MAY bagong show si Maja Salvador sa TV5 at noong Miyerkoles, July 27, inilabas na nga ang trailer ng ‘Oh My Korona’ na kung saan ipinagmalaki sa IG post ng Kapatid Channel ang cast ng sitcom.
May caption ito ng, “TEKA LAAAANG! đ±
“This cast sa iisang sitcom ay W-O-W!
“Pooh, Kakai Bautista, Christine Samson, Jai Agpangan, Queenay Mercado, Guel Espina, Jessie Salvador, Thou Reyes, RK Bagatsing, Joey Marquez, and Majestic Superstar Maja Salvador!
“Riot na sa #OhMyKoronaTV5 simula ngayong August 6, 7:30 PM! AUGUSTO N’YO YOOON? đ”
#WeekendTripTV5
#IBAngSayaPagSamaSama
“P.S. Watch ’til the end! đ ”
Ito ang papalit sa timeslot ng ‘Rolling In It PH’ ni Yassi Pressman na magtatapos ngayon gabi at bagong makakatapat ng sitcom ng Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na ‘Jose & Maria’s Bonggang Vila’, kaya tiyak na tututukan ang bagong salpukan.
Matatandaan na nakatapat ng Dong at Yan ang sitcom nina Piolo Pascual at Pia Wurtzbach, pero hindi nga ito nagtagal sa ere dahil sa ‘Flower of Evil’ ni Papa Pi kasama si Lovi Poe, na napapanood tuwing Sabado at Linggo.
Anyway, sa isang entertainmen blog, nakita namin na ang dami pa ring haters at bashers ni Maja, na kung saan nilalait ang set ng sitcom dahil hindi raw maganda sa trailer pa lang.
May todo-react at hindi nila matanggap ang pagtawag kay Maja bilang ‘Majestic Superstar’ kaya comments nila:
“Majestic Superstar? May kumita na bang movie?”
“Wow majestic superstar talaga. Parang ham lang. Kagutom naman hehe.”
“Definitely not a superstar besh not even a star anymore.”
“Kelan pa naging superstar si Maja. Nahiya naman mga legit alist like angelica angel bea sa kanya LOL.”
“Still may STAR factor pa rin wag inggit.”
“At least, may trabaho… Yung iba nganga…”
“Parang tumanda si Maja.”
“Parang nawala ang ningning ni Maja. Sa true lang tayo.”
Say pa ng mga netizens tungkol sa sitcom at kung bakit sa EB lang siya lumalabas at hindi sa GMA-7 show…
“Panget ng set, fake na fake! sana ibalik na lang nila yung ‘oh my dad’ nina ian v, dimples, sue ramirez etc. mas enjoy pa yun. hihi.”
“Magkasama na naman si RK at Maja una sa Wildflower. Yun yung time na a-lister pa si Maja.”
“Di ko bet si Maja noon pero yung bangayan at aktingan nila sa Wildflower naging fan ako nila kahit di end game si Arnaldo todo todo iyak namin sa kanila noon!! Best teamup sila dun sama mo na si Tirso at Aiko. Pansin ko mga close friends niya kinuha dito mukhang nakakatawa naman kaya abangan namin to.”
“Nakakatuwang host ng EB si Maja. Nakakasabay sa iba.”
“Bat di sya sa 7? Wit ingay sa 5 eh. Kung di rin lang sa 2, sa 7 na lang.”
“Kung gusto sya ng 7 edi sana matagal na syang kinuha, eat bulaga nga lang kumuha sa kanya e flop pa.”
“Ang corny…parang di tatagal sa ere… di rin sustainable yun plot ng story… si Joey m and Pooh lang magaling na comedian sa kanila….”
“Yung kay JLC corny din naman pero malakas hatak sa tao. Ewan ko lang tong show ni Maja.
“Napanood mo na ba ha? Feeling alam eh teaser palang ang ipinapalabas, humanda ka baka hampasin ka ng ratings!”
Infairness kay Maja, ang taas ng ratings ng ‘Nina, Nino’ na ilang beses na-extend, and hopefully, mapag-rate din niya ang sitcom na ‘Oh My Korona’.
Napapanood pa rin si sa ‘Eat Bulaga’ bilang isa sa co-hosts, na nagsi-celebrate today ng kanilang 43rd anniversary, kaya may mga pasabog na aabangan sa kanilang ‘Dabarkads, I Love You Day’, tulad ng paggi-guest ng isang OG host ng longest-running noontime variety show ng bansa.
Kaya tiyak na aabangan kung sino itong Dabarkads na bubulaga ngayong araw.
(ROHN ROMULO)
MULING umangat si TokÂyo Olympics veteran EJ Obiena sa world ranking na inilabas ng International Athletics Association FeÂderation (IAAF) sa menâs pole vault event.
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang distribusyon ng relief goods sa mga biktima ng magnitude 7 earthquake na umuga sa lalawigan ng Abra, araw ng Miyerkules.
TINATAYANG umabot na sa 868 kabahayan sa Cordillera Administrative Region ang napinsala ng magnitude 7 na paglindol na tumama at umuga sa lalawigan ng Abra.
PORMAL nang nagmartsa sa semis ang Open Conference champion Creamline matapos patalsikin ang Chery Tiggo sa pamamagitan ng pukpukang 25-14, 25-20, 21-25, 28-26 desisyon kagabi sa Premier Volleyball League (PVL) Invitational ConfeÂrence sa The Arena sa San Juan City.
NAG-ALOK na ng tulong ang Japan sa Pilipinas sa gitna ng pagsisikap ng pamahalaan na makita at mailigtas na ang mga posibleng naiipit na biktima ng 7.0 magnitude earthquake kamakalawa.
THE BEST IN THE REGION.
SOBRANG daring ang mga eksena nina Christine Bermas at Gold Aceron sa ‘Scorpio Nights 3’.
NASA pinakamataas na bilang na ngayon ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas na umaabot sa 27, 754.
HINIKAYAT ng advocacy group na Foundation for Economic Freedom (FEF) ang administrasyong Marcos na ipawalang-bisa ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act, na naglalayong magbigay ng libreng tuition para sa mga state universities at colleges.