• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 5:30 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2022

American swimmer Anita Alvarez nawalan ng malay habang nasa kumpetisyon

Posted on: June 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NILIGTAS ng kanyang coach si American swimmer Anita Alvarez matapos na mawalan ng malay sa ilalim ng swimming pool habang ito ay nakikipagkumpetensiya sa FINA World Aquatic Championships s Budapest, Hungary.

 

 

Mabilis na tumalon sa pool si Coach Andrea Fuentes para iligtas ang 25-anyos na si artistic swimmer ng ito ay lumubog sa ilalim ng pool.

 

 

Dinala ni Fuentes na four-time Olympic medalist sa synchronized swimming si Alvarez sa ibabaw ng pool at bago inilipat sa strecher.

 

 

Ito na ang pangalawang beses na nailigtas ni Fuentes si Alvarez matapos na mawalan ng malay ang una ay noong nakaraang taon sa ginanap na Olympic qualifications.

 

 

Kuwento ni Fuentes ng matapos ang routine ng swimmer ay nakita nito na may tila mali dahil imbes na lumutang ito ay papalubog kaya tumawag siya ng lifeguard.

 

 

Dahil sa mabagal na responde ng lifeguard ay nagdesisyon na ito na tumalon at iligtas si Alvarez.

 

 

Bibigyan pa ng pagkakataon ng FINA si Alvarez na ulitin ang paglahok nito kapag natapos na ito sa kanyang pagpapahinga.

Unang anibersaryo ng kamatayan ni Noynoy Aquino ginunita

Posted on: June 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

GINUNITA kahapon June 24 ang unang anibersaryo ng pagpanaw ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Si Noynoy ang ika-15 na presidente ng bansa, na siyang naglingkod siya mula 2010 hanggang 2016.

 

 

Nag-alay ng misa para sa dating pangulo na siyang dinaluhan ng malalapit niyang kamag-anak, kaibigan at mga dating nakatrabaho. Isinagawa ang nasabing misa sa Church of the Gesu sa Ateneo De Manila University, Quezon City.

 

 

“Our family’s story has been compared to a roller coaster many times. We have had lots of highs and probably an equal number of lows. Our highs would be comparable to yours, but our lows were extraordinary. There were times when we felt like we were a deadly virus, worse than COVID. Our mother bore the brunt of that and later, Noynoy did,” ani Ballsy Aquino-Cruz, kapatid ni Noynoy, Biyernes.

 

 

“May you always believe just as I do–that the Filipino is really worth fighting for, that the Filipino will indeed rise up to the occasion, that God has a good plan for all of us… Know that this is just a phase”.

 

 

[“Nawa’y lagi kayong maniwala tulad ko–na ang Pilipino ay talagang karapat-dapat na ipaglaban, na ang Pilipino ay talagang babangon sa okasyon, na ang Diyos ay may magandang plano… para sa ating lahat… Alamin na ito ay isang yugto lamang.”

 

 

Dumating din sa misa sina outgoing Vice President Leni Robredo, Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, Sen. Franklin Drilon at dating Interior secretary Mar Roxas.

 

 

Nagtapos ang okasyon sa isang tribute video kay Noynoy upang balikan ang mga natatanging legasiya at kanyang mga ginawa noong siya ay nagsilbi sa pinakamataas na posisyon sa bansa.

 

 

Matatandaang pumanaw si “PNoy” noong Hunyo 2021, matapos iulat na isinugod siya sa Capitol Medical Center sa Lungsod ng Quezon. Ayon sa kanyang death certificate, renal disease secondary to diabetes ang kanyang ikinamatay.

 

 

Ang sinabi ni Ballsy ay reference mula sa 1980 speech ni kanilang ama, dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr., sa New York nasa Martial Law ang Pilipinas sa ilalim ng diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

 

 

Binaril si Ninoy sa Manila International Airport sa pagbabalik niya sa Pilipinas noong 1983 matapos wakasan ang self-imposed exile sa Amerika. Nagbigay ito ng panibagong sigla sa oposisyon na nagtulak sa pag-aalsang People People noong 1986 na nagpatalsik kay Marcos.  (Daris Jose)

Ads June 25, 2022

Posted on: June 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Pinas, pag-aaralan ang COVID-19 vaccination para sa mga kabataang 5 taon pababa

Posted on: June 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PAG-AARALAN ng Pilipinas ang posibleng pagbabakuna sa mga kabataan na 5 taon pababa  laban sa  COVID-19.

 

 

“Aaralin nang husto. Depends sa studies abroad and if may vaccines although some include below 5 years old. We will see sino may EUA (emergency use authorization) at ano ire-recommend ng HTAC (Health Technology Assessment Council),” ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) chairperson Myrna Cabotaje.

