• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 8:43 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2022

PDU30, tinanggigan ang alok na drug czar post sa ilalim ng administrasyong Marcos

Posted on: June 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINANGGIHAN ni Outgoing President Rodrigo Roa Duterte ang alok na magsilbi siyang drug czar ng kanyang successor na si  President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

 

“The last offer that I saw was to head the, to become the drug czar. Pero tinanggihan niya na iyon eh,” ayon kay acting Palace spokesperson Martin Andanar  nang tanungin kung may  “standing offers” ang  incoming administration kay Pangulong Duterte.

 

 

“Iyon ang lumabas sa pahayagan,” ani Andanar.

 

 

Buwan ng Mayo nang sabihin ni Marcos na nakahanda siyang gawing drug czar si Pangulong Duterte kung gugustuhin nitong sumama sa kanyang administrasyon upang maipagpatuloy ang laban sa ilegal na droga.

 

 

Sinabi ni Marcos na bukas siya para sa lahat ng mga nais tumulong sa gobyerno.

 

 

Pero nilinaw niya na hindi pa nila napapag-usapan ni Duterte ang posibilidad na maging drug czar ito pagkababa niya sa puwesto.

 

 

Magsabi lamang umano sa kanya si Duterte ay tatanggapin niya ito.

 

 

Inamin ni Marcos na bago mag-eleksiyon ay sinabihan siya ni Duterte na ipagpatuloy ang kampanya laban sa illegal na droga.

 

 

Binanggit din aniya ni Duterte na kawawa ang mga kabataan kung iiwanan ang laban sa ilegal na droga.  (Daris Jose)

PH Embassy, tinulungan ang pamilya ng mga Filipinong namatay sa car crash sa NZ

Posted on: June 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANGAKO ang  Philippine Embassy sa Wellington  na magpapaabot ito ng tulong sa pamilya ng mga namatay sa isang aksidente sa kalsada sa Picton, New Zealand nitong Linggo ng umaga.

 

 

Sa isang  public post, araw ng Martes,  nagpaabot ng pakikidalamhati at pakikiramay si  Ambassador to New Zealand Jesus Domingo  sa pamilya ng mga biktima.

 

 

“Our condolences and prayers for our Kababayan who perished in Picton. The Embassy & POLO (Philippine Overseas Labor Office) in Wellington are assisting the family,”  ayon kay Domingo sa  kanyang Facebook  account.

 

 

Sa ulat, nasa pitong indibidwal, kabilang ang mga miyembro ng Filipino community, ang namatay sa isang aksidente sa kalsada sa New Zealand nitong Linggo ng umaga, sabi ng mga ulat ng media.

 

 

Sa ulat sa Stuff  nasa pitong tao mula sa isang pamilya sa Auckland ang namatay at dalawa ang malubhang nasugatan matapos na bumangga ang kanilang van sa isang refrigerated goods truck sa State Highway 1 sa pagitan ng Blenheim at Picton.

 

 

Hindi sinabi sa ulat kung ilan sa mga biktima ang mga Filipino ngunit sinabing isa sa mga nasawi ay isang sanggol na wala pang 1 taong gulang.

 

 

Bukod sa dalawang nasugatan, nakaligtas din sa aksidente ang isang miyembro ng pamilya na isang estudyante, ayon sa hiwalay na artikulo ng Stuff sa insidente.

 

 

Nagtamo ng minor injuries ang driver ng trak at nakalabas na umano ng ospital noong Linggo ng gabi.

 

 

Habang nagpapatuloy ang mga pagsisiyasat, sinabi ni Tasman District commander Paul Borrell na may mga maagang indikasyon na malamang na tumawid ang van sa gitnang linya bago ito bumangga sa trak.

 

 

Ayon sa ulat, ang road crash ay ang pinakanakamamatay sa South Island sa mahigit dalawang dekada, at isa sa pinakamasama sa New Zealand sa pangkalahatan.  (Daris Jose)

City bus humihingi ng fare hike

Posted on: June 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAY grupo ng mga city bus companies ang naghain ng kanilang petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang humingi ng fare hike dahil sa tumataas ng presyo ng produktong petrolyo.

