• March 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2022

Guidelines para sa online purchases ng senior citizens, PWDs tinintahan

Posted on: June 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TININTAHAN na ang guidelines o alituntunin para sa online purchases ng senior citizens at persons with disabilities.

 

 

“Under the new guidelines, senior citizens and persons with disabilities are entitled to avail the 20% discount on the purchase of goods that are vital for their sustenance and existence,” ayon sa kalatas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

 

 

Kabilang sa mga items ay gatas, tubig, LPG, veterinary products, construction materials, batteries at electrical supplies.

 

 

Sinabi ng DSWD na “discount will be applied as long as the items do not exceed ₱1,300 per calendar week in online and offline transactions, adding that the unused amount cannot be carried over.”

 

 

“Likewise, the said amount must be spent for the personal and exclusive consumption of the senior citizen and the person with disability, and that the above mentioned amount must be spent on at least four kinds of items of basic goods and prime commodities.” dagdag na pahayag ng departamento.

 

 

Kailangang ipaalam ng mga mamimili sa merchant na sila ay senior citizen o PWD bago pa bumili upang makapag-avail ng discount, at dapat na magpakita ng pruweba ng ID at booklet.

 

 

Sa pagkakataon naman na ang purchaser ay kapuwa senior citizen at PWD, nakasaad sa guidelines na papayagan lamang ang mga ito na mag-avail ng “either of the two” at hihilingin sa kanila na magpakita ng ID para sa kumpirmasyon.

 

 

Samantala, nito lamang buwan ng Mayo, ang DSWD kasama ang Department of Trade and Industry, Department of the Interior and Local Government, National Commission of Senior Citizens, Bureau of Internal Revenue, National Council for Disability Affairs, and Department of Health ay lumagda sa Joint Memorandum Circular na naglalayong magbigay ng discount para sa online purchases para sa mga lolo’t lola at PWD. (Daris Jose)

Blended learning, patuloy na gagamitin sa PH para sa susunod na school year – DepEd

Posted on: June 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY pa ring gagamitin ng Department of Education (DepEd) ang blended learning sa bansa para sa susunod na school year.

 

 

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones na hindi parin aalisin ang blended learning sa kabila ng paghihikayat sa lahat ng public at private schools na magsagawa na ng in-person classes para sa school year 2022-2023.

 

 

Paliwanag ni Briones na mahalaga ang ambag ng blended learning lalo na sa teknolohiya, komunikasyon at sa digitalization sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

 

Bagama’t iginiit din ni Briones na mahalaga ang face to face classes para sa social development ng mga mag-aaral at kailangan din ng direct guidance mula sa mga guro.

 

 

Maalala noong Lunes, May 30, hinimok ni Briones ang lahat ng paaralan sa bansa para magsagawa ng in-person classes para sa SY 2022 -2023 subalit nilinaw ni DepED Undersecretary Diosdado San Antonio target pa rin ng kagawaran na ipatupad ang blended set up kung saan ang paraan ng pagtuturo ay isasagawa sa pamamgitan ng electronic at online media platform gayundin sa pamamagitan ng face to face learning. (Daris Jose)

Team Philippines palaban sa 2023 SEAG

Posted on: June 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL  hindi inaasahang la­laban ang host Cambodia para sa overall crown ay ma­giging labu-labo ang 32nd Southeast Asian Games sa Mayo ng 2023.

 

 

Kumpiyansa si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino na makikipag-agawan sa overall title ang mga Pinoy athletes.

 

 

Ito ay makaraang tuma­pos sa fourth place ang Team Philippines sa naka­raang SEA Games sa Hanoi na dinomina ng mga Viet­namese.

 

 

“If we could train longer, I’m optimistic the overall race would be anybody’s ballgame,” ani Tolentino kahapon sa online Philippine Sportswriters Association Forum.

 

 

Para mapalakas ang tsan­sa sa korona ay lalahok ang Pinas sa lahat ng 40 events na ilalatag ng mga Cambodians sa biennial meet.

 

 

“Salihan natin lahat sa Cambodia. We’re just waiting for the final list of events,” sabi ni Tolentino.

