• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 11:30 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2022

P11B HALAGA NG ILLEGAL NA DROGA, SINIRA NG NBI

Posted on: June 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINIRA ng gobyerno ang P11 bilyong halaga ng illegal na droga na nasabat ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Marso 15, 2022 sa Infanta, Quezon.

 

 

Sinabi ni NBI Director Eric B.Distor na sa memorandum na isinumite ng NBI Forensic Chemistry Division (NBI-FCD), ang P11 bilyong kaso ay isa sa mga ebidensyang kasama sa pagsira sa mga mapanganib na droga na iniutos ng Regional Trial Court.

 

 

Sinabi rin ni Distor na ang pagsira ng ilegal na droga at sa imbitasyon ng PDEA, anim (6) na tauhan ng NBI-Forensic Chemistry ang dumalo at nasaksihan ang pagsira ng mga nasabat na illegal drugs  sa pamamagitan ng utos ng korte sa Integrated Waste Management Inc. (IWMI) sa Trece Martirez, Cavite.

 

 

Binigyang-diin ni Distor  na sa pagsira sa nasabing mga droga, lumahok ang mga NBI Chemists sa paglalagay ng mga delikadong droga sa loob ng pyrolysis machine habang ang ibang tauhan ng NBI-FCD ay pinayagang kumuha ng litrato at pangasiwaan ang pagsira.

 

 

Ang NBI Chemist in charge  ay nagsagawa ng imbentaryo at nagtala ng 80 selyadong itim na megabox na tinutumbas na bilang ng mga ebidensya na itinurn-over sa PDEA.

 

 

Matatandaang noong Marso 15, 2022, ang mga operatiba ng NBI- Task Force Against Illegal Drugs (TFAID), NBI-Research and Analysis Division (RAD) at Lucena District Office (LUCDO), sa pakikipag-ugnayan sa PNP Infanta, Quezon at PDEA Lucena ay nagsagawa ng interdiction operation sa Barangay Comon, Infanta Quezon na nagresulta sa pagsamsam ng P11 bilyong halaga ng methamphetamine hydrochloride o shabu.

 

 

Ang operasyon ay nagresulta rin sa pagkakaaresto sa sampung (10) mga salarin habang nasa akto ang pagbibiyahe ng mga hinihinalang iligal na droga sakay ng tatlong (3) commuter van.

 

 

Ang nasabing operasyon ay itinuturing na pinakamalaking nasabat na  droga at hindi pa nagagawa sa kasaysayan ng Pilipinas hanggang sa kasalukuyan.  (GENE ADSUARA)

Excited na ring maigawa ng customized rings ang ina: KC, thankful at sobrang saya na nagkaayos na sila ni SHARON

Posted on: June 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINOST ni KC Concepcion sa Instagram ang screenshot ng FaceTime nila ng inang si Megastar Sharon Cuneta, habang naghahanda ang huli sa taping para sa FPJ’s Ang Probinsyano.

 

Tuwang-tuwa naman ang netizens at followers ng mag-ina dahil okey na okey na talaga ang kanilang relasyon.

 

Caption nang isa sa bida sa movie na Asian Persuasion, “Not only THE… but MY one & only!!! 🥹🌹 I hear about so many mother-daughters that never get the chance to heal their relationships nor resolve issues, and I feel lonely for them.”

 

Say pa ni KC, “I’m so thankful we’re able to speak with each other with mutual care and respect, and now talk like girlfriends and found our way back to each other! I love you Mama! There is nothing like having your own mother’s LOVE ✨ @reallysharoncuneta.”

 

Pahabol pa ng aktres, “(There she is with my ring sizers cuz now that she’s lost all that weight I need her new sizes for her custom @avecmoijewelry rings! Excited to make them for her!)”

 

Ni-repost naman ito ni Sharon at nilagyan ng caption na,
“Facetiming with my eldest yesterday – while having “Aurora’s hairstyle” – extensions – attached! Love you, Toot!❤️❤️❤️🙏🏻🙏🏻🙏🏻”

 

Reaction naman ng mga marites:

“Normal naman sa pamilya ang clashes. Ganyan din kami ng mom ko, away-bati pero down the core, super mahal isa’t-isa. All starts and ends with family.”

