MAGSISIMULA na ang termino ni Ferdinand Marcos Jr. bilang susunod na pangulo ng Pilipinas matapos ang matagumpay na inagurasyon sa National Museum of Fine Arts sa Maynila, Huwebes.
Tanda ito ng anim na taong panunungkulan ni “Bongbong,” matapos i-administer ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ang kanyang panunumpa sa tungkulin sa makasaysayang gusali.
Tinatayang nasa 30,000 ang nagtungo sa panunumpa ni Marcos Jr., ayon sa Philippine National Police. Mahigit 18,000 pulis, sundalo, coast guard atbp. ang itinalaga sa lugar para siguruhin ang seguridad.
Ia-administer din dito ni Marcos ang mass oath-taking ng kanyang magiging Gabinete, pati na ang mga local government unit officials ng Ilocos Norte at Ilocos Sur.
Si Bongbong ang ikalawang Marcos na nanumpa bilang pangulo ng Republika ng Pilipinas matapos ang kanyang amang si Ferdinand Marcos Sr., na siyang nagpatakbo ng diktadura mula 1972 hanggang 1981 buhat ng pagdedeklara ng Batas Militar.
Matatandaang sa parehong venue, na kilala rin sa tawag na Old Legislative Building, ginanap ang inauguration nina dating Pangulong Manuel Quezon (1935), dating Pangulong Jose P. Laurel (1943) at dating Pangulong Manuel Roxas (1946).
Mula sa orihinal na venue sa Liwasang Bonifacio, inilipat naman ng mga militanteng grupo gaya ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) ang kanilang mga kilos-protesta sa Plaza Miranda.
Ayon kay BAYAN secretary-general Renato Reyes Jr., ito’y para na rin sa mapayapang pagdaraos ng kanilang demonstrasyon laban sa papasok na administrasyon at para na hindi maiwasan ang mga insidente sa mga taga-suporta ni Marcos Jr. Aniya, ni-request din ito sa kanila ng PNP.
“The venue holds historic significance in the anti-dictatorship struggle and is also a designated freedom park. The protest will be a counter-point to the Marcos inauguration,” ani Reyes kanina.
“It will highlight our continuing fight against historical revisionism and for the people’s demands.” (Daris Jose)
LIMANG major agenda ang higit na palalakasin ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa ikalawang termino nito bilang alkalde sa lungsod.
PINILI ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.’ si veteran banking executive Jose Arnulfo “Wick” Veloso para pamunuan ang Government Service Insurance System (GSIS) sa ilalim ng incoming administration.
TINURN-over na ni Outgoing Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang mga mahahalagang dokumento ng ahensiya kay incoming PCOO Secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles.
MULI na namang nakasungkit ng gold medal ang Pinoy pole vaulter at Olympian na si EJ Obiena matapos magtala ng 5.92 meters sa ginanap na torneyo sa Taby Stavhoppsgala sa Sweden.
INAPRUBAHAN na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hirit ng mga drayber na P2 dagdag na pasahe sa jeep sa buong bansa.
INATASAN ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng television at radio companies na magsumite ng kanilang block time deals para sa ‘approval’ ng ahensiya.
KINONDENA ni Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro ang ginawang pagpapasara ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa Rappler.
UMAANI ng papuri ang bagong online serye ng Puregold Channel na “Ang Babae Sa Likod ng Face Mask” matapos maipalabas ang isa na namang episode nito noong Sabado.
NAGLABAS ng isang paglilinaw ang production group ng adventure serye na “Lolong.”