• March 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 14th, 2022

PDu30, labis ang pasasalamat sa tulong ng Japan sa economic dev’t ng Pinas

Posted on: June 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAHAYAG ng pasasalamat si Outgoing President Rodrigo Roa Duterte sa Japanese government para sa pagsuporta nito sa economic development ng Pilipinas, partikular na ang pagsisikap na makumpleto ang  kauna-unahang Metro Manila Subway Project (MMSP) sa bansa.

 

 

“May I express my gratitude again to the Japanese government for partnering with the Philippines to make this dream a reality. I am also grateful to have the Japan International Cooperation Agency as an ally in nation-building particularly in initiatives that will benefit our citizens and accelerate our country’s economic development,”  ayon kay Pangulong Duterte  sa kanyang naging talumpati matapos masaksihan ang pagpapababa sa Tunnel Boring Machine (TBM) ng  MMSP sa MMSP Compound sa Barangay Ugong, Valenzuela City.

 

 

Inamin ng Pangulo na labis siyang nagtataka kung bakit sobrang mahal ng Japan ang Pilipinas.

 

 

“I cannot seem to fathom the love of the Japanese people for this republic. There are so many projects going on in the country and being pushed and sponsored by the JICA. That is the overseas assistance nila,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Kapansin-pansin aniya na tinatrato ng  Japanese government ang Pilipinas  bilang bahagi nito (Japan).

 

 

“Japan has continued to help us to the extent that iyong ibang — pati ng  Davao City, the new highway and the bridge and everything, it would seem really that we are a part of the Japanese government. Para bang isang probinsiya tayo . We are the — you know, being treated as almost a part of Japan that should be developed in due time,” aniya pa rin.

 

 

Buwan ng Pebrero nang lagdaan ng Pilipinas at Japan  ang 253.3 billion yen  o P112.1 billion na  loan agreement para sa  Metro Manila Subway Project Phase 1.

 

 

Ito ang  second tranche ng  official development assistance loan na sumunod sa first tranche funding  ng Tokyo na pumalo sa 104.53 billion yen, na tinintahan noong  Marso 2018.

 

 

Ang funding agreement na may bitbit na interest rate na 0.1 percent per annum at repayment period na  40 taon, kasama ang 12-year grace period.

 

 

“Alam mo ‘pag ganoon ang obligasyon mo, it is really gratis na ‘yan . It’s a gift from the Japanese people to the people of the Philippines,” dagdag na pahayag ni Pangulong Duterte. (Daris Jose)

Kiefer gigiya sa Gilas sa tune-up

Posted on: June 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PAMUMUNUAN  ni Kiefer Ra­vena ang Gilas Pilipinas na sasabak laban sa South Korea sa exhibition games na idaraos sa Hunyo 17 at 18 sa Anyang Gymnasium sa Gyeonggi-do, South Ko­rea.

 

 

Kasama si Ravena sa 12-man lineup na inilabas ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para sa friendly matches na mag­sisilbing preparasyon para sa mga international tour­naments na lalahukan ng Gilas Pilipinas.

 

 

Pasok din sa Gilas Pili­pi­nas final 12 sina Dwight Ra­­mos, Carl Tamayo, RJ Abarrientos, SJ Belangel, Geo Chiu, Dave Ildefon­so, naturalized center Angelo Kouame, Lebron Lopez at William Navarro.

 

 

Baguhan sa Gilas quad sian Rhenz Abando at Ke­vin Quiambao.

 

 

Hindi naman napasama sa final lineup sina Ricci Rivero, Thirdy Ravena at Ke­mark Carino.

 

 

Hahawakan ang tropa ni veteran mentor at Gilas assistant Nenad Vucinic.

 

 

Pinaghahandaan ng Gi­las Pilipinas ang pagsabak nito sa third window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers gayundin ang FIBA Asia Cup.

 

 

Sa 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers, makakasagupa ng Gilas Pilipinas ang New Zealand sa Hunyo 30 sa Auckland, New Zealand kasunod ang India sa Hulyo 3 sa Manila.

 

 

Lalarga naman ang FI­BA Asia Cup sa Hulyo 12 hanggang 24 sa Jakar­ta, Indonesia kung saan na­sa Group D ang Pilipinas ka­sama rin ang India, New Zea­land at Lebanon.

45 BI officers sa ‘Pastillas’ pinasisibak ng Ombudsman

Posted on: June 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINASISIBAK  ng Office of the Ombudsman (OMB) sa serbisyo ang 45 officials at empleyado ng Bureau of Immigration (BI) na sangkot sa “Pastillas” extortion scheme.

 

 

Batay sa 143-page decision ng Ombudsman noong March 21, napatunayang nagkasala o  “administratively liable for grave misconduct and conduct prejudicial to the best interest of the service” ang 45 na BI officials at employees.

 

 

Sa kabila nito ibinasura naman ng Ombudsman dahil sa lack of jurisdiction sa kasong administratibo sina dating BI-POD chief Marc Red A. Marinas, Angelica B. Omamppo, Yanni M. Hao, Cathy D. Du, at George Gilbert T. Ong.

 

 

Ibinasura rin ang kasong serious o gross dishonesty at gross neglect of duty laban sa 40 iba pa.

 

 

Tinawag na “Pastillas” dahil mistulang pastillas na candy ang bribe money na binibigay ng mga dayuhan sa mga BI employee na ilegal na pumapasok sa bansa.

 

 

Sinabi naman ni DOJ Assistant Secretary Neal Vincent M. Bainto, ang mga sinibak ang nag-aasikaso at gumagawa ng paraan upang makapasok sa bansa ang mga dayuhan partikular ang mga Chinese nang hindi dumaraan sa immigration. (Daris Jose)

Halos 29-K job seekers, sinamantala ang ‘Independence Day’ job fair

Posted on: June 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT 28,000 na mga naghahanap ng trabaho ang nagtungo sa iba’t ibang lugar kung saan isinagawa ang nationwide “Trabaho, Negosyo, Kabuhayan” job at business fairs bilang bahagi ng Independence Day celebration.

