• March 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2022

Chile nakapasok sa Rugby World Cup sa unang pagkakataon

Posted on: July 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKAPASOK  sa Rugby World Cup ang bansang Chile.

 

 

Ito ang unang pagkakataon na makapasok ang nasabing bansa ng talunin nila ang US sa score na 31-29 sa laro na ginanap sa Colorado.

 

 

Naging bida sa panalo si Santiago Videla na siyang nagselyado ng nasabing laro.

 

 

Dahil dito ay kabilang ang Chile sa Pool D ng 2023 World Cup na gaganapin sa France kasama nila sa grupo ang England, Argentina, Japan at Samoa.

 

 

May tsansa pa ang US na makapasok sa World Cup basta magtagumpay sila sa final qualification tournament na gaganpin ngayon taon.

PH, China balik- ‘negotiating table’ para sa nabiting proyekto

Posted on: July 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BALIK -negotiating table ang China  at Pilipinas para sa pagpopondo ng ilang  infrastructure projects matapos isiwalat ni Transport Undersecretary for Railways Cesar Chavez na “withdrawn” na ang mga ito dahil sa kawalan ng aksyon ng Beijing ukol sa pagpopondo na hiniling ng nakalipas na administrasyon.

 

 

Kaagad namang nagbigay ng paglilinaw ang  Chinese Embassy nang sabihin ni Chavez na binasura na ng Pilipinas ang  loan applications para sa three big-ticket railways na kinabibilangan ng Philippine National Railways Bicol project, Subic-Clark Railway Project, at ang first phase ng Mindanao Railway Project— dahil sa hindi pagtugon ng Beijing sa loan application ng Pilipinas simula pa noong  2019.

 

 

Napag-alaman  na ipinag-utos ni President Ferdinand Marcos Jr. ang muling pakikipag-negosasyon ng DOTr sa China para sa loan agreements ng tatlong railway projects.

 

 

Kaugnay nito, binigyang-diin ng embahada na mayroon nang positive progress upang isulong ang mga proyekto.

 

 

Anila, bukas ang China para sa technical discussions sa mga proyekto at handa itong makipagtulungan sa bagong administrasyon ng Pilipinas.

 

 

“Our two sides have been negotiating technical issues and made positive progress to move the projects forward,” ayon sa embahada. (Daris Jose)

Dahil walang pagkukulang sa mga kasambahay… RUFFA, pinagdidiinan pa rin na wala siyang inagrabyado

Posted on: July 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI alam ni Ruffa Gutierrez na magkakaroon siya bigla ng issue sa kasagsagan ng promo ng “Maid in Malacanang.”

 

Nabanggit pa nga sa kanya ni Direk Darryl Yap na may issue kay Ella Cruz at biniro pa siya ng director na baka bigla rin siya magkaroon ng issue.

 

True enough, idinadawit ang pangalan ni Ruffa sa hindi umano nito pagbabayad ng sweldo ng dalawang katulong, na humingi ng saklolo sa dating Comelec Commissioner na si Rowena Guanzon.

 

Pero sinabi ni Ruffa na wala raw siyang pagkukulang sa dalawang katulong na gusto nang umalis sa kanyang poder habang siya ay wala at nasa shooting.

 

Palitan tuloy sila ng tweets ng dating Comelec commissioner who took the cudgels for the housemaids. Pero Ruffa maintains hindi niya inagrabyado ang mga katulong. Wala siyang utang sa mga ito.

 

***

 

PUMIRMA na si Wiillie Revillame ng kontrata sa Advanced Media Broadcasting Systems (AMBS).
Pero ayon sa AMBS President na si Maribeth Tolentino, wala pang malinaw na title o posisyon si Willie sa bagong TV network.

 

 

Pero umaasa si Willie na ang nabuo niyang partnership with Mr. Villar ay magiging fruitful in the long run.

 

 

Thankful siya sa tiwalang ibinigay sa kanya para maging parte sa pagsisimula ng bagong network na magiging bagong tahanan ng “Wowowin.”

