• March 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2022

Bong Go: ‘Di ako titigil sa pagseserbisyo

Posted on: June 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Senator Christopher “Bong” Go sa sambayanang Pilipino na hindi siya magsasawa sa paglilingkod sa pagsasabing patuloy siyang magtatrabaho para sa mga walang pag-asa at mahihina.

 

 

 

Sa isang interview matapos ang kanyang monitoring visit sa Malasakit Center sa Davao Oriental Provincial Medical Center sa Mati City, pinasalamatan ni Go si Senate President Pro Tempore Juan Miguel Zubiri na nagkumpirmang patuloy niyang pamumunuan ang Senate committees on health, gayundin ang sports.

 

 

 

“Salamat. Salamat sa tiwala dahil ipagpapatuloy ko ‘yung pagtitiwala sa akin ng dalawang komite na ‘to. Sabi ko, hindi naman po ako namimili,” ani Go.

 

 

 

Dagdag pa ng senador, pagsisilbihan niya ang taumbayan sa anumang kapasidad na ibigay sa kanya, pero mas gusto pa rin niyang pamunuan ang Health and Sports committees dahil naniniwala siyang dito siya makapag­lilingkod sa publiko nang maayos.

 

 

 

Isang masugid na taga­pagtaguyod ng pagpapaunlad ng palakasan, si Go ang nag-akda at nag-co-sponsor ng Republic Act No. 11470, na nagtatag ng NAS noong 2020.

 

 

 

Sinabi ni Go na habang patapos na ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi siya magsasawa sa pagliling­kod sa mamamayang Pilipino. (ARA ROMERO)

P20/kilong bigas posible sa ‘unang bahagi ng 2023,’ sabi ng DAR chief

Posted on: June 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KUNG SUSUNDIN ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mungkahi ng Department of Agrarian Reform (DAR) patungkol sa isang “mega farm project,” iginigiit ng kagawaran na posibleng makatikim ang publiko ng P20/kilong bigas kahit sa maagang yugto ng 2023.

 

 

Ito ang sinabi ni Agrarian Reform Secretary Bernie Cruz, Lunes, sa isang press conference kaugnay ng campaign promise ni Marcos Jr.

 

 

“‘Pag na-discuss po natin ‘yung details with the president-elect, sigurado po na magkakaroon ng guidelines within the next six moneths ay makikita natin,” ani Cruz kanina.

 

 

“Siguro po mga first quarter next year baka may makita po [tayong P20/kilong bigas].”

 

 

Layon ng kagawaran, na namamahala sa pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka, ang “full mechanization” ng 150,000 ektaryang lupain sa kanilang prototype. Aniya, magreresulta ito sa 23 milyong kaban ng bigas.

 

 

Naging subsistence farming na lang daw kasi ang kinalabasan nang hindi maipatupad nang maayos ang Comprehensive Agrarian Reform Program. Bagama’t nakapagpamahagi raw ng mga lupa, hindi raw nabigyan ng tugon kung paano ito magiging produktibo. Kailangan aniya mapababa ang cost of production habang napapamura ang presyo sa merkado.

 

 

“Sa isang 150,000 hectares na lupain na tataniman natin ng palay, ang maaari nating mapakain dito sa halagang P20 na bigas ay umaabot ng 9 million,” paliwanag pa ni DAR Undersecretary David Erro. Aniya, matitiyak nito ang malaking produksyon ng bigas para sa food security at kita ng mga magsasaka.

 

 

Tatawagin daw itong “Programang Benteng Bigas para sa Mamamayan” o PBBM, na katunog ng palayaw na ibinibigay kay Marcos Jr. ngayong nakatakdang maluklok sa Palasyo.

 

 

Ani Erro, may 1.2 milyong ektarya ng irrigated lands, karamihan dito nasa Central Luzona t Cagayan Valley, batay sa datos ng National Irrigation Administration. Maliban pa ito sa 2.3 milyong ektaryang irrigable lands na maaaring gamitin.

 

 

Nakita na raw sa programa noon ng National Food Authority na mas natutulungan ang mga dayuhang magsasaka ng kaysa sa mga lokal na nagbubungkal dahil sa pag-import ng bigas sa mataas na presyo para makapagbenta nang mura.

 

 

“‘Yung [makukuha] doon sa importation ng bigas [sa pamamagitan ng Rice Liberalization Law o Republic Act  11203], ‘yung taxes, ay dapat pumunta at maitulong natin sa mga rice farmers. Napakalaki po noon,” patuloy pa ni Cruz.

