• March 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2022

Manny Pacquiao hindi makakalaban sa Amerika?

Posted on: June 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KUNG  magdedesisyon si eight-division world champion Manny Pacquiao na bumalik sa bo­xing, posibleng mahirapan itong ganapin ang kanyang comeback fight sa Amerika.

 

 

Ito ay dahil sa kasalukuyang kaso na kinakaharap nito laban sa Paradigm Sports Management (PSM) sa Superior Court of California.

 

 

Nais ni Paradigm chief Audie Attar na bayaran ni Pacquiao ang damages nito sa ‘breach of contract’ kabilang na ang umano’y $3.3 milyong cash advance na ibinigay ng kumpanya sa Pinoy champion.

 

 

Matatandaang ipinaglaban ng PSM ang karapatan nito sa management ng laban ni Pacquiao.

 

 

Subalit bigo ang PSM na pigilan ang laban sana nina Pacquiao at Errol Spence Jr.

 

 

Hindi natuloy ang laban nina Pacquiao at Spence matapos magtamo ng injury ang huli. Naging kapalit ni Spence si Yordenis Ugas sa laban.

 

 

Natuloy ang Pacquiao-Ugas fight na napagwagian ng huli.

 

 

Matapos nito, nagpasya si Pacquiao na magretiro na upang pagtuunan ng pansin ang kanyang political career kung saan tumakbo itong pangulo sa katatapos na national elections.

 

 

Natalo si Pacquiao sa eleksiyon na napanalunan ni President-elect Bongbong Marcos.

 

 

Wala pang pormal na anunsiyo si Pacquiao kung babalik ito sa boxing.

 

 

Subalit usap-usapan na posibleng muling sumalang si Pacquiao sa laban ngunit isang exhibition match lamang ito.

Mga guro, binatikos ang bagong DepEd order ukol sa remedial classes, humirit ng extra pay

Posted on: June 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HAYAGANG binatikos ng dalawang grupo ng mga guro ang pinakahuling kautusan ng  Department of Education hinggil sa  remedial classes.

 

 

Humirit naman ang mga ito sa ahensiya  ng pagkalooban ng karagdagang bayad o kompensasyon o service credits ang  mga magtuturo at siyang mangangasiwa sa klase.

 

 

Kamakailan, nagpalabas ang  DepEd  ng Order No. 13, na nagtatakda ng guidelines sa pagsasagawa ng remedial at enrichment classes kasunod ng School Year 2021-2022, na nakatakdang magtapos sa Hunyo 24.

 

 

Ayon sa nasabing kautusan, ang  Grade 1 hanggang 11 na estudyante na nakakuha ng grado na 75 hanggang  79 ay dadalo sa enrichment classes  habang iyon namang bumagsak sa dalawang  subjects  ay  dadalo sa remedial classes.

 

 

Ang remedial at enrichment classes ay nakatakdang gawin sa panahon ng school break mula Hulyo hanggang Agosto.

 

 

 

“This policy should be clarified because we expect teachers to enjoy a two-month vacation between the closing and opening of school years. We have the right under the law,” ayon kay Teachers’ Dignity Coalition (TDC) National Chairperson Benjo Basas.

 

 

Sinabi  ni Basas na ang iba’t ibang requirements kabilang na ang  online activities, physical reporting sa eskuwelahan,  virtual at physical classes at clerical tasks ang dahilan kung pagod na pagod o patang-pata ang mga guro.

 

 

“Itong bakasyon na lang ang inaasahan sana ng mga guro [para makapagpahinga] pero mukhang pati ito ay kukunin pa sa amin,” aniya pa rin.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni  Alliance of Concerned Teachers Secretary General Raymond Basilio na “depriving teachers of the much-needed rest between school years takes a heavy toll not only on their health and capacities but to the over-all delivery of quality education.”

 

 

Anito, hindi naman sinabi sa naturang kautusan kung ang guro na mangangasiwa sa  remedial classes  ay makakakuha ng bayad o service credits.

