• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 6:13 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2022

Ginebra coach Tim Cone kinuhang assistant coach ng Heat sa NBA Summer League

Posted on: June 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ITINUTURING ni Barangay Ginebra head coach Tim Cone bilang isang hamon ang pagkakapili sa kaniya bilang coaching staff ng Miami Heat sa NBA Summer League.

 

 

Sinabi ng beteranong coach na inimbitahan siya ng Heat sa summer league game na magsisimula sa Hulyo sa San Francisco at Las Vegas.

 

 

Magiging bahagi ito sa coaching staff ni Malik Allen na siyang mamumuno sa Summer League Team.

 

 

Bibisita lamang ng ilang araw si Filipino-American Heat coach Erik Spoelstra sa mga laro ng kaniyang koponan.

 

 

Si Cone at Spoelstra ay magkaibigan kung saan makailang beses na sila nagkita sa US noong naghahanap ng mga import si Cone sa kaniyang koponan.

 

 

Unang makakaharap ng Heat ang Boston Celtics sa Hulyo 9.

 

 

Noong nakaraang taon ay napili naman si PBA legend Jimmy Alapag na maging assistant coach ng Sacramento Kings na nagwagi ng Summer League title.

 

 

Naging bahagi rin si Alapag sa coaching staff ng Stockton Kings sa NBA G League.

NEW FAMILY COMEDY “LYLE, LYLE, CROCODILE” LAUNCHES TRAILER

Posted on: June 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ONE little discovery, one giant adventure! Watch the new trailer for Columbia Pictures’ new musical comedy Lyle, Lyle, Crocodile starring Shawn Mendes, Javier Bardem and Constance Wu. Coming to cinemas in a while, crocodile.

 

 

YouTube: https://youtu.be/nCo-EeQK_iw

 

 

About Lyle, Lyle, Crocodile

 

 

Based on the best-selling book series by Bernard Waber, Lyle, Lyle, Crocodile is a live-action / CGI musical comedy that brings this beloved character to a new, global audience.

 

 

When the Primm family (Constance Wu, Scoot McNairy, Winslow Fegley) moves to New York City, their young son Josh struggles to adapt to his new school and new friends. All of that changes when he discovers Lyle – a singing crocodile (Shawn Mendes) who loves baths, caviar and great music-living in the attic of his new home. The two become fast friends, but when Lyle’s existence is threatened by evil neighbor Mr. Grumps (Brett Gelman), the Primm’s must band together with Lyle’s charismatic owner, Hector P. Valenti (Javier Bardem), to show the world that family can come from the most unexpected places and there’s nothing wrong with a big singing crocodile with an even bigger personality.

 

 

Lyle, Lyle, Crocodile will feature original songs performed by Shawn Mendes and written by the songwriting team behind The Greatest Showman, Benj Pasek & Justin Paul. Joining Pasek and Paul in writing original songs for the film are Ari Afsar, Emily Gardner Xu Hall, Mark Sonnenblick, and Joriah Kwamé. Directed and produced by Will Speck and Josh Gordon, the screenplay is by Will Davies. The film is produced by Hutch Parker and executive produced by Kevin K. Vafi, Dan Wilson, Robert J. Dohrmann, Benj Pasek, Justin Paul, Tarak Ben Ammar and Andy Mitchell.

 

 

In Philippine cinemas October 2022, Lyle, Lyle, Crocodile is distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.  Connect with the hashtag #LyleLyleCrocodile

 

(ROHN ROMULO)

Panalo ni Mayor Lacuna Kasabay ng Ika-450 Taong Araw ng Maynila

Posted on: June 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KASABAY ng pagdiriwang ng ika-450 taon anibersaryo ng pagkakatatag sa lungsod ng Maynila ay ang pag-upo ng kauna-unahang babae at doktor na Alkalde sa kabisera ng bansa.

 

 

Si Vice Mayor at Mayor elect Dra. Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan, na kauna-unahang babae at doktor na Alkalde sa lungsod ng Maynila ay magsisimulang manungkulan sa katanghalian ng huling araw ng buwan ng Hunyo taon kasalukuyan.