 

 

Sinabi rin ni Willie na bukas ang AMBS sa pagtanggap ng mga bagong empleyado lalo, kabilang ang mga dating employees ng ABS-CBN.

 

 

Kailangan lang daw na mag-apply ang mga ito, lalo ang production at technical staff na kakailanganin nila sa pagbubukas ng network.

 

 

Basta ang objective niya ngayon ay makabalik sa ere ang “Wowowin” para maipagtuloy niya ang pagbibigay ng saya sa mga manonood. Gusto rin niya na mapasaya ang Pinoy overseas kaya balak niya dalhin ang “Wowowin” sa Middle East, Hong Kong at iba pang lugar na maraming OFWS.

 

 

Gusto sana ni Willie na before the end of the year ay mailunsad na nila ang AMBS 2 para maituloy na nila ang Wowowin at isa pang game show.

 

 

Sinabi niya na inalok nga siya ni dating Pangulong Duterte at Sen. Bong Go na tumakbo sa Senado pero mas pinili ang kanyang showbiz career at Wowowin dahil dito siya masaya.

 

 

“Wala akong alam sa paggawa ng batas. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko roon. Di dahil popular kang artista ay tatakbo ka na. Mas gusto ko na makapagbigay kasiyahan sa paraan na alam ko,” wika pa niya.

 

 

***

 

 

SABI ni Darryl Yap, ang kontrobersiyal na director ng upcoming movie na “Maid in Malacanang”, gumagawa raw siya ng pelikula para sa mga hindi naniniwala sa kanya.

 

 

Pero naniniwala raw siya na ‘yung mga taong nagsasabi na hindi panoorin ang pelikula niya ay pinapanood pa rin naman ang mga movies niya.

 

 

Masayang-masaya raw siya sa atensiyon at panahon na ibinibigay sa kanya ng mga tao (he is probably also referring to his bashers).

 

 

“Ang tagumpay ng pelikula ay hindi lamang sa papuri kundi sa masustansiyang at kapaki-kapinabang na puna na maaring galing sa mga kakampi o mga kalaban ngunit ang mahalaga, kakampi man o kalaban ang importante nanood. Doon pa lang masaya na ako doon,” pahayag ni Direk Darryl.

 

 

Nang tanungin kung magkakaroon ng sequel ang “Maid in Malacanang”, sinabi niya na trilogy raw ito.

 

 

Depende rin kung ano ang sasabihin ni Sen. Imee Marcos dahil ang mga conversations daw nila ng senadora ang pinagsimulan ng kwento ng movie.

 

 

Naniniwala rin siya na posibleng magkatotoo ang sinasabi niyang trilogy dahil grabe ang suporta ng Viva sa project, pati na rin ang suporta ng mga nagsasabing panonoorin nila ang movie.

 

 

Sabi niya ang tagumpay daw ng isang pelikula ay dapat sinusukat sa dami ng mga taong nanonood kasi ang paggawa ng pelikula ay isang negosyo.

 

 

Siyempre naman gugustuhin ng isang film producer na kumita ang pelikulang ginastusan niya.

 

 

Showing na “Maid in Malacanang” in cinemas nationwide on August 3 and worldwide via streaming.

 

 

 

(RICKY CALDERON)

82% ng Pinoy tiwalang ‘kapanipaniwala’ 2022 elections — Pulse Asia

Posted on: July 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANINIWALA ang karamihan ng mga Pilipinong “tumpak” at “kapani-paniwala” ang naging resulta ng katatapos lang na May 2022 national elections, paglalahad ng Pulse Asia Research sa panibago nilang pag-aaral.

 

 

Ito ang lumalabas sa kanilang Ulat ng Bayan survey na ikinasa mula ika-24 hanggang ika-27 ng Hunyo, bagay na inilabas sa media ngayong Lunes.

