• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 11:29 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 24th, 2022

CHED, nagpahayag ng interes na busisiin ang k-12 program sa bansa

Posted on: June 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAHAYAG ng interes ang Commission on Higher Education (CHED) na busisiin ang pagiging epektibo ng K-12 program sa bansa.

 

 

Ginawa ni CHED Chairman Prospero de Vera ang naturang pahayag ng tanungin hinggil sa posisyon nito sa isinusulong na pagbuwag sa K-12 system.

 

 

Paliwanag ng opisyal na ipinatupad ang K-12 program bago pa man ang Duterte administration. Kailangan aniya na makita ang mga data mula sa ground at ihanay ito sa policy objectives ng batas at saka aniya gagawa ng desisyon hinggil sa naturang uspain.

 

 

Ayon kay De Vera , ang K-12 program sa Pilipinas ay naiiba dahil layon nito na makapag-produce pareho ng mga employable at university-ready graduates sa loob ng dalawang taon.

 

 

Aniya, ang pinakalayunin ng K-12 ay para maihanda ang mga estudyante para sa university education upang sa oras na tumuntong ang mga ito sa kolehiyo, major subject na dapat ang kanilang kinukuha.

 

 

Subalit ang K-12 program aniya sa Pilipinas ay naiiba dahil kapag nakapagtapos ng K-12 ang mga estudyante maaari na rin ang mga itong makapagtrabaho at kumita.

 

 

Lumutang ang usapin hinggil sa pagbuwag sa K-12 education system kasabay ng nallapit na pagpapalit ng bagong adminsitrasyon sa Hunyo 30.

 

 

Subalit ang K-12 program aniya sa Pilipinas ay naiiba dahil kapag nakapagtapos ng K-12 ang mga estudyante maaari na rin ang mga itong makapagtrabaho at kumita. (Daris Jose)

Kai Sotto papasa kaya sa panlasa ng mga NBA team sa 2022 NBA Draft?

Posted on: June 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SIMULA na ng agawan at pagpapalakas muli ng mga teams sa NBA upang makasungkit ng mga magagaling na bagitong players sa magaganap na 2022 NBA Draft.

 

 

Mahigit sa 50 mga players ang nakataya na pag-aagawan ng mga teams na karamihan ay mga college standouts at international players.

 

 

Kung maalala bentahe ng mga NBA teams na makakuha ng pinakamagaling na bagitong players upang makabuo ng championship team o dynasty sa hinaharap.

 

 

Halimbawa na lamang sa mga de-kalibre na mga players na sina Stephen Curry, Draymond Green at Klay Thompson na nagbigay ng pagkakataon sa Golden State Warriors na tumuntong sa NBA championships ng apat na beses ay pawang dumaan din sa draft.

 

 

Ang 2022 NBA Draft ay isasagawa bukas sa Brooklyn Barclays Center, kung saan nasa kabuuang 58 mga players ang nakataya.

 

 

Gayunman kapansin pansin na wala doon sa mga mock draft ang pangalan ng 7’2″ na higanteng player na si Kai Sotto.

 

 

Sa kabila nito nasa anim na rin na mga NBA teams ang binigyan siya ng pagkakataon na magsagawa ng workouts kabilang na ang mga team na New York Knicks, Los Angeles Clippers, Chicago Bulls, Portland TrailBlazers, Indiana Pacers at Sacramento Kings.

 

 

Sa Kings workout ay nagkita pa sila ng PBA great na si Jimmy Alapag na assistant coach sa G League affiliate ng Sacramento na Stockton Kings.

 

 

Kung makuha si Sotto, 20, bukas sa Draft, gagawa siya ng kasaysayan bilang kauna-unahang full blooded Pinoy player na lalaro sa NBA.

BSP gov: Walang dapat ipangamba sa paghina ng piso

Posted on: June 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WALANG dapat na ipangamba ang publiko sa paghina ng piso kontra dolyar.

 

 

Ito ang sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Gov. at incoming Finance Secretary Benjamin Diokno matapos pumalo sa  P54.47 ang piso kontra dolyar.