 

 

Noong 2016, nahalal siya bilang kauna-unahang babaeng Vice Mayor, katambal ng nagwagi rin noong alkalde na si dating Pangulong Joseph Estrada hanggang tumakbo at muling nanalong vice mayor sa ilalim naman ng partido ni Mayor Isko Moreno Domagoso noong 2019.

 

 

Ang kanyang mga ipinamalas na kakayahan bilang pangalawa sa pinakamataas na lokal na pinuno ng Maynila ang nagbunsod kay Mayor Isko Moreno na ipagkatiwala sa kanya ang pamamahala sa kapitolyo ng bansa.

 

 

Bukod kasi sa matagal na rin sa mundo ng pulitika na nagsimula sa pagiging konsehala ng ika-apat na distrito noong taong 2004 hanggang 2013, napakarami rin niyang nai-akdang ordinansa at resolusyon na naipasa ng Sangguniang Panlungsod. Nakadagdag pa rito ang kanyang pagiging anak ng isa sa mahusay at matalinong bise alkalde ng lungsod na si Vice Mayor Danny Lacuna.

 

 

Kaugnay nito, pangu­ngunahan nina Yorme Isko at Mayor elect Honey Lacuna ang pagdiriwang sa ika-450 taon anibersaryo ng “Araw ng Maynila” sa Hunyo 24, 2022 kung saan pasisinayaan nila ang Bagong Ospital ng Maynila at pagsasagawa ng Nilad Festival 2022 Float Parade.

 

 

Ayon kay Domagoso ang konstruksyon ng makabagong ospital ay 99. 6% ng kumpleto kung saan nakalagay na din dito ang mga makabagong kagamitang medikal.

 

 

Ani Domagoso, ang sampung palapag na pampublikong ospital ay fully airconditioned at may helipad pa bilang paghahanda sa bibilhin na MedEvac.

 

 

“The people deserve better. Pera naman nila ito kaya marapat lang na ibalik ito sa kanila sa pamamagitan ng maganda at dekalidad na serbisyo. Gusto ko pong ipakita na hindi porke’t public facility, pwede na yan. Dapat kahit public facility, first-class service ang ibibigay sa tao. Kung ano ang nabibigay ng private hospital kaya rin dapat ng isang public hospital,” paliwanag ni Domagoso.

 

 

Inanyayahan na din ni Domagoso ang publiko partikular na ang mga Manilenyo na makiisa at manood sa Nilad Festival 2022 Float parade na gaganapin sa Araw ng Maynila.

 

 

Ang nasabing float parade ay magtatampok ng iba’t-ibang floats na inihanda ng mga city employes ng iba’t-ibang departamento sa Manila City Hall.

 

 

Ang nasabing kaganapan ay isa sa mga “highlights” ng selebrasyon ng ika-450 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Maynila.

 

 

Ayon sa Alkalde, ang nasabing festival ay inorganisa ng Department of Tourism, Culture and Arts ng Maynila.

 

 

“Sama-sama ta­yong makisayaw, maki­sigaw at ipagmalaki ang angking husay at talento nating mga Manileño sa gaganapin na Nilad Festival 2022 ngayong darating na Hunyo 24, 2022,” giit ni Domagoso.

 

 

Nabatid kay Domagoso na nagmula sa dahon ng Nilad ang pangalan ng kabisera ng bansa na Maynila. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

RITM kaya nang matukoy ang ‘monkeypox’ virus

Posted on: June 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAY KAKAYAHAN na ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na makatukoy ng kaso ng monkeypox na kumalat na sa iba’t ibang bansa sa mundo.

 

 

Ayon sa RITM, pinakalakas nila ang kanilang ‘real-time PCR (polymerase chain reaction) assay’ para makatukoy ng monkeypox virus at maging ang kanilang ikalawang ‘PCR assay’.

 

 

Tanging mga suspect cases at ang mga sumusunod sa ‘procedures for referral’ ang mapo-proseso nila ng RITM, base sa isang memorandum ng Department of Health (DOH).

 

 

May kakayahan na ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na makatukoy ng kaso ng monkeypox na kumalat na sa iba’t ibang bansa sa mundo.

 

 

Ayon sa RITM, pinakalakas nila ang kanilang ‘real-time PCR (polymerase chain reaction) assay’ para makatukoy ng monkeypox virus at maging ang kanilang ikalawang ‘PCR assay’.