 

 

Tumapos ang mga Pinoy athletes sa fourth place sa Vetnam edition bitbit ang 52 gold, 70 silver at 104 bronze medals.

 

 

Nauna nang inangkin ng Pinas ang overall crown noong 2019 edition.

 

 

“If fair game, we could have been second. We have great athletes. Of our 70 silver medals, 42 were from subjective sports inclu­ding 27 were the oppo­nents were from host Vietnam,” dagdag ng POC at cycling fe­­deration chief.

Nag-comment sa IG post ni Joey tungkol kay BBM: TONI, nabuking tuloy ng netizens ang pagiging ‘stalker’

Posted on: June 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ANG Love You Stranger na magsisimula ng mapanood sa primetime sa Lunes, June 6 ang full-length serye ng real-life sweethearts na sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia at matagal din hinintay na matuloy ito kaya mas special daw sa kanila.

 

 

Bukod pa rito, first rin ni Khalil as Kapuso.

 

 

“Lahat naman ng series may pressure talaga, pero ito lang extra-extra special kasi, first series ni Khalil at ang ganda-ganda ng pagkakagawa ng script. We don’t want to fail. We really want to deliver very well,” sey ni Gabbi.

 

 

 

Five years ng mag-sweethearts sina Khalil at Gabbi na nagsimula pa noong hindi pa sila pareho ng networks. Pero isa rin sila sa matatag ang relasyon.

 

 

 

“Secret!,” ang natatawang parehong sagot nila nang tanungin namin kung ano talaga ang sikreto nila.

 

 

 

Pero sabi rin ni Gabbi, “Feeling ko ‘yung secret, best friend kami. As in, tropa kami and everybody knows that.”

 

 

 

Sinegundahan naman ito ni Khalil na, “Yeah, fall-in-love with your bestfriend. ‘Yun ang secret.”

 

 

 

Sa isang banda, maganda ang reception ng mga netizens sa trailer pa lang ng Love You Stranger, as well as mga positive comments. Kung magtutuloy-tuloy ito hanggang sa umeere na ang serye, ‘di-malayong worth the wait talaga kahit matagal bago natuloy at nagawa ang unang serye nila bilang mga Kapuso.

 

 

 

***

 

 

 

NABUKING tuloy ng netizens ang number 1 supporter ni President-elect Bongbong Marcos na si Toni Gonzaga na “stalker” raw ito.

 

 

 

Hindi kasi kasama sa mga pina-follow ni Toni ang host ng Eat Bulaga na si Joey de Leon. Nag-react si Toni sa witty post ni Joey sa Instagram tungkol sa pagka-panalo ni BBM.

 

 

 

Nag-comment si Toni na, “OG Henyo” kasunod ang dalawang taas kamay na symbol.

 

 

 

Ang IG post ni Joey, “Bakit si BBM Presidente ngayon? Kasi after DU30, yung may 31 naman! After that DU30 TOO! Gets?”

 

 

 

Tinawag ng iba na stalker raw si Toni bilang hindi naman niya pina-follow ang kino-comment-an. Ang ibang netizens naman, tinawag na “OA” ang dating Kapamilya star.

 

 

 

***

 

 

 

ANG daming naapektuhan sa naging hiwalayan ng mag-asawang sina Jason Hernandez at Moira dela Torre.

 

 

 

Parang nando’n ang disbelief sa mga nababasa naming comments at the same time, pagdududa tuloy kahit sa mga mag-asawa ngayon.

 

 

 

Ang dahilan, kung ang tulad daw nina Jason at Moira na parehong Christian at sinasabing ang foundation ng relationship nila ay God’s centered, plus the fact na mag-best friend pa sila, so, paano na?

 

 

 

Nagbigay tuloy ng pagdududa at parang takot sa mga mag-jowa at kahit wala pang jowa ang nangyari sa dalawa, huh!

 

 

 

Sa kabila nito, marami rin ang nalulungkot at halos iisa ang sinasabi ng lahat, “nag-iba tuloy ang feel ng kanta ni Moira na Paubaya ngayon.”