 

 

Itinuturing kasi na ito ang pinakamahinang halaga nito sa loob ng halos 17 taon.

 

 

Dahil sa iba’t ibang dahilan partikular na sa mga nangyayari sa ibang bansa ay apektado na ang ilang maliliit na negosyanteng nag-aangkat ng produkto mula ibang bansa.

 

 

“It is not a reflection of.. to weakness of the economy. It’s just that masyadong malakas ang dolyar at sabi ko nga, if you compare us to the rest of Asian economies including Japan, nasa middle tayo,” ani Diokno.

 

 

Aniya pa, maganda ang lagay ng ekonomiya.

 

 

Sa kabilang banda, pabor din naman ang paglakas ng dolyar sa mga OFWs dahil lalaki ang halaga ng padala nilang pera sa Pilipinas.

 

 

‘Hindi ka naman mahilig sa mga  imported goods. Hindi ka naman maaapektuhan. Hindi naman tayo dapat matakot na..  again i’ve seen many crisis in the past .. basta may crisis tayo ay nauubusan tayo ng dolyar dahil pambayad ng utang, noh?. Hindi tayo ganoon ngayon,” lahad ni Diokno.

 

 

Subalit para naman kay JG Summit President & CEO Lance Y. Gokongwei , na may negosyo sa airlines at mall, parehong may maganda at hindi magandang dulot ang mahinang piso lalo’t marami sa kanilang mga supplies at food inputs ay galing abroad.

 

 

Iyon nga lamang posibleng tumaas naman ang pasahe sa airlines at iba pang produkto kung magtutuloy-tuloy ang pagmahal ng presyo ng krudo at paghina ng piso. (Daris Jose)

Netizens, hindi na nagtaka at inaasahan na: DIEGO at FRANKI, bigla na lang nag-unfollow sa kani-kanilang Instagram account

Posted on: June 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAPANSIN agad ng netizens na nag-unfollow na sa isa’t isa ang rumored couple na sina Diego Loyzaga at Franki Russel sa  Instagram.

 

 

Maaalala na ilang linggo pa lang nang aminin ng Viva actor na nagde-date nga sila ng ex-PBB housemate, pero tila matutuldukan agad ang kanilang namumuong relasyon.

 

 

SA IG Stories naman ni Diego may ipinost ito na excerpt mula sa isang libro kung saan nakalagay sa mensahe ang, “What must you do when someone is not ready to be with you? You walk away. Love yourself enough to walk away from anyone who does not know your worth.”

 

 

Kaya super react naman ang netizens nakatutok talaga kina Diego at Franki, na karamihan ay ‘di nagtaka at inasahan na raw nila ito:

 

 

“Isang linggong pagibig…”

 

“Ganun kabilis? Chos!”

 

“Its more like “isang linggong landian”

 

“Awwww… So sad…. Not.”

 

“Pagkatapos nilang magpa tattoo. Hiwalayan din ang bagsak. Lol”

 

“Aasahan mo kay Diego eh kakabreak lang kay Barbie. Lol”

 

“E ganyan nalang naman talaga mga modern-day dating. Especially with these kinds of showbiz peepz. Pa-enjoy-enjoy lang daw, no intentions for long-term companionship.”

 

“This guy needs to take a break. Sana magnilay-nilay ka muna ano ba dapat ang priorities mo.”

 

“Mabilis pa sa alas kwatro ah.”

 

“#alamnathis.”

 

“Wow! That was quick!”

 

“Cristine Reyes x Derek Ramsey v2.0.”

 

Pagbibiro pa ng isang marites, “frankie and diego was like “tara let’s unfollow each other just like rabiya and jeric and other couples para maipost tayo sa fashion pulis and people would talk about us! hihihi!”

 

Wala pang reaksyon sina Diego at Franki sa mga komento ng netizens at kung  kung ano talaga ang nangyari kung bakit sila nag-unfollow sa isa’t-isa.

 

Samantala, may unang pasilip naman si Direk Darrl Yap sa latest movie niya sa Viva Films ang Maid in Malacanang na kung saan makikita sina Cristine Reyes bilang Imee, Ella Cruz bilang Irene at Diego bilang Bongbong.