 

“On and off ba ang awayan nila?”

 

“Meron bang mag-ina o kahit sinong may relasyon ka na hindi nagkakatampuhan?”

 

“Ang cute nilang dalawa!”

 

“Pansin ko sa dalawang to parang may kompetisyon sa kanilang mag ina kaya di maiwasang magkaroon ng misunderstandings.”

 

“Obviously not competition when it comes to career. More on jealousy. Cause Sharon is closer to her kids with Kiko and KC is closer to her dad. No professional jealousy.”

 

“Uhmm, there’s no competition. Sharon is still thriving and soaring up there, while KC has been idle and project-less for years. #realtalk.”

 

“Normal mom/daughter relationship. My mom will get mad on me, she don’t answer my call, then proceed to ignore me every now and then hahaha!”

 

“Ganon talaga ang mom and daughter. ako nga nagtatampo sa anak ko because i feel she doesn’t confide in me, but when she needs something sa akin din tatakbo. sometimes i cry but sige na lang, hope when she gets a kid of her own, she won’t go thru what i’m going thru hehe.”

 

“Good to hear it’s not just me. I’m not talking to my mom right now. I got tired of grovelling for nothing.”
“I’m happy for them. Hirap kalaban ng nanay. Laging dapat panalunin haha. Ganun kami ng mom ko. Pag di siya nanalo, Walang magbabati!”

 

“Family drama is normal. part talaga yan.”

 

“On going pa pala yung jewelries ni KC.”

 

“For me lang, pag yung anak nasa 30s na parang dun nagkakaroon ng clash minsan sa parents. Kasi ayaw na ng anak mapagsasabihan parang ganun ba. Personal experience ko lang. Hehe.”

 

“Nakakahiya dapat dina I public awayan ng family.. respect ang dapat Meron sila…if you a mother dapat ikaw ang unang makaintindi Sa mga anak mo..at I-secret ang family problems..kaso gusto nilang sumikat pa…”

 

“As the saying goes.. all’s well that feels well..”

 

“Ang importante nagbabati sila.”

 

(ROHN ROMULO)

‘Paghawak ni Marcos sa Department of Agriculture maituturing na ‘brilliant move’ – Piñol

Posted on: June 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMANI nang papuri ang naging hakbang ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. na hawakan mismo ng personal ang Department of Agriculture (DA) sa kanyang pag-upo sa pwesto.

 

 

Kabilang sa humanga ay si dating Agriculture Secretary Manny Piñol.

 

 

Si Piñol na natalo sa nakalipas na halalan sa pagkasenador ay sinabi na maituturing itong “brilliant move.”

 

 

Ayon pa sa kanya, kung mangyari ito ay baka manginig sa takot ang mga cartel at smugglers.

 

 

Liban nito, maging ang hihinihinging budget sa kongreso ay wala na ring haharang pa na “tigasin” dahil presidente na ng Pilipinas ang haharap sa kanila.

 

 

Kung maalala, kamakailan ay inimbestigahan din ng Senado ang isyu sa smuggling sa agrikultura at ang kontrobersiyal na pag-aangkat ng mga produkto kasama na ang isda, bigas, asukal at iba pa mula sa ibang bansa.

 

 

Sinabi pa ni Piñol na dati ring Mindanao Development chief at humawak sa Department of Agriculture sa pagitan ng taong 2016 hanggang 2019, kung pangulo mismo ang hahawak sa naturang kagawaran ay matitiyak na ang sapat na pondo at tulong para umangat pa ang sektor ng agrikultura.

DILG, kinumpirma ang intel ukol sa plano na guluhin ang inagurasyon ni Bongbong Marcos

Posted on: June 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang  intelligence reports kaugnay sa  di umano’y plano na guluhin ang inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

 

Tiniyak ng DILG na nakahanda ng ang  mga pulis na tugunan ang mga pagbabanta.

 

 

Sinabi ni DILG spokesperson at Undersecretary Jonathan Malaya na plano ng  communist groups at ng kanilang di umano’y front organizations na pahiyain si  Marcos Jr. sa kanyang inagurasyon sa Hunyo 30

 

 

Sinabi ni Malaya na ang DILG at ang attached agencies nito na Philippine National Police (PNP) ay seryosong tinitingnan ang nasabing ulat.

