• March 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2022

P100 kada litro na presyo ng langis, binabantayan – DOE

Posted on: June 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ni Oil Industry Management Bureau (OIMB) Dir. Rino Abad na nananatili ang posibilidad na pumalo sa P100 kada litro ang presyo ng langis.

 

 

Ayon kay Abad maraming factors ang kanilang nakikita na maaaring magresulta sa panibagong oil price increase.

 

 

Pero lumalabas sa hiwalay na datos na may mga lugar nang pumapalo sa mahigit P100 kada litro ang presyo ng diesel, partikular na sa mga islang lugar at kailangan pang ibyahe sa dagat ang mga produkto.

 

 

Samantala, may nababanaag din namang posibleng rollback ang DOE sa mga susunod na linggo, kung bababa ang demand ng China sa petroleum products dahil sa mga lockdown at iba pang rason.

HOLDAPER, PATAY SA AWTORIDAD

Posted on: June 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PATAY ang isang lalaki na suspek sa isang panghoholdap matapos na nanlaban sa awtoridad sa Malate, Maynila Lunes ng gabi.

 

 

Naisugod pa sa Ospital ng Maynila ang suspek na Inilarawan ang nakasuot ng muscle shirt at may dalang bag pack at chest bag.

 

 

Sa ulat ni Pat Errhol G. Aguila ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong alas-10:22 kamakalawa ng gabi nang naganap ang insidente sa panulukan ng Taft Avenue at Castro Street, Malate, Manila.

 

 

Nauna dito, nag-report ang biktima na si Niño Crisanto Mallari y Calabbun, 36, isang   MSWD Street Educator at residente ng 2446 Camachile St., Malate, Manila sa Brgy  726, Zone 78, Dist. V, Manila na biktima siya ng pangho-holdap sa Leon Guinto corner Aragon St., Malate, Manila at tinutukan ng baril.

 

 

Inireport ni Brgy Ex O Bernard Pangan ang pangyayari  sa pulisya kung saan kasama ang biktima, sumakay sa motorsiklo ng awtoridad at binagtas ang kahabaan ng panulukan ng Taft Ave., at Castro St. Malate kung saan namataan ang suspek base sa deskripsiyon ng biktima.

 

 

Tinangka ng suspek na tumakbo subalit hinabol siya ni Corporal Marlon Nobleza ng Station Intelligence Branch (SIB) ng MPD  at nagpakilalang pulis subalit imbes na tumigil ay nagbunot ng baril at pinaputukan ang huli dahilan upang gumanti ito na nagresulta sa kanyang kamatayan.

 

 

Narekober sa suspek ang isang kalibre 38 na baril at bala at cellphone na pagmamay-ari ng biktima na nakuha sa kanyang bulsa. (GENE ADSUARA)

Ipakikilala sa Thanksgiving Gala ng GMA Network sa July 30: SARAH, mukhang tuloy na tuloy na ang pagiging Kapuso kasama si MATTEO

Posted on: June 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KALAT na kalat na ang balitang paglipat ni Asia’s Popstar Royalty Sarah Geronimo sa GMA-7, na halos dalawang dekada nang Kapamilya, kasabay din nito ang The Voice Kids na nakuha na raw ang rights ng Kapuso Network.

 

 

Isa nga si Sarah sa judge/mentor ng Philippines’ franchise ng American singing competition sa lumipas na maraming taon nito sa ere.

 

May lumabas na kasama raw ang Popstar Royalty sa upcoming season ng Idol Philippines ayon kay Vice Ganda, pero dahil tinurn down ni Sarah ang offer, hindi na rin daw ito tinanggap ng main host ng It’s Showtime.

 

 

Samantala, nakaka-intriga nga ang kumalat na artcard na mababasang, “The biggest artist in 21st century will be a Kapuso,” na halos ang hula nang nakararami ay ang asawa ni Matteo Guidicelli, na nakikipag-usap na rin para sa kanilang paglipat sa Kapuso network.

