HINIKAYAT ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) ang Commission on Human Rights (CHR) na imbestigahan ang presensiya ng apat na menor de edad na kasama sa inaresto sa Tarlac noong Hunyo 9.
Sa press conference, hinikayat ni Western Visayas RTF-ELCAC prosecutor Flosemer Chris Gonzales ang CHR na alamin kung sino ang nagdala sa mga menor de edad sa Concepcion.
“Dapat maimbestigahan kung anong ginagawa nila doon. At ‘yung dapat managot niyan, CHR, is ‘yung talagang nag imbita sa kanila doon na halata namang pang gugulo ‘yung puno’t dulo nitong ginawa n’yong pagkilos,” anito.
Sa kabilang dako, sinabi naman ni PRO3 Regional Director Police Brigadier Matthew Baccay na 91 katao ang inisyal na inaresto.
Gayunman, pinakawalan din ang ilang dayuhan at apat na menor de edad.
“So do not only focus on, you know, the allegations against our police. But we should also look into the best interests nung mga bata… Alam ba nung mga magulang na hinila niyo ‘yung mga anak nila doon?” ayon kay Gonzales.
Sinabi pa ni Gonzales na dapat lang na tingnan at alamin ng CHR ang sinasabing grupo na nag-organisa ng assembly.
“Dahil ‘yung naapektuhan nito ‘yung mga farmers, ‘yung mga miyembro ng Tinang Multipurpose Cooperative,” anito.
“Sila rin po ay mga marginalized at sila rin ay nawalan ng mga pananim na tubo dahil sa ginawa nitong mga nahuli ng ating kapulisan… mga biktima din po sila,” dagdag na pahayag ni Gonzales.
Sa kabilang dako, sinabi naman ni NTF-ELCAC spokesperson Lorraine Badoy, nahaharap sa multiple raps dahil sa pagdawit sa ilang grupo at personalidad sa armed communist movement, na ang mga miyembro ng Karapatan ang nasa likod ng insidente.
“The CHR, if they’re very serious and sincere about getting to the bottom of this should investigate that, they should investigate our allegation that behind this is Pia Montalban of Karapatan that is a front of the CPP-NPA-NDF and who brought these children there,” ayon kay Badoy.
Samantala, pinabulaanan naman ni Baccay ang alegasyon ng ‘physical and mental abuse’ at inhumane conditions sa detention facility.
Sinabi ng CHR iniimbestigahan nila ang kaso at nagsisimula nang mangalap ng impormasyon mula sa mga inarestong indibiduwal, magsasaka na naghain ng reklamo at Philippine National Police Office personnel.
Sinabi ni Baccay na pumalag ang mga magsasaka na maaresto at ang mga ito pa aniya ang nanakit sa mga pulis. (Daris Jose)
OSCAR-WINNER Tom Hanks stars as Elvis Presley’s enigmatic manager, Colonel Tom Parker in Warner Bros.’ “Elvis,” an epic, big-screen spectacle from visionary, Oscar-nominated filmmaker Baz Luhrmann that explores the life and music of Elvis Presley (Austin Butler).
TINATAYANG papalo na sa 400 hanggang 500 cases kada araw ang nakikitang projection ng Octa Research na maitatalang kaso ng COVID 19 pagdating ng June 30.
LABAS-masok man sa krusyal na bahagi ng fourth quarter sa panalo ng Golden State Warriors sa Boston Celtics sa Game Four ng NBA Finals noong Sabado ay isa pa rin si Draymond Green sa mga aasahan ni coach Steve Kerr sa Game Five ngayon (Manila time).
INAMIN ni Oil Industry Management Bureau (OIMB) Dir. Rino Abad na nananatili ang posibilidad na pumalo sa P100 kada litro ang presyo ng langis.
PATAY ang isang lalaki na suspek sa isang panghoholdap matapos na nanlaban sa awtoridad sa Malate, Maynila Lunes ng gabi.
KALAT na kalat na ang balitang paglipat ni Asia’s Popstar Royalty Sarah Geronimo sa GMA-7, na halos dalawang dekada nang Kapamilya, kasabay din nito ang The Voice Kids na nakuha na raw ang rights ng Kapuso Network.
IGAGAWAD kay Season 46 Rookie of the Year Mikey Williams ng TNT Tropang Giga ang tatlong tropeo sa 2022 PBA Press Corps Awards Night sa Hunyo 21 sa Novotel Manila Araneta Center.
PASABOG at ito ang naging trending news simula nang mag-out ang bunsong anak na babae ni Megastar Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan na si Miel Pangilinan.
PAG-UUSAPAN ng League of Provinces of the Philippines kung gagawing opsyonal ang pagsusuot ng face mask laban sa COVID-19 kapag nasa labas.