UMAASA si Outgoing Interior Secretary Eduardo Año na ipagpapatuloy ng susunod na administrasyon ang mga programa na kanilang sinimulan sa loob ng Philippine National Police (PNP).
Kumpiyansa ang Kalihim na mapapanatili ng incoming government ang kanilang tagumpay.
Sa isang talumpati sa isinagawang flag-raising ceremony sa Camp Crame, Quezon City, sinabi ni Año na batid niya ang mga proyekto na kabilang sa prayoridad ng administrasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa kabila nito, sinabi niya na ang pagpapatuloy ng mga napagtagumpayan sa loob ng anim na taon sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay isa aniyang plus factor.
“Sa pagpapalit ng liderato, batid kong may mga prayoridad na isusulong at kailangang unang itaguyod ng mga uupo. Ngunit hiling ko na sana hindi iyun ang magiging hudyat na iwanan ang mga nasimulan ng administrasyong ito,” ayon kay Año sa nasabing programa na dinaluhan ng mga high-ranking officials ng PNP.
“Bagkus, sana ipagpatuloy ninyo ang anumang pinagsikapan nating abutin at patuloy na ipakitang karapat-dapat silang mapalawak at mapalawig pa sa mga susunod na taon. Towards that, I am confident that the current, future leaders of PNP will go great lengths in sustaining what we have achieved thus far,” dagdag na pahayag nito.
Hinikayat din ni Año ang kapulisan na tulungan at maging bukas na ipatupad ang mga programa na ilalatag ni Marcos Jr. at ang kanyang Interior secretary-designate, dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) head Benhur Abalos.
“Maging bukas pa rin tayo sa mga programa at pagbabagong ilalatag ng pamunuan ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos at ang kanyang itinalagang Kalihim, Benhur Abalos. Hangad ko rin na maipakita at maipagkaloob ninyo sa kanila ang parehong respeto at suportang inialay ninyo sa aking pagkakaupo,” giit ni Año.
“In return, I am very optimistic that the incoming administration will also channel their backing and commitment to continually steer our beloved Philippines into safer, more peaceful and more progressive horizons,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)
BAZ Luhrmann says that a four-hour-long director’s cut exists for Elvis.
BUMAHA ang mga fans sa mga kalsada ng San Fransisco kung saan isinagawa ang victory parade ng Golden State Warriors bilang selebrasyon sa makasaysayang pagsungkit ng korona bilang world champions sa NBA Finals.
HANDA na ang bansa para sa face-to-face classes sa kabila ng pagtaas ng kaso COVID-19 ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
PARA sa Metro Manila Development Authority (MMDA) walang pangangailangan na palawakin ang kasalukuyang number coding scheme kasabay ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dahilan naman ng pagkabawas sa bilang ng mga sasakyan sa mga pangunahing lansangan.
INATASAN ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. si incoming DepEd secretary at Vice President-elect Sara Duterte-Carpio na i-review ang implementasyon ng kontrobersiyal na K-12 education system sa bansa.
PAMUMUNUAN ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Agriculture (DA) kasabay ng kanyang panunungkulan bilang Pangulo ng bansa sa unang bahagi ng kanyang administrasyon.
KINILALA si Chot Reyes ng TNT Tropang Giga bilang PBA Press Corps (PBAPC) Coach of the Year para sa Season 46 matapos pagharian ang nakaraang Phlippine Cup.