 

 

Ayon sa  Reuters,  nagsimula na ang Estados Unidos na  bakunahan ang mga kabataan na hanggang sa anim na buwan matapos na payagan  ng  Food and Drug Administration (FDA) ng US ang Moderna para sa mga kabataan na may edad na anim na buwan hanggang limang taon at  Pfizer  para sa mga kabataan na anim na buwan hanggang apat na taon.

 

 

Sinabi ni Cabotaje na ang  vaccine program ng bansa ay “already in place” para sa  incoming administration.

 

 

Gayunman, sinabi nito na mayroong pangangailangan na itaguyod ang  pagbabakuna ng booster shots at ng  primary series.

 

 

“Need to advocate for boosters and those who have not received their primary doses. Need to see if vax will be available for below 5 years old and what will be given EUA & HTAC recommendation,” ani Cabotaje.

 

 

“Baka ito ang ma-procure later unless may donations tayo from COVAX & other bilateral partners. Otherwise, we have sufficient vaccines given the jab rates natin now,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Kamakailan lamang, sinimulan na ng Pilipinas na i-rolled out ang  booster dose vaccination para sa  immunocompromised children  na may edad na 12 hanggang  17 taong  gulang.

 

 

Sinabi ng mga awtoridad na ang  pagbabakuna sa  natitirang “age group” ay magsisimula matapos ang ilang araw.

 

 

“As of June 20,” nakapagbakuna ang Pilipinas ng  maghigit sa 70 milyong Filipino o 77.85%  ng  target population.

 

 

Samantala,  mahigit sa 9.5 milyong  adolescents na may edad na 12 hanggang 17 at 3.3 milyong kabataan na may edad na  5 hanggang  11  ang fully vaccinated. (Daris Jose)

Presyo ng harina posibleng tumaas

Posted on: June 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

POSIBLENG magkaroon ng pagtaas ng presyo ng harina sa bansa.

 

 

Ayon kay Philippine Association of Flour Millers executive director Ric Pinca, na ilan sa mga factors kaya tumaas ang kanilang presyo ay ang patuloy na giyera sa Ukraine at Russia, tag-tuyot sa US at ang export ban sa India.

 

 

Paliwanag nito na nahaharap ang bansa sa krisis sa pagkain kahit na mayroong sapat na trigo sa mundo ay kalahati sa mga ito ang hindi nai-aangkat.

 

 

Aabot kasi sa 20 milyon metric tons ng trigo ang hindi nakakaalis sa Odessa port matapos na harangin ito ng Russia.

 

 

Inamin din nito na sa 23 flour miller sa bansa ay nagbawas na ang mga ito ng kanilang ginagawang harina dahil sa taas presyo ng mga imported wheat. (Daris Jose)

Pag-review sa K-12 program sa PH, suportado ng sektor ng mga guro

Posted on: June 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SUPORTADO ng sektor ng mga guro sa bansa ang panawagang busisiin ang K-12 program para ganap na matugunan ang mga probema dito.

 

 

Ayon kay ACT Teachers party-list lawmaker France Castro, maghahain muli ito ng isang resolution sa 19th Congress na hihikayat sa House of Representatives na magsagawa ng pagsisiyasat partikular na sa ilang nakitang problema sa implementasyon ng programa at iginiit na napapanahon na para pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang matagal ng mga suliranin sa edukasyon.

 

 

Hinikayat din ng mambabatas si incoming Education Secretary at VP-elect Sara Duterte-Carpio na pakinggan ang hinaing ng publiko na tignan ang realidad at epekto ng mababang pondo, mababang sahod at kakulangan bunsod ng ipinapatupad na enhanced basic education program.

 

 

Aniya, ang mga kakulangang ito ay hindi lamang sa mga pasilidad at learning materials kundi maging ang suporta para sa sapat na sahod at benepisyo para sa mga guro at nonteching personnel na pangunahing apektado sa kalidad ng edukasyon sa bansa.

 

 

Iginiit din ng mambabatas na sa ilalim ng K-12 program hindi aniya napataas ang antas ng basic education curriculum subalit napahaba lamang aniya nito ng dalawang taon ang sekondarya at nagpadagdag sa mga aralin ng mga estudyante kung saan marami ang napag-iwanan.

Mga basketball fans at ilang atletang Pinoy sabik na makuha sa NBA Draft si Kai Sotto ngunit nabigo itong makamit

Posted on: June 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAABANGAN na ng maraming Filipino basketball fans kung mapipili sa 2022 NBA Draft si 7-foot-3 center na si Kai Sotto.