 

 

“We are taking these intelligence reports seriously and we will do what is necessary to thwart any attempt to embarrass or discredit the forthcoming inauguration,” ayon kay Malaya.

 

 

Aniya pa, pinaigting ang security measures sa National Museum grounds sa kahabaan ng Padre Burgos Avenue sa Maynila, kung saan inaasahan na  magte-take oath of office si Marcos Jr.

 

 

Tinatayang 6,200 PNP personnel, hindi pa kasama ang  ibang  uniformed services, ang ide-deploy upang i- monitor ang mga key areas na malapit sa National Museum.

 

 

Kaya nga ang nasabing plano ng rebeldeng komunista ay hindi na nakagugulat dahil ang grupong ito ay desididong guluhin ang gobyerno.

 

 

“That’s part of their playbook. Whoever sits in Malacañang is their enemy because ultimately, all they want is to overthrow the government through violent means to be followed by a socialist revolution,” ayon kay Malaya.

 

 

Tinukoy ni Malaya ang ibinunyag ng apat na dating miyembro ng   Communist Party of the Philippines at  New People’s Army (CPP-NPA) na ang mga rebelde ay nakikipagpulong sa mga magsasaka sa Hacienda Tinang.

 

 

Ang Hacienda Tinang ay ang kontrobersiyal na Tarlac farmland na nadawit sa kontrobersiya matapos na ang agrarian reform beneficiaries at kanilang kaalyado ay inaresto dahil sa sinasabing “uprooting existing plantations.” (Daris Jose)

Christian Bale Reveals Surprising Influences For His Villain, Gorr In ‘Thor: Love & Thunder’

Posted on: June 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

CHRISTIAN Bale reveals the surprising influences behind his villain, Gorr the God Butcher, in Thor: Love and Thunder.

 

 

After first being introduced in 2011’s Thor, Chris Hemsworth’s titular God of Thunder would go on to star in two additional solo films as well as a number of Avengers team-up movies. Thor: Love and Thunder, which is written and directed by Taika Waititi, picks up after the events of Avengers: Endgame, depicting the character on a quest to find inner peace when he is forced to confront Gorr the God Butcher, a villainous figure intent on wiping out all gods.

 

 

Initial trailers for Thor: Love and Thunder have teased some of what’s to come in the upcoming MCU offering, including an epic showdown between Thor and Gorr. Bale’s villain is depicted in heavy black and white makeup and is shown ominously wielding a large sword. While much of the character still remains shrouded in mystery, Waititi has previously revealed that Bale’s Gorr is the best-received MCU villain thus far in test screenings for the film.

 

 

In addition to Hemsworth and Bale, Thor: Love and Thunder stars Chris Pratt, Tessa Thompson, Natalie Portman, Karen Gillan, and Russell Crowe, among others.

 

 

In his recent interview, Bale reveals a few surprising influences for his villain, Gorr, which include Nosferatu and a music video from the band Aphex Twin. Bale explains that he and Waititi even wanted Gorr to have something of a dance sequence in Thor: Love and Thunder, which would have been inspired by singer-songwriter Kate Bush’s music.

 

 

While it would seem that even Bale isn’t sure what parts of his performance have made it into the final film, the actor’s comment does hint at some of what audiences can expect from Gorr the GodButcher in the Thor sequel.

 

 

Nosferatu is a 1922 German silent film, which acts as an unofficial adaptation of Bram Stoker’s Dracula novel, and it was, at the time, considered to be very frightening due to its vampiric villain, Count Orlok. Similarly, the Aphex Twin “Come to Daddy” music video features a pale and disturbing creature not dissimilar to Nosferatu’s vampire villain.

 

 

Count Orlok and the creature from the “Come to Daddy” music video certainly do share some visual similarities to Bale’s black and white Gorr as he is seen in the Thor: Love and Thunder trailers. Interestingly, however, it would appear that juxtaposed against Gorr’s scary appearance, both Waititi and Bale attempted to add a playfulness to the Thor: Love and Thunder villain as well, with the character potentially having an affinity for dance and a flare for the dramatic.