 

 

“The least the government can do is to justly compensate teachers who are going the extra mile to help our learners,”  anito.

 

 

Idinagdag pa niya na nais ng TDC na magkaroon ng dayalogo kay Undersecretary Nepomuceno Malaluan, lumagda sa kautusan o kay  outgoing Secretary Leonor Briones.

 

 

“We won’t refuse work especially if it is for children. But DepEd should also consider the welfare of teachers. And if there would be an exigency of service, the ready justification for extended work, then the provision of the law for overtime pay should also be observed,”  aniya pa rin. (Daris Jose)

Paninira lang daw sa relasyon nila ni Rabiya: Photo scandal ni JERIC kasama ang isang guy, luma at edited lang

Posted on: June 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAGANDA ang ginagawa ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, na basta libre sila sa work, lagi silang nagbo-bonding kasama ang mga anak na sina Zia at Sixto.

 

 

Last Sunday Dingdong posted ang road trip nila to Balé in Pampanga, pinuntahan nila ang isang native restaurant doon na mga native dishes ang pagkaing sini-serve.

 

 

Kasama rin ng mga Dantes ang mga kasambahay nila, sakay sila ng isang bonggang sasakyan, na ayon sa mga netizens, nang makita ang short video posted ni Dingdong, habang kinukunan niya ang billboard ni Marian ng Beautêderm sa North Expressway, na isa raw itong Super Sport Utility Vehicle, a Lamborghini Urus.

 

 

***

 

 

MAY mga kumalat na photos ni Jeric Gonzales na may kasamang isang guy kaya pinagdudahan ng netizens na karelasyoon niya at siya’y gay.

 

 

Binash din ang aktor sa photo scandal dahil pinagsabay raw niya ito sa girlfriend na si Rabiya Mateo.

 

 

Pero may mga nagsasabi na lumang photos na raw iyon, at sabi ay edited daw lamang para siraan si Jeric. Kaya sabi raw ng isang nakakakilala kay Jeric, huwag na lamang pansinin para hindi matuwa ang kasamang guy nito.

 

 

Basta ang alam namin, tuluy-tuloy nagti-taping si Jeric ng Start-Up PH with Alden Richards, Bea Alonzo and Ms. Gina Alajar.

 

 

***

 

 

MAGSISIMULA nang mag-taping ang bagong Kapuso show, ang one-of-a-kind countdown variety show na every minute counts, ang TiktoClock.

 

 

Kaya excited na ang mga hosts ng show na sina Pokwang, Kuya Kim Atienza at si Miss Universe PH 2020 Rabiya Mateo, at nag-bonding muna sila.

 

 

Nagpasalamat ang tatlo sa bagong blessing na dumating sa kanila. Nagpasalamat din si Kuya Kim na after 12 years nakatrabaho na rin niya si Pokwang.

 

 

Ang bagong show ang papalit sa morning show na Mars Pa More nina Camille Prats at Iya Villania.

 

 

***

 

 

MAGANDA ang naging ratings ng four episode mini-serye na Raya Sirena ng magka-love team na sina Sofia Pablo at Allen Ansay, kaya isa muling serye ang gagawin nila sa GMA Network, ang Luv Is.

 

 

This Thursday, June 16, may reveal kung ano ang story ng Luv Is. Abangan!!!

 

 

(NORA V. CALDERON)

 

PDu30, dadalo sa inagurasyon ng kanyang anak na si Sara sa Hunyo 19- Frasco

Posted on: June 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DADALO si Pangulong  Rodrigo Roa  Duterte sa inagurasyon ng kanyang anak na si Vice President-elect Sara Duterte sa Davao City.

 

 

“President Rodrigo Roa Duterte has confirmed his attendance,” ayon kay Liloan Mayor Christina Frasco, tagapagsalita ni Sara Duterte.