 

 

Tanging mga suspect cases at ang mga sumusunod sa ‘procedures for referral’ ang mapo-proseso nila ng RITM, base sa isang memorandum ng Department of Health (DOH).

 

 

Ang virus ay naililipat sa pamamagitan ng hindi protektadong kontak sa pamamagitan ng ‘respiratory droplets’ at may ‘incubation period’ mula lima hanggang 21 araw, ayon kay Dr. Marissa Alejandria, miyembro ng DOH-technical advisory group on infectious diseases.

 

 

Kabilang sa mga sintomas nito ay ang lagnat, paglaki ng lymph nodes, sakit ng ulo, panginginig, sore throat, malaise at pagkapagod.

Fare hike sa jeep, TNVS at buses, binubusisi na ng LTFRB

Posted on: June 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-AARALAN pa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga petisyon sa hiling na dagdag-pasahe para sa jeepneys, transport network vehicle services (TNVS) at mga bus.

 

 

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni LTFRB executive director Tina Cassion na mara­ming bagay silang ikinukunsidera bago maglabas ng desisyon hinggil sa mga naturang petisyon.

 

 

“Ang isinasaalang-alang ng ating board in balancing interests, ­unang-una ‘yung economic viability ng operators amid the rising cost of fuel,” aniya.

 

 

Ikinukonsidera rin aniya nila ang panig ng mga commuters dahil ang burden sa pagbabayad ng mas mataas na pasahe ay ipapasa sa kanila.

 

 

“Of course, ‘yung sa commuters naman po na side because the burden would be passed on them, ‘yung kakayahan naman nila magbayad,” aniya pa.

 

 

Maging ang posibleng epekto sa implasyon ay isinasaalang-alang din aniya sa desisyon ng board.

 

 

Noong Hunyo 8 lamang, inaprubahan na ng LTFRB ang P1 provisional increase sa minimum fare ng public utility jeepneys.

 

 

Sanhi nito, umakyat na ang minimum fare sa P10.

 

 

Humihiling naman muli ang mga jeepney drivers ng maitaas pa sa P14 hanggang P15 ang pasahe sa jeep.

 

 

Para sa TNVS, nag­hain din ang Grab sa LTFRB ng petisyon para taasan ang kanilang flagdown fare ng P20.

 

 

Ang mga city at provincial bus operators naman ay humihiling ng mula P4 hanggang P7 na taas-pasahe.

 

 

Nilinaw naman ni Cassion na wala pang natatanggap na anumang pormal na petisyon ang LTFRB mula sa mga taxi drivers.

 

 

Aniya, ang desisyon sa petisyon naman ng mga jeepney at TNVS operators ay inaasahang maisasapinal matapos ang kanilang huling pagdinig sa ­Hunyo 28 at 29. (Daris Jose)

1,000 katao na ang patay, 1,500 sugatan sa Afghanistan matapos tumama ang malakas na lindol

Posted on: June 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMAKYAT pa ang bilang ng mga nasawi sa Afghanistan matapos tumama ang malakas na lindol.

 

 

Umaabot na sa 1,000 katao ang namatay habang nasa 1,500 ang napaulat na nasugatan.

 

 

Inaasahang tataas pa ang naitalang death toll habang nagpapatuloy ang rescue operation sa mga remote areas.

 

 

Pinakamatinding tinamaan ng 5.9 magnitude na lindol ang nasa 44km (27 miles) mula sa south-eastern city of Khost kung saan maraming mga mamamayan doon ang dumaranas ng humanitarian disaster na lumala pa matapos mapunta sa kontrol ng Taliban ang gobyerno ng Afghanistan noong Agosto.

 

 

Ayon kay government spokesman Bilal Karimi, mayroon ding mga tao ang na-trap at maraming mga kabahayan ang nasira.

 

 

Nagpapatuloy ang mga rescue teams sa paghahanap sa mga biktima na nabaon sa lupa.

 

 

Ito na ang itinuturing na deadliest earthquake na tumama sa Afghanistan sa loob ng dalawang dekada. (ARA ROMERO)

Piñol, magsisilbi bilang food security adviser kay incoming NSA Clarita Carlos

Posted on: June 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAPILI si dating  Department of Agriculture (DA) Secretary Emmanuel “Manny” Piñol para magsilbi bilang  food security adviser  kay incoming National Security Adviser (NSA) Clarita Carlos.