 

 

Narito ang nagsasabing “malaki” ang pagtitiwala nila sa kinalabasan ng resulta ng halalan:

 

Buong Pilipinas (82%)

Metro Manila (84%)

Luzon (73%)

Visayas (85%)

Mindanao (96%)

Batay sa uri, narito naman ang mga nagsasabing malaki ang tiwala nila sa mga resulta:

ABC (79%)

D (82%)

E (81%)

 

 

“Trust is most pronounced in Mindanao (96%) and leastmanifest in the rest of Luzon (73%) while essentially the same figures are posted in the different classes,” paliwanag ng Pulse Asia.

 

 

“In contrast, 4% of Filipino adults express distrust while 14% are ambivalent on the matter.”

 

 

Lalo namang mas matataas ang bilang ng mga nagsabing madali ang paggamit ng mga VCMs, bagay na pumalo sa 95%.

 

 

Ito’y kahit na umabot sa halos 1,900 vote counting machines ang sinasabing nagkaroon ng problema kahit na wala pang kalahating araw ng botohan noong ika-9 ng Mayo.

 

 

Dahil sa mga problema, marami pa ring mga nakapila sa mga polling precincts kahit 11 p.m. na — ito’y kahit 7 p.m. ay tapos na dapat ang botohan.

 

 

Mahigit tatlong kapat (3/4) ng adult population naman ng Pilipinas, o 72%, ang nagsabing primaryang nakatulong ang mas mabilis na transmission ng mga resulta ang pangunahing magandang naidulot ng automated polls ngayong taon.

 

 

Para naman sa 15%, sinasabi nilang ang pagpapadali ng proseso ang primary benefit habang 11% naman ang nagsabing naging mas credible ang halalan dulot nito. Sa kabila niyan, 1% ang nagsabing wala itong naging benepisyo sa kabuuan.

 

 

“Preference for having automated elections in the future is expressed by 89% of Filipino adults,” patuloy pa ng research firm.

 

 

“Only 4% of adults have a contrary opinion on the matter while 7% cannot say if they would or would not like to see automated voting continued in future Philippine elections.”

 

 

Ang survey, na ginamitan ng face-to-face interviews, ay isinagawa sa 1,200 katao na edad 18-anyos pataas. Meron itong ± 2.8% error margin sa

95% confidence level.

 

 

Una nang kinundena ng mga progresibong grupo ang 2022 elections bilang isa sa “pinakamarumi,” dahil aniya sa malaking iregularidad, pagkasira ng mga makina at pandarayang ginamit ng ilang kampo gaya na lang ng pagpapakalat ng disinformation at historical denialism.

 

 

Sa kabila nito, iginigiit ng Commission on Elections na ito ang “best” elections sa kasaysayan, lalo na’t transparent daw ito at nagbunsod ng “pinakakaonting” problema.

 

 

Matatandaang nananalo bilang pangulo si Ferdinand Marcos Jr. sa naturang eleksyon, habang nakuha naman ng kanyang bise na si Sara Duterte ang ikalawang pinakamataas na pwesto sa gobyerno. (Daris Jose)

Marami nang nasulat sa maiskandalong paghihiwalay nila ni Victor: MAGGIE, walang uurungan at ipaglalaban ang kanyang karapatan

Posted on: July 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINUSUBAYBAYAN ngayon ng mga netizens ang nangyayari sa tila scandal sa pagitan nina Maggie Wilson at Victor Consunji na ngayo’y estranged couple na.

 

 

Kung si Victor ay kilala bilang business mogul bilang young CEO of Victor Consunji Development Corporation, hindi rin pwedeng isnabin ang mga pansariling achievements ni Maggie kahit sa business world, hindi lang sa lifestyle at fashion.

 

 

Marami na ang lumabas at nasulat sa recent scandal ng paghihiwalay nila. At sa lahat ng ito, kahit alam ni Maggie ang influence, wealth at power ng ama ng anak, ipinapakita niya na hindi niya ito uurungan at palaban siya.

 

 

Nag-post si Maggie sa kanyang Instagram story na, “Just finished a 3 hour meeting with my lawayers. I am ready to fight.”