 

 

It remains to be seen how many of Bale’s influences will be apparent on screen when the movie releases on July 8th, but Gorr the God Butcher clearly has the potential to be the MCU’s most interesting villain yet. (souce: screenrant.com)

 

(ROHN ROMULO)

Peak sa kaso ng COVID 19, maaaring mangyari sa unang linggo o ikalawang linggo ng Hulyo base sa projection ng OCTA Research

Posted on: June 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN ang OCTA Research sa publiko na mag-ingat sa gitna ng nakikita nitong pagtaas sa kaso ng COVID 19.

 

 

Sa Laging Handa public briefing,  sinabi ni  Dr. Guido David ng OCTA  na may  projection  sila o pagtataya na baka mangyaring maranasan ang peak sa kaso ng Covid-19 sa  first o second week ng Hulyo.

 

 

Sa kasalukuyan,  posibleng umabot sa pagitan ng 500 at 1,000  ang seven-day average sa Metro Manila mula sa 225 cases.

 

 

Ani David, kapag ganito aniya ay  puwedeng masabing nasa moderate risk na ang sitwasyon bagama’t ang mas dapat na bantayan ay ang hospital utilization para sa aspeto ng pagtataas ng Alert level.

 

 

Kaya upang hindi aniya masyadong tumaas ang kaso paalala ni David, dapat pa ring mag-ingat at i-obserba ang minimum health protocol gaya ng pagsusuot ng face mask.

 

 

” Yes, iyong bilang ng kaso, iyon nga nabanggit natin 225 cases iyong seven-day average sa Metro Manila. Possible itong tumaas between 500 and 1,000 and by end of June or first week of July. So, kapag ganyan, USec., masasabi na natin baka nasa moderate risk nga iyong situation natin. Although, kahit naman moderate risk effect, iyon nga iyong pinakamo-monitor natin for alert levels, iyong hospital utilization,” ayon kay Dr. David.

 

 

“Pero, tumataas iyong bilang ng kaso, USec., hindi pa natin nakita iyong pagbaba niyan anytime soon, baka iyong peak, it could happen sometime first or second week of July.  Kaya para matulungan natin na hindi masyadong tumaas iyong kaso, iyong pag-iingat nga natin,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Bagong challenge ang mag-portray ng isang serial killer: PIOLO, ngayon palang masusubukan ang ultra bad na character

Posted on: June 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA totoo lang, super enjoy panoorin si Dingdong Dantes hosting Family Feud.

 

 

Mahusay si Dong makipag-interact sa kanyang mga guests. At kung minsan ay may halong comedy pa ang banat niya ng punchlines.

 

 

Kung contestant ka, para makakampante ang feeling mo at ‘di ka kakabahan kasi very engaging host si Dong.

 

 

Malaki na ang improvement ni Dong as a TV host at relaxed na relaxed lang siya sharing the stage kasama ang celebrity contestants ng Family Feud.

 

 

Bukod sa Family Feud, ay napapanood din si Dong sa sitcom nila ni Marian Rivera titled Jose and Maria’s Bonggang Villa.

 

 

Ibang Dingdong naman uli ang namamalas dito dahil pagiging comedian naman niya ang kanyang inilalabas.

 

 

Kahit na noong una ay sinasabi ni Dong na ‘di siya comfortable doing comedy, ang director ng sitcom na si John Lapus ang nagsasabi na very effective na comedian ang better half ni Marian Rivera.

 

 

Willing kasi si Dong to let his defenses down para maging effective sa pagpatawa.

 

 

***

 

 

AWARD- WINNING director Jay Altarejos describes his new film Memories of a Love Story as a very entertaining movie.

 

 

Pero may relevance naman daw ito kasi di niya kinalimutan mag-inject ng element ng political consciousness.

 

 

“As a whole, very entertaining ang movie, na bida sina Oliver Aquino at Migs Almendras,” dugtong pa ni Direk Jay.

 

 

Melodrama ang tema ng movie at sana raw ay maitawid nang cast ang kwento. “I hope the actors will be able to shine sa kanilang respective roles,” kwento pa ni Direk Jay.

 

 

Tinatalakay din sa movie ang pagkakaiba ng social classes at kung paano ito nakakaapekto sa buhay natin.

