MAGHAHAIN ng petisyon ang Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP) para sa pagtataas ng pamasahe ngayon linggo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ayon kay PBOAP executive director Alex Yague na ang mga operators ay hindi na nakakayanan ang mga tumataas ng presyo ng produktong petrolyo na kanilang ginagamit sa kanilang operasyon.
“Operators could no longer cope with the rising cost of fuel. Hopefully by Tuesday or Wednesday we will file our petition,” wika ni Yague.
Ang PBOAP ay nagplaplanong humingi ng P2.50 kada kilometro mula sa dating P2.20 o P.30 centavos kada kilometro. Ibig sabihin, ang isang pasahero na sasakay ng bus ay kinakailangan magbayad ng karagdagang P30 para sa 100 na kilometro na trip.
Sinabi rin ni Yague na hindi na sila makapaghihintay sa bagong administrasyon na umaksyon sa kanilang petisyon kung kaya’t kahit malapit ng matapos ang termino ni LTFRB chairman Delgra sa ilalim ng pamumuno ni President Duterte ay itutuloy pa rin nila ang kanilang hinihiling na pagtataas ng pamasahe.
“I am seeing this as a perfect storm. All indirect costs went up so we need to have fare adjustment and aside from dealing with the increases in the fuel we are also facing increases in the minimum wage of our workers including road tolls,” dagdag ni Yague.
Kamakailang lamang ay inaprobahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon ng mga transport groups na magkaron ng P10 provisional minimum fare sa mga public utility jeepney (PUJs).
Ang minimum na P10 fare ay ipapatupad sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon at Mimaropa. Samantalang, ang ibang rehiyon sa bansa ay mananatiling P9 pa rin.
Noong nakaraang March, ang grupo ng Pasang Masda, 1-UTAK, Altodap LTOP at ACTO ay naghain ng petisyon sa LTFRB upang humingi ng provisional na pagtataas ng P1. At noong March din ay nagdesisyon ang LTFRB na hindi pinayagan ang kanilang petisyon na itaas ang minimum fare ng P10.
Sa ilalim ng bagong order at desisyon, sinabi ng LTFRB na ang mga PUJ services ay maaari ng mag impose ng P10 minimum fare para sa unang apat (4) na kilometro subalit walang increase ang mangyayari para sa susunod na kilometro.
Samantala, matapos ang P1 provisional increase ng pamasahe ng mga jeepney sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon at Mimaropa, ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay magsasagawa naman ng hearing sa petisyon ng Transport Network Companies (TNC) sa pagtataas ng pamasahe sa mga ride-hailing apps.
Sa darating na June 29 na gagawin ang hearing sa nasabing petisyon ng TNVS ayon kay LTFRB executive director Kristina Cassion. LASACMAR
TATANGKAING tapusin na ng Golden State Warriors ang serye sa Game 6 sa darating na Biyernes, makaraang mamayani kanina laban sa Boston Celtics sa Game 5 sa score na 104-94 para umabanse pa sa serye sa 3-2 sa NBA Finals.
HANDANG makipagtulungan si President-elect Ferdinand Marcos Jr. sa simbahan.
TINITINGNAN ng Commission on Elections (Comelec) na ipagpatuloy ang voters registration sa susunod buwan bilang preparasyon para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Dec. 5, 2022.
SINIMULAN na ng Commission on Human Rights ang pag-imbestiga sa diumano’y arbitrary arrest ng pulisiya sa mahigit 90 magsasaka, aktibista, estudyante at media matapos ang “bungkalan” sa Concepcion, Tarlac — bagay na nauwi raw sa pang-aabuso at ‘di makataong pagtrato.
NILINAW ng Department of Health ang posibilidad na muling ibalik ang Alert level 2 sa mga lugar na nasa pinakamaluwag na Alert level 1.
KUNG magdedesisyon si eight-division world champion Manny Pacquiao na bumalik sa boxing, posibleng mahirapan itong ganapin ang kanyang comeback fight sa Amerika.
HAYAGANG binatikos ng dalawang grupo ng mga guro ang pinakahuling kautusan ng Department of Education hinggil sa remedial classes.
DADALO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa inagurasyon ng kanyang anak na si Vice President-elect Sara Duterte sa Davao City.