 

 

Kasunod nito, sinabi rin niya na tatlong araw na mula nang putulan ng maintenance ng DMCI ang unit na tinitirhan niya sa Bambang, Taguig at hindi pa rin nire-restore ang kuryente. Pero, sinabi rin niya ang dahilan kung bakit sa kabila ng marami ang nag-o-offer sa kapatid niya na si Beth Wilson, limang taong pinsan at mga kasambahay ng pansamantalang matutuluyan, hindi umaalis at hindi iniiwan ng mga ito ang bahay niya.

 

 

Ayon kay Maggie, “Power has not yet been restored after several attempts. Thank you to the people who helped arrange for a generator. You know who you are.

 

 

“And to my neighbours who so kindly offered to share their electricity to my sister, 5 year old cousin and staff.

 

 

“It has been over 48 hours since our power was cut. If you’re wondering why my family and staff will not move out of the property dispite them restricting my rights and electricity this is still conjugal property.

 

 

“On principle, I/we my sister and I refuse to be bashed around like a lot of other women in the Philippines.”

 

 

At saka may pahabol siya na, “My strong, bad ass sister is refusing to stay in a hotel, get another property, and has turned down offers from our friends to stay at their places.”

 

 

 

So, sa huli, aabangan na lang talaga kung sino ang mananalo sa laban na ito. Sana ang anak pa rin nila na si Connor.

 

 

***

 

 

MARAMI ang naaliw at natawa dahil sa itinuweet ni Alora Sasam na short video.

 

 

Obviously sa shoot ito ni Kathryn Bernardo na base sa mga nabasa naming comments ay endorsement shoot daw.

 

 

Na-video ni Alora si Kathryn nang mag-hi siya rito, pero hindi siya namukhaan ni Kathryn at nag-hello naman sa kanya, pero ‘yung tipo ng hello na pang- “general” o hindi niya kilala ang binati.

 

 

Eh, alam ng lahat kung gaano ka-close bilang magkaibigan sina Kathryn at Alora. In fact, si Alora pa ang kasama ni Kathryn nang magbakasyon sa Thailand bago sumunod ang boyfriend na si Daniel Padilla.

 

 

Ang tweet ni Alora, “Congrats @bernardokath. Sana kapag sumikat ka na makilala mo pa rin ako. Sa sobrang pormal ng hello mo nagdalawang-isip ako kung ikaw din ba si Kathryn.”

 

 

Nakabawi naman agad si Kathryn nang ma-realize nito na si Alora pala ang nag-hi sa kanya at saka natatawang binalikan ang kaibigan at sinabing, “Ay, si Alora pala ‘to!”

 

 

Sey ng mga comment, “Nakaulit na ako ng katatawa.”

 

 

“Bakit ‘di ka nakilala ni Kath? Hahaha.”

 

 

“This vid just proves that Kath is really mabait even off-cam.”

 

 

***

 

 

EMOSYONAL ang naging panayam ni Ogie Diaz sa mahusay na actress na su Gina Pareño sa kanyang You tube channel.

 

 

Inamin niya na talagang na-rehab siya dahil sa pagda-drugs. Pero talagang simula raw no’n, up to this day, hindi na siya gumawa o umulit pa. Yun daw ang pinaka-lowest part ng buhay niya.

 

 

“Buti nga nakulong ako. Kung hindi, hindi siguro ko nagbago, nalulong ako. At saka talagang wala, I’ve learned my lesson.”

 

 

Aminado naman siya na nagyo-yosi na lang siya, pero natatawang sabi niya, “hayaan niyo na, akin na lang ‘yon.”

 

 

Pero umiiyak ito na sabi nga niya, nami-miss na raw niyang umarte.

 

 

“Gustong-gusto ko pang umarte. Sana mabigyan ako ng role. Sana makasama ko kayong lahat. Ito, gusto ko ‘to, naiilawan ako ulit.”

 

 

Dahil din daw sa pandemic, talagang nawalan siya ng pagkakataon lalo na umarte. Pero pagbibigay diin niya, “Gustong-gusto ko pang umarte. Gustong-gusto ko pang nakakakita ng camera. At saka, ‘yang papanoorin ako ng tao.”