 

 

Iyon nga lamang, wala pang impormasyon kung dadalo rin sa nasabing inagurasyon ang kanyang running mate sa halalan na si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

 

Ang inagurasyon ay idaraos sa  San Pedro Square simula alas-3 ng hapon at magtatapos ng alas-11 ng gabi.

 

 

Papayagan ang publiko sa lugar simula alas- 2 ng  hapon.

 

 

Ang  event ay magsisimula sa isang  thanksgiving Mass ng alas-3 ng hapon sa San Pedro Cathedral na dadaluhan ni Archbishop Romulo Valles. (Daris Jose)

DMW chief, hindi makahahawak ng natitirang pondo ng POEA – DBM

Posted on: June 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAALALAHANAN ng  Department of Budget Management (DBM) si  Department of Migrant Workers (DMW) Officer-in-Charge Abdullah Mama-o  na huwag galawin at gastusin ang natitirang pondo ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para sa  fiscal year (FY) 2022.

 

 

Giit ni DBM officer-in-charge Tina Rose Marie Canda, walang awtoridad o kapangyarihan ang  DMW na gamitin ang budget ng POEA dahil ang ahensiya ay hindi pa “fully constituted.” at ang may tangan ng kapangyarihan ay ang POEA.

 

 

“With respect to the authority to utilize the FY 2022 POEA budget, it is emphasized that the DMW shall be fully constituted if the conditions under Section 23 of RA No. 11641, as reiterated under Section 56 of its Implementing Rules and Regulations (IRR) are complied with,” ayon kay Canda sa liham nito kay Mama-o na may petsang Mayo 31.

 

 

Nakalatag at nakasaad sa batas ang tatlong kondisyon para  maging “fully constituted” ang DMW.

 

 

“First, they are an appropriation in the FY 2023 General Appropriations Act (GAA); second, an effective IRR; and third, a staffing pattern,” ayon kay Canda.

 

 

Gayunman, sinabi ni  Canda na ang appropriation sa  FY 2023 GAA at staffing pattern ng DMW ay nananatiling nasa proseso.

 

 

“Since it did not meet the clear requirements of the law, there will be no complete transfer of funds unless and until now the DMW is fully constituted,”  paliwanag nito.

 

 

“Considering the mentioned premises,  it follows that the POEA, whose functions are supposed to be assumed by DMW when the latter becomes operational, will not outrightly lose its authority to use its 2022 budget,” ayon kay Canda.

 

 

Sinabi naman ng DBM na dahil ang  DMW ay kasalukuyang  nasa  two-year transition period at hindi pa fully constituted, ang mga aperktadong ahensiya kabilang na ang  POEA ay patuloy na hiwalay na umiiral.

 

 

“They shall perform their respective mandates until the complete constitution of the DMW,” ang pahayag ni Canda.

 

 

Nakasaad pa rin sa liham ni Canda na nagpahayag ng kahalintulad na posisyon si  Executive Secretary Salvador Medialdea sa usaping ito.

 

 

Nakasaad sa Seksyon  29, Chapter 6, Book IV ng  EO No. 292 na “the head of office shall exercise overall authority in matters within the jurisdiction, including those relating to its operations, and enforce all laws and regulations pertaining to it.”

 

 

“Hence, applying the same in the instant case, POEA Administrator Olalia, being the head of office of the POEA, shall continue to exercise authority on its operations until the full constitution of the DMW,” ayon pa rin kay Canda. (Daris Jose)

“Ang ipinaglaban natin noong nakaraang eleksyon ay pagpupugay sa ating demokrasya” – Fernando

Posted on: June 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – “Ang ipinaglaban natin noong nakaraang eleksyon ay pagpupugay sa ating demokrasya laban sa pulitika ng pera at pwersa ng makapangyarihang sekta.”

 

 

Ito ang pahayag ni Gobernador Daniel R. Fernando sa kanyang talumpati sa Ika-124 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas na ginanap sa bakuran ng Simbahan ng Barasoain sa lungsod na ito kahapon.