 

 

Lalong lumilinaw ang balita ito, dahil may lumabas na makakasama ni Sarah bilang hurado sina Concert Queen Pops Fernandez, Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose at ang Prince of Philippine Rock na si Bamboo. At si Xian Lim naman ang napipisil na mag-host.

 

 

May nag-comment nga lang, kung tuloy na ang paglipat ni Sarah, sana raw ay bagong singing competition show at hindi yung pinaglumaan na ng kabilang istasyon.

 

 

Bali-balita rin na ipakikilala ang sina Matteo at Sarah bilang bagong Kapuso stars sa gaganaping Thanksgiving Gala sa July 30 para sa selebrasyon ng 72nd anniversary ng GMA Network.

 

 

After Bea Alonzo, mukhang si Sarah naman ang big star na aabangan ng mga Kapuso, na for sure, nakalulula din ang magiging talent fee.

 

 

(ROHN ROMULO)

Williams hahakot ng 3 tropeo sa PBAPC Awards Night

Posted on: June 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IGAGAWAD kay Season 46 Rookie of the Year Mikey Williams ng TNT Tropang Giga ang tatlong tropeo sa 2022 PBA Press Corps Awards Night sa Hun­yo 21 sa Novotel Manila Araneta Center.

 

 

Pamumunuan ng Fil-Am guard ang All-Rookie team kasama sina Jamie Malonzo (NorthPort), Calvin Oftana (NLEX), Leonard Santillan (Rain or Shine) at Joshua Munzon (Terrafirma).

 

 

Naging susi ang 30-anyos na si Williams sa pagkopo ng TNT sa Season 46 Philippine Cup kung saan siya hinirang na Finals MVP.

 

 

Kandidato din ang 2020 No. 4 pick overall pick sa Season MVP award at kabilang sa Mythical First Team.

 

 

Bukod sa All-Rookie team ay kikilalanin din si Williams bilang Scoring Champion ng Season 46 na tumapos sa two-year reign ni San Miguel wingman CJ Perez.

 

 

Makakasama ng Los Angeles, California native sina Ian Sangalang (Magnolia), Matthew Wright (Phoenix) at Robert Bolick (NorthPort) na bibigyan ng Order of Merit.

 

 

Papangalanan din ang Coach of the Year, Exe­cutive of the Year, Defensive Player of the Year, Mr. Qua­lity Minutes, ang Bogs Adornado Comeback Player of the Year at ang Game of the Season.

 

 

Sina Chot Reyes ng TNT Tropang Giga at Tim Cone ng Barangay Ginebra ang nag-aagawan sa Coach of the Year plum na ipinangalan kay ‘Maestro’ Virgilio ‘Baby’ Dalupan.

 

 

Iginiya ni Reyes ang TNT sa paghahari sa Phi­lippine Cup habang tinulu­ngan ni Cone ang Gin Kings sa pagkopo sa ikaapat na Governors Cup title sa nakaraang anim na taon.

Alam na mahuhusgahan sa ‘coming out’ ng anak… SHARON, suportado si MIEL at walang magiging pagbabago sa pagtrato nila

Posted on: June 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PASABOG at ito ang naging trending news simula nang mag-out ang bunsong anak na babae ni Megastar Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan na si Miel Pangilinan.

 

 

 

Tila hindi nito gusto ang terminong lesbian at pinagdiinan na siya ay proud member ng LGBTQIA+ community at ngayong Pride Month ang unang taon na masasabing open and free na siya.

 

 

 

Para kay Miel, siya ang isang “queer.” Though, nang i-google naman namin ang meaning ng queer, it means a homosexual na gay/lesbian. Sa sobrang dami na talaga from before na dalawa lang naman—bakla o tomboy, so parang gusto pa naming ma-orient kung ano naman daw ang queer talaga.