 

 

 

Pero kung may totoo man, sa showbiz talaga, kapag may usok, siguradong may apoy. Dati pang naba-blind-item na hiwalay na ang dalawa na heto’t totoo nga pala.

 

 

 

Nagsanga-sanga na ang paghihiwalay na news. Pati si Jason Dy, nadamay dahil inakalang siya ang mister ni Moira, huh!

 

 

 

At ang “Marites” ng taon na si Xian Gaza, heto’t trending dahil sa pasabog nito na diumano’y dahilan talaga ng hiwalayan at kung sino ang dahilan ng pagsi-cheat ni Jason.

 

 

 

At maging si Ruffa Gutierrez, affected. Nag-tweet nga ito na, “Heartbroken for one of my favorite couples.”

 

 

 

(ROSE GARCIA)

Inagurasyon ni Marcos Jr., gagawin sa Ilocos o Maynila- PNP OIC

Posted on: June 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAAARING idaos ang inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hunyo 30 sa Ilocos Region o sa Maynila.

 

 

“Yung kay Sir Bongbong naman po, I think it will be either Ilocos or dito po sa area ng Manila,” ayon kay PNP officer-in-charge Police Lieutenant General Vicente Danao Jr.

 

 

“So we are still finalizing kung saan po yung exact location para po malatag ang ating security measures,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Ang pamilya Marcos ay mula sa Ilocos Norte.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni incoming Press Secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles na wala pang pinal na desisyon kung saan idaraos ang inagurasyon ni Marcos Jr.

 

 

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Cruz-Angeles na isa ang Quirino Grandstand sa mga lugar na pinagpipilian kung saan gaganapin ang inagurasyon.

 

 

“Wala pa po. Of course, as mentioned, tinitignan naman po talaga ang Quirino Grandstand bilang isa sa mga posibleng venue para sa inauguration pero wala pa pong final at wala pa po tayong mga detalye tungkol doon,” pahayag nito.

 

 

Dagdag nito, “Pangako ko lang ay, as soon as ma-finalize ang mga plano, ire-release namin sa publiko.”

 

 

Nauna nang inihayag ni Senadora Imee Marcos na kabilang din sa mga lugar na maaring gawing venue para sa inagurasyon ng kaniyang kapatid ang Rizal Park at Fort Santiago sa Lungsod ng Maynila. (Daris Jose)

DepEd, target ang 100% na pagpapatuloy ng in-person classes sa susunod na school year

Posted on: June 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HANDA na ang bansa para sa “full and nationwide implementation” ng face-to-face classes sa susunod na taon.

 

 

Iyon nga lamang ang modalities ay depende sa lokasyon ng eskuwelahan.

 

 

Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones, may 73.28 porsiyento ng kabuuang bilang ng pampublikong eskuwelahan ang itinuturing ng kuwalipikado para sa in-person learning.

 

 

“In the next academic school year, we’re expecting that the face-to-face implementation will be fully 100 percent, but again, I just want to emphasize that the modalities of face-to-face vary in every situation in schools, depending on their local governments,” ayon kay Briones.

 

 

“As of May 26,” may 34,238 eskuwelahan ang nominado para sa face-to-face classes, may 33,000 sa nasabing bilang ang public schools habang private schools naman ang 1,174.

 

 

Sa kabilang dako, ipinaliwanag ni Undersecretary Diosdado San Antonio na sa 100%, ang mga eskuwelahan sa buong bansa ay hinihikayat na magkaroon na ng ‘in-person schedules” kabilang na ang “blended learning” setup.

 

 

“We are calling on all schools to implement face-to-face classes, but we are looking on the blended (setup), there are days for face-to-face, and there will be days allowed for home-based learning for kids,” ayon kay San Antonio.

 

 

Samantala, sinabi naman ni Briones na mayroong malalim na pangangailangan para ituloy ang “digital form of learning” para maka- “catch up” sa global learning trend.

 

 

Binanggit nito ang naobserbahan niya kamakailan sa isinagawang international educational summit sa United Kingdom.

