MGA dadalo ng SONA 2022, dapat sumailalim sa RT-PCR test ng mula Sabado (Hulyo 23) ng ala-1:30 ng hapon
Ito ang nakapaloob sa ipinalabas na health and safety protocols ni House of Representatives Secretary-General Mark Llandro Mendoza bilang guidance sa mga dadalo sa pagbubukas ng First Regular Session ng 19th Congress at unang State of the Nation Address (SONA) ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. ngayong Lunes (Hulyo 25, 2022).
Nakasaad sa naturang memorandum na may petsang Hulyo 20, 2022 na ang bawat indibidwal na papasok sa North Wing Lobby, South Wing Lobby at Plenary Hall para sa SONA ay kailangang magprisinta ng kanilang negative RT-PCR result na kinuha sa alinmang Department of Health-accredited laboratory mula ala-1:30 ng hapon ng Sabado, Hulyo 23, 2022.
Samantala, ang mga mambabatas, Secretariat officials at staff, maging mga regular service providers na magbabalik trabaho at papasok sa plenary hall sa araw ng sona ay maaaring kumuha ng kanilang RT-PCR test sa kamara ngayong Sabado, mula alas-1:30 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi o Linggo (Hulyo) 24, 2022, mula alas-7 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.
Maaaring kunin ng mga mambabatas at secretariat officials ang kanilang RT-PCR test sa South Wing Annex habang ang secretariat staff at service providers ay sa RVM Building.
Lilimitahan din ang pagpasok ng personnel ng iba’t ibang congressional offices hanggang dalawang personalidad lamang na ang pangalan ay kailangang isumite sa Legislative Security Bureau (LSB).
Mananatili naman sa skeletal force ang tanggapan ng Secretariat na kasali sa ginagawang preparasyon ng SONA. (Ara Romero)
NAG-POST si Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose ng super sweet na birthday message para sa rumored boyfriend na si Rayver Cruz na nag-celebrate ng 33rd birthday noong July 20.
NANGHIHINGI ng dagdag singil sa gobyerno ang mga operator ng bus sa EDSA carousel na nagbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board kahapon.
NAGHAIN ng petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga operators ng EDSA Carousel upang humingi ng fare hike dahil na rin sa tumataas na presyo ng krudo at gasolina.
INAASAHANG ilalabas ang listahan ng mga bagong benepisaryo at natanggal mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Setyembre o Oktubre ngayong taon.
IBA-IBA ang naging reaksiyon ng netizens sa ini-upload na YouTube vlog ni Paul Salas.
NAGBABALA ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko laban sa mga impostor o nagpapanggap na kawani ng kagawaran para makalikom ng pera kapalit umano ang financial assistance mula sa kanilang programa.
MAY makakasama ang “Patibong” host na si Kuya Glen (Paolo Contis) sa paghuli sa mga salot ng lipunan sa award-winning gag show na “Bubble Gang”.
LUNGSOD NG MALOLOS – Upang higit na mapahusay ang mga serbisyo at mapataas ang kanilang moral, 4,166 na Mother Leaders (ML) at 636 na Lingkod Lingap sa Nayon (LLN) ang nabigyan ng tig P3,200 at P4,000 na tulong salapi sa isinagawang dalawang araw na programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na tinawag na ‘Distribution of Allowance to Mother Leaders and Lingkod Lingap sa Nayon’.