 

Iba’t-iba ang naging reaction ng netizens, na karamihan ay hindi sangayon at nanglalait kung bakit ang tatlo ang napiling gumanap bilang magkakapatid na Marcos.

(ROHN ROMULO)

Natuwa nang malamang nagkabati na sila ni Lotlot: CHRISTOPHER, pinag-iingat si NORA matapos ma-ICU dahil sa pulmonary disease

Posted on: June 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MASAYA si Kapuso actress Kylie Padilla na laging nagti-trending at nakakakuha ng mataas na rating gabi-gabi ang sports serye niyang Bolera after First Lady sa GMA Primetime, with Rayver Cruz and Jak Roberto.

 

 

Pero hindi lamang ang successful serye ang nagpapasaya kay Kylie. Nakakatuwa ang pagsi-share niya ng Instagram Stories post niya na they are working together as co-parents ng ex-husband niyang si Aljur Abrenica, kahit separated na sila, para sa mga anak nilang sina Alas at Axl.

 

 

Sa kanyang post, pare-pareho ng mga suot ang mag-aama at nag-wish sila ng “belated happy Father’s Day” kay Aljur.

 

 

Natuwa din ang mga fans nila nang i-share ni Kylie na, she was not only friends with her ex, but that she was now also dating, that she is happy to see things are moving along just fine after their break-up.

 

 

Privy pa lamang si Kylie kung sino ang guy na dini-date niya.

 

 

***

 

 

MATAGAL-TAGAL na ring hindi gumagawa ng teleserye sa GMA-7 ang dramatic actor na si Christopher de Leon, pero ngayon ay natapos na rin nila, after matagal na natigil dahil sa pandemic, ang Lolong ni Ruru Madrid with Shaira Diaz and Arra San Agustin.

 

 

Masaya si Boyet dahil muli silang nagkatrabaho ng anak na si Ian de Leon. Happy rin siya na nalamang nagkasundo na ang anak na si Lotlot de Leon at Nora Aunor. Matagal-tagal din kasing hindi nagbatian ang mag-ina at alam ni Boyet na may kani-kanila silang dahilan.

 

 

Natuwa rin si Boyet nang finally ay natanggap na rin ni Nora ang karangalan bilang National Artist on Films, na matagal na raw dapat natanggap nito. Nagpaalaala rin si Boyet kay Nora na ingatan nito ang sarili dahil nalaman nga niyang may pulmonary disease ito kaya na-confine sa ICU. Sana raw ay iwasan na nito ang paninigarilyo.

 

 

***

 

 

NAG-RELEASE na ang GMA Network ng mga coming programs nila ngayong papalapit na ang celebration nila ng 72nd year anniversary.

 

 

Isa rito ang pag-join forces ng GMA with Wattpad para sa TV adaptation ng hit webnovels nila via Luv Is. Sa pamamagitan nito, isa-isa nang ipakikilala ang mga bumubuo ng Sparkadas ng Sparkle GMA Artist Center.

 

 

Pangungunahan ng Team Jolly nina Sofia Pablo at Allen Ansay ang Luv Is: Caught in His Arms, na makakasama nila sina Vince Maristela, Raheel Bhyria, Michael Sager, Sean Lucas, Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Kirsten Gonzales at Tanya Ramos.

 

 

Ang intriguing adaptation ay nagsimula na ng lock-in taping outside Metro Manila, at mapapanood simula sa October 3, Mondays to Fridays, on GMA-7.

 

 

Kasama rin sa mga bagong shows ang newest talent show na Battle of the Judges at magbabalik muli ang The Clash sa kanilang fifth season.

 

 

***

 

 

SIMULA na bukas, June 25, ang family sitcom na Tols na pangungunahan nina Kelvin Miranda, Shaun Salvador, Abdul Raman as triplets, at mother nila ang comedienne actress na si Rufa Mae Quinto.

 

 

Kasama rin si Betong Sumaya at Sparkadas ng Sparkle GMA Artist Center. Sa direksyon ni Monti Parungao, mapapanood ang Tols at 7:05 PM sa GTV.

