saan magkakaron na ng face-to-face classes.
Ayon naman sa Department of Education (DepEd) mayron higit sa 38,000 na mga eskuwelahan ang magbubukas ng face-to-face classes sa darating na pasukan. LASACMAR
NAG-ANUNSIYO kahapon ang Kalayaan College na nasa Quezon City upang ipaalam ang tuluyan na rin nilang pagsasara.
MAHALAGANG bahagi na ng transportasyon ang mga motorcycle-taxis at deliveries. At napapanahon na para magkaroon ng batas para sa ligtas at epektibong serbisyo nito sa tao.
NAIS ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa ilalim ng bagong administrasyon na paigtingin ang cybersecurity at cybercrime detection ng bansa.
ANG tumaas na presyo ng food and non-alcoholic beverages ang itinuturo ngayon ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa mabilis na inflation noong buwan ng Hunyo na umabot sa 6.1 percent mula sa dating 4.9 percent noong buwan ng Mayo.
TINALAKAY ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., araw ng Martes, sa kanyang gabinete ang kasalukuyang economic situation sa bansa.
IKINATUWA ng award-winning director na si Laurice Guillen ang mahusay na performance ng buong cast ng GMA teleserye na Apoy Sa Langit.