 

 

“‘Pag ‘yun po ay naitulong natin talaga at direktang nakapunta sa mga rice farmers natin, sigurado po tayo na ‘yung P20 na bigas [eh mangyayari].”

 

 

Umabot sa halos P18 bilyon ang nakolektang taripa mula sa imported rice para sa taong 2021 sa ilalim ng RA 11203, ayon sa Bureau of Customs. Sa kabila nito, sinasabi ng ilang grupo na bilyung-bilyong halaga ang nawala sa mga lokal na magsasaka dahil sa pagtatanggal ng quantitative restrictions sa dayuhang bigas kapalit ng taripa.

 

 

Una nang sinabi ng  Kilusang Magbubukid ng Pilipinas na imposible ang campaign promise ni Marcos Jr. sa kasalukuyang “liberalisasyon” at “deregulasyon” ng sektor ng agrikultura. (Daris Jose)

Ads June 9, 2022

Posted on: June 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Pinayuhan ng netizens na mag-ingat at lumipat na lang: ANGELIKA, nakatanggap ng isang sulat na may kasamang apat na bala

Posted on: June 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKATATAKOT at nakaaalarma naman ang pinost ng aktres na si Angelika dela Cruz sa kanyang facebook, na kung saan pinadalhan sila ng isang sulat na may kasamang apat na bala.

 

Caption ng Kapitana ng Brgy. Longos, “napaka dumi po talaga ng politika sa ating bansa .. yan po ang sulat at bala na pinadala sa XO ng aming Barangay na nagsasabi na may 4 daw na susunod at kaya may umiikot na di kilala sa bahay naming magkapatid.. grabe naman kayo kung sino man kayo na gumagawa nito sa amin.”

 

Umapaw naman ang mensahe sa FB post ni Angelika na nagdarasal at labis na pinag-iingat sa mga nananakot at nagtatangka nang hindi maganda sa kanila. Wag din daw siyang susuko at ipagpatuloy lang ang kanilang ginagawang paglilingkod at pagtulong sa nasasakupang barangay sa Malabon.

 

Say naman ng mga ‘marites’ sa isang entertainment blog:

 

“Grabe talaga politics sa pinas.”

“That’s nothing new in pinas.”

“db dati may threat ndn sa family nya…Politics dn..Kaloka nmn dyn sa lugar nila.”

“Parang nabalita pa dati may nagtangka rin sa buhay nya e pero parang baranggay level pa lang tinatakbuhan nya anyare ba sa kanya parang politics na lang sya nabubuhay, she can act pa naman.”

“Maybe she really wants to serve.”

“Dami na talagang masasamang loob kaya extra ingat. Anghirap pa naman ng may ganyang threat kasi nakakapraning sobra! Ingat kayo ng family mo Angelika.”

“Agree, super dirty!”

“So scary.😭”

Payo pa ng ilang netizens kay Angelika,

“Yung bahay nila Angelika sa Malabon paligid squatter area nakakatakot sa lugar na yun sana lumipat sila sa mas safe na community ang daming krimen na nagyayari sa lugar nila!”

“Umalis ka na dyan at ibenta mo na ang bahay. Kung ako sa inyo sa condo muna kayo tumira kasi hindi makakapasok kung sino sino sa condo. Kaya mas bet ko tumira sa condo kasi feeling ko mas safe at hindi nila alam kung ang unit mo.”

“Korek. Alis muna sila dyan. Nakakatakot yan.”

“Hire some bodyguards.”

“May karma sa mga tao nag hire ng ganyan at sa mga gumagawa ng masama. Pwede ka magalit pero yung aabot sa ganyan napakaimmature at hindi ba sila kinakabilutan. May balik lahat ng ginagawa nila masama. Minsan sa anak o apo pa natama hindi dun sa taong may kasalanan.”

“Mga taong ayaw nalalamangan pero ayaw magsikap para umangat.”

 

“Agree. Hanggang apo maniningil ang karma nyan.’

“Grabe kung buhay naman kapalit magrresign na lang ako. Anu ba naman un sswelduhin or pursyento kung may buhay naman na mawawala. Isa pa artista naman sya gamitin na lang koneksyon to get small raket sa showbiz. Choose safety over money sana. Lalo pat pati pamilya pla idadamay sa death threat.”