 

 

“Many countries, they are digitalized, they’re no longer using money, they are using cards instead, and we need to be ready for this, let’s prepare our learners. While face-to-face learning is very important for their social, as well as mental, and their personal growth, it’s also important to catch up on digital aspects,” ang pahayag ni Briones. (Daris Jose)

‘Betting odds pumapabor sa Warriors bilang title favorite sa NBA crown’

Posted on: June 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NGAYON pa lamang paborito na umano ng maraming mga sports analysts na magkakampeon sa NBA Finals ang Golden State Warriors.

 

 

Habang itinuturing naman ang Boston Celtics bilang underdog sa pagsisimula ng Game 1 ng Finals sa araw ng Biyernes kaugnay ng kanilang best-of-seven series.

 

 

Maging sa mga mananaya o mga sugarol doon sa Las Vegas ay naniniwala na abanse rin daw ang Warriors na ibubulsa muli ang kampeonato.

 

 

Lalo pang naging title favorite ang Warriors nang ma-knockout nila ang Dallas Mavericks sa loob ng five games sa Western Conference finals.

 

 

Kaya naman agaw pansin ang isang sugarol doon sa Las Vegas nang tumaya ng katumbas sa P1.2 million.

 

 

Ito na ang ika-anim na beses na tutuntong sa NBA finals ang Warriors sa nakalipas na walang taon.

 

 

Habang ang Celtics naman ay inabot ng 12 taon bago muling makakatikim ang Finals appearance.

Hiyas ng Bulacan Cultural Center, ipinagdiwang ang gintong anibersaryo ng pagkakatatag

Posted on: June 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Ipinagdiwang ng Hiyas ng Bulacan Cultural Center ang ika-50 taong anibersaryo ng pagkakatatag nito sa pamamagitan ng paglulunsad ng “HIYAS: Ang Kasaysayan” sa ginanap na Pagdiriwang ng Pambansang Buwan Ng Pamana 2022 sa Bulwagang Guillermo Tolentino at Tanghalang Nicanor Abelardo, Hiyas ng Bulacan Cultural Center sa lungsod na ito noong Mayo 28, 2022 kaalinsabay ng ‘Palatuntunang Pang-Alaala para sa Pambansang Araw Ng Watawat.

 

 

 

Pinangunahan nina Gob. Daniel R. Fernando at bagong halal na Bise Gob. Alexis C. Castro ang paggugupit ng laso para sa pagtunghay sa eksibit patungkol sa nasabing 50 ginintuang anibersaryo ng nasabing gusali na tinaguriang sentro ng kasaysayan, sining, kultura at turismo na nasa bakuran ng Kapitolyo.

 

 

 

Sinundan ito ng pagpapalabas ng SINEliksik Bulacan Docu Special na “Ako ang Hiyas ng Bulacan Cultural Center” kung saan idinetalye dito ang kasaysayan ng nasabing establisyimento partikular na ang arkitektura at istruktura nito na itinayo sa bahagi ng 22 ektaryang lupain na tinatawag ngayon na Antonio S. Bautista Bulacan Provincial Capitol Compound.

 

 

 

Ayon sa Provincial History, Arts, Culture, and Tourism Office (PHACTO), pinasinayaan ito noong Agosto 30, 1971 na may dalawang palapag na pinasimulan at idinisenyo ni Arkitekto Dominador Jimenez at ipinatupad ni Arkitekto Leonides Manahan.

 

 

 

May istilong ‘brutalist’, kabilang sa mga anyo nito ay ang 25 pahabang bintana na may nakalitaw na biga, mga adobeng materyales na nakakabit sa pader, malalaki at kakaibang uka at marami pang iba.

 

 

 

Bilang simbulo sa bayanihan, ipinakita sa nasabing dokyu ang iskultura ng Inang Bayan na nakatindig sa harapan ng nabanggit na gusali, nasa unang palapag nito ang main lobby, ang Exhibition Hall na hinalaw ang pangalan mula sa Pambansang Alagad ng Sining sa Iskultura na si Guillermo Tolentino, ang Hiyas ng Bulacan Museum na nagtatampok sa mayamang sining, kalinangan at kasaysayan ng Bulacan, Panlalawigang Aklatan na naglalaman ng mga bibihirang kopya ng mga reperensiya tungkol sa Filipiniana o Kasaysayan ng Pilipinas,  ang PHACTO at ang Bulacan Tourism Information Center.