 

 

(NORA V. CALDERON)

Libreng sakay program ng PUVs at MRT-3, magtatapos sa Hunyo 30

Posted on: June 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAGKASABAY na magtatapos ang ‘Libreng Sakay program’ ng mga public utility vehicles (PUVs) at ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa Hunyo 30, 2022, na siya ring huling araw sa puwesto ng administrasyong Duterte.

 

 

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), nagdesisyon silang tapusin na ang kontrata ng mga natitira pang service jeepneys na bumibiyahe sa 28 ruta sa Metro Manila dahil sa kakapusan na ng pondo.

 

 

Nabatid na ang LTFRB ay binigyan ng P7-bilyong pondo para sa programa mula sa national budget ngunit umaabot sa P14 milyon kada araw ang kanilang gastusin upang mabayaran ang mga kinontrata nilang mga PUVs na siyang libreng nagsasakay sa mga pasahero araw-araw.

 

 

Nasa kabuuang 118 ruta naman na nagbibigay rin ng libreng sakay ang una nang natapos noong Hunyo 16, 2022.

 

 

Sinabi ni LTFRB ­Executive Director Kristina Cassion na bagama’t nais pa nilang ipagpatuloy ang programa na aabot pa sana hanggang sa Dis­yembre ay hindi na aniya nila ito kakayanin dahil sa kakapusan ng pondo.

 

 

Maging ang pamunuan ng MRT-3 ay nagpasabi na rin na ang kanilang libreng sakay ay hanggang Hunyo 30 na lamang.

 

 

Ayon kay MRT-3 ge­neral manager Michael Capati, ang susunod na administrasyon na ang magdedesisyon kung palalawigin pa ang natu­rang programa.

 

 

Samantala, ang mga bus naman na bumibiyahe sa EDSA Carousel ay magkakaloob pa rin ng libreng sakay hanggang sa Hulyo 30, 2022.  (Daris Jose)

Matindi ang mga fight scenes nila ni Paul, kaya nagkasakitan: RURU, pinangarap na maging action star kaya handa sa pwedeng mangyari

Posted on: June 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WALA raw contest na namamagitan kina Ruru Madrid at Paul Salas sa pagandahan ng katawan sa social media.

 

 

Ayon sa dalawang stars ng Lolong, paraan lang daw nila para mag-relax ang mag-post ng videos nila sa Instagram at Tiktok. Iba raw kasi ang feeling kapag nasa lock-in taping kaya gusto rin daw nilang maka-reach out sa maraming netizens at ikinatutuwa nila ang mga comments sa kanila. Paraan din daw iyon na ma-inform nila ang kanilang followers na okey sila at maayos silang nagtatrabaho sa set.

 

 

Naikuwento rin ng dalawa na matindi ang mga naging fight scenes nila sa Lolong. Magaling daw ang fight instructor nila at kailangan ay kalkulado ang suntok at sipa nila para walang masaktan sa kanila.

 

 

Kuwento ni Paul: “Pero hindi rin po maiiwasan na may masaktan sa amin. Tulad ko, ilang beses na napuruhan si Ruru sa akin. Mabuti na lang po, mabait si Ruru, siguro kung ibang artista yan, lagot na ako pagkatapos ng eksena.

 

 

“Pero bilib ako sa dedication ni Ruru. Kahit na alam kong may masakit na sa katawan niya, tinutuloy pa rin niya ang eksena namin. Ganyan siya kagaling na aktor dahil hindi siya titigil hanggang hindi tapos ang eksena.”

 

 

Sey naman ni Ruru: “Bata pa lang, pinangarap ko nang maging action star. Alam kong kasama ang masasaktan ka, masusugatan ka, hinanda ko na ang sarili ko sa puwedeng mangyari.

 

 

“Yung fight scene namin ni Paul, talagang may nasasaktan sa amin, pero alam namin na walang personalan doon. Gusto rin naming lumabas na realistic ang lahat kaya okey lang sa amin. Sa bandang huli naman, alam namin na nagawa namin ng tama ang eksena.”