 

 

“Iba ang interaction pag dalawang mahirap na karakter ang may ugnayan. Let’s face it, Iba ang pananaw ng taong mahirap sa taong mayaman dahil magkaiba ang sila nang environment na kinalakihan,” wika pa ng director.

 

 

***

 

 

MAY itinatagong lihim sa kanyang misis na si Iris (Lovi Poe) si Jacob (Piolo Pascual) sa upcoming series na Flower of Evil, na adaptation ng isang sikat na South Korean thriller drama.

 

 

Sinusundan ng kwento ang buhay ng mag-asawang Jacob at Iris (Piolo at Lovi). Umiikot ang buhay nila sa anak nilang si Luna (Sienna Stevens), habang si Jacob ay isang metal craftsman at si Iris naman ay isang maprinsipyong police detective.

 

 

Walang kamalay-kamalay si Iris na may itinatago pa lang masalimuot na nakaraan si Jacob. Ilang taon na kasing inililihim ni Jacob ang kanyang totoong pagkatao dahil siya talaga ang misteryosong si Daniel Villareal.

 

 

Si Daniel ay may antisocial personality disorder at 17 taon nang wanted ng pulis dahil sa pagpatay sa isang barangay captain. Siya rin ang nag-iisang anak ni Abel (Gardo Versoza), isang kilalang serial killer na nag-suicide.

 

 

Ito ang darkest character na ginampanan ni Piolo sa kanyang career. Never pang nag-portray si Piolo ng isang ultra bad na character. Gagawin niya ito ngayon for the first time sa Flower of Evil.

 

 

Bagong challenge for Piolo ang mag-portray ng isang serial killer. Naisip siguro ng actor na panahon para baguhin naman niya ang kanyang image na goody-goody kaya tinanggap niya ang offer to play a character na medyo may tililing.

(RICKY CALDERON)

Sunod na BIR chief ‘kokolektahin pa rin’ estate tax ng Marcoses

Posted on: June 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANGAKO ang susunod na commissioner ng Bureau of Internal Revenue na kokolektahin pa rin nila ang tinatayang P203 bilyong estate tax ng pamilya Marcos na hindi pa rin bayad kahit sa ilalim ng administrasyon ni president-elect Ferdinand Marcos Jr. — aniya, kailangan nilang maging “good example.”

 

 

Ito ang banggit ni Lilia Guillermo sa panayam sa ANC, Miyerkules, habang sinasabing gagawin nila ito basta’t makuha na nila ang “tamang figures.”

 

 

“We have to convert those properties to cash para madagdag sa tax collections ng BIR. And ganun ang gagawin ko,” wika niya.

 

 

“Please give me time to look at the documents. How much are we talking about? I don’t know if it’s really 200-billion. If that is really the amount, imagine, it will really help collections of BIR.”

 

 

Marso 2022 lang nang sabihin ng kawanihang inuutusan nila ang pamilya Marcos na bayaran ang naturang utang. Taong 1991 nang ma-assess ng BIR na P23.29 bilyon ang naturang estate tax, ngunit nagkaroon na ito ng interes dahilan para ipako ito ng ilan sa P203.81 bilyon.

 

 

“Please give me time to look at the documents. How much are we talking about? I don’t know if it’s really 200-billion. If that is really the amount, imagine, it will really help collections of BIR.”

 

 

Paniwala ng susunod na BIR chief, ganito rin ang mismong magiging posisyon ni Diokno pagdating sa paghahabol ng naturang estate tax.

 

 

Sa kabila nito, una nang dumistansya si Diokno pagdating sa isyu ng estate tax, habang sinasabing “hindi dapat” idinidiin sa kanya ang bigat ng isyu.

 

 

Una nang sinabi ni outgoing Finance Secretary Carlos Dominguez III na desidido ang gobyernong kolektahin ang estate tax ng mga Marcos.

 

 

Marso lang nang magbabala si retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na posibleng hindi makolekta ang mga naturang utang oras na umupo sa Malacañang si Bongbong.

