SA July 20na pala ang showing ng dramedy film na Maid In Malacanang ng Viva Films na mula sa script at direction ni Darryl Yap, kaya puspusan na ang pagsu-shooting nila.
Ang movie ay mula sa kuwento ng reliable source ni direk, tungkol sa mga pangyayari sa Palace, 72 hours bago umalis ang mga Marcoses for Hawaii.
Sanay nang mag-portray si Cesar Montano ng buhay ng mga bayani, tulad nina Jose Rizal at Andres Bonifacio, pero this time, na-challenge siya kung paano ipu-portray ang role niya bilang si President Ferdinand Marcos, dahil konti lamang ang available videos na pwede niyang ma-research tungkol sa former President ng Pilipinas.
Kaya, nakipag-usap si Cesar kay Senator Imee Marcos para tanungin tungkol sa kanilang ama, para mabigyan niya ng justice ang pagganap niya sa role nito. Nagpasalamat din si Cesar dahil first time lamang niyang nakatrabaho ang anak niyang si Diego Loyzaga na siyang gaganap bilang si Bong Bong Marcos.
Nakikita na rin ngayon ang group photo ng Marcos family sa movie, with Ruffa Gutierrez as First Lady Imelda Romualdez-Marcos, Cristine Reyes as Imee, Ella Cruz as Irene, Kyle Velino as Greggy Araneta and Kiko Estrada as Tommy Manotoc.
Playing the maids in Malacanang sina Ms. Elizabeth Oropesa as Yaya Lucy, Karla Estrada as Yaya Santa, and Beverly Salviejo as Yaya Biday.
***
NAS South Korea na ang cast ng Running Man Philippines based sa Instagram post ng director ng reality show na si Rico Gutierrez.
Kita ang saya kina Glaiza de Castro, Mikael Daez, Ruru Madrid, Buboy Villar, Angel Guardian, Lexi Gonzales at Kokoy de Santos.
Nag-post din si Ms. Lilibeth G. Rasonable, head ng GMA Entertainment Group ng “a happy & fulfilling day with SBS – meeting, exploring, & being treated to a sumptuous orig Korean dinner.” Kasama rin ni Ms. Rasonable sa group sina Bang Arespacochaga, Janine Piad-Nacar at Enri Calaycay.
Tatagal ang shoot nila roon ng almost two months, kaya kaabang-abang kung kailan natin ito mapapanood sa GMA-7.
***
PUMASOK na ang bagong character sa sportserye na Bolera nina Kylie Padilla, Jak Roberto at Rayver Cruz, na si Klea Pineda.
Klea is playing the role of a lady billiard player known as Golden Eye. Pero kapapasok pa lamang niya, galit na ang mga netizens sa kanya dahil maangas siya at tiyak na siyang makakalaban ni Bolera.
First encounter pa lamang nila may asaran nang naganap, magpapatalo ba naman si Bolera?
Nagtatanong ang netizens kung si Klea raw ang makakatambal ni Jak sa serye. Matatandaan na minsan nang nagtambal ang dalawa sa isang GMA Afternoon Prime series na Stories From the Heart: Never Say Goodbye at nagustuhan ng mga viewers ang tambalan nila.
Napapanood ang Bolera gabi-gabi after First Lady sa GMA-7.
(NORA V. CALDERON)
INANUNSIYO na ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ang 11-player roster na sasabak sa ikatlong window ng FIBA Basketball World Cup 2023 Asian Qualifiers.
“NO REGRETS” si Outgoing Vice President Leni Robredo sa kabila ng mga hinarap na hamon ng kanyang tanggapan sa ilalim ng administrasyong Duterte.
SINABI ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa incoming Marcos administration na maaaring makapagpababa sa halaga ng kuryente sa Pilipinas ang idagdag o isama ang nuclear energy sa power mix ng bansa.
SA IG post ni Lovi Poe last June 25, ibinahagi rin niya ang official poster ng ‘Sleep With Me’, at may caption na, “Are you ready to sleep with Luna and Harry?”
HINDI lamang sa 2024 Olympics Games puwedeng manalo ulit ng medalya ang Pilipinas kundi pati sa 2028 edition.
DAHIL wala naman kasing nababalitang non-showbiz boyfriend si Rita Daniela at sila ng ka-loveteam na si Ken Chan ang madaling isipin na tila may “something” in real-life, talagang hindi lang siya ang nakatanggap ng mga pagbati ng ‘congratulations,’ maging ang Kapuso actor.
MAY PAYO si dating NBA player Jeremy Lin kay Kai Sotto matapos hindi mapili sa katatapos na NBA Rookie Draft na ginanap sa Barclays Center sa Brooklyn, New York.
FAMILY dramedy movie ang ‘Maid In Malacanang’, ang pinakabagong offering mula sa Viva Films to be directed by the controversial Darryl Yap.
75% NA approval rating ang nakuha ni Pang. Rodrigo Duterte batay sa pinakahuling survey ng Publicus Asia.