 

Samantala, nasa Bangkok, Thailand ngayon si Angelika kasama ang mga kaibigan at nag-i-enjoy sa kanilang bonding habang nagbabakasyon.

(ROHN ROMULO)

Dahil nagamit at ‘di pagrespeto sa official seal ng siyudad: AIAI, dineklarang ‘persona non-grata’ sa Kyusi kasama si Direk DARRYL

Posted on: June 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAY resolusyon na ibinaba ang Quezon City na persona non-grata na ang Kapuso comedienne na si AiAi delas Alas at ang director na si Darryl Yap sa buong siyudad.

 

 

 

Ang dahilan, dahil sa ginawa nilang content during election campaign kunsaan, gumanap si AiAi bilang si Ligaya Delmonte na tila pagpo-portray ng hindi maganda sa incumbent at nanalong Mayor muli ng QC na si Joy Belmonte. Pero more to that, nagamit kasi ang official triangular seal ng siyudad na edited at naiba.

 

 

 

As much as some netizens, especially yung mga BBM supporters ay nagsasabing O.A. at bitter lang daw dahil natalo ang Konsehal na nagsampa ng resolusyon at may pumupuri rin kay AiAi sa ipinost nitong Tiktok dance video hanggang sa kanyang Instagram na “Unbothered,” marami pa rin ang nababasa namin at nagko-comment na “Dasurrrvvv!!!” meaning deserve lang daw ng comedy actress at ng director na maging persona non-grata.

 

 

 

Sa isang banda, tila ipinapakita nga ni AiAi na ngayon ay nasa America kasama ang kanyang mister na dedma siya o para ipakita na happy lang siya at yun nga, unbothered.

 

 

Pagkatapos ng caption niya, nag-post ito ng mga hashtags na “Happy wife happy life,” “good vibes,” “los angeles” at “enjoy life.”

 

 

 

Ang balita namin, naka-planong bumalik na agad si AiAi sa bansa from the U.S., so let’s see kung dahil sa resolution na ito ay magkaroon ng pagbabago or sadyang wala siyang paki lalo pa nga’t sabi nga ibang mga comments ng netizens, “siyempre tutulungan sila ni BBM at pakikiusapan si Mayor Joy na ma-lift ang ban sa kanila.”

 

 

 

***

 

 

 

KITANG-KITA namin sa FDCP Chairman na si Liza Diño ang fulfilment sa nakaraang anim na taon ng Film Development of the Philippines kunsaan, siya ang tumayong Chairperson.

 

 

 

In fairness naman kasi, isa talaga si Liza sa napakaraming nagawa sa FDCP. Nandiyan ang 100 years ng Philippine Cinema, bukod pa sa 20th year ng FDCP. Nag-celebrate rin ng Philippine Film Industry Month.

 

 

 

“Parang every year, may something to celebrate. But I see it as an opportunity para ma-push ang mga program na magawa,” sey niya.

 

 

 

Bukod dito, na-hit din ng pandemic ng mahigit dalawang taon na ang industriya at nagpatuloy lang si Liza at ang FDCP na mapagpatuloy pa rin ang film industry.

 

 

 

At ngayong iba na ang administrasyon, si Liza ang isa sa mga sangay ng gobyerno na nabigyan ng panibagong reappointment

 

 

 

Kaya sabi nga niya, “So far, may trabaho pa naman ako. I am officially reappointed. Pero siyempre, at the end of the day, as a Presidential appointee, the new President really has the prerogative kung gusto nilang i-replace.”

 

 

 

Pero tapos na raw silang mag-submit kay BBM ng mga manifestation nila para makapagpatuloy pa rin sila.

 

 

 

Tuloy-tuloy lang nga si Liza at ang buong FDCP na ngayong buwan ng June ay busy naman para sa June’s pride month sa pamamagitan ng PeliKULAYa: International LGBTQIA+ Film Festival sa pamamagitan ng hybrid format mula June 10 hanggang June 26.

 

 

 

***

 

 

 

EMOSYONAL pa rin ang buong cast ng Pepito Manaloto na ngayon ay magbabalik na muli sa ere.

 

 

 

Ang Pepito Manaloto: Tuloy ang Kuwento, ang isa sa paboritong sitcom sa Kapuso network ay mapapanood na nga muli simula sa Sabado.

 

 

 

Pero hindi pa rin mapigilan ng cast na kinabibilangan nina Michael V, Manilyn Reynes, Chariz Solomon, Mosang, Arthur Solinap, Jake Vargas ang maging emosyonal na maalala ang namayapang director ng show na si Direk Bert de Leon.