 

 

“Yes . Actually, si Secretary Clarita Carlos kaibigan kong matagal na. She was my consultant when I was DA Secretary,” ayon kay Piñol.

 

 

Ani  Piñol, sinang-ayunan niya si  Carlos na ang food security at dapat na ikonsidera bilang national security concern.

 

 

“Food security is an important component of national security,” anito.

 

 

Si Piñol  ay itinalaga bilang Agriculture secretary noong2017 subalit nagbitiw sa tungkulin noong 2019 matapos ang sinasabing “conflict” sa  economic team ng administrasyong Duterte.

 

 

Aniya, ang nagbabadyang  food crisis ay nararamdaman na ng mga mamamayang Filipino.

 

 

Sinabi pa nito na may banta sa food security dahil sa  limited volume ng rice exportation at mataas na presyo ng trigo ng mga bansang Thailand at Vietnam.

 

 

Ayon kay Piñol, “the Philippines was close to reaching rice self-sufficiency in 2017 but it was hindered by the implementation of the Rice Tariffication Law, which allows more importation.”

 

 

“Nandoon na sana tayo, 2017, for the first time, sa kasaysayan ng Pilipinas, umani tayo ng mataas na ani, 19.28 million metric tons,”  dagdag na pahayag nito.

 

 

Ayon sa kanya, ang bansa ay mayroong kakapusan sa bigas na 700,000 metric tons noong 2017.

 

 

Ang bansa aniya ngayon ay umaangkat ng  3 million metric tons ng rice  para punan ang supply gap.

 

 

Dahil dito, inirekomenda ni Piñol  ang rice sufficiency strategy roadmap na nakatuon sa irigasyon, paggamit ng high quality hybrid at inbred seeds, fertilizers, at pagbuo ng “good price.”

 

 

Aniya, “half of the rice fields could be harvested only once a year due to lack of irrigation, which caused low national average yield per hectare.”

 

 

Bago pa umalis sa kanyang puwesto, na-organisa na ni Piñol ang P40-billion loan mula Israel  upang magtayo ng solar-powered irrigation system, kabilang na ang technical support, na maaaring sumakop sa 500,000 ektarya ng lupa.

 

 

“Anong nangyari? Nandoon, natutulog sa [National Economic and Development Authority – Investment Coordination Committee] yung offer ng Israel na P40 billion na pautuang,” ayon kay Piñol.

 

 

‘Building the project would only take three months, which he said is faster compared to the construction of traditional irrigation from dams,” aniya pa rin.

 

 

Ang bigas anoya ay dapat na mayroong “good pricing” dahil sa “profitability motivates productivity.” (Daris Jose)

CHED, nagpahayag ng interes na busisiin ang k-12 program sa bansa

Posted on: June 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAHAYAG ng interes ang Commission on Higher Education (CHED) na busisiin ang pagiging epektibo ng K-12 program sa bansa.

 

 

Ginawa ni CHED Chairman Prospero de Vera ang naturang pahayag ng tanungin hinggil sa posisyon nito sa isinusulong na pagbuwag sa K-12 system.

 

 

Paliwanag ng opisyal na ipinatupad ang K-12 program bago pa man ang Duterte administration. Kailangan aniya na makita ang mga data mula sa ground at ihanay ito sa policy objectives ng batas at saka aniya gagawa ng desisyon hinggil sa naturang uspain.

 

 

Ayon kay De Vera , ang K-12 program sa Pilipinas ay naiiba dahil layon nito na makapag-produce pareho ng mga employable at university-ready graduates sa loob ng dalawang taon.

 

 

Aniya, ang pinakalayunin ng K-12 ay para maihanda ang mga estudyante para sa university education upang sa oras na tumuntong ang mga ito sa kolehiyo, major subject na dapat ang kanilang kinukuha.

 

 

Subalit ang K-12 program aniya sa Pilipinas ay naiiba dahil kapag nakapagtapos ng K-12 ang mga estudyante maaari na rin ang mga itong makapagtrabaho at kumita.

