• March 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 21st, 2022

President-elect Marcos, tiwalang magiging mahusay na vice president si Sara Duterte-Carpio

Posted on: June 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TIWALA si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magiging mahusay ang ibibigay na serbisyo ni Vice President Sara Duterte-Carpio sa mga Pinoy.

 

 

Ito ang naging reaction ng papasok na pangulo ng bansa kasabay ng inagurasyon ni Duterte-Carpio sa Davao City noong Linggo.

 

 

Ayon kay Marcos, proud daw ito sa kanyang running mate noong May 9 elections at alam niyang magiging mahusay itong pangalawang pinakamataas na lider ng bansa.

 

 

Si Marcos ay present sa inauguration ceremony sa Davao City kasama ang kanyang asawang si Attorney Liza Araneta-Marcos, anak na si incoming Congressman Sandro Marcos at incoming Executive Secretary Attorney Vic Rodriguez.

 

 

Kung maaalala, nanalo sa pamamagitan ng landslide ang mag-tandem sa katatapos na halalan.

 

 

Kasunod nito ay agad pinili ni Marcos si Duterte-Carpio na pamunuan ang Department of Education (DepEd) sa ilalim ng kanyang administrasyon. (Daris Jose)

Zia, nagpamalas na naman sa nakaka-touch na pagkanta: DINGDONG, ibinahagi ang lumang upuan ng ama na naging first crib niya

Posted on: June 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA pagse-celebrate ng Father’s Day noong Linggo, June 19, nag-post ng mapusong mensahe si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes para sa kanyang tatay na si Jose Sixto Dantes, Jr.

 

 

Ibinahagi nga ng award-winning actor at host ng top-rating shows na Amazing Earth at Family Feud sa kanyang Instagram account ang larawan ng kanyang Daddy Jigg, habang nakaupo at nagyoyosi sa metal-framed lounge chair. Three generations na pala na naturang upuan na nagmula pa noong 1940 at naging first instant crib pa ni Dingdong.

 

 

Sa simula ng caption ng IG post niya, “The Jigg Master sits on a 1940’s chair that was commissioned to my late grandfather BGeneral Sixto Dantes (WW2 officer).

 

 

“Later on, the chair was passed on to Daddy Jigg, and even became my first infant crib when I was born at Camp Crame in August 1980.”

 

 

Dagdag pa ni Dong, “Some things never get old. The success of their evolution lies in the caretakers, who really appreciate their value and significance to make them count in history.

 

 

“I am always grateful to have been under the command of this fine gentleman.

“Happy Father’s Day, sa mga erpats diyan.”

 

 

 

May kasama rin itong short video na kung saan ipinapaliwanag ni Daddy Jigg kung paano naging first crib ni Dingdong ang naturang upuan na 80 years old na, pero napapakinabangan pa.

 

 

 

Samantala, ilang araw bago ang Father’s Day may pinost si Dingdong na video shoot nila ni Zia Dantes para sa ini-endorse na Contis Bakeshop, na gawa ng production team nila na Agosto Dos Media, na kung saan may ‘Project D’ si Zia sa para sa ama to celebrate Father’s Day.

 

 

 

Nakaka-touch ang rendition ni Zia ng “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko” (na pinasikat ni Megastar Sharon Cuneta noong siya’y bata pa at nagsisimula pa lang makilala bilang mang-aawit) na bagay na bagay nga sa kanilang mag-ama.

 

 

 

Kaya nag-post ng pasasalamat si Daddy Dong kay Zia, “Thank you for making me the happiest Dad, Z. I’ll always be by your side… and I will always look forward to our sweet songs and kulit kwentuhan over our favorite cake, kahit pa malaki ka na… at kahit maputi na ang buhok ko.”

 

 

 

Infairness, ang sarap balik-balikan ng higit 4-minute video nina Dingdong at Zia, at kung mababaw ang luha mo, for sure mapapaiyak ka, dahil may kurot sa puso at tiyak marami ang naka-relate.

 

(ROHN ROMULO)

120K health workers ‘di pa rin nakakatanggap ng COVID-19 allowance

Posted on: June 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HIGIT  sa 120,000 mga healthcare workers at iba pang hospital workers sa bansa ang hindi pa nakatatanggap ng kanilang One COVID-19 Allowance (OCA).

 

 

Kinumpirma ni DOH Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega, 400,000 sa 526,727 HCWs pa lamang ang nabibigyan ng kanilang OCA mula sa nasyunal na pamahalaan.