 

 

Isinagawa kahapon ang NBA Draft sa Barclays Center sa Brooklyn, New York.

 

 

Maraming mga kapwa basketball players at national athletes sa bansa ang nagpapaabot ng ‘good luck’ wish kay Sotto.

 

 

Bagama’t hindi nakasama ang pangalan ni Sotto sa inilabas na mock drafts mula sa iba’t ibang mga mamamahayag ay hindi nawawalan ng pag-asa ang 20-anyos na si Sotto.

 

 

Mula kasi noong 2019 ng magtungo na sa US si Sotto para sa full-time training ay nakapaglaro na rin ito sa NBL bilang paghahanda sa NBA.

 

 

Nakasama rin ito sa iba’t ibang workouts ng mga NBA teams.

 

 

Ipinagmalaki ni Sotto kung bakit nararapat na siya ay piliin ay dahil siya ay skilled seven footer na kayang maipasok ang bola mula sa labas at magaling din itong magpasa bukod sa pagkakaroon niya ng mataas na basketball IQ at blocker.

 

 

Sakaling mapili aniya ito sa anumang NBA Team ay handa niyang ibigay ang lahat ng kanyang makakaya.

 

 

Naglaro ito ng isang season sa Australian Basketball League sa koponang Adelaide kung saan mayroon itong average na 7.5 points, 4.5 rebounds at 50 percent shooting mula sa field sa loob ng 23 laro. Sakaling mapili itinuturing siya na bilang kauna-unahang full-blooded Filipino na maglalaro sa NBA.

 

 

Samantala, sa pinakabagong inilabas na balita, bigo at hindi napili sa NBA Draft si Sotto.  At kahit hindi napili sa 2022 NBA Draft si Kai,  he is not giving up on his NBA dreams yet.  For now, Sotto said  he’ll try to get better and improve to secure a spot in an NBA team in the future.

Abogado ng Distrito Congressman na Ngayon

Posted on: June 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MASWERTE kung ituring ang residente ng ikatlong distrito sa lungsod ng Maynila makaraang magwagi bi­lang Congressman ni dating ­Majority Floor Leader at Councilor Atty. Joel Chua.

 

 

Kung pagbabatayan kasi ang kapabilidad, paglilingkod at malawak na kaalaman sa larangan ng serbisyo publiko, hindi matatawaran ang kakayahan ni Congressman Joel Chua kaya todo-suporta sa kanya si Mayor Isko Moreno Domagoso, lalu na ni Mayor-elect Dra. Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan na siya ring nagtalaga sa kanya bilang Majority Floor Leader.

 

 

Kung susumahin ang performance ng Manila City Council, makasaysayan ng maituturing ito ngayon dahil sa unang termino nina Mayor Isko at Vice Mayor Lacuna ay umabot na sa mahigit 160 ordinansa ang kanilang naipasa bunga ng masigasig na pagtatrabaho ng majority floor leader.

 

 

Ilan lamang sa talaga namang tunay na kapakipakinabang na hindi naisakatuparan ng mga nakaaraang administrasyon ay ang P500 monthly allowance para sa mga Senior citizen, PWD, solo parent at grade 12 public students sa Maynila, P1,000 monthly allowance para sa mga estudyante ng UDM at PLM, 20% reduction sa Real property Taxes, P800 birthday gift para sa mga senior citizens, ordinansa na mabibigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho ang mga kwalipikadong senior citizen at PWD sa Maynila na pawang ipinangako ni Yorme sa kanyang kampanya.

 

 

Bukod pa rito siyempre ang mga ordinansa na ang mismong nag-akda ay ang majority floor leader na talaga namang mapapakinabangan ng mga Manilenyo, pati na ang mga ordinansa na nagbigay ng benepisyo sa mga lubhang naapektuhan ng pandemya dulot ng COVID-19.

 

 

Siyempre, bilang kinatawan ng ikatlong distrito, hindi rin tinalikuran ni Atty. Chua ang kanyang mga ipinangakong proyekto at programa, kabilang na rito ang pagkakaloob niya ng libreng legal assistance, Oplan Iwas Covid-19, Oplan iwas Dengue, sanitation, relief operations, medical and burial assistance, libreng kasal, at financial assistance.

 

 

At dahil isang magaling at de-kampanilyang abogado, si Konsehal Chua rin ang isa sa pinagkakatiwalaan nina Yorme at Vice Mayor Lacuna sa pagbabalangkas ng mga programa at proyekto na kinakailangan ang usaping-legal.