 

 

 

Ang Mega Manila Consortium na naghain ng petisyon sa LTFRB ay humihingi ng provisional na P7 na taas ng pamasahe para sa unang limang kilometro ng mga air-conditioned utility buses (PUBs) at provisional fare na P15 para sa minimum ng ordinary buses.

 

 

 

Ayon kay internal affairs ng Mega Manila Consortium Julie de Jesus na ang hinihingi nilang provisional increase ay upang tulungan ang ang mga operators na patuloy nilang mabayaran ang mga sweldo ng mga drivers at conductors sa gitna ng tumataas na presyo ng gasolina.

 

 

 

“For EDSA Carousel alone, out trips are just same but the earnings are short because of how expensive diesel is. This is going to kill our operators if the increase continues,” wika ni de Jesus.

 

 

 

Umaasa ang grupo na bibigyan agad ng aksyon ng LTFRB ang kanilang petisyon dahil ang kanilang hiling lamang ay para sa provisional fare at kung hindi mabibigay ang kanilang petisyon ay mag reresulta ito sa kakulangan ng mga buses na magsasakay sa mga pasahero dahil mapipilitan silang huminto ng operasyon.

 

 

 

Sa ngayon ay mayron na lamang na 80 porsiento ng 550 na authorized na PUB units ang may operasyon sa EDSA Carousel route dahil ang iba ay huminto na sa pagpasada dahil nga sa taas ng presyo ng gasolina.

 

 

 

Dagdag naman ni de Jesus na ang consortium ay patuloy pa rin na may operasyon kahit na may mataas na presyo ng gasolina dahil na rin sa programa ng pamahalaan sa service contracting kung saan ang mga public transport operators at drivers ay nagbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero habang ang pamahalaan naman ay nagbibigay sa kanila ng compensation kada linggo.

 

 

 

Sa ilalim ng programa, ang pamahalaan ay nagbibigay ng pambayad para sa fuel expenses, disinfection, monthly amortization at iba pang overhead expenses ng kanilang units.

 

 

 

Subalit ayon pa rin kay de Jesus ay matatapos na ang 3rd phase ng programang service contracting ngayon buwan.

 

 

 

“If the free rides program expires, I think, its going to be difficult for us. If maybe there’s still a budget under the general appropriations act that can be used for us, maybe the program would be extended until next month, but still, we’re not sure about that. It all depends on the LTFRB,” saad ni de Jesus.

 

 

 

Ang 3rd phase ng SCP ay inilungsad noong nakaraan April kung saan mayron 510 PUVs ang bumibiyahe sa EDSA Busway Carousel at iba pang routes sa Metro Manila. Ang 3rd phase ay may pondong P7 billion sa ilalim ng General Appropriations Act of 2022. LASACMAR

Thankful sa mga papuri na natatanggap ng teleserye nila ni Khalil: GABBI, ‘di nakalilimutan ang mga pangaral ng ama pagdating sa pakikipagrelasyon

Posted on: June 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDING-HINDI raw nakalilimutan ni Gabbi Garcia ang mga advises ng kanyang ama pagdating sa pakikipagrelasyon.

 

Ayon sa bida ng GMA teleserye na Love You Stranger, pinahahalagahan niya ang mga pangaral sa kanya ng kanyang ama. Very close kasi si Gabbi sa kanyang ama kung kanino siya nagmana ng pagiging adventurous.

 

“Laging sinasabi ni daddy sa akin na don’t forget who you are. Never forget yourself and kahit na nasa relationship kayo may individuality pa rin kayo.

 

“Na-appreciate ko lahat ng mga advice na binibigay nila sa akin at ‘yung guidance nila, kaya na-appreciate ko na okay din ‘yung relationship nila with Khalil (Ramos). It makes life so peaceful,” sey ni Gabbi na kelan lang ay nagbakasyon sa Bohol kasama ang kanyang pamilya at pamilya ni Khalil.

 

Thankful din si Gabbi sa mga papuri na natatanggap ng kanilang teleserye na Love You Stranger. Tama raw na ginawa nilang kakaiba ang kuwento ng teleserye dahil marami ang interesado kung ano nga ba ang anino na kung tawagin na Lilom at ano pa ang puwedeng gawin nito sa mga taga-Sta. Castela.