 

 

Naniniwala si Fernando na ang tema sa paggunita sa taong ito “Kalayaan 2022: Pagsuong sa Hamon ng Panibagong Bukas”, ay lalong naging makabuluhan isang buwan matapos ang pambansa at lokal na eleksyon.

 

 

“Ang ipinaglaban natin nitong nakaraang halalan na ito ay isang pagpaparangal sa ipinaglaban ng ating mga ninuno. Ang ipinaglaban natin dito ay kinabukasan ng ating mga kababayan. Sa bawat bumoto ayon sa konsensya, isinabuhay mo ang tibay ng loob at pangitain ng ating mga ninuno, sila na buong giting na nagkaisa at nagpahayag ng paglaban sa pananakop ng dayuhan,” anang gobernador.

 

 

Sinabi ni Fernando na ang eleksyon ay pamana ng ating kasarinlan, at bawat isang mamamayan, sa pamamagitan ng kanilang sagradong karapatan na bumoto, ay kasama sa pagbuo ng pamahalaan at pagtatayo ng isang bansa.

 

 

“Ang gusali ng ating Kapitolyo ay simbolo ng isang dakilang lalawigan kung saan buhay at nagpapatuloy ng pag-iral ng demokrasya– isang prosesong inilaan ng Diyos para sa kabutihan ng tao,” dagdag niya.

 

 

Nagpasalamat ang dalawang terminong gobernador sa mga sumuporta sa kanya at sa kanyang katambal na si bagong halal na Pangalawang Punong Lalawigan Alexis Castro.

 

 

“Samahan nawa kami ng inyong mga dalangin upang kami ay maging karapat-dapat sa lahat ng mabubuting bagay na ipinaglaban ng ating mga ninuno at kalayaang piliin ang tama at labanan ang tiwali, kalayaang irespeto ang karapatan ng kapwa at iwasan ang pag-abuso sa kapangyarihan,” ani Fernando.

 

 

Kasabay ang kaganapan sa Simbahan ng Barasoain sa rito ng Araw ng Kalayaan na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Rizal Park, Lungsod ng Maynila.

Wala sa charter ng MMDA na mag-conduct ng isang film festival: VIVIAN, may panawagan na ibigay ang pamamahala ng Metro Manila Film Festival sa FDCP

Posted on: June 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

FAST worker talaga si direk si Louie Ignacio.

 

 

He just finished shooting the movie titled Influencer mula sa 3:16 Productions ni Madam Len Carillo.

 

 

Bida sa pelikula ang tinaguriang Pandemic Superstar na si Sean De Guzman. Leading lady naman niya si Cleo Barretto.

 

 

Ang script ay isinulat ni Quinn Carillo, former member ang female group na Belladonnas. Kasama rin sa cast sina Marco Gomez at Christine Bermas,

 

 

Bukod dito ay tapos na rin ang Broken Blooms ni Direk Louie kung saan nagwagi ng dalawang acting awards ang lead actor na si Jeric Gonzales.

 

 

Dapat din abangan ang bagong game/variety show ng GMA 7 na Tiktokclock, na ayon sa nasagap naming chika ay si Direk Louie rin ang magha-handle.

 

 

Magiging hosts daw nito sina Kuya Kim Atienza, Pokwang at Rabiya Mateo.

 

 

Magiging pre-programming daw ito ng Eat Bulaga and will start this July.

 

 

***

 

 

PAHINGA muna sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano sa Ilocos si Megastar Sharon Cuneta dahil kailangan na niyang mag-rehearse para sa repeat ng Iconic concert nila ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid.

 

 

Muling humarap sa members ng press sina Sharon at Regine last Saturday sa Garden Room ng Marriott Hotel.

 

 

Kapwa excited ang dalawa na muling mag-perform onstage with a live audience. Sabi ni Sharon she gets her energy from the audience while performing.