 

 

Ito ay makaraang ihayag ni Private Hospitals Association Philippines (PHAPI) president Dr. Jose de Grano na karamihan sa mga pribadong ospital ay hindi pa natatanggap ang kanilang OCA sa kabila ng pagsasabi ng DOH at ng Department of Budget and Management na nailabas na ito.

 

 

Dahil dito, nakikipag-ugnayan na ang DOH sa PHAPI para makapagbigay ng listahan ng mga ospital na hindi pa nabibigyan ng OCA ang kanilang mga HCWs.

 

 

Naglaan ang DBM ng P7.92 billion budget para sa OCA sa mga HCWs ng mga pampubliko at pribadong ospital sa bansa.

 

 

Nasa P4.5 bilyon nito ay para sa 100,013 plantilla workers ng DOH sa mga pampublikong ospital, opisina at rehabilitation centers kasama na rin ang mga nasa military at state public hospitals.  Ang natitirang P3.42 bilyon naman ay para sa 426,414 HCWs sa mga lokal na pamahalaan at pribadong health facilities.

 

 

Ang mga HCWs na nasa ‘high risk’ ay bibigyan ng P9,000 habang P6,000 sa mga nasa medium risk at P3,000 sa mga nasa ‘low risk’. (Daris Jose)

Seguridad sa inagurasyon ni Pres-elect Marcos, ‘all systems go’ na – PNP

Posted on: June 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ALL systems go na raw ang seguridad na inilatag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

 

Sa isang statement, sinabi ni NCRPO chief Maj. Gen. Felipe Natividad na ang final security preparation at naisapinal na para siguruhin ang matagumpay at zero casualty maging ng ano mang untoward incident sa Hunyo 30.

 

 

Aniya, wala naman daw silang namo-monitor hanggang sa ngayon na mga banta pero patuloy na rin daw ang kanilang monitoring at koordinasyon sa kanilang mga counterparts.

 

 

Dagdag ng heneral, ilan sa mga kalsada ay isasara na mayroong 1-kilometer radius at idedeklara naman sa National Museum na no-fly zone para sa mga eroplano maging ng mga drones.

 

 

Magsasagawa rin ang PNP ng inspection sa ilang ports at waterways na malapit na mga establishment sa lugar.

 

 

Mahigpit ding ipatutupad ang gun ban simula alas-6:00 ng umaga ng Hunyo 27 at magtatapos ito dakong alas-6:00 ng gabi sa Hulyo 1.

 

 

Ang mga police at military at ilang law enforcers daw na mayroong official duties na nakauniporme ang otorisadong magdala ng baril.

 

 

Inabisuhan naman ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta dahil asahan na raw ang mabigat na daloy ng trapiko partikular sa mga kalsadang patungo sa National Museum.

 

 

Hindi rin papayagan ang mga backpacks sa lahat ng VIP areas para siguruhin ang kaligtasan ng bawat isa. (Daris Jose)

PANGANIB NG DENGUE FEVER

Posted on: June 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALA ang Philippine Red Cross (PRC) sa publiko sa mga panganib ng dengue fever ngayong tag-ulan at pinayuhan ang mga Pilipino na mag-ingat, gayundin na makipagtulungan sa mga interbensyon sa kalusugan upang maiwasan ang mga hotspot.

 

 

Paalala ng  PRC sa publiko na sundin ang “4S” protocol laban sa dengue: search and destroy, self-protection measures, humingi ng maagang konsultasyon at magsabi ng ‘yes’ sa fogging operations.

 

 

“(For) search and destroy: cover water drums and pails; replace water in flower vases once a week; clean gutters of leaves and debris; collect and dispose of all unusable tin cans, jars, bottles and other items that can collect and hold water,” ayon sa PRC.

 

 

Ipinaalala rin ng PRC ang mga self-protective measures tulad ng pagsusuot ng long pants at long-sleeved shirts gayundin ang araw-araw na paggamit ng mosquito repellents.

 

 

Hinimok din ng PRC ang mga Pilipino na payagan ang fogging sa mga lugar kung saan may paparating na outbreak o hotspot para sa dengue.

 

 

Binigyang-diin nito ang kahalagahan ng paghingi ng maagang konsultasyon sa mga doktor kapag nagpapatuloy ang lagnat pagkatapos ng dalawang araw at nagsimulang lumitaw ang mga pantal.

 

 

“If medicine for fever will be given, do not give aspirin. Ensure a person suspected of having dengue is well hydrated. If fever or symptoms persist for two or more days, bring the patient to the nearest hospital,” sabi pa ng PRC .

 

 

Ayon sa Department of Health, ang dengue ang pinakamabilis na kumakalat na vector-borne disease sa mundo na endemic sa 100 bansa – kabilang ang Pilipinas.