 

***

 

KINUWENTO inuwento ni Ruru Madrid na hamon para sa production team ng Lolong ang pag-shoot ng eksena kay Dakila, ang dambuhalang animatronic na buwaya na pinapagalaw ng 15 hanggang 20 katao.

 

“May nagkokontrol dito, may nagkokontrol diyan. Para talaga siyang robot na kinokontrol ng maraming tao.

 

“Sometimes medyo hassle din for us dahil kapag nagda-dialogue ako, nanginginig ‘yung ‘Ssshh’ (makina) kapag pinipindot, gumagalaw ‘yung ulo niya, bumubuka ‘yung bibig niya. ‘Yun ‘yung hirap namin. Sa audio, kailangan kong i-dub ‘yung ibang mga eksena.”

 

Matatandaang natigil pa si Ruru noon sa pag-taping ng Lolong matapos magtamo ng minor fracture sa kanang paa habang ginagawa ang isang stunt para sa naturang series.

 

“Many, many times, naaksidente ako dito, napilayan ako, napako ako, ang daming injuries.

 

“Three years po namin itong pinaghandaan. Doon sa three years na ‘yon nag-Yaw-Yan ako, nag-undergo ako ng arnis, nag-boxing ako. Ang dami kong bagong skills na na-unlock because of this project.”

 

***

 

WALANG takot na ibalandra ng ’80s supermodel na si Christie Brinkley ang kanyang bikini body sa edad na 68!

 

Pinost ni Brinkley sa Instagram ang photo niya na suot ang baby blue bikini habang pino-promote niya ang zero sugar znd zero carbs na Bellissima Prosecco.

 

Sa isang post naman ay no make-up si Christie at suot niya ay red swimsuit na may white coverup in pink stitchwork with matching folppy sun hat.

 

Nasa Turks and Caicos ang former supermodel kasama ang anak na si Sailor para um-attend ng wedding ng kanyang kaibigan. Sinamantala niya ang magandang tanawin at ang init ng panahon para i-flaunt ang kanyang walang kupas na bikini body kesehodang malapit na siya sa edad na 70.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Ads June 22, 2022

Posted on: June 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

COVID booster para sa mga batang edad 12 hanggang 17 anyos, inaprubahan na ng DOH

Posted on: June 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN na ng Department of Health ang pagbibigay ng COVID-19 booster shots para sa mga batang edad 12-17-anyos.

 

 

Ayon kay Dr. Nina Gloriani, ang head ng country’s vaccine expert panel na napirmahan na ni Health Secretary Francisco Duque ang approval at hinihintay nalang ang guidelines.

 

 

Sinabi ng doktor na ang mga booster ay inaprubahan para sa 12-17 age group upang matugunan ang kanilang humihinang “immunity” sa COVID-19.

 

 

Dagdag pa ni Gloriani na bukas ang mga magulang sa pagbibigay sa kanilang mga anak ng COVID-19 booster dose habang mas maraming mga face-to-face classes ang muling nagbubukas.

 

 

Magugunitang, sinimulan ng bansa ang pagbabakuna sa COVID-19 na may edad 12 hanggang 17 noong Oktubre noong nakaraang taon. (Daris Jose)

BOOSTER SHOT PARA SA 12-17 EDAD, OKAY NA SA DOH

Posted on: June 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

APRUBADO  na ng Department of Health (DOH) ang pagbibigay ng unang Pfizer booster para sa edad 12 hanggang 17 taong gulang.

 

 

Ito ang kinumpirma ngayon ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ngayong Martes sa media viber group nang tanungin kung aprubado na nga ni Health Secretary Francisco Duque III ang pagbibigay ng nasabing booster shot na Pfizer.

 

 

Ayon kay Vergeire, binabalangkas na ng DOH  ang guidelines nito at sa lalong madaling panahon ay mailalabas na.

 

 

“Yes,guidelines are being drafted already by DOH , sabi ni Vergeire .

 

 

Maalala na ang paggamit o pagtuturok ng Pfizer vaccine  para sa booster shots ng nasabing age group ay inirekomenda ng Health Technology Assessment Council o HTAC kay Duque.