 

 

Umiiyak din na sabi niya, “Kaya nga nagti-Tiktok ako, nakakaraos ako sa arte. Salamat, tinangkilik nila ‘ko sa Tiktok.

 

 

At in fairness, may less than 2 million followers na nga siya sa Tiktok ha.

 

 

(ROSE GARCIA)

Pagtaas sa kaso ng dengue sa bansa, inaasahan na- Dr. Solante

Posted on: July 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAASAHAN na  ni  infectious disease expert Dr. Rontgene Solante ang  pagtaas ng kaso ng dengue na naiuulat sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

 

 

Ani Solante, year in- year out ay sadyang mataas ang dengue cases lalo’t apat na stereotypes ng sakit ang naririto sa Pilipinas.

 

 

Ito aniya ay ang  DENV-1, DENV-2, DENV-3 at ang DENV-4  dahilan para mapabilang ang Pilipinas sa listahan ng WHO bilang isa sa mga bansa sa Asia na may mataas na kaso ng dengue.

 

 

Aniya pa rin, nagsisilbing contributory factor ng pagtaas ng kaso ng dengue ay ang weather o panahon  partikular na ngayong panahon na ng tag-ulan at nakadadagdag aniya ang population density.

 

 

Payo ng eksperto, gawing prayoridad ang prevention. maglinis ng kapaligiran at agad na magpakonsulta sa mga doktor kung may nararamdmaan upang hindi mauwi sa kumplikasyon ang sitwasyon.

 

 

“Okay, sa Dengue naman, mayroong nang programa ang Department of Health in placed a ‘no. At isa rin dito, is iyong diagnosis and case management. Pero ang pinakaimportante pa rin dito iyong environmental hygiene, So, ibig sabihin, ang pagkontrol ng mga pinupugaran ng mga lamok, ang paglinis ng mga kapaligiran natin ay napakaimportante,” ayon kay Dr. Solante.

 

 

“Now, sa Dengue case management, early recognition is important also ‘no. Expected iyan, na tataas ang Dengue cases natin because of the weather and at the same time, iyong population density.” ayon pa rin kay Dr. Solante sabay sabing “Sa data ng WHO, ang Philippines is one of those countries sa Asia na napakataas ang dengue, year-in and year-out. And we have the four serotypes that is circulating, ng Dengue – the DENV-1, DENV-2, DENV-3 and DENV-4, kaya expected talagang tataas, and prevention is a matter of priority na maglinis ng environment and at the same time, kung mayroon nang mga sintomas, pakonsulta kaagad sa mga doktor para hindi tayo mahuli sa mga kumplikasyon.” (Daris Jose)

P37-P50/litro ng petrolyo, hirit

Posted on: July 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMAPELA ang transport group sa pamahalaan na umaksiyon upang mapababa pa ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa ng mula P37 hanggang P50.

 

 

Ayon kay Pinagka-Isang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) national president Mody Floranda, ikinatutuwa nila ang nakaambang na panibagong round ng bawas sa presyo ng mga petroleum products ngunit mas mainam anila kung higit pa itong mapapababa ng gobyerno sa P37-P50.

 

 

Bukod dito, nais din ng grupo na pahintulutan na ng gobyerno ang mas marami pang public utility vehicles (PUVs) na mag-operate kasunod na rin nang nakatakda nang pagbubukas muli ng klase sa susunod na buwan.

 

 

“Kahit papaano ay madaragdagan na ang kita niyan at makakapagpagawa tayo ng ating sasakyan. Lalo na sa ngayon na batay sa gobyerno ay sa dara­ting na August 22, ay mag-o-open classes na kaya mas kailangan talaga ng malaking public transport para doon sa tuluy-tuloy na pagse-serbisyo sa ating mamamayan,” ani Floranda.

 

 

Sa pagtaya ng ilang oil industry sources, posibleng mabawasan pa ang presyo ng diesel ng P1.70 hanggang P1.90 kada litro ngayong darating na linggo habang ang presyo naman ng gasolina ay maaaring mabawasan ng P4.70 hanggang P4.90 kada litro.