 

 

Ang panganib ng transmission ay pinakamataas sa panahon at pagkatapos ng tag-ulan, na karaniwang nangyayari mula Mayo hanggang Nobyembre, dagdag nito.

 

 

Ipinaliwanag ng PRC Health Services na ang dengue fever ay isang nakakahawang sakit na dala ng lamok na nagdudulot ng matinding sakit na parang trangkaso.

 

 

Ang mga sintomas ay biglaang pagsisimula ng mataas na lagnat, na maaaring tumagal mula dalawa hanggang pitong araw; sakit ng kasu-kasuan at kalamnan at pananakit sa likod ng mga mata; kahinaan; mga pantal sa balat; pagdurugo ng ilong kapag nagsimulang humupa ang lagnat; sakit sa tiyan; pagsusuka ng kulay-kape na bagay; madilim na kulay ng dumi, at hirap sa paghinga.

 

 

Ang National Dengue Awareness Month ay ginugunita tuwing Hunyo sa bisa ng Proclamation 1204 na inilabas noong Abril 21, 1998 ni dating pangulong Fidel Ramos. (GENE ADSUARA)

Pagpapatupad ng PhilHealth premium hike, apektado ang sahod ng mga guro

Posted on: June 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IPINANAWAGAN ni Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro ang apela ng mga guro na suspindihin ang PhilHealth premium hike na lubos na nakaapekto sa sahod ng mga teachers.

 

 

“We strongly urge the suspension of the PhilHealth premium hike amid the soaring prices of basic goods, commodities and services. The hike has already caused the failure of payment of teachers’ loans with their measly salaries barely sufficient for their daily needs following the implementation of the premium hike last June 15,” ani Castro.

 

 

Matatandaang inihain ng mambabatas kasama ang Makabayan bloc ang House Joint Resolution 34 noong Enero 2021 para sa agarang suspensiyon sa pagtaas ng premium sa PhilHealth kasabay na rin ng COVID-19 pandemic.

 

 

Nanatili itong naka-pending sa Committee on Health ngayong Kongreso pero umaasa ang mambabatas na agad na ipapasa ng papasok na 19th Congress ang panukala para sa agarang suspension ng PhilHealth premium rate hike.

 

 

Sinabi pa ni Castro na maraming mga guro ang nasa P5,000 na lang ang net take home pay. Ikakaltas pa ang dagdag na premium sa Philhealth na makakaapekto sa kanilng loan monthly payments.

 

 

Bukod aniya sa dagdag na bayarin para sa naghihirap na mga kababayan, nagdudulot pa ito ng mas malaking problema na may domino effect sa mga bayarin ng mga guro.

 

 

Mababaon na naman sa lumolobong utang ang mga guro na siyang nagtataguyod ng edukasyon sa bansa sa limitado umanong tulong at suporta mula sa gobyerno.

 

 

“Hindi rin naman nasasagot sa pangangailangan ng medical ng mga guro at pamilya ang mga benepisyo ng PhilHealth at kahit ang annual at medical check-up ng mga teachers na sa PhilHealth budget nilalagay ay hindi buong napapakinabangan kung hindi pahirapan pa ang pag-avail,” Castro stated.

 

 

“Government must prioritize wage hikes for our workers instead of imposing increases in contributions, especially in agencies with massive corruption issues. We urge Congress to urgently hear House Joint Resolution 34 filed by the Makabayan bloc, seeking to defer the looming PhilHealth premium hike amid massive price hikes and glaring unresolved issues in the PhilHealth,” pagtatapos ni Castro. (Ara Romero)

Warriors naghahanda sa kanilang victory parade

Posted on: June 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAHANDA na ang mga fans ng Golden State Warriors sa gagawin nilang victory parade matapos makuha ang kampeonato sa NBA ng talunin nila ang Boston Celtics.

 

 

Magiging maiksi lamang ang parada na aabot sa mahigit isang kilometro pero magiging magarbo ang isasagawang programa matapos na makuha ang ikaapat na kampeonato sa kasaysayan ng koponan sa loob ng walong taon.

 

 

Tiniyak ng San Francisco Police Department ang paglalagay nila ng mahigpit na seguridad sa kapaligiran ng Chase center ang lugar kung saan gaganapin ang ilang programa matapos ang parada.

 

 

Gaganapin ang parada 11:20 ng umaga ng June 20 oras sa San Francisco.

Economic team, nakakita ng pag-asa sa gitna ng multiple challenges

Posted on: June 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAHAHARAP ang  incoming administration  sa “multiple challenges” kapag nagsimula nang gampanan nito ang tungkulin  sa Hunyo 30.