 

 

Ang Emergency Use Authorization o EUA para sa Pfizer bilang booster shot sa mga nabanggit na menor-de-edad ay inamyendahan ng Food and Drug Administration o FDA . (GENE ADSUARA)

Doon ang taping ng reality-game show na ‘Running Man PH’: GLAIZA, naging emosyonal nang malamang pupunta sila sa South Korea

Posted on: June 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGBIBILANG na ang netizens kung ilang gabi na lamang nilang mapapanood ang magtatapos na hit GMA primetime series na First Lady tampok sina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.

 

 

Sunud-sunod na kasi ang mga pangyayari na talaga namang kakabahan ang mga viewers, at naghihintay sila lagi kung ano ang susunod na pasabog. Kaya naman, nag-timeout muna sa mga plot twists at pinasaya kahit ilang oras lamang ang mga netizen.

 

 

Ang mga maids nina President Glenn Acosta at First Lady Melody sa palace na itinuturing na nilang pamilya ay nakaisip magpa-impress, nang magbihis sila bilang mga contestants at pumili ng tatanghaling ‘Binibining Kasambahay ng Palasyo 2022.’ Sino kaya kina Kathy, Sioning, Beverly, Norma at Pepita ang mananalo?

 

 

Pero ang isa pang inaabangan ay ang tatlong special guests sa serye, ipinakita na si Jestoni Alarcon at sino pa ang dalawang bibisita bago matapos ang serye?

 

 

Exciting na rin ang revelation na buhay pa pala si Atty. Ingrid Domingo (Alice Dixson), at pagsasabi na kung sino ang pasimuno ng assassination plot para sa kanya at sa Acosta family.

 

 

Napapanood ang First Lady gabi-gabi, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA-7.

 

 

***

 

 

NAGING emosyonal pala at napaiyak si Glaiza de Castro, nang malamang pupunta sila sa South Korea para doon mag-taping ng reality-game show na Running Man PH.

 

 

Nang tanggapin daw niya ang offer ng GMA, akala niya ay dito lamang sa bansa sila magti-taping, kahit na co-production ito ng network at ng Seoul Broadcasting System (SBS).

 

 

Sino nga ba naman ang hindi matutuwa, lalo na kung dream mong makapasyal man lamang nang ilang araw sa pamosong South Korea na makikita mo roon ang mga locations ng mga shows at drama series nila na napapanood natin dito sa bansa.

 

 

Kaya ngayon ay busy na si Glaiza sa paghahanda ng pag-alis nila ng mga kasamang sina Mikael Daez, Ruru Madrid, Buboy Villar, Liezl Gonzales, Angel Guardian at Kokoy de Santos. Tinapos muna ni Glaiza ang guesting niya sa episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko at recording ng new song niya for Ocre Record PH na iri-release na sa June 24.

 

 

Si Ruru ay tinapos na rin ang taping ng adventurous teleserye niyang Lolong, dahil ipalalabas na starting on Monday, July 4, kapalit ng First Lady.

 

 

Nagpasalamat din si Glaiza sa blessings and opportunities that comes her way. Sa IG post ni Glaiza nakita siyang tumatakbo sa beach sa kanila sa Baler, Aurora. In preparation na ba niya ito for Running Man PH?

 

 

***

 

 

NAG-TRENDING ang mainit na eksena nina Zoren Legaspi at Lianne Valentin sa Apoy sa Langit sa GMA Afternoon Prime.

 

 

Naging usap-usapan nga ng netizens at viewers ang mainit na eksenang “May Milagrong Ginagawa sa Ilalim ng Mesa,” posted sa official GMA Facebook page. Umabot na nga ito ng 14 million views, sa eksena nina Cesar (Zoren) at Stella (Lianne) na patuloy pa rin ang pagtataksil at pagpapaikot kay Gemma (Maricel Laxa).

 

 

Bentang-benta sa netizens ang eksenang ito at pinuri nila ang husay nina Zoren at Lianne sa pagganap sa kanilang mga characters, na labis naman ang pasasalamat na nagugustuhan ang acting nila.

