• March 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2022

‘Avatar 2’ New Image Reveals More Gorgeous Underwater Action

Posted on: July 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

A new image from Avatar: The Way of Water reveals gorgeous underwater action from James Cameron’s long-awaited sequel.

 

 

The first film was released in 2009 and remains the highest-grossing film of all time. Set more than a decade after the first Avatar movie, The Way of Water will feature the return of Jake Sully and Neytiri and introduce their four Na’vi children – Neteyam, Lo’ak, Tuktirey, and Kiri. Plot details for the sequel are somewhat thin, though it is expected to revolve around the Sully family as they protect one another from the various dangers on Pandora.

 

 

Sam Worthington and Zoe Saldaña return to lead the Avatar: The Way of Water cast alongside Stephen Lang, Joel David Moore, CCH Pounder, Giovanni Ribisi, and Matt Gerald, reprising their roles. Sigourney Weaver also returns in a shockingly different role – Jake and Neytiri’s adoptive teenage daughter, Kiri.

 

 

New cast members include Kate Winslet, Cliff Curtis, Edie Falco, Jemaine Clement, Michelle Yeoh, and Vin Diesel. Since Disney confirmed Avatar 2’s title, it was clear the sequel would shift its focus to Pandora’s oceans.

 

 

Now, Empire Magazine has revealed yet another look at Avatar 2’s gorgeous underwater action. The image shows a young Na’vi swimming through a school of alien fish with a slight smile on their face. Though the name of this young Na’vi is unspecified, it appears to be one of Jake and Neytiri’s female children, either Kiri or Tuk.

 

 

Based on the movie’s marketing so far, it’s clear the Avatar sequel has two things going for it – water and family. The first Avatar movie is famous for its groundbreaking visual effects, and Cameron continues pushing the envelope on the sequel.

 

 

Cameron and his team developed new technology to shoot performance capture underwater to film these immersive sequences like the image above, a feat never accomplished before that required actors to hold their breaths underwater for extended periods.

 

 

Besides gorgeous underwater action, the Avatar sequel will also see an increased focus on family, with the teaser trailer featuring only one line of spoken dialogue from Jake Sully proclaiming, “This family is our fortress.” Of course, the James Cameron-directed film is expected to feature some stunning underwater visuals.

 

 

Yet, its familial themes should give the sequel an emotional throughline which some feel the first film lacked. Audiences can experience all Avatar: The Way of Water has to offer when the sequel releases in theaters on December 16. (source: screenrant.com)

 

(ROHN ROMULO)

Populasyon sa buong mundo, inaasahang papalo sa 8 billion ngayong taon – UN

Posted on: July 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAASAHANG  papalo sa 8 billion ang populasyon sa buong mundo sa Nobyembre 15 ng kasalukuyang taon.

 

 

Base sa forecast ng UN, ang India na ang bansa na may pinakamaraming populasyon sa buong daigdig na nalagpasan na ang China.

 

 

Ayon kay Secretary General Antonio Guterres na ang overall population milestaone na ito ay isang reminder ng ating shared responsibility para alagaan ang ating planeta at pagnilayan ang ating commitments para sa isa’t isa.

 

 

Batay sa forecast mula sa UN Department of Economic and Social Affairs na unti-unting tumataas ang populasyon sa buong mundo mula noong 1950 at posibleng lumobo pa ng 8.5 billion sa taong 2030 at 9.7 billion sa taong 2050 at inaasahang ang peak ng 10.4 billion populasyon sa taong 2080 bago ito inaasahang mananatili sa naturang bilang hnaggang sa taong 2100.

 

 

Bagama’t naobserbahan ang pagbaba ng birth rate sa ilang developing countries , mahigit kalahati ng pagtaas na tinataya sa populasyon sa buong m,undo ay inaasahang maitatala sa mga susunod na dekada sa walong mga bansa.

 

 

Ito ay sa Democratic Republic of Congo, Egypt, Ethiopia, India, Nigeria, Pakistan kabilang ang Philippines at Tanzania.

Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, itinaas ang kamalayan ng publiko ukol sa disaster resilience

Posted on: July 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Maliban sa pagiging handa, ipinatupad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang kampanya sa disaster resilience upang maitaas ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng maagap na pagtugon sa mga sakuna.

 

 

Bilang bahagi ng National Disaster Resilience Month 2022 na may temang “Sambayanang Pilipino, Nagkakaisa tungo sa Katatagan at Maunlad na Kinabukasan,” ang mga aktibidad ay magsisilbing panawagan sa mga national government agencies (NGAs) at lokal na pamahalaan.

 

 

Ayon kay Felicisima Mungcal, pinuno ng PDRRMO, ang mga aktibidad na kabilang sa kampanya ay ang pamimigay ng iba’t ibang IEC materials gaya ng handbooks sa COVID-19 Pandemic kasama na ang Mga Gabay Upang Proteksyunan ang Sarili, Pamilya at Pamayanan; Mga Payong Pangkaligtasan sa Panahon ng Kalamidad; Mga Payong Pangkaligtasan sa Pag-iwas at Pag-iingat sa Sunog; Bulacan 911 posters at stickers sa mga Local DRRM Officers, PDRRMO Staff, City/Municipal DRRMOs, NGOs at mga volunteers.

 

 

Magsasagawa rin ng iba’t ibang mga pagsasanay sa loob ng buwan ng Hulyo kasama na ang Basic First Aid Training for Municipal Employees sa Pandi Municipal Hall mula Hulyo 7-8 at Hulyo 12-15 at First Aid at Work Training para sa mga tauhan/lifeguards ng Bulacan private pools sa Hulyo 11-12 na gaganapin sa Tanghalang Nicanor Abelardo dito.

 

 

Samantala, magdaraos din ang PDRRMO ng pamamahagi ng Prototype Rain Gauge sa 37 SHINe School beneficiaries; pamamahagi ng COVID-19 Handbook sa mga Lungsod/Munisipalidad at sa Department of Education (DepEd) at ang Mass Graduation of Batches 1 to 3 for Crashed Vehicle Emergency Rescue Training (CVERT) Course sa Biyernes, Hulyo 15, 2022 sa Bulacan Capitol Gymnasium dito.

 

 

Isasagawa rin ang Integrated Planning Course on Incident Command System (ICS Level 2) sa Hulyo 19-22 at Standard First Aid Training (SFAT) for New DRRMO Employees sa Hulyo 26-29 na gaganapin sa KLIR Waterpark Resort, na dadaluhan ng mga kawani mula sa iba’t-ibang tanggapan ng PGB (PDRRMC Member Agencies), mga tauhan ng PDRRMO at mga DRRMO sa mga Lungsod/Munisipalidad.

 

 

Gaya ng nakasaad sa Executive Order No. 29-2017 na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ang National Disaster Awareness Month ay ginawang National Disaster Resilience Month upang ilihis ang layunin nito mula sa ‘disaster awareness building’ patungo sa ‘disaster resilience’. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Navotas nakatanggap ng 250 doses ng pneumococcal vaccine mula sa DOH

Posted on: July 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGBIGAY ang Department of Health (DOH sa pamamagitan ng pagsisikap ni dating Congressman at ngayo’y si Navotas City Mayor John Rey Tiangco ng 250 doses ng pneumococcal vaccine para sa Pamahalaang Lungsod.

 

 

Ibinunyag ng DOH na ang pneumococcal vaccine ay isa sa pinakamabisang bakuna kontra sa malubha at potentiall fatal pneumonia infections na kadalasan nararanasan ng mga matatanda.

 

 

Noong Martes ng hapon, ang Navotas City Health Office, sa tagubilin ni Mayor Tiangco ay nagsimulang mamahagi ng mga bakuna sa mga senior citizens na pinili ng Office of Senior Citizen Affairs (OSCA) chapters.

 

 

Nauna rito, iniulat ng University of the Philippines (UP) Population Institute na ang pneumonia ay itinuturing na isa sa mga nangungunang sanhi ng pagkamatay ng mga senior citizens na edad 60 pataas.