 

 

Malaki rin ang paggalang kay Atty. Chua ng kanyang mga kapwa konsehal, opisyal ng City Council at mga kawani dahil hindi nagbabago ang kanyang pakikitungo sa mga ito kahit pa nga maituturing na nakaka-angat ang kanyang posisyon at kaalaman, lalu na pagdating sa pag-ugit ng ordinansa at resolusyon.

 

 

Hindi naman siguro kaila sa lahat na bentahe para sa isang tatakbong kongresista ang pagiging abogado dahil may malawak silang kaalaman sa batas at ang talagang tungkulin ng isang kinatawan sa kongreso ay ang umugit ng batas.

 

 

Kaya sa mga taga-distrito tres ng lungsod, asahan niyo na ang tuloy-tuloy na serbisyo na ihahatid ng inyong bagong Congressman na si Atty Joel Chua. Isa ito sa mga ibinibida natin na Kongresista na madaling hanapin, madaling lapitan at magiging sandalan sa panahon ng pangangailangan. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

FIFA Trivia: 8 bansa lamang ang nagkampeon sa World Cup

Posted on: June 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULA nang magsimula ang unang torneo ng FIFA World Cup noong 1930 ay mayroong walong bansa lamang ang nagkampeon.

 

 

Pinangungunahan ito ng Brazil na mayroog limang championship, na sinundan ng Italy at Germany na kapwa mayroong tig apat na kampeonato.

 

 

Habang mayroong tig dalawang world cump titles ang Uruguay, Argentina at France.

 

 

Mayroong tig-isang world cup titles naman ang England at Spain.

 

 

Magsisimula ang FIFA WORLD CUP 2022 mula November 21 hanggang December 18 sa Qatar.

Bagong utang ng Pinas, aprubado ng World Bank

Posted on: June 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ng World Bank (WB) ang $178.1-million o  ₱9.7 bilyong pisong loan  o  bagong utang ng Pilipinas na naglalayong palakasin ang pagsisikap nito laban sa malnutrisyon, isang linggo bago pa bumaba sa kanyang tanggapan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

 

Ang “fresh credit” ay para sa Philippine Multisectoral Nutrition Project, na susuporta sa probisyon ng  nutrisyon at healthcare services sa  primary care at community levels na  kabilang sa 235 munisipalidad na mayroong mataas na kahirapan at malnutrition incidence.

 

 

Sinabi ng Washington-based lender na tampok sa nasabing proyekto ang “package of nutrition-specific and nutrition-sensitive interventions along with social behavior change and communications ones.”

 

 

Kabilang sa mga  sinasabing “interventions for households with pregnant women and children under two years old” ay ang “infant and young feeding, regular growth monitoring, multiple micronutrient supplements for kids aged 6-23 months, dietary supplementation for nutritionally-at-risk pregnant women at treatment of moderate, severe acute malnutrition.”

 

 

“The persistence of high levels of childhood undernutrition in the Philippines, exacerbated by the COVID-19 pandemic, could lead to a significant increase in inequality of opportunities in the country,” ayon kay  Ndiamé Diop, World Bank Country Director para sa  Brunei, Malaysia, Philippines, at Thailand.

 

 

“Improving children’s nutritional status leads to the Philippines’ target of strengthening human capital along with its economic rebound and long-term growth prospects,” ayon kay Diop.

 

 

Sa kabilang dako, suportado rin ng proyekto ang  behavioral change campaigns para sa target na pamilya at komunidad na may  “crucial” behaviors  para sa maayos na  nutrition outcomes para sa mga kababaihan at kabataan.

 

 

Kabilang aniya rito ang paghuhugas ng kamay na may gamit ng sabon sa critical instances, improved sanitation at access sa ligtas na  inuming tubig,  early child-care at development, nutrition-focused childcare development activities, at pagpo-promote ng  access sa Pantawid Pamilya program.

 

 

Sinabi pa rin ng World Bank na ang proyekto ay naglalayong makapagbigay ng  performance-based grants para sa  local government units.

 

 

“These are linked to the delivery of pre-defined nutrition, maternal and child services, and improvements in planning and budgeting for nutrition projects at the local level,” ayon sa WB.

 

 

“Undernutrition and exposure to risks and adversities during the first 1,000 days of the child’s life can disrupt cognitive, emotional, and physical development and hold children back from reaching their full potential, thus affecting the formation of the country’s human capital, explained Nkosinathi Mbuya, World Bank Senior Nutrition Specialist, East Asia and Pacific Region.”

 

 

“Therefore, interventions to improve nutritional outcomes must focus on this age group and women of child-bearing age,”  dagdag na pahayag ni Diop.

 

 

Samantala, pormal namang magsisimula ang termino ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hunyo  30. (Daris Jose)