 

 

Kaabang-abang na ang mga susunod na eksena dahil mabubuko na ang lihim nina Cesar at Stella. Matatapos na ba ang panlilinlang nila kina Gemma at Ning (Mikee Quintos), na lovers sila at hindi tunay na mag-ama?

 

 

Napapanood ang Apoy sa Langit ng Mondays to Saturdays, after Eat Bulaga.

 

(NORA V. CALDERON)

Pinagdiinan na, “I don’t need anyone to survive”… HEART, ‘di napigilang patulan ang basher na tinawag siyang ‘gold digger’

Posted on: June 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI na naman nakapagpigil ang Kapuso actress -vlogger na si Heart Evangelista na patulan ang isang basher na kung saan tinawag siyang ‘gold digger’.

 

 

Wala ngang takot ang Twitter user na si @BasherNgBayan sa panglalait sa asawa ni Sen. Chiz Escudero at sinabi nitong, “Si @heart021485 is a gold digger is a fact.”

 

 

Kaya naman nang makarating ito sa fashion icon, ni-repost ito ni Heart sa kanyang social media account at pinagdiinang, “I don’t need anyone to survive.”

 

 

Dagdag hirit pa niya sa akusasyon ng basher, “I am a woman and a woman can be or do anything she wants if she wills it. Remember I said that.”

 

 

Kanya-kanya namang komento ang netizens, na ang ilan naman ay pinagtanggol siya at nagsabing sana raw ay dinedma na lang ang basher:

 

 

“Baka naman ‘goal digger’.”

 

 

“Heart is richer than all her exes and current partner combined.. if there’s a gold digger it’s definitely not her.. the basher must have just surfaced from prolonged hibernation.”

 

 

“Heart is already rich even before she married [his] husband.”

 

 

 

“Mayaman tlga si ate mo girl. Si chiz gnon din. D papayag ang peyrents pag maralita ang jowa.”

 

 

“Some of her paintings can sell up to 3 million …. US dollars … each. and she doesnt have just one painting. do u know how much that equates to? i dont think any of her exes earns that much.

 

 

“Lol napaka classy mo heart, pinatulan talaga ang basherngbayan hahahaha.”

 

 

“Iba na kasi definition ng classy ngayon. Socialite pero pumapatol sa mga hampas lupa.”

 

 

“She should be. Why, dahil magmumukhang totoo ang statement ni basher. I wonder kanino kayang fanbase si basher? just a thought.”

 

 

“Kung gold digging lang hindi na si Chiz ang dyinowa nya.”

 

 

“Ang engot ng basher and sana di na pinatulan heart kasi wala naman maniniwalang gold digger siya lol.”

 

 

“Either he’s a troll or his ego is so fragile he is threatened by women who live their lives the way they want. Patawa siya.”

 

 

“Duh hndi naman sia gold digger no pero minsan honest observation ko lang to ha, parang may pagka sosyal climber ang dating nya.”

 

 

“Tumpak. Mali yung troll. Mayaman na pamilya ni heart. Baka nagkamali sya ng term na gamitin. She’s more of a social climber than a gold digger.”

 

 

“Social climber? Patawa ka ba? Hindi ka nga nya fan.”

 

 

“She doesn’t have to climb. She’s already social lol.”

 

(ROHN ROMULO)

Abogadong Pinoy na nabaril sa Philadelphia, pumanaw na

Posted on: June 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PUMANAW na ang 35-anyos na abugadong Pinoy na nabaril habang nagbabakasyon sa Philadelphia sa Amerika.

 

 

Sa Facebook account ng kanyang inang si Leah Bustamante Laylo, inanunsyo nito na alas 10:33 ng gabi kagabi, Philippine time nang bawian ng buhay si John Albert Laylo.

 

 

Ayon kay Philippine Consulate General in New York Elmer Cato, tinamaan sa ulo si John ng isa sa 6 na bala na pinaputok sa sinasakyang uber ng mag-ina.

 

 

Nagtamo naman ng 3 shrapnel wounds ang ina ng biktima.

 

 

Sinabi ni Cato na patungo sana ang mag-ina sa airport para sa kanilang flight patungong Chicago bandang alas 4 ng umaga.

 

 

Sa ngayon ay wala pang development ang Philadelphia Police sa nangyaring pamamaril.