SI Paolo Ballesteros nga ang napili na mag-host ng “Drag Race Philippines” na magsisimula nang mapanood sa August 17.
Ni-repost ni Paolo ang official social media post na may caption na, “MABU-HEYYY! Meet your HOST of @dragraceph: @pochoy_29.
“Start your engines, #DragRacePH premieres August 17th on @wowpresentsplus worldwide (except Canada) and @cravecanada (Canada).”
Ang award-winning actor at “Eat Bulaga” Dabarkads ay pinakilala sa short video bilang Filipino Drag Artist, Celebrity Model at Superstar Host, at marami ang um-agree siya ang perfect host ng “Drag Race Philippines” na mapapanood sa Discovery+ Philippines.
Ipinasilip din ang first look ni Paolo bilang host na kung saan marami ang napa-shookt sa ganda ng dress niya na may mga flowers at kitang-kita ang world famous na Rizal Park sa Manila.
Ang naturang reality show ay isa sa most popular drag race shows sa buong mundo, hosted by RuPaul Andre Charles na kilala rin bilang si RuPaul.
Tuwang-tuwa ang mga followers at celebrity friends sa pagkakapili kay Paolo bilang host ng DRPh dahil dasurv na dasurv niya ito:
“OH MY GOD YAAAAAAAAAAAAS!!!!!”, bulalas ni Lea Salonga.
“Friend ko yaaaan!!!!” sa ni Maja Salvador.
Nag-comment naman ng three red heart emojis si Manila Luzon.
“HUWAWWWWWWW (heart emojis) Congratulations kuya! Sabi ko na Ikaw eh!!! Charot!” komento ni Kaladkaren.
“Cannot wait!!!!!” comment ni BJ Pascual.
Comment ng Dabarkads na si MJ Lastimosa, “Been waiting for thisssss!” at Miles Ocampo, “Ganda, mamaaaaa.”
Pero marami ang natuwa at na-excite nang mag-comment si Vice Ganda.
Say ng host ng “It’s Showtime”, “Zooooooooo eggggzzzzyyyyttttiiiiddddddd!!!!!!!! (clapping hands emojis)”
Comment naman ng netizens:
“Sana may movie kaung dalawa.”
“Sana mag-guest judge ka meme!!!”
“love you both!!”
“meme mag-judge ka po. Pabonggang-bongga na talaga ang Drag Race PH.”
May nagwi-wish naman na sana ipalabas din ito sa mainstream local TV. Panawagan nila ito sa GMA at TV5 na sana’y kunin nila. Pwede rin daw sa Kapamilya Channel o iWantTFC dahil most of the guest judges ay pawang Kapamilya stars.
Oh well, abangan na lang natin kung may tutugon sa panawagan ng mga netizens.
(ROHN ROMULO)
SINABI ng The Department of Budget and Management (DBM) na ang panukalang “rightsizing” sa gobyerno ay target na isumite sa Kongreso bago pa ang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
BABALIK na sa Pilipinas si Tim Cone at posibleng sa araw na Linggo ay balik na rin sa kanyang pagko-coach sa Barangay Ginebra.
MAGPAPATULOY ang trabaho at gampanin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa gitna ng umiiral na coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.
MAGHAHARAP ang Filipinas womens football team at Vietnam para makakuha ng puwesto sa finals ng 2022 AFF Women’s Championship.
THE first trailer for Secret Headquarters reveals Owen Wilson in an Iron Man-like supersuit trying to protect Earth and be a father at the same time.
TINIYAK ng Palasyo Malacañang ang tulong sa mga naulila ng tauhan nilang nasawi sa loob ng complex nitong Huwebes.