NATAPOS na ngayong taon ang kabuuang proyekto sa flood control ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na una nang binanggit ng Commission on Audit (COA) na naantala noong 2021.
Ipinaliwanag ni Engineer Baltazar Melgar, pinuno ng MMDA Flood Control and Sewerage Management Office (FCSMO), at kasalukuyang officer-in-charge ng MMDA, ang naka-program na 59 flood control projects sa Metro Manila para sa 2021 ay hindi natapos dahil sa pandemya at iba pang kadahilanan gaya ng mga isyu sa right-of-way; relokasyon ng mga pamilyang informal settler; pagbabago sa pagkakasunud-sunod dahil sa karagdagang mga item/realignment ng mga aktibidad batay sa kasalukuyang sitwasyon/kondisyon sa site sa pagpapatupad; at mga paghihigpit sa mobility ng manggagawa at kagamitan na dala ng pandemya.
Tiniyak ni Melgar na ‘operational and serviceable’ na ngayong taon na unti-unti nang bumabalik sa normal ang sitwasyon.
Ngayong tag-ulan na, ang lahat na 77 pumping stations ng ahesnya sa Metro Manila ay gumagana sa full capacity, aniya pa.
Gayundin, ang flood-mitigation activities para sa declogging at paglilinis ng daluyan ng tubig tulad ng mga estero at sapa na buong taon ginagawa. (Ara Romero)
DAHIL sa IG post ni Janno Gibbs tungkol sa pagbabayad ng tax, minura siya ng isang netizen,
NAKATAKDANG magtatag ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng task force at complaint center kontra text scams at illegal sites.
NAKAKUMPISKA ng 260 kilo ng hinihinalang shabu na nakasilid sa tea packs at nagkakahalaga ng kabuuang P1.768 bilyon, ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), katuwang ang Philippine National Police (PNP), sa dalawang sabayang buy-bust operation sa Quezon City at Cavite kahapon.
MULING binigyang diin ng Department of Energy (DOE) na nakatali ang kamay ng gobyerno at walang magawa sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo kada linggo.
NAGBUKAS ang Office of the Vice President (OVP) sa ilalim ni Vice President Sara Duterte – Carpio ng anim na satellite offices sa buong bansa.