 

 

 

Aminado ang lahat na iba raw talaga, lalo na sa unang araw na nag-taping sila na wala na ito.

 

 

 

Pero siyempre, tulad ng title ng show, “tuloy ang kuwento,” ano man ang nangyari, tuloy-tuloy pa rin silang magpapatawa.

 

 

 

Naging open din ang cast na nang magkaroon ng pandemic at hindi sila nakapag-taping, pinalitan muna sila ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento. Pinuri nila ang mahusay na pagkakagawa nito, pero inaming kinabahan din kung makakabalik pa ba sila na mga original cast.

 

 

 

(ROSE GARCIA)

Pagtatalo ng China at Pinas sa WPS: Bilateral consultation, friendly communication, kailangan

Posted on: June 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng China na ang pagtatalo nila ng Pilipinas sa usapin ng West Philippine Sea ay mangangailangan ng “bilateral consultation and friendly communication.”

 

 

 

“We are two neighbors who have some differences, but what is crucial is the way and manner we handle the differences. We need to manage our differences with bilateral consultation and friendly communication,” ayon kay China’s Ambassador to the Philippines Huang Xilian sa isinagawang turnover ng iba’t ibang broadcast equipment na dinonate ng China kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar.

 

 

 

Tinanong kasi si Huang hinggil sa naging hakbang ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ipatawag ang senior official ng Chinese Embassy sa Pilipinas bilang bahagi ng protesta makaraan ang umano’y “harassment” ng Chinese Coast Guard (CCG) sa isang Philippine vessel na nagsasagawa lamang ng research activity sa bahagi ng West Philippine Sea.

 

 

 

Ayon sa statement ng DFA, nagsasagawa na rin sila ng pag-review sa impormasyon sa naturang insidente para sa paghahain ng panibagong diplomatic action.

 

 

 

Sinabi ng DFA ang hakbang ng gobyerno ng Pilipinas ay gagawin lalo na kung merong paglabag ang mga barko ng China sa soberenya ng Pilipinas at pagsagka sa karapatan ng bansa sa maritime jurisdiction.

 

 

 

Binigyang diin pa ng DFA na anumang illegal activities ng mga dayuhan sa paligid ng Ayungin Shoal ay dapat na maging sentro ng diplomatic protests dahil sa ito ay nasa sovereign rights at jurisdiction ng bansa.

 

 

 

Ito rin umano ay bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) at continental shelf ng Pilipinas na pinagtibay noong 2016 Award sa international arbitration.

 

 

 

“I would refer you to the statement of the Secretary of Defense just recently. We have been in communication with them in a diplomatic and peaceful manner as part of our joint efforts to secure peace and stability in South China Sea,” ang tugon naman ni Huang.

 

 

 

Tinukoy ni Huang si Philippine Defense Secretary Delfin Lorenzana.

 

 

 

“As Secretary Lorenzana said, diplomacy works well and we continue to manage our differences with diplomatic and peaceful means,” dagdag na pahayag ni Huang.

 

 

 

Sinabi pa ni Huang, nananatili ang magandang relasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Chinese counterpart nito at vice versa.

 

 

 

“PCG maintains good communication with the Chinese Coast Guard. The Commandant of the Chinese Coast Guard visited here two weeks after my arrival in this beautiful country and they had a very good exchange of views. China has also received delegation from PCG,” ayon kay Huang.

 

 

 

“It would be very important for them to maintain this kind of friendly exchanges and cooperation so they can perform their duty which promotes our bilateral relations as well as peace and stability in South China Sea,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Marcos Jr. ‘higit P623-M’ nagastos sa eleksyon ayon sa kanyang SOCE

Posted on: June 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INIHAIN na ng kampo ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Commission on Elections (Comelec) ang kanyang statement of contribution and expenditures (SOCE) — bagay na nagdedetalye sa kanilang mga nagastos para sa eleksyong 2022.

 

 

Ayon sa kanyang SOCE, Martes, P623,230,176.68  ang nagastos nina Bongbong mula sa natanggap na P624,684,320.09 kontribusyon.

 

 

Narito ang breakdown ng gastusin nina Bongbong:

 

mula sa sariling bulsa ni Marcos Jr. (P0.00)

 

mula sa cash contributions (P371,795,856.59)

 

mula sa mga in-kind contributions (P251,434,320.09)

 

 

Ang P623.23 milyong ito ay pasok pa rin sa P674 milyong “spending limit” na alinsunod sa Republic Act 7166 para sa mga kumandidato sa pagkapangulo at pagkabise presidente.