 

 

Ang mga naturang buwis ay iba pa sa mga nakaw na yaman ng pamilya Marcos noong diktadura, na kinilalala na rin ng Korte Suprema noong 2003, 2012 at 2017. (Daris Jose)

PDu30, hindi pa napipirmahan ang 182 bills na aprubado ng 18th Congress

Posted on: June 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin napipirmahan ni Pangulong Rodrigo Roa  Duterte ang  182 bills na aprubado ng  18th Congress.

 

 

“Considering that the 18th Congress we had almost two years of pandemic response and pandemic lockdowns, there were 197 [bills] signed into law, there was one veto but right now, pending in the Office of the President are 182 bills passed by both houses of Congress,” ayon kay Senate President Vicente Sotto III .

 

 

Ang 182 bills  ay kinabibilangan ng panukalang magtayo ng hiwalay na pasilidad para sa heinous criminals; paglikha ng National Transportation Board; Special Protection Against Online Abuse; Vaporized Nicotine Products; Expanded Anti-Trafficking Act; Permanent Validity of Birth, Death, and Marriage Certificates; taasan ang Social Pension for Indigent Senior Citizens Act, at iba pa.

 

 

Ang Vaporized Nicotine Products Bill  ay kapuwa aprubado na ng dalawang Kapulungan ng Kongreso subalit magpahanggang sa ngayon ay hindi pa naipadadala sa Malakanyang .

 

 

Nakasaad sa batas ang  “provides regulations on the importation, manufacture, sale, packaging, distribution, use, and communication of vape products and novel tobacco products.”

 

 

Kabilang sa batas na ito ang rehistrasyon ng vape products sa Department of Trade and Industry.

 

 

Gayunman, hiniling ng  Department of Health  kay Pangulong Duterte  na i- veto  ang batas dahil naglalaman ito ng  “retrogressive provisions,” idagdag pa na pinapahina nito ang umiiral na national laws, polisiya, at standards ukol sa  regulasyon, distribusyon at paggamit ng  vapor products at heated tobacco products.

 

 

Dahil dito, umapela si Sotto kay Pangulong Duterte na iprayoridad ang pagpirma sa batas na naglalayong magtayo ng hiwalay na pasilidad para sa heinous crimes .

 

 

“There are very urgent matters there. For example, number is the Separate Facility for Heinous Crimes Inmates Act. If ever it was not signed into law I hope it will lapse into law or the next president might act on it,” ayon kay Sotto.

 

 

Samantala, kabilang naman sa  197 bills na aprubado na ni Pangulong  Duterte  ay ang mga batas hinggil sa modernisasyon ng  Bureau of Fire Protection, taxation sa Philippine Offshore Gaming Operations, itaas ang parusa sa perjury, Retail Trade Liberalization amendments, paglikha sa Department of Migrant Workers, Foreign Investment Act amendments, pagtaas sa edad ng  statutory rape, Marawi Compensation, at public health emergency benefits at allowances para sa mga healthcare workers, at iba pa.

 

 

Ani Sotto, hindi naman  kasama ang local bills na tinintahan upang maging ganap na batas sa 197 bills na naipasa sa panahon ng 18th Congress at kalaunan ay inaprubahan naman ni Pangulong Duterte. (Daris Jose)

NVOC, pangangasiwaan ni Health Usec Maria Rosario Vergeire pagpasok ng susunod na administrasyon

Posted on: June 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SI  Health Usec. Maria Rosario Vergeire  ang  mangangasiwa sa National Vaccination Operations Center  (NVOC) sa pagpasok ng administrasyong Marcos.

 

 

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni NVOC chairperson Usec. Myrna Cabotaje na walang dapat ipag -alala ang publiko dahil nasa mabuting kamay sila sa usapin ng vaccination campaign ng pamahalaan.

 

 

Ayon pa kay Cabotaje, magtutuloy-tuloy lamang ang pagbabakuna ng pamahalaan sa pangunguna ni Usec Vergeire sa bagong administrasyon.

 

 

Kumpiyansa si Cabotaje na magiging matagumpay din ang bakunahan sa bagong administrasyon dahil mas magagaling aniya ang mga taong hahalili sa kanila.

 

 

Sa kasalukuyan, hindi na aniya natitigil ang kanilang pagbabakuna hanggang sa natitirang araw nila sa pwesto  sa Hunyo 30. (Daris Jose)