 

 

Ani Floranda, dapat na respetuhin at kilalanin ni Pangulong Bongbong Marcos ang lehitimong prangkisa ng mga pampublikong transportasyon upang tuluy-tuloy na silang makapagserbisyo sa mga mamamayan, partikular na sa mga estudyante na magbabalik-eskwela na.

 

 

Una nang itinakda ng Department of Education (DepEd) sa Agosto 22, 2022 hanggang Hul­yo 7, 2023 ang School Year 2022-2023.

 

 

Ang implementasyon naman ng full face-to-face classes ay magsisimula na sa Nobyembre 2, 2022. (Ara Romero)

SSS naipamahagi na ang mahigit P1-T sa mga miyembro at benipisaryo

Posted on: July 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

AABOT  sa halos P1.1 trillion na ang naipamahagi ng Social Security System (SSS) sa kanilang mga miyembro, pensioners at mga beneficiaries mula 2016 at 2021.

 

 

Ayon kay SSS President at CEO Michael Regino, na ang nasabing halaga ay halos doble sa naipamahagi nila mula 2010 hanggang 2015 na aabot sa P549.59 bilyon.

 

 

Itinuturong dahilan ni Regino kaya tumaas ang ansabing bilang ng mga naipamahagi na halaga ay dahil sa mga pagbabago na kanilang ipinatupad.

 

 

Ilan sa dito ay ‘yung pagbibigay ng dagdag na P1,000 na benepisyo sa mga pensioners mula 2017 ganun din ang pinalawig ng Maternity Leave ang pagpapalawig din ng SSS mandatory coverage sa mga Overseas Filipino Workers at maraming iba pa.

 

 

Pagtitiyak nito na mayroon pang ibang mga programa ang nakatakda nilang ipatupad sa mga susunod na araw. (Daris Jose)

Walang kupas at first time makita nina Andres at Atasha: CHARLENE, muling pinamalas ang husay sa pagsasayaw at hinahamon si AGA

Posted on: July 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KAALIW at marami talaga ang natuwa sa IG post si Charlene Gonzalez-Muhlach na kung saan muling pinamalas ang galing niya sa pagsasayaw at hindi pa rin kumukupas paglipas ng maraming taon.

 

 

 

Caption ng iconic dancing queen, “Have not danced in years. It was such a pleasure to do an impromptu dance & reunite with my dance partner from Eezy dancing & Keep on dancing, Albert Dimarucut.”

 

 

 

Pagpapatuloy pa ng mommy nina Andres at Atasha, “So much fun memories I miss dancing, my VIP family & Maribeth Bichara. Who taught me everything I know about dancing.

 

 

 

“First time as well for my kids to see me dance live. It was such a special Day…”

 

 

 

Dagdag pa niya, “Just sharing my happiness with you all. Keep on Dancing everyone. Much love always.”

 

 

 

Comment naman ang guwapo pa ring asawa ni Charlene na si Aga Muhlach, “Yaaaaz!!!!!! you challenging me my love??? Hahahaha.”

 

 

Na sinagot naman niya ng, “@agamuhlach317 yes B. Let’s dance, he he.”

 

 

 

Alam naman natin noong kabataan ng busy pa ring aktor, na ang husay din nitong sumayaw. Kaya mukhang kaabang-abang ang magiging showdown nilang mag-asawa sa pagsasayaw.

 

 

 

Samantala, pinusuan at aliw na aliw nga ang mga celebrity friends niya at mga followers, na halos isa-isang niyang nireplayan. Napa-throwback talaga ang karamihan at inalala ang mga episodes ng “Eezy Dancing” at “Keep On Dancing”, na kung saan tumatak talaga sa viewers ang husay pagsasayaw ni Charlene.

 

 

 

Hindi naman nakalimutang i-promote ni Charlene ang movie series ni Aga, ang “Suntok sa Buwan” na nag-premiere na kagabi sa TV5, na kung saan kasama sina Elijah Canlas, Albie Casino at Maris Racal.