 

 

Sa ilalim kasi ng naturang batas, P10 kada rehistradong botante lang ang pwedeng gastusin ng isang kandidato sa pagkapangulo. Sinasabing 67,442,714 ang rehistradong botante noong ika-9 ng Mayo.

 

 

 

Ganito naman ang itsura ng mga natanggap nilang kontribusyon:

 

cash contributions mula sa “other sources” (P373,250,000)

 

in-kind contributions mula sa “other sources” (P4,200,000)

 

cash contributions mula sa partido (P0.00)

 

in-kind contributions mula sa partido (P247,234,320,09)

 

 

Lunes lang nang sabihin ng Partido Federal ng Pilipinas, na kinabibilangan ni Marcos Jr., na umabot lang sa P272 milyon ang nagastos nila para sa eleksyong 2022.

 

 

Dati nang inaakusahang nagpapatakbo ng “troll farms” — na nangangailangan ng malaking pondo — si Marcos Jr. dahil sa mga naglipanang disinformation tungkol sa kanilang pamilya sa social media, bagay na kanyang itinatanggi.

 

 

 

Kilala ang pamilya Marcos para sa ill-gotten wealth lalo na noong panahon ng diktadurya ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., bagay na kinikilala sa Supreme Court decisions noong 2003, 2012 at 2017.

 

 

 

Ngayong ika-8 ng Hunyo, ang deadline ng pagpapasa ng SOCE ng mga kumandidato noong 2022.

 

 

 

Iprinoklama ng Kongreso bilang susunod na pangulo si Marcos matapos umani ng 31.62 milyong boto. (Daris Jose)

Mojdeh hataw pa ng 3 ginto sa Iloilo

Posted on: June 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WALANG makapigil sa matikas na kamada ni Brent International School standout Micaela Jasmine Mojdeh nang sumisid pa ito ng tatlong gintong medalya sa 2022 National Invitational Sports Competition kahapon sa Iloilo Sports Complex.

 

 

Binuhat ni Mojdeh ang Calabarzon Region sa matikas na kampanya nito matapos masikwat ang gintong medalya sa girls’ 400m IM (5:18.51), 100m butterfly (1:05.26) at 200m butterfly (2:25.01).

 

 

“I’m so happy and I’m quite satisfied with my performance today compared yesterday. I’m just thankful to my coaches, my family and to all my friends who keep on cheering for me,” ani Mojdeh.

 

 

Sa kabuuan, may limang gintong medalya na si Mojdeh sa torneo kasama ang kanyang dalawang ginto sa 50m butterfly (29.89) at 200m IM (2:30.10) sa opening day.

 

 

Susubukan ni Mojdeh na walisin ang lahat ng asignatura nito sa pagsabak sa kanyang ikaanim na event sa 100m breaststroke ngayong araw sa kanyang ika-16 kaarawan.

 

 

Nagparamdam din ng lakas sina Lucena City pride Nicholas Ivan Radovan at Marcus Johannes De Kam na humataw ng tig-dalawang ginto sa ka­nilang kategorya.

 

 

Naghari si Radovan sa boys’ 200m butterfly (2:11.88) at 100m butterfly (58.61) habang humirit pa ito ng isang tanso sa 400m IM (5:06.11).

 

 

Sa kabilang banda, pinatunayan ni De Kam na isa ito sa pinakamahusay na freestyle sa bansa matapos kubrahin ang ginto sa boys’ 100m freestyle (55.07) at 200m freestyle (2:02.15).

 

 

Nag-ambag naman ng pilak si Hugh Antonio Parto sa boys’ 200m butterfly (2:13.94) habang nakatanso si Yohan Mikhail Cabana sa boys’ 50m backstroke (29.03).

 

 

“We are happy with the results that we are getting right now and we’re hoping to win more medals on the final day of the competition,” ani Calabarzon coach Virgilio de Luna.

De-kalidad dapat ang quality ng films para makapasok sa Netflix: Chair LIZA, nananawagan ng suporta para sa film industry mula sa gobyerno

Posted on: June 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SABI ni Chair Liza Dino, kailangan ng support film industry ng support ng gobyerno, lalo na sa financial needs.