 

 

 

Bukod sa mga pinsan, kaibigan at dalawa niyang kapatid na babae na sina Frankie Pangilinan at KC Concepcion na nagpahayag ng suporta kay Miel. Ang ina nito na si Sharon ay naglabas na rin ng kanyang saloobin.

 

 

 

At ayon dito, nothing change at bilang ina, suportado niya ang anak na si Miel, “I know that my Miel’s coming out will draw lots of attention. Lots of them will be negative. Lots of people who are quick to judge instead of pausing to think for a moment that my daughter, like so many members of the LGBTQ+ Community, did not choose to be queer.

 

 

 

“She just is. I believe God doesn’t make mistakes. So many of the most sincere and most decent people I know are also LGBTQ+ and I love them for all that they are. What’s next is that I will have a happier daughter who is now “free” and will always be a good person with a good heart – and still always courageous. She is cute in that her crushes on boys especially in K-Pop are genuine. And if she likes girls that’ll be genuine too.

 

 

 

“She will certainly be treated no different by us her family and those who truly love her. I will love her just the same, if not more. Like I said, all my children are PERFECT. I may be a Mom with traditional values, but that doesn’t mean that my mind is too tiny to accept people for what they are – what more my own child? What matters in a person is their goodness.

 

 

 

“Sincerity, pureness of heart. Faith in God. In Miel, I have all those. I am proud of my girl and always will be. Needless to say, she will always have my support and love. No big deal. I love you, my Yellie. With all of my heart, and more than life itself. Be strong! It’s your life, no one else’s. Don’t give any negative commenters any attention. They don’t matter. We do. And we’ve got your back. Forever and ever.”

 

Ito naman ang naging komento ng daddy ni Sen. Kiko sa kanyang anak, “I love you my Yellie Bellie! Mama and I will always be here for you. Always. For certain. Forever. No matter what. Period. No more comma. The end of the paragraph. Amen.”

 

 

 

***

 

 

 

NAG-BONDING ang mga PBB girls, especially the hosts na sina Kim Chiu, Melai Cantiveros at Bianca Gonzalez. Kasama rin si Robi Domingo,

 

 

 

Mukhang na-miss ng mga ito si Maymay. Sa mismong bahay ni Bianca at asawa nitong si JC Intal sila nag-bonding base sa Instagram stories ni Kim.

 

 

Sey pa ni Kim, “Best bonding session last night with my PBB fam!

 

 

 

Tinawag din na couple goals at family goals ni Kim sina Bianca at JC. Sey niya, “Thank you ate @iamsuperbianca and @jcintal for the warmest welcome sa amin sa inyong napakagandang bahay.” At sinunod niya ang mga hashtags na couple at family goals.

 

 

 

Sa isang banda, parang mas naging close talaga ang mga PBB hosts at past winners mula nang sila-sila na lang ang naiwan sa show, huh.

 

 

(ROSE GARCIA)

League of Provinces, pag-uusapan na gawing opsyonal ang pagsusuot ng COVID-19 face mask

Posted on: June 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PAG-UUSAPAN ng League of Provinces of the Philippines  kung gagawing opsyonal ang pagsusuot ng face mask laban sa  COVID-19 kapag nasa labas.

 

 

“Hindi pa namin talaga napag-uusapan. But I look forward kasi itong Biyernes meron kaming gaganapin na term-ender meeting at sana doon, plano ko rin po makipagkuwentuhan at makipagtanungan sa aming mga kasamahan kung ano ang kanilang pananaw dito sa isyu na ito,” ayon kay  League of Provinces of the Philippines National Chairman at Quirino Governor Dakila Cua  sa  Laging Handa public  briefing.

 

 

“Nakikita po natin na may LGUs na nagsasabi, pag-aralan man lang, pag-usapan, tingnan ang datos. We ask our IATF to share the data,” dagdag na pahayag ni Cua.

 

 

Sa ilalim ng  Executive Order No. 16 na ipinalabas ni Cebu Governor Gwen Garcia, ang pagsusuot ng face masks ay required na lamang sa mga “closed and air-conditioned spaces.”