 

 

 

Mukhang promising naman ang naturang serye na produced ng Project 8 Projects at Cignal Entertainment, na literal na ‘suntok sa buwan’ ang pagbangga sa mga news program ng GMA-7 at Kapamilya Channel.

 

(ROHN ROMULO)

DWAYNE JOHNSON, KEVIN HART, KEANU REEVES LEAD VOICE CAST OF “DC LEAGUE OF SUPER-PETS”

Posted on: July 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Uniting the unsung heroes of the DC canon, Krypto and Ace, “DC League of Super-Pets” is a funny and fun-filled, action-packed adventure that boasts a terrific combination of two of everyone’s favorite things: pets and DC Super Heroes!  

 

[Watch the film’s trailer at https://youtu.be/qkUfjLEh4oY]  

 

In “DC League of Super-Pets,” Krypto the Super-Dog and Superman are inseparable best friends, sharing the same superpowers and fighting crime in Metropolis side by side. When Superman and the rest of the Justice League are kidnapped, Krypto must convince a rag-tag shelter pack—Ace the hound, PB the potbellied pig, Merton the turtle and Chip the squirrel—to master their own newfound powers and help him rescue the Super Heroes.

 

In addition to bringing together some of the DC Universe’s biggest names, the film boasts a huge casting coup as well, with the one and only Dwayne Johnson as Krypto, together again with Kevin Hart as Ace—no dynamic duo plays off each other better and who but Johnson and Hart banter with such a biting wit?

 

Johnson, who also serves as a producer on the film under his Seven Bucks banner, observes, “When you think about the conceit of what this is, about the pets of these Super Heroes, and the fact it has never been done before in cinema history!?  That is pretty remarkable, considering the genre of superheroes films as a whole.  What kind of pets would your favorite DC Super-Heroes have, from Superman to Wonder Woman to Batman to Flash to Green Lantern?  So, when I first heard the idea, I was in without hesitation, 100%.  And when you think about the players—from Warner Bros. to DC, and the love that we at [our production company] Seven Bucks Productions have for the superhero genre and for animation as well—we jumped at the partnership and the opportunity.”

 

Hart’s Ace is the de facto leader of the shelter pack.  The actor was drawn to the story right away, noting, “It’s a big movie with big characters.  I feel like there are so many moments throughout the script where the verbiage on the page popped, and they put the right people into those positions and the material just blows you away—they did a great job casting.  That’s what you want on a movie like this—to be part of an amazing ensemble that feels special.  You really feel, ‘Hey, we got something here.’”

 

The ensemble that the filmmakers assembled to voice the four-legged reluctant heroes and delightfully villainous baddies featured in the film include Vanessa Bayer as potbellied pig PB, Diego Luna as scaredy squirrel Chip, Natasha Lyonne as vision-impaired turtle Merton, Kate McKinnon as evil genius guinea pig Lulu, with Lulu’s main mutant guinea pig recruits, Keith and Mark, voiced by Thomas Middleditch and Ben Schwartz.

 

For the film’s two-legged heroes, John Krasinski voices Krypto’s bestie and Metropolis’s own Clark Kent, aka Superman, and Olivia Wilde is the voice of his sweetheart, Daily Planet reporter Lois Lane.  The Justice League members seen and heard in the film are Batman, voiced by Keanu Reeves; Wonder Woman, by Jameela Jamil; Aquaman, by Jemaine Clement; The Flash by John Early; Green Lantern by Dascha Polanco; and Cyborg by Daveed Diggs.

 

“In an animated movie, the most important thing is that the actor’s voice is the perfect voice for the character, but we got lucky that they also happened to be huge movie stars,” director Jared Stern smiles.

 

Amidst all the high-flying action and adventure, the film also touches on the importance of friendship and family—and emphasizes that anyone’s real superpower, no matter how many legs you stand on, is being true to yourself.

 

“DC League of Super-Pets” will be released by Warner Bros. Pictures in Philippine theaters July 27.  Join the conversation online and use the hashtag #DCSuperPets

 

(ROHN ROMULO)