 

 

Lumutang ang usapin hinggil sa pagbuwag sa K-12 education system kasabay ng nallapit na pagpapalit ng bagong adminsitrasyon sa Hunyo 30.

 

 

Subalit ang K-12 program aniya sa Pilipinas ay naiiba dahil kapag nakapagtapos ng K-12 ang mga estudyante maaari na rin ang mga itong makapagtrabaho at kumita. (Daris Jose)

Kai Sotto papasa kaya sa panlasa ng mga NBA team sa 2022 NBA Draft?

Posted on: June 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SIMULA na ng agawan at pagpapalakas muli ng mga teams sa NBA upang makasungkit ng mga magagaling na bagitong players sa magaganap na 2022 NBA Draft.

 

 

Mahigit sa 50 mga players ang nakataya na pag-aagawan ng mga teams na karamihan ay mga college standouts at international players.

 

 

Kung maalala bentahe ng mga NBA teams na makakuha ng pinakamagaling na bagitong players upang makabuo ng championship team o dynasty sa hinaharap.

 

 

Halimbawa na lamang sa mga de-kalibre na mga players na sina Stephen Curry, Draymond Green at Klay Thompson na nagbigay ng pagkakataon sa Golden State Warriors na tumuntong sa NBA championships ng apat na beses ay pawang dumaan din sa draft.

 

 

Ang 2022 NBA Draft ay isasagawa bukas sa Brooklyn Barclays Center, kung saan nasa kabuuang 58 mga players ang nakataya.

 

 

Gayunman kapansin pansin na wala doon sa mga mock draft ang pangalan ng 7’2″ na higanteng player na si Kai Sotto.

 

 

Sa kabila nito nasa anim na rin na mga NBA teams ang binigyan siya ng pagkakataon na magsagawa ng workouts kabilang na ang mga team na New York Knicks, Los Angeles Clippers, Chicago Bulls, Portland TrailBlazers, Indiana Pacers at Sacramento Kings.

 

 

Sa Kings workout ay nagkita pa sila ng PBA great na si Jimmy Alapag na assistant coach sa G League affiliate ng Sacramento na Stockton Kings.

 

 

Kung makuha si Sotto, 20, bukas sa Draft, gagawa siya ng kasaysayan bilang kauna-unahang full blooded Pinoy player na lalaro sa NBA.

BSP gov: Walang dapat ipangamba sa paghina ng piso

Posted on: June 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WALANG dapat na ipangamba ang publiko sa paghina ng piso kontra dolyar.

 

 

Ito ang sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Gov. at incoming Finance Secretary Benjamin Diokno matapos pumalo sa  P54.47 ang piso kontra dolyar.

 

 

Itinuturing kasi na ito ang pinakamahinang halaga nito sa loob ng halos 17 taon.

 

 

Dahil sa iba’t ibang dahilan partikular na sa mga nangyayari sa ibang bansa ay apektado na ang ilang maliliit na negosyanteng nag-aangkat ng produkto mula ibang bansa.

 

 

“It is not a reflection of.. to weakness of the economy. It’s just that masyadong malakas ang dolyar at sabi ko nga, if you compare us to the rest of Asian economies including Japan, nasa middle tayo,” ani Diokno.

 

 

Aniya pa, maganda ang lagay ng ekonomiya.

 

 

Sa kabilang banda, pabor din naman ang paglakas ng dolyar sa mga OFWs dahil lalaki ang halaga ng padala nilang pera sa Pilipinas.

 

 

‘Hindi ka naman mahilig sa mga  imported goods. Hindi ka naman maaapektuhan. Hindi naman tayo dapat matakot na..  again i’ve seen many crisis in the past .. basta may crisis tayo ay nauubusan tayo ng dolyar dahil pambayad ng utang, noh?. Hindi tayo ganoon ngayon,” lahad ni Diokno.

 

 

Subalit para naman kay JG Summit President & CEO Lance Y. Gokongwei , na may negosyo sa airlines at mall, parehong may maganda at hindi magandang dulot ang mahinang piso lalo’t marami sa kanilang mga supplies at food inputs ay galing abroad.

 

 

Iyon nga lamang posibleng tumaas naman ang pasahe sa airlines at iba pang produkto kung magtutuloy-tuloy ang pagmahal ng presyo ng krudo at paghina ng piso. (Daris Jose)