 

 

Hindi naman kinilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang EO ni Garcia, dahil malinaw na sumasalungat ito sa  IATF Guidelines na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

 

Gayundin, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra sna ang  IATF resolution hinggil sa mandatory na pagsusuot ng  face mask ay umiiral sa bisa ng executive orders  na ipinalabas ng  local government units.

 

 

“The IATF resolutions on the mandatory wearing of face masks, whether indoor or outdoor, are incorporated in and/or enabled by executive orders issued by the President,” paliwanag ni Guevarra.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Cua na nagsisimula nang talakayin at himayin ng provincial government ng Quirino  kung susunod sila sa  ginawang halimbawa ng Cebu.

 

 

“We see that perhaps there should be dimension or depth to this policy at least in the outdoors. Kasi dadating at dadating ang panahon, nakikita po natin, na ang pandemya ay huhupa at magiging isang lokal na matter na lamang po,”  ayon kay Cua.

 

 

“Siyempre naman po kung makapapanganib sa aming mga kaprobinsyahan, hindi naman namin ipatutupad ‘yung ganu’ng panukala,” paglilinaw nito.

 

 

Samantala, nakiisa naman si Cua sa panawagan na pag-aralang mabuti ang policy changes sa paggamit ng face mask sa labas ng bahay o sa mga pampublikong lugar  kahit pa sa gitna ng posibleng deklarasyon ng  public health emergency sa bansa sa ilalim ng  termino ni  President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

 

Sa kasalukuyan,  sinabi ni Cua na nasa zero covid case ang Quirino province. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Ilang motorista, maagang nagpagasolina bago pumatak ang panibago na namang big-time oil price hike

Posted on: June 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ILANG oras pa bago pumatak ang panibagong oil price hike na ipapatupad ngayong linggo ay maaga nang pumila ang ilan sa ating mga kababayang tsuper ng mga pribado at pampublikong transportasyon.

 

 

Batay kasi sa inilabas na abiso ng mga oil companies, papalo sa Php2.15 ang itataas ng presyo sa kada litro ng gasolina, Php 4.30 naman ang magiging dagdag sa kada litro ng diesel, at P4.85 naman ang umento sa kerosene.

 

 

Kasabay ng sunud-sunod na taas-presyo ng produktong petrolyo sa bansa ay ang pag-aray din ng mga kababayan nating mga motorista na silang pangunahing apektado nito.

 

 

Dahil jan, nananawagan ang mga ito ngayon sa pamahalaan na huwag ng patagalin pa ang pag-aksyon ukol dito dahil maging ang mga pasahero raw ay lubhang nahihirapan nang dahil dito.

 

 

Para makatipid, kaniya-kaniyang diskarte naman ang ginagawa ng mga tsuper.

 

 

Katulad ni Kuya Anthony, isang taxi driver na naabutan  na nagpapagasolina, inaming may mga pagkakataong napipilitan nang humingi ng dagdag na singil sa kaniyang mga pasahero para sa dagdag gasolina bilang konsiderasyon na rin nararanasang malakihang umento ngayon sa produktong petrolyo.

 

 

Hindi na raw niya kasi alam kung san pa siya kukuha pa ng dagdag na panggastos lalo na’t kakaramput na lamang ngayon ang kanilang kinikita na mababawasan pa ng dahil nga sa walang humpay na pagtaas presyo ng krudo.

Face mask kontra-COVID need pa rin sa labas

Posted on: June 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IDINIIN  ng Malacañang na obligado pa rin ang lahat na magsuot ng face masks laban sa COVID-19, ito kahit na ginawa na lang itong “optional” para sa outdoor areas ng provincial government ng Cebu.

 

 

Kaugnay pa rin ito ng Executive Order 16 na inilabas ni Cebu Gov. Gwendolyn Garcia, kung saan hindi na kailangan ang face masks sa “well-ventilated and open spaces.”