 

 

Subalit, ang malakas na fundamentals at malinaw na  macroeconomic prospects ang nakapagbigay ng lugar para sa pag-asa,” ayon sa briefer na natipon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. mula sa itinalaga nitong economic team.

 

 

“We have all heard encouraging statements from the incoming economic managers led by outgoing Bangko Sentral governor and incoming finance chief, Benjamin Diokno, that our new administration will be taking off from sound economic fundamentals,” ayon kay Marcos.

 

 

“It will not be an easy road ahead, but we are not without the necessary wherewithal and elbow room to manage the challenges,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Kabilang sa mga hamon na haharapin ng gobyernong Marcos ay ang Covid-19 exit strategy, pagsirit ng presyo ng langis, bumibilis na inflation rate, epekto ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine, at ang nagbabadyang worldwide food crisis.

 

 

Habang pinigil ng  Covid-19  ang momentum ng Pilipinas mula sa pre-pandemic annual growth ng 6%, “now we have bounced back and returned to our robust growth path,” ayon kay Diokno sa kanyang naging talumpati, noong Hunyo 13.

 

 

“The International Monetary Fund shares the view about the Philippines’ favorable economic prospects vis-à-vis its peers. In its latest World Economic Outlook report, the IMF projects the Philippines to post the fastest growth in the region this year at 6.5 percent,” anito.

 

 

Paliwanag ni Diokno, ang ekonomiya ng Pilipinas ay “outperforming neighbors,” yumabong ng 8.3% sa first quarter ng 2022, nalampasan ang  mga bansang Malaysia, Indonesia, Vietnam, Singapore, at Thailand.

 

 

Sinabi pa nito na ang broad-based expansion sa first quarter ng 2022, kung saan ang  agriculture, forestry, at fishing ay lumago ng  0.2 %; industry ng 10.4%; at services ng 8.6%.

 

 

Nananatiling pasuray-suray mula sa epekto ng pandemya, “the manufacturing sector is also performing aggressively with the S&P Global Philippines Manufacturing Purchasing Managers’ Index reaching 54.1 percent in May this year — the highest in over four years,” ayon kay Diokno.

 

 

“Consumer and business confidence are on an upswing: consumer sentiment is seen to hit 30.4 percent for the next 12 months, while business confidence index is expected to hit 69.8 percent for the same period after rising to 59.7 percent in the second quarter of 2022,” aniya pa rin.

 

 

Sa kabilang dako, ang foreign direct investments ng Pilipinas ay tumataas,  na may net inflow na tumalon sa 8% sa USD1.71 billion noong Enero at Pebrero 2022, matapos tamaan ang record high na USD10.5 billion noong  2021.

 

 

“Gross international reserves (GIR) as of end-April 2022 stood at USD106.8 billion, equivalent to 9.4 months’ worth of imports — three times more than the minimum standard of three months which the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) has to maintain,” ayon sa ulat.

 

 

“A country’s GIR is deemed “adequate” when it is able to finance at least three months’ worth of the most immediate obligations: imports of goods and debt service,” ayon pa rin sa ulat.

 

 

Sinabi naman ni Diokno na  “Household consumption increased by 10.1 percent, while government consumption grew by 3.6 percent; exports and imports also improved with 10.3 percent and 15.6 percent expansion, respectively.”

 

 

Ang trabaho ay “significantly improved,” na mayroong 1.5 million jobs  na nalikha mula Pebrero hanggang Marso ngayong taon, mula sa ” unprecedented 17.6 percent unemployment rate” sa kasagsagan ng lockdowns noong  Abril 2020.

 

 

At habang kailangan ang malaking paggasta bilang bahagi ng pagtugon ng gobyerno sa pandemiya, na nagresulta ng mataas na  debt-to-GDP ratio, kumpiyansang sinabi ni Diokno na ang utang ng bansa ay 60.4% sa  2024, dalawang taon ng Marcos administration.

 

 

Sinabi pa ni Diokno na  “It is worth emphasizing that our current level of debt-to-GDP ratio is well below the figure for other economies, some of which have debts over 100 percent or even 200 percent of their GDP.”

 

 

Samantala, nananatiling pumapalo sa 63.5% sa GDP ang utang ng bansa sa pagtatapos ng  first quarter 2022.

 

 

“As for provisional advances amounting to USD10.3 billion the BSP extended to the national government at the height of the health crisis in 2020-2021, ” ani Diokno sabay sabing ang mga ito ay magiging fully paid bago ang maturity schedule sa Hunyo 11, 2022. (Daris Jose)