IPINAGPAPATULOY ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang “wide-reaching and intensive information” at education campaign para matamo ang inclusive digital economy sa ilalim ng Philippine Identification System (PhilSys) project sa panahon ng administrasyong Marcos.
Layon ng PhilSys na magtatag ng single national ID para sa mga mamamayang Filipino at resident aliens.
Ang national ID ay dapat na maging valid proof of identity at paraan ng pinasimpleng public at private transactions, enrollment sa mga eskuwelahan at pagbubukas ng bank accounts.
Palalakasin din nito ang kasanayan o kakayahan sa pakikipag-deal sa government services kung saan kailangan lamang ng tao na mag-prisenta o magpakita ng isang ID sa panahon ng transaksyon.
Sa pamamagitan ng PhilSys, “a secure, digital and interoperable platform, service providers are allowed to verify their clients’ identities using the Application Programming Interface (API). The API-enabled authentication services include basic online verification, automated pre-filing of customer information in the system of the relying party, and generating tokens for seeding or storage of information.”
Layon naman ng PhilSys project na bawasan ang fraud o pandaraya sa pamamagitan ng paglilinis sa mga databases pagdating sa mga duplicate at fictitious records.
Matatandaang, buwan ng Pebrero ng lagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang ang Executive Order 162 na nag-uutos na tanggapin ang Philippine o National ID bilang sapat na katibayan ng pagkakakilanlan at edad ng isang tao sa lahat ng transaksyon sa bansa upang mas mapabilis ang pagbibigay ng serbisyo, mapalakas ang financial inclusion at mapadali ang paggawa ng negosyo.
Sinabi ni Duterte na ang PhilSys (Philippine Identification System) ang magiging sentro ng identification platform ng gobyerno para sa lahat ng mga mamamayan at residenteng banyaga sa bansa.
Nakapaloob din ito sa Republic Act No. 11055 o ang Philippine Identification System Act, kung saan ang record ng isang mamamayan sa PhilSys ay ikukunsiderang sapat na patunay ng identiy at edad ng isang indibidwal.
Ang PhilSys din ang magsisilbing opisyal identification document na inilabas ng gobyerno at opisyal na katibayan ng identity ng mga cardholders sa pakikipag-transaksiyon sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan.
Inaatasan ang lahat ng mga bangko at pinansiyal na institusyon na sumunod sa guidelines na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas at iba pang regulatory agencies tungkol sa PhilID, PSN o PSN Derivative. (Daris Jose)
TARGET ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na paghusayin ang anti-cybercrime capacity ng Philippine National Police (PNP).
BINISITA ni Vice President Sara Duterte ang official residence ni Ambassador of Japan to the Philippines Kazuhiko Koshikawa para ipaabot ang pakikiramay sa pagkamatay ni dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe.
LALO pang tumaas ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) nang maitala ito sa 10.9% nitong Hulyo 9 mula sa 8.3% nitong Hulyo 2 lamang, ayon sa OCTA Research Group.
IPINAGMALAKI ng veteran na si John Wall na malaki ang maitutulong niya sa kakulangan ng Los Angeles Clippers lalo na sa pagiging point guard.
HIGIT sa P2-milyon na halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng mga awtoridad nang tangkang ipuslit papasok sa Maximum Security compound ng New Bilibid Prison (NBP), sa Muntinlupa City, kamakalawa ng hapon.
HINDI PA handa ang public transportation sa ilang bahagi ng Pilipinas sa pagpapatupad ng full resumption ng face-to-face classes.
AYON sa batas maaari kang magparehistro bilang botante kapag 18 years old ka na – estudyante ka man o hindi, may trabaho man o wala. Basta 18 years old. Pero sa SK elections maaring bumoto at iboto ang 15 years old. Dati ang voting age ay 21 years old bago ito binaba ng 18 years old. Pero ngayon sa tingin ng inyong lingkod ay dapat bigyan na rin ng karapatan sa pagboto ang mas nakakaraming kabataan at gawin 16 years old ang voting age.
IPINANUKALA ngayon ni Albay Representative Joey Salceda ang pagkakaroon ng mga manggagawa ng unemployment insurance.