 

 

 

Matatagpuan naman sa ikalawang palapag ang auditorium na hinalaw ang pangalan mula sa isang sikat na kumpositor ng Kundiman na si Nicanor Abelardo, tubong San Miguel.

 

 

 

Samantala, inilunsad at ipinalabas din ang “Pasyal Kultura sa Bulacan” Web Magazine at SHINE Bulacan Web Magazine.

 

 

 

“Mabuhay ang Hiyas ng Bulacan Cultural Center! Tunay na napakabilis ng panahon at ngayon ay ipinagdiriwang na natin ang ika-50 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Hiyas ng Bulacan Cultural Center na naging saksi sa makulay na sining, kultura, turismo at kasaysayan ng lalawigan. Nais ko rin pong bigyang pugay ang paglulunsad ng SHINE Bulacan Project o ang Sustainable Heritage Imbibing Nationalism through Ecotourism na naging katuwang ng probinsiya sa pagpapalakas ng turismo sa pangunguna ng Commission on Higher Education o CHED sa pakikiisa ng Department of Education at Bulacan State University,” ani Fernando. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

PDu30 ,’satisfied, very happy’ sa achievements ng kanyang administrasyon- CabSec Matibag

Posted on: June 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

“SATISFIED” at “very happy” si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa naging performance ng kanyang gobyerno sa nakalipas na anim na taon.

 

 

Sinabi ni Cabinet Secretary Melvin Matibag na “very delighted” si Pangulong Duterte matapos na iprisinta ng kanyang mga cabinet members ang kanilang accomplishments sa isinagawang huling “full Cabinet meeting”, Lunes ng gabi.

 

 

“I think he is satisfied, he is very happy. He personally thanked ‘yung mga Cabinet official who made a lot of sacrifices. For one, si [DSWD] Secretary Rolly Bautista very quiet but very effective. Of course si Secretary Tugade, economic team,” ayon kay Matibag.

 

 

“Lahat naman na tumulong at nagsakripisyo for him to fulfill ang promise n’ya sa ating mga taumbayan noong sya’y kumandidato noong 2016,” dagdag na pahayag ni Matibag, isa ring secretary-general ng PDP-Laban ng Duterte party.

 

 

Sinimulan ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang “Duterte Legacy Summit” sa Pasay City, kung saan dumalo ang piling Cabinet officials at iprisinta ang kanilang cluster’s achievements simula 2016. Magtatapos ito sa araw ng Martes.

 

 

Araw ng Lunes, tinalakay ng mga opisyal ang fiscal position ng bansa improvement sa transport sector, COVID-19 response, at milestones sa infrastructure drive na “Build, Build, Build” ng gobyernong Duterte.

 

 

“The infrastructure program, which was hoped to spur economic growth in by providing jobs and boosting spending, has completed 15 out of 112 projects in the pipeline as of January this year,” ayon sa Senate Economic Planning Office.

 

 

“The incoming Marcos administration meanwhile will inherit at least P12 trillion in debt. The country has been borrowing heavily in the last few years due to its COVID-19 response and recovery efforts, and the infrastructure program launched prior to the pandemic,” ayon naman sa ulat.

 

 

Subalit, sinabi naman ni Executive Secretary Salvador Medialdea na ang outgoing President ay mag-iiwan ng isang “far better Philippines” kumpara sa dating administrasyon, o administrasyon na pinalitan ni Pangulong Duterte.

 

 

“Our administration, just like any, had many ups and downs. But what is certain is that [the] Duterte administration is leaving behind a far better Philippines than was what handed over to us 6 years ago,” aniya pa rin. (Daris Jose)

SCTEX nagtaas ng toll

Posted on: June 1st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGBIGAY na ng abiso ang pamunuan ng North Luzon Expressway Corp na siyang namamahala sa SCTEX na magkakaron ng pagtataas ng toll simula ngayon June 1.