 

 

Sabi naman ni Regine, excited sa muli nilang musical collaboration ng Megastar. Ito raw ang Iconic ang masasabi ni Regine na “best ever” concert na nagawa niya dahil kasama niyang nag-perform ang kanyang idol.

 

 

She grew listening to Sharon’s songs and watching her movies. Paborito raw niya ang Bukas Luluhod ang Mga Tala dahil parang istorya daw ito ng buhay niya.

 

 

May mga pagbabago raw sa repertoire although may ilang portions din mula sa unang Iconic concert which was retained.

 

 

After sa Marriott Hotel Ballroom on June 17 and 18 na kung saan special guest si Ms. Pilita Corrales, sasabak naman sina Sharon at Regine sa US tour ng Iconic next month.

 

 

***

 

 

MAY panawagan si Film Academy of the Philippines Director General Vivian Velez na sana ibigay ang pamamahala ng Metro Manila Film Festival sa Film Development Council of the Philippines (FDCP).

 

 

Ayon sa aktres, hindi sakop ng trabaho ng MMDA ang magpatakbo ng taunang MMFF.

 

 

“Itong Metro Manila Film Festival, dapat maibigay ito sa FDCP. Unang-una, wala silang mandate. Ang MMDA, wala sa charter nila na mag-conduct ng isang film festival.

 

 

“Alam ko marami akong pwedeng sabihin because ngayon pwede na akong magsalita dahil by experience ng Film Academy of the Philippines. Ako na po ang magsasabi na dapat maibalik ito sa FDCP.”

 

 

Ever since ang pamamahala ng MMFF ay hawak ng Mowelfund. Nag-iba lang naman ito after the 1986 EDSA Revolution nang itinalaga na ang pagpatatakbo ng MMFF ay hahawakan ng MMDA.

 

 

Kaya since 1986 ay ang MMDA nagpapatakbo ng festival. Hindi lang namin sure kung may Executive Order na nilagdaan ang yumaong dating president Cory Aquino na nagtatakda na ang MMDA ang siyang magpapatakbo ng MMFF.

 

 

Kung sakaling may ganitong EO, dapat siguro ay ma-repeal muna ito bago maibigay sa ibang government agency ang pagpapatakbo ng MMFF.

 

 

Basta ang alam namin, ang Mowelfund ang may hawak ng MMFF mula 1974 until 1986.

 

 

 

(RICKY CALDERON)

Nangangailangan ng tulong medikal , maaaring makipag- ugnayan sa mga Malasakit centers

Posted on: June 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINABI  ni Dr. Bernadette Velasco, operations manager ng National Patient Navigation and Referral center na hindi lamang magsisilbing referral office ngayon ang National Patient Navigation and Referral Center na dating One Hospital Command na naghahanap ng pagamutan para sa mga pasyenteng kailangang dalhin sa ospital.

 

 

Ani Dr. Velasco, pwede na rin silang makipag- ugnayan sa mga Malasakit Centers para sa mga kababayan nating nangngailangan ng financial assistance upang ipambayad sa kanilang bill sa ospital

 

 

“Kung matatandaan ninyo po, ang ating One Hospital Command Center [ay] nabuo po siya dahil po sa COVID-19 response. So, ngayon po, na-launch na tayo as the National Patient Navigation and Referral Center, so meaning to say po, hindi na lang po COVID-19 ang hina-handle natin but we also handle po non-COVID patients,” ayon kay Dr. Velasco.

 

 

“We also expanded po sa telemedicine natin or teleconsultation and lahat po ng mga medical assistance po na puwede nating i-provide sa community, tayo po ay nakikipag-coordinate sa proper agencies or offices,” aniya pa rin.

 

 

Sinabi nito na sa lahat ng proper agencies at offices ani Velasco ay maaari silang makipag- ugnayan para mahanapan ang mga kababayan nating kailangamg may  maipantustos sa kanilang hospital bill.