 

 

Sa figure na ito, sinabi ng Philippine Society of Microbiology and Infectious Diseases (PSMID), ang UP Population Institute ay lubos na inirerekomenda ang mga taong may edad 60 pataas na mabigyan ng pneumococcal vaccine upang tugunan hindi lamang ang pneumonia kundi pati na rin ang trangkaso. (Richard Mesa)

Ads July 14, 2022

Posted on: July 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Mga menor, personalidad na may mental condition, pagbawalang uminom ng alak

Posted on: July 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UPANG patuloy na maprotektahan ang mga menor de edad at personalidad na may mental conditions mula sa masamang epekto ng alak, isinulong ng dalang mambabatas ang pagpataw ng mas mahigpit na regulasyon sa pagbebenta nito.

 

 

Sa House Bill No. 1753 o Anti-Underage Drinking Act na inihain nina Davao City Rep. Paolo Duterte at Benguet Rep. Eric Yap, ipinanukala ng mga ito na maglagay ng minimum legal drinking age sa bansa at magpataw in the country, and also provide for penal sanctions against any person or private entities caught in violation of the legislation to contain the availability of alcohol to unqualified individuals.

 

 

Paliwanag ni Duterte na ang pag-inom ng alak ang ikatlo sa pangunahing risk factor sa hindi magandang kalusugan sa buong mundo na sanhi rin ng pagkamatay ng tinatayang 2.5 million kada taon.

 

 

Hindi pa kabilang dito ang malawak na negatibong epekto ng pag-inom ng alak sa sa kalusugan.

 

 

Sa ilalim ng HB 1753, ang “Unqualified Individuals” ay yaong mga personalidad na 21 anyos pababa at maging mga 21 anyos pataas na hindi kayang pangalagaan o protektahan ang sarili mula sa pang-aabuso, pagpapabaya, eksploytasyon at diskriminasyon dahil sa pagkakaroon nito ng physical o mental disability o condition.

 

 

Ipinagbabawal din sa panukala ang pagbili ng alak o alcoholic beverages ng unqualified individuals sa anumang tindahan o tindero.

 

 

Ang sinumang Unqualified Individuals na lumabag sa probisyon ay sasa-ilalim sa counsel ng Barangay Council for the Protection of Children bago dalhin sa magulang oguardian sa unang opensa, at papadaluhin sa counseling kasama ang magulang o guardian sa mga susunod na paglabag.

 

 

Kapag hindi sumunod sa naturang requirement ay dadalhin ang usapin sa DSWD para sa kaukulang disposisyon.

 

 

Ang sinumang nasa legal age o establishment na lalabag sa probisyon ng panukala ay pagmumultahin ng P50,000 o pagkakakulong ng tatlong buwan. (Ara Romero)

LALAKING NATUTULOG SA CENTER ISLAND PISAK SA TRACTOR HEAD

Posted on: July 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TULUYAN nang hindi nagising ang isang lalaki na natutulog sa center island ng kalsada nang nagulungan ng isang tractor head  matapos na nawalan ng kontrol sa kanyang manibela ang driver sa Binondo, Manila kahapon ng madaling araw.

 

 

Nakasuot ng kulay blue na T-shirt at maong short  ang di pa nakikilalang lalaki at umano’y natutulog sa center island ng kalsada habang kinilala ang driver ng tractor head na may trailer truck na si  Jesus Operio Jr y Villasor, nasa wastong edad ng 291 Kawit St.Balut Tondo,Manila.

 

 

Sa ulat ng Manila Police District (MPD) dakong alas-1:00 kahapon ng madaling araw nang naganap ang insidente sa Southbound lane ng  Delpan Bridge. Pababa sa bahagi ng  Binondo, Manila kung saan minamaneho ng suspek ang kanyang  tractor head na may plakang AWA 4868  habang binabagtas ang Southward lane ng Delpan bridge sa Binondo, Manila nang nawalan umano ng kontrol sa kanyang pagmamaneho ang driver kaya pinihit nito sa kaliwang bahagi ng kalsada at nagulugan ang biktima sa umano’y natutulog sa center island at nagresulta sa kanyang agarang kamatayan. (Gene Adsuara)

PBBM, nagsagawa ng pangalawang Cabinet meeting via teleconference

Posted on: July 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Pangulong  Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pangalawang Cabinet meeting, araw ng Martes sa pamamagitan ng teleconference.

