INILATAG na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang “major criteria” sa pag-alis ng mga pamilya mula sa listahan ng 4Ps beneficiaries.
Una na rito ay ang non-compliance sa mga kundisyon na itinakda ng conditional cash transfer program (CCT).
Ang 4Ps ay mayroong apat na mga pangunahing kundisyon para sa mga pamilya.
Una na rito, ang babaeng nagdadalang-tao o buntis ay dapat na mag-avail ng pre- at post-natal care, at dapat na may isang propesyonal na mag-aasikaso sa kanila sa panahon ng kanilang panganganak.
Pangalawa, ang mga magulang o guardians ay kailangan na dumalo sa family development sessions na kadalasan ay idinaraos isang beses isang buwan, may paksa na gaya ng “responsible parenting, kalusugan at nutrisyon.”
Pangatlo, ang mga sanggol at mga kabataan na may edad na hanggang limang taon ay dapat na makatanggap ng regular health check-ups at bakuna.
Pang-apat, ang mga kabataan na may edad na 6-14 ay dapat na makatanggap ng deworming pills.
Ang mga kabataan na may edad nan 3-18 ay dapat na mag-enroll sa eskuwelahan, panatilihin ang attendance sa 85% ng class days kada buwan.
Ang kawalan ng kakayahan na tumugon sa kahit na anumang kundisyon ay nangangahulugan na dapat nang alisin sa listahan ng programa.
Ang pangalawang criteria ay kapag ang pamilya ay nakamit na ang financial independence.
Sa kabilang dako, marami naman ang pumalag sa bagong hakbang na ito ng DSWD.
Ang apela ng mga ito ay panatilihin ang kanilang mga pangalan sa programa dahil nananatili pa rin silang low-income earners.
Samantala, sinabi naman ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na mangangailangan siya ng 3 hanggang 4 na linggo para linisin ang listahan.
Binalaan din nito ang mga “uncooperative beneficiaries” na maaari rin silang maalis sa programa. (Daris Jose)
INAASAHANG papalo sa 8 billion ang populasyon sa buong mundo sa Nobyembre 15 ng kasalukuyang taon.
LUNGSOD NG MALOLOS – Maliban sa pagiging handa, ipinatupad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang kampanya sa disaster resilience upang maitaas ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng maagap na pagtugon sa mga sakuna.
NAGBIGAY ang Department of Health (DOH sa pamamagitan ng pagsisikap ni dating Congressman at ngayo’y si Navotas City Mayor John Rey Tiangco ng 250 doses ng pneumococcal vaccine para sa Pamahalaang Lungsod.
UPANG patuloy na maprotektahan ang mga menor de edad at personalidad na may mental conditions mula sa masamang epekto ng alak, isinulong ng dalang mambabatas ang pagpataw ng mas mahigpit na regulasyon sa pagbebenta nito.
TULUYAN nang hindi nagising ang isang lalaki na natutulog sa center island ng kalsada nang nagulungan ng isang tractor head matapos na nawalan ng kontrol sa kanyang manibela ang driver sa Binondo, Manila kahapon ng madaling araw.
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pangalawang Cabinet meeting, araw ng Martes sa pamamagitan ng teleconference.