 

 

Aniya, lalabas  na magsisilbi silang tulay at coordinator para sa mga Pilipinong hindi lamang nangangailanang makahanap ng pagamutan kundi ng malalapitang ahensiya ng pamahalaan na tutulong sa kanilang bayarin sa ospital.

 

 

“So, kunwari ay kailangan po nila ng financial assistance sa mga bill nila sa hospital, we will coordinate po sa ating mga Malasakit Centers or sa mga agencies po na puwedeng mag-provide ng medical assistance,” anito sabay sabing “So, basically po, tayo po ang nagko-coordinate ng mga cases po na ganito na idinudulog po sa ating opisina.”

 

 

Kaugnay nito’y maaari aniyang tumawag sa telepono bilang 1555,  pindutin lang ang 2 para maikonek sa NPNRC o di kaya ay sa 0919-9773333 at  0915777777. (Daris Jose)

Utang ng Pinas ‘manageable’ pa – DOF

Posted on: June 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANATILI umanong “manageable” ang fo­reign borrowings ng bansa sa kabila ng record-high debts ng Pilipinas sa gitna ng mahabang laban kontra COVID-19.

 

 

Sa economic bulletin na inilabas ni Department of Finance (DOF) chief economist undersecretary Gil Beltran, sinabi nito na bagamat tumaas ang external debt stock ng bansa sa 8.1 percent sa $106.4 bilyon kada taon na kauna-unahang pagkakataon na lumampas sa $00 billion level na equivalent sa 27%ng gross domestic product o GDP ay bahagya pa rin itong mababa mula sa 27.2 percent noong 2020 ng ang GDP ay bumaba sa gitna ng worst post-war recession dulot ng COVID-19.

 

 

Sa katunayan ayon pa kay Beltran, nananati­ling pinakamababa ito sa Asean-5 kaya nasa ma­nageable level pa umano ang utang panlabas ng Pilipinas.

 

 

Ang kabuuang external debt figure ng bansa na kamakailan lamang ay ipinalabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay nagpapakita na “over three-fifths ng foreign obligations ay ginawa ng gobyerno habang ang iba ay inutang ng pribadong sektor.

 

 

Makikita naman uma­no sa pinakabagong data ng Bureau of the Treasury (BTr) na sa naitalang P12.76-trillion outstanding debt ng national go­vernment nitong katapusan ng Abril, tanging 30% lamang o P3.83-trilyon ang foreign borrowings. Karamihan sa hiniraman ng gobyerno ay lokal.

 

 

Kung ikukumpara sa Asean-5 peers, ang 2021 external debt-sa -GDP ratio ay pinakamababa sa hanay ng rehiyon lalo na pagdating sa developing economies gaya ng Malaysia 69.3%, Thailand 39%, Vietnam 38.6%, at Indonesia 35%.

 

 

Noong nakaraang taon, nangutang ang Pilipinas ng $2 billion mula sa tatlong multilateral lenders — ang Manila-headquartered Asian Development Bank (ADB), China-led Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), at maging ang Washington-based World Bank —para i- bankroll ang mass vaccination program nito laban sa COVID-19. (Daris Jose)

Federer patuloy ang pagpapagaling para makasabak na sa mga tennis tournaments

Posted on: June 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TIWALA si Swiss tennis star Roger Federer na ito ay agad na gagaling mula sa operasyon sa tuhod para makapaglaro na sa susunod na season.

 

 

Ayon sa 20-time Grand Slam title winner na sa ngayon ay hindi pa niya alam ang gagawin.

 

 

Halos isang taon ng hindi nakapaglaro ang 40-anyos na si Federer na ang huli ay noong pagkatalo niya sa quarter-final ng Wimbledon.

 

 

Sa kasalukuyan ay hindi pa aniya nito alam ang kaniyang kapalaran at malaki ang tiwala niyang malalampasan ang pinagdadaanan at makakapaglaro na siya sa mga torneo.