 

 

 

Binigyan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang pagtataas ng go-signal ng 78 centavos kada kilometro. Ang nasabing pagtataas ng toll ay naaayon sa confirmed periodic rate adjustment noong 2017.

 

 

 

Sa ilalim ng bagong toll matrix, ang SCTEX ay sisingil sa Class 1 na sasakyan na maglalakbay sa pagitan ng Mabalacat City at Tarlac ng karagdagang P31. Ang Class 2 na sasakyan naman ay kinakailangan magbayad ng karagdagang P61 para din sa nasabing ruta habang ang Class 3 na sasakyan ay sisingilin ng karagdagang P92.

 

 

 

Samantala, may karagdagan naman na P49, P98 at P147 ang kokolektahin sa Class 1, 2 at 3, respectively, kung maglalakbay sa pagitan ng Mabalacat City at Tipo, Hermosa, Bataan malapit sa Subic Freeport.

 

 

 

Habang ang mga pampublikong sasakyan naman ay patuloy na magbabayad ng old rates sa loob ng tatlong (3) buwan.

 

 

 

Sa kabilang dako naman, ang pamunuan NLEX Corp na isa sa mga subsidiaries ng Metro Pacific Tollways Corp. ay nagtaas ng toll rates sa North Luzon Expressway (NLEX) habang ang toll rates naman sa Manila-Cavite Expressway (Cavitex) ay pinatupad noong May 22.

 

 

 

Sinabi ng NLEX na binigyan sila ng go-signal ng Toll Regulatory Board (TRB) para sa kanilang petition upang magtaas ng kanilang toll rates na P2 para sa open system at P0.34 naman kada kilometro para sa closed system.

 

 

 

Ang open system ay magsisimula sa Balintawak sa Caloocan hanggang Marilao sa Bulacan habang ang closed system naman ay mula sa bahagi ng Bocaue, Bulacan hanggang Barangay Sta. Ines, Mabalacat, Pampanga kasama na ang Subic-Tipo.

 

 

 

Sa ilalim ng bagong toll fee matrix, ang mga motorista na maglalakbay sa loob ng open system ay kinakailangan magbayad ng karagdagan P2 for para sa Class 1 na sasakyan (regular cars at SUVs), P6 sa Class 2 (buses at small trucks) at P8 naman sa Class 3 na sasakyan.

 

 

 

Kung kayat kung ang isang motorista na maglalakbay ng dulo sa dulo sa pagitan ng Metro Manila at Mabalacat ay magbabayad ng karagdagan P27 para sa Class 1, P69 sa Class 2 at P82 sa Class 3 na mga sasakyan.

 

 

 

Ang nasabing adjustments ay kasama sa pinayagan na periodic adjustments ng NLEX noong 2016 at ang completion ng bagong Subic Freeport Expressway (SFEX) noong 2021.

 

 

 

Ang Cavitex Infrastructure Corp (CIC) na isang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corp. ay joint venture partner ang Philippine Reclamation Authority (PRA) sa Cavitex.

 

 

 

Sa isang pahayag naman ng CIC, ang nasabing pagpapatupad ng bagong toll rates sa Cavitex Paranaque Toll Plaza ay nangyari ng binigyan ng TRB ng go-signal ang 2011 at 2014 na contractual tariff adjustments toll petition para sa Phase 1 and 2 enhancement works na ginawa sa Cavitex R-1 Expressway na natapos noong 2020.

 

 

 

Ang CIC ay siyang concessionaire para sa Cavitex kasama sa isang joint venture ang Philippine Reclamation Authority (PRA).

 

 

 

Kasama sa ginawang enhancements sa Cavitex ay ang completion ng asphalt overlay sa kahabaan ng Cavitex, paglalagay ng Pacific flyover, left turn facility at bridge widening at ang pagsasagawa ng regular maintenance works upang masiguro ang road quality at safety ng mga motorista. LASACMAR