 

 

“We reiterate and support the legal opinion of the Justice Secretary that the Inter-Agency Task Force (IATF) resolution on the mandatory wearing of face masks shall prevail over the executive orders by local government units, including the one issued by the provincial government of Cebu,” wika ni acting presidential spokesperson Martin Andanar, Martes.

 

 

“The Chief Executive’s directive is clear: Continue wearing face masks; and the Department of the Interior and Local Government has instructed the Philippine National Police to implement the existing IATF resolution on wearing of face masks accordingly.”

 

 

Lunes lang nang sabihin ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi maaaring balewalain nina Garcia ang mga kautusan ng IATF, lalo na’t binubuo ito ng Gabineteng panay alter-egos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Kanina lang nang sabihin ni Garcia sa panayam ng CNN Philippines na paninindigan nila ang E.O. 16 lalo na’t ang mga resolusyon ng IATF ay hindi naman batas na ipinasa ng Konggreso o executive order ni Digong. Kailangan din daw ng mga ordinansa ng local government units para parusahan ang mga lumalabag nito.

 

 

Nakatakdang pag-usapan ng pamunuan ng League of Provinces of the Philippines ang posibilidad na gawing optional ang naturang pananggalang mula sa nakamamatay na virus.

 

 

Sa kabila nito, inilinaw ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya na in-adopt na ni Duterte ang mga resolusyon ng IATF sa isang executive order.

 

 

Sinabi na ng Philippine National Police na patuloy pa rin nilang ipatutupad ang mask mandates sa kabila ng kautusan ng Cebu provincial government.

 

 

Inilutang ang kautsan ni Garcia kahit na dahan-dahang tumataas pa rin ang COVID-19 sa Metro Manila, bagay na posibleng umabot sa 500 bago matapos ang Hunyo sabi ng OCTA Research.

 

 

Aabot na sa 3.69 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas simula 2020. Sa bilang na ‘yan, patay na ang 60,461 katao. (Daris Jose)

KC, isa lang sa sobrang proud at palaging nakasuporta: MIEL, matapang na inamin na belong siya sa LGBTQ+ community

Posted on: June 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MATAPANG na inamin ni Miel Pangilinan, bunsong anak na babae nina Megastar Sharon Cuneta at former Senator Kiko Pangilinan na she is a member of the LGBTQ+ community.

 

Sa isang mahabang post sa kanyang IG account (@mielpangilinan) ay inamin ni Miel na belong siya sa Pink Community:

 

“this june, i am celebrating my first pride month as openly and publicly queer. :,)

 

 

“i really can’t figure out the words to say right now. it’s a really emotional and freeing time right now, and i’m endlessly thankful to my close friends and family who have supported me and shown me love as i’ve grown and explored my own gender and sexual identity.

 

 

“i know it sounds silly, but posting this truly feels cathartic. i’ve spent so many sleepless nights over the span of much of my childhood and teenage life worrying and wondering about a plethora of things surrounding my identity, and it only feels right that i post this at the point i’m in now where i’m comfortable enough in who i am and who i love and how i choose to present. it’s kind of a full circle moment for me, in a way.

 

 

“also incredibly thankful that i am able to safely celebrate my identity this year, as i know there are many of people in this country that don’t have the same privilege. we’ve got a long way to go in terms of our fight for equality, but that is not to discredit the work and sacrifices made by queer filipinos throughout history and in the present day, who have done so much to make our voices heard and have helped us go farther than where we were before.

 

 

“i’ve also got a lot to learn and understand as a newer member of the filipino queer community, and i’m trying my best to educate myself on current situations and present issues relating to gender equality and LGBTQ+ rights in our country, and i am always open to learn as much as i can especially from other figures in our community. happiest and safest of pride months, allies and members of the queer community alike. #prideph #phpride #pridemonth #pride #sapphic #queer

 

 

and yes i am the gay cousin.”

 

 

Nag-comment naman ang eldest sister ni Miel na si KC Concepcion at Judy Ann Santos.