 

 

Para raw makatiyak na magiging competitive ang mga pelikula natin ay dapat may funding ito mula sa gobyerno. Let’s face the sad reality na hindi masyadong pinapansin ng gobyerno ang entertainment industry.

 

 

Karaniwan na yung mga artista ay naaalala lang pagdating ng campaign period. Pero pag nanalo na ay kalilimutan na ang ipangakong suporta.

 

 

Sabi pa ni Chair Liza, kung gusto natin na ang ating movies ay maging parte ng Netflix, dapat de-kalidad ang quality ng finished product.

 

 

Hindi pwede ang bara-bara na produkto. Kaya ang kailangan ng film industry ng funding to keep it going.

 

 

Ipinagdiriwang ng Film Development Council of the Philipppines (FDCP) ang Pride Month by holding PeliKULAYa: International LGBQTIA+ in hybrid format mula June 10 to 26 sa iba’t-ibang Cinematheque venues sa buong bansa.

 

 

***

 

 

AYON kay Direk GB Sampedro, ibang klaseng movie naman itong High (School) on Sex.

 

 

“Kahit sabihin na parang pare-pareho ang ginagawa kong tipo ng pelikula, kung panonoorin mo naman ay hindi naman pare-pareho ang style ko sa pagdidirek. Iba’t-iba rin naman ang kwento at iba’t-iba rin ang characters,” sagot ni Direk GB.

 

 

“Kahit na sexy movies ang ginagawa ko, I make sure ‘yung sexy scenes ay naiba naman sa nagawa ko. Hindi lang tayo basta gumagawa ng sexy scene. Ang sa akin, dapat ‘yung sexy scene na gagawin ay kailangan sa istorya at hindi basta inilagay lang.”

 

 

Pero obvious na nagugustuhan ng Vivamax ang trabaho ni Direk GB dahil marami siyang projects sa Vivamax.

 

 

***

 

 

ANO kaya ang damdamin ng mga sexy stars ng Viva (marami sila) na lumalabas sa mga movies ng Vivamax sa observation ng ibang na they are exploited because they are being asked to strip naked sa camera?

 

 

Pero alam naman siguro ng mga sexy stars na ito what they are getting into bago pa man sila pumayag na tumanggap ng sunud-sunod na movies na may kasamang hubaran.

 

 

Well, ‘yung iba sexy star sinasabing stepping stone lang nila ang pagpapasexy. Gusto nilang matupad ang dream nila na maging artista, something they have nurtured bata pa sila.

 

 

Yun iba siguro, iniisip na isang oportunidad ang nagbukas via Vivamax para sila ay makilala bilang mga artista kaya go for gold kahit na may offer na movies pero kailangan ng nudity.

 

 

Soft porn nga ang tawag ni Baron Geisler sa tipo ng movies na ginagawa ng Vivamax. Pero maging siya ay di nakaligtas dahil nagpasexy rin siya sa Pusoy.

 

 

Sabi ng isang friend namin, bakit daw ang mga babae lang ang hinuhubaran sa Vivamax?

 

 

Ibig niyang sabihin, mas daring ang sexy scenes ng mga babae kaysa mga lalaki. May double standard daw, hahaha.

 

 

(RICKY CALDERON)

P20.28-M na pinsala sa agri sector dulot ng pagputok ng bulkang Bulusan

Posted on: June 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PUMALO na sa kabuuang P20.28 million ang kabuuang pinsala sa sektor ng agrikultura na naidulot ng pagputok ng bulkang Bulusan sa Sorsogon nitong Linggo lamang.

 

 

 

Ang naturang tala ay mula sa tatlong bayan na apektado ng pagbagsak ng abo, partikular na ang Casiguran, Juban at Irosin.

 

 

 

Pinakamalaking bahagdan ng pinsala ay sa mga tanim na palay.

 

 

 

Sa kabilang dako, ilang mga residente ang nanindigang mananatili lamang sa kanilang tahanan dahil ligtas pa naman sa banta ng Bulusan volcano.

 

 

 

Karaniwang dahilan ng mga ito, walang mapag-iiwanan ng mga alagang hayop.

 

 

 

Ayaw naman dalhin sa Sorsogon Dairy Farm na pansamantala sanang inalok na kanlungan ng mga ito dahil mas lalong magiging pahirapan ang pagpunta sa mga alaga.

 

 

 

Sa ngayon, umakyat na rin sa 2,784 na pamilya o 13,920 individuals ang apektado ng abo mula sa Mt. Bulusan. (Daris Jose)