• March 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2022

Palaban sa mga sexy scenes kaya maraming views: ANGELI, isa sa itinuturing na ‘superstar’ sa digital platform na Vivamax

Posted on: June 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SI Angeli Khang ay isa sa itinuturing na superstar sa digital platform na Vivamax.

 

 

Most of her movies sa Vivamax ay maraming views. Wala rin naman kasing kaba itong si Angeli pagdating sa hubaran, tulad ng latest movie nya titled Pusoy.

 

 

Kumbaga sa larong Pusoy, laging bwenas sa si Angeli sa kanyang nga baraha. Palaban sa mga maiinit na eksena si Angeli. Kaya siguro paborito siya ng maraming director sa Vivamax.

 

 

Kahit na dalawang leading lady sila ni Jenelle Tee dito sa Pusoy, hindi naman nagpatalbog si Angeli sa kanyang hot na co-star na wala rin takot sa paggawa ng sexy scenes.

 

 

Parehong may maiinit na eksena si Angeli sa mga leading man nila na sina Baron Geisler at Vince Rillon.

 

 

***

 

 

PALABAS na sa Rex Lantano channel sa YouTube ang latest movie ng indie actor na si Rex Lantano titled Papa What Is Love?

 

 

Si Rex ang isa sa producers ng feel good rom-com movie na ito at aminado na medyo kabado sila na sa YouTube channel niya ito inilagay na wala pang masyadong subscribers.

 

 

“In a way, parang sugal ito sa amin na doon ipalabas ang BL series. Pero our goal is palakasin ang channel para ang next movies namin ay doon rin namin ilalagay. Yun ang magiging outlet namin,” sabi ni Rex nang makausap naming over lunch last Saturday.

 

 

Ang last BL movie ni Rex titled Love at the End of the World ay ipinalabas sa Gagaoolala Channel, na isang malaking platform. Pero nakita rin nina Rex and his director Shandii Bacolod ang potential ng YouTube to attract viewers.

 

 

Two episodes na ng Papa What Is Love? ang naipalabas at dumarami naman ang views ng series every day. Kaya subscribe na sa YouTube channel ni Rex for more viewing pleasure.

 

 

***

 

 

Confident ang rising balladeer na si Arthur Nery na ready na siya to perform sa kanyang first major solo concert.

 

 

Simply titled “Arthur Nery,” ang concert ay gagawin sa July 2, 2022 at the New Frontier Theater.

 

 

Nakilala si Arthur via his hit song “Pagsamo” na released last year. Naging very popular ito na naging theme song ng VivaMax movie na My Husband, My Lover.

 

 

As of now ay may over 200 million streams na kanta sa Spotify, Apple Music at YouTube.

 

 

Unang nakilala si Arthur sa mainstream three years ago sa solo album niya na “Letters Never Sent” kung saan tampok ang breakout hit niyang “Higa.” Nakilala din ang ibang songs sa album na “Binhi’ at “Life Puzzle.” ng

 

 

But it was in 2020 nang makilala si Arthur sa hit singles niyang “Happy w U” at “Take All The Love” last year.

 

 

Nag-produced din siya ng hit collaborations with Janine Tenoso, ang kilig hit na “Pelikula.”

 

 

Arthur has also produced hit collaborations with other OPM artists including his duet with Janine Teñoso, fan-fave and kilig hit “Pelikula” in 2021.

 

 

Certified hit na rin ang latest single niya titled “Isa Lang” na naging top Pinoy pop song sa Spotify’s local pop charts.

 

 

Sold out na ang SVIP at Loge seats sa unang concert ni Arthur. Naniniwala ang Viva Live na magiging fully sold outing ticket kaya nanawagan sila sa fans ni Arthur na umagap ng tiket.

 

 

Ticket prices for the “Arthur Nery” concert ranges from Php 4,000 for the SVIP seats (that includes a Meet & Greet—SOLD OUT), VIP seating for Php3,000, Orchestra at Php2,000, Loge at Php1,500 (SOLD OUT), and Balcony at Php750.

 

 

For ticket inquiries call VIVA (0917) 182-5560 or Ticketnet (02) 8911-5555.

 

 

(RICKY CALDERON)

Medical insurance rule para sa mga college students sa face-to-face classes tinanggal na ng IATF

Posted on: June 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INALIS  ng COVID-19 task force ng bansa ang medical insurance requirement para sa mga estudyanteng pumapasok sa limited face-to-face classes.

 

Pinayagan ng gobyerno sa unang bahagi ng taong ito ang mga kolehiyo at unibersidad sa ilalim ng COVID-19 Alert Level 1 na magsagawa ng face-to-face classes sa buong kapasidad, ngunit ang mga pumapasok sa physical classes ay naka-enroll sa PhilHealth o anumang insurance provider.

 

Ayon kay Deputy Palace spokesperson Kris Ablan, base sa rekomendasyon ng Commission on Higher Education, Seksyon 4, ang item H ng joint memorandum circular ng CHED-DOH na nauukol sa medical insurance para sa mga estudyante ay pinawawalang-bisa.

 

Walang agad na makukuhang mga detalye kung bakit inirekomenda ito ng CHED noong una.

 

Ngunit nauna nang pinuna ng National Union of Students of the Philippines ang medical insurance requirement, at sinabing hindi lahat ng estudyante ay kayang bumili ng health insurance.

 

Hinimok nila ang gobyerno na pondohan ito sa halip.

Marcial target isabak sa Agosto

Posted on: June 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA AGOSTO ang posibleng ikatlong professional fight ni Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Felix Marcial.

 

 

Ito ang inihayag ng Pinoy pug ilang araw matapos masungkit ang kanyang ikaapat na sunod na gintong medalya sa Southeast Asian Games na ginanap kamakailan sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Ayon kay Marcial, wala pang eksaktong petsa ng laban at kung sino ang makakaharap nito.

 

 

Sa Agosto ang posibleng ikatlong professional fight ni Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Felix Marcial.

 

 

“Wala pa namang final pero sana sa August makalaban na ulit,” ani Marcial.

 

 

Pansamantalang mananatili si Marcial sa Pilipinas.

 

 

Habang nasa bansa, walang tigil sa training si Marcial upang handa ito sakaling maikasa agad ang kanyang susunod na laban.

 

 

“Nag-start na ulit ako sa training habang nan­dito ako sa Pilipinas. Kaila­ngang ma-maintain yung kundisyon ng katawan. Mahirap kasi kapag nabakante,” ani Marcial.

 

 

Sa kasalukuyan, may 2-0 rekord na ito sa professional boxing.

 

 

Unang sumalang si Marcial noong 2020 nang maitala ang unanimous decision win kay Andrew Whitfield.

 

 

Muling sumabak si Marcial noong Abril nang kubrahin nito ang  knockout win kay Isaiah Hart para sa kanyang ikalawang panalo.