 

 

HIndi ‘physically present’ si Pangulong Marcos sa meeting na isinagawa sa  Presidential Guest House  dahil patuloy siyang nasa isolation  matapos na magpositibo sa COVID-19 testing  noong nakaraang linggo.

 

 

Bumuti naman ang kalusugan ng Pangulo at siya ay “is on his way to a complete recovery,” ayon sa doktor nito, araw ng Lunes.

 

 

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, kabilang sa mga naging paksa na tinalakay sa meeting na nagsimula alas-9 ng umaga ay ang “2023 national budget, “Build, Build, Build” at ang infrastructure convergence programs, at maging ang priority transportation programs and projects.”

 

 

Ang inisyal na plano ng Department of Budget and Management (DBM) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ay napag-usapan din.

 

 

Matatandaang, nagsagawa ng kanyang unang Cabinet meeting si Pangulong Marcos noong Hulyo 5. (Daris Jose)

2 RIDER, PATAY SA TRAILER TRUCK

Posted on: July 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASAWI ang dalawang rider nang mabangga ng trailer truck ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Ermita, Maynila kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ang  mga biktima na si Jake Tiburania,nasa hustong gulang ng 14 San Vicente St., Pineda, Pasig City at backride na si Brix Deuna Urot, nasa hustong gulang at nakatira sa 0009 Sitio Udioncan Macabud Rodriguez, Rizal.

 

 

Base sa ulat ng MPD-Traffic Enforcemen Unit, alas 3:15 Martes ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa kahabaan ng UN Avenue kanto ng San Marcelino St, sa Maynila.

 

 

Sakay ang biktima ng Honda motorcycle at binabagtas ang westbound ng UN Avenue  habang ang Tractor head na may trailer at may plakang DCQ6565 at minamaneho naman ni  Randy Layda Y Luzano ng B10 L7 Paradahan 2 Tanza, Cavite ay binabagtas ang southward ng San Marcelino St.

 

 

Pagsapit sa intersection ng UN Avenue at San Marcelino, ang harapang bahagi ng motorsiklo ay nabangga ng tractor head kung saan tumilapon pa ng ilang metro ang mga biktima na nagresulta ng kanilang agarang kamatayan.

 

 

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng tractor head at nagpapatuloy pa ang imbestigasyon. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

PBBM, ipinag-utos sa DOH na paigtingin pa ang bakunahan ng booster shot sa bansa

Posted on: July 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NADAGDAGAN pa ang bilang ng bakunahan kontra COVID-19 sa bansa ayon sa Department of Health (DOH).

 

 

 

Sa datos ng kagawaran, mula noong buwan ng Marso ay tumaas pa hanggang 200,000 ang bilang ng mga indibidwal na nababakunahan sa bansa mula noong buwan ng Marso.

 

 

 

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa ngayon ay hindi pa nakakamit ng lahat ng rehiyon sa Pilipinas ang kanilang 50 percent target population sa bakunahan naman ng booster shot.

 

 

 

Habang ang National Capital Region (NCR) naman aniya ang pinakamalapit nang maabot ang target na umaabot na sa 43 percent ng target population nito.

 

 

 

Bukod dito ay ibinalita rin ni Vergeire na inatasan din ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang DOH na lalo pang paigtingin ang bakunahan ng booster shot sa bansa.

 

 

 

Hihingi rin aniya sila ng tulong sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Interior and Local Government (DILG), at marami pang iba.

 

 

 

Sa ngayon ay umaabot na sa 70.8 million na mga Pilipino ang nakatanggap na ng kumpletong bakuna laban sa nakamamatay na sakit, habang 15.2 million naman sa mga ito ang naturukan na ng booster shot batay sa pinakahuling datos na inilabas ng DOH.