 

 

Sabi ni KC, “I am so proud of you!!! I love you sister. I’m always going to be here for you as your <<ate>> no matter what. Happy pride!!!

 

 

Post naman ni Juday, “We love you yellie!”

 

 

Ito naman ang reaction ni Megastar Sharon Cuneta sa post ng kanyang anak na si Miel: “All I will say is that I LOVE ALL MY CHILDREN WILL SUPPORT THEM IN THEIR LIVES AND CHOICES. I am proud of my children and ALL MY CHILDREN ARE PERFECT. I love you, my Miel.”

 

Mahirap pang makausap nang face to face si Mega sa panahon itong dahil abala ito sa rehearsal ng kanyang Iconic concert with Ms. Regine Velasquez na gagawin this June 17 and 18 sa Marriott Hotel Ballroom.

 

 

Now that Miel has come out, may special song kaya si Sharon na gustong ihandog sa kanyang anak?

 

 

Excited na kami na mapanood ang repeat ng Iconic concert nina Sharon at Regine dahil mas maganda raw ito compared sa unang concert three years ago.

 

 

Isa pa, it has a different director now, na si Paolo Valenciano. Si Rowell Santiago ang director ng Iconic nang itanghal ito sa Araneta Coliseum in 2019.

 

 

***

 

 

MATATAPOS na nga kaya ang FPJ’s Ang Probinsyano?

 

 

Sa teaser kasi na ipinalabas noong Tuesday ay nagkita na rin finally ang mga miyembro ng Task Force Agila at ang si President Oscar Hidalgo.

 

 

Ang muling pagkikita ni President Hidalgo at ng Task Force ang inaasahang magiging hudyat nang pagbabalik ng legitimate president sa seat of power na pinag-aagawan nina Madam Lily (Lorna Tolentino) at Renato Hipolito (John Arcilla).

 

 

Sa episode nga noong Tuesday ay biglang nag-away ang grupo nina Geoff Eigenmann at Richard Gutierrez dahil kay Cardo Dalisay (Coco Martin). Yung mga dating magkakampi ay nag-aaway na.

 

 

May tinanong kami kung mamamatay ba si Cardo?

 

 

Ang sagot sa amin, “Hindi pa. Mas maraming magandang episodes pa mapapanood ang audience. Hindi pwedeng mamatay si Cardo. Matatapos ang show pag namatay si Cardo.”

 

 

May point naman siya although ang comment naman ng ibang nanonood bakit parang di na realistic na hindi pa rin napuruhan si Cardo.

 

 

Well, ganyan naman talaga ang kwento ng teleserye. Maraming pasikut-sikot na kung iisipin mo ay parang ‘di na makatotohahan.

 

 

Pero aminin natin, marami pa rin naman sumusubaybay sa FPJ’s Ang Probinsyano.

 

 

 

(RICKY CALDERON)

Celtics coach aminadong humina ang opensa noong Game 4

Posted on: June 16th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI  ikinaila ni Boston Celtics coach Ime Udoka na nagkaroon ng mahinang opensa ang kaniyang koponan kaya naitabla ng Golden State Warriors sa 2-2 ang kanilang best of seven Finals.

 

 

Sinabi nito na nag-eenjoy na sana sila sa isang panalo para makuha ang kampeonato kung hindi lamang mahina ang opensa nila noong Game 4 kaya nakuha ng Warriors ang panalo 107-97.

 

 

Ilan sa mga nakita nitong problema ay ang hindi nila sinamantal ang key scoring opportunities at ang pagkakaroon ng maraming turnovers.

 

 

Ipinagpasalamat na lamang nito dahil sa tabla sa 2-2 ang serye nila at hindi sila bagsak sa 0-2 o 1-2.

 

 

Pagtitiyak nito na kaya nilang manalo sa Game 5 dahil sa nagawa nilang talunin ang Warriors sa kanilang homecourt.