 

 

***

 

 

PANAY ang workout ngayon ni Mikael Daez bilang paghahanda niya sa pag-shoot nila ng Running Man Philippine sa South Korea kunsaan makakasama niya sina Glaiza de Castro, Kokoy de Santos, Lexi Gonzales, Angel Guardian, Buboy Villar at Ruru Madrid.

 

 

Para ma-inspire si Mikael sa kanyang workout, lagi niyang kasama ang kanyang wife na si Miss World 2013 Megan Young.

 

 

Inamin ni actor-TV host na marami na siyang naisakripisyo na pagkain para lang maging well-toned ang kanyang katawan para ma-endure niya ang mga challenges sa Running Man Philippines.

 

 

Yun nga lang daw, habang nagkakaedad mas nagiging mahirap na raw ang mag-exercise at madali na silang mapagod na mag-asawa. Pareho na raw kasi silang nasa kanilang 30’s at nasanay raw ang katawan nila sa pagkain ng junk food at matulog ng mahaba.

 

 

“Just a tiny glimpse into our daily workouts for the past few weeks. We’ve made it a point to really start increasing the intensity of our workouts lately and doubling down on eating healthy. This meant no more unhealthy snacking, heavier lifts, and more cardio.

 

 

“BUT, what we did not expect is our old and weary bodies to hurt so much after. Our dirty thirties have become puro siesta at trenta. We are adjusting though. It’ll just take us a bit longer to get to our goals I guess,” caption ni Mikael sa IG video.

 

 

Kelan lang ay umalis si Megan patungo sa ibang bansa. Sa pagbalik daw nito, si Mikael naman daw ang aalis for South Korea. Kaya maghihiwalay daw muna sila sa susunod na dalawang buwan. Sa buwan ng August na raw sila magkikita ulit.

 

 

***

 

 

PAGKARAAN ng anim na taon, naglabas na ulit ng bagong single si Beyonce na ang titulo ay “Break My Soul”.

 

 

Maraming fans ang naghintay sa muling pag-reyna ni Beyonce sa charts at natuwa silang nagbabalik na ulit ito sa pagkanta.

 

 

Inawit ni Queen Bey ang ilang bahagi ng kanyang song na tungkol sa self-love at pagbibigay halaga sa pamilya: “Now, I just fell in love, and I just quit my job, I’m gonna find new drive, damn, they work me so damn hard, Work by nine, then off past five, And they work my nerves, that’s why I cannot sleep at night. Motivation, I’m looking for a new foundation, yeah, And I’m on that new vibration, I’m buildin’ my own foundation, yeah, Hold up, oh, baby-baby.”

 

 

Kasunod ng single ay ang pag-release ng bagong album. Huling album ng hitmaker ay ang Lemonade na lumabas noong 2016 pa. Ang title ng bagong album niya ay Act 1, Renaissance.

 

 

Matagal na nagpahinga si Queen Bey dahil gusto niyang mag-focus sa kanyang lumalaking pamilya. Ang panganay nila ni Jay-Z na si Blue Ivy Carter ay 9-years-old na at ang twins nilang sina Rumi at Sir ay 4-years-old na.

(RUEL J. MENDOZA)

P1,000 taas sa buwanang sahod para sa mga kasambahay sa NCR, aprubado na – DOLE

Posted on: June 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-National Capital Region (RTWPB-NCR) ang P1,000 taas sa buwanang sahod ng mga kasambahay ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

 

 

Ayon kay DOLE spokesperson Rolly Francia, magiging P6,000 na ang buwanang sahod ng mga kasambahay sa National Capital Region.

 

 

Nasa 200,000 kasambahay ang inaasahang mabebenipisyuhan sa wage hike sa rehiyon kung saan nasa 60% dito ay mga live-in kasambahays.

 

 

Umaasa naman ang DOLE official na maaprubahan ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang naturang bagong wage board order.

 

 

Samantala, tanging ang Calabarzon at Soccssargen na lamang ang hindi pa naaprubahan ang wage increase para sa mga kasambahay subalit inaasahang makakapagsumite ng rekomendasyon ang mga regional wage boards ng resulta ng kanilang deliberasyon bago matapos ang buwan ng Hunyo.