 

 

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), sinamantala ng 28,600 job seekers ang 151,000 local at overseas employment opportunities.

 

 

Sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III sa isang news release at base na rin sa report ng Bureau of Local Employment na sa kabuuang bilang, nasa 2,405 applicants ang agad na-hire habang 9,537 ay ikinokosiderang near-hires.

 

 

Nagpasalamat naman ang labor chief sa pagpupursige ng ating pamahalaan na magkaroon ng trabaho ang ating mga kababayan para sa employment recovery.

 

 

Aabot sa 1,163 employers ang nakibahagi sa event at dala ng mga ito ang 151,325 local at overseas jobs.

 

 

Samantala, nasa 315 na aplikante naman para sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa training, 190 rito ang ini-refer sa Bureau of Workers with Special Concerns for livelihood training/assistance at 267 ang ini-refer sa Department of Trade and Industry (DTI) para sa business inquiries at concerns.

 

 

Maliban naman sa pag-alalay sa employment sa formal sector, iginawad din ng DOLE ang emergency employment at livelihood assistance sa mga vulnerable at marginalized workers.

 

 

Pinangunahan ni Bello ang pamamahagi ng ayuda para sa 1,286 Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program beneficiaries sa Bulacan.

 

 

Bawat isa ay nakatanggap ng P4,200 para sa kanilang 10-day engagement.

 

 

Sa pamamagitan naman ng DOLE Integrated Livelihood Program, nagbigay din si Bello ng bicycle units sa 500 Freebis (Free Bisikleta) beneficiaries at Nego-Karts (Negosyo sa Kariton) sa 563 informal sector workers.

PAGTAAS NG ALERT LEVEL, IDEDEPENDE SA METRICS

Posted on: June 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NILINAW  ng Department of Health (DOH) na ang posibilidad ng pagtaas ng Alert Level ay depende sa metrics ng Alert Level System alinsunod sa  IATF Guidelines.

 

 

Ang pahayag ng DOH ay matapos na magkaroon ng negatibong reaksyon sa social media  kaugnay sa pahayag ni Health Usec Maria Rosario Vergeire sa isang panayam na posibleng i-move ang NCR sa Alert Level 2 upang makontrol ang spike ng kaso ng. COVID-19.

 

 

Ayon pa sa DOH , patuloy na sinusubaybayan ng Kagawaran ang lahat ng sukatan na ito. Hangga’t ang mga admission at kalubhaan ng mga kaso sa mga ospital ay hindi nakakaapekto sa kanilang rate ng paggamit ng pangangalagang pangkalusugan, ang Alert Level 1 ay may bisa pa rin.

 

 

Ngunit, dapat ding  alalahanin na ang patuloy na pagtaas ng mga kaso ay maaaring humantong sa pagtaas ng antas ng Alerto.

 

 

“Together, we can continue to stay at Alert Level 1 by continuing to wear the B-est fitted mask, I-solate when sick, D-ouble up protection through vaccination and boosters, and ensure good Airflow. All individuals who have yet to be vaccinated should do so as soon as possible, and once eligible – get boosted, as immunity wanes over time.” sabi  pa ng DOH. (GENE ADSUARA)

Marcos, nanawagan para sa kalayaan mula sa COVID, ‘cancel culture’

Posted on: June 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANANAWAGAN si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., araw ng Linggo sa mga mamamayang  Filipino na magkapit-bisig para palayain ang bansa mula sa  COVID-19 pandemic at paghahati-hati  sanhi ng “cancel culture.”

 

 

Sa kanyang  Independence Day message na naka-post sa kanyang YouTube channel, sinabi ni Marcos na maaari itong makamit ng mga filipino sa pamamagitan ng paggamit sa kanilang katalinuhan at katapangan, mga katangian, na ayon sa kanya ay naipasa ng kani-kanilang mga ninuno simula ng proklamasyon ng kalayaan mula sa Espanya (Spain) noong 1898.

 

 

Aniya, nakikipag-usap na siya sa mga eksperto hinggil sa plano para makamit ang kalayaan mula sa COVID-19, partikular na para sa mga manggagawa at maliliit na negosyo na labis na naapektuhan ng pandemiya.

 

 

“Ang kapakanan ng ating mga manggagawa, ang ating mga maliliit na negosyo ang iba’t iba pang mga sektor na hanggang ngayon ay hindi pa nakabalik sa normal… iyan ang mga patuloy pa natin tinatalakay kasama ng lahat ng pinakamagagaling na eksperto,” ayon kay Marcos.

 

 

Maliban dito, makikipagtulungan ang incoming administration sa mga lider mula sa  iba’t ibang bansa  partikular na mula sa  southeast Asian neighbors ng Pilipinas, upang matulungan ang bansa na maka-recover mula sa epekto ng COVID-19.

 

 

Noong nakaraang linggo, nakipagkita si Marcos sa ilang envoys  mula sa mga member-countries ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN): Johariah Wahab ng Brunei, Phan Peuv ng  Cambodia, Agus Widjojo ng Indonesia, Songkane Luangmuninthone ng Laos, Gerard Ho ng Singapore, Thawat Sumitmor ng Thailand, at Hoang Huy Chung ng Vietnam.

 

 

“Mahalaga ang naging ugnayang binubuo ng grupong ito para maprotektahan ang ating kapayapaan at katahimikan sa rehiyon at ang kalakalan o trade at iba pang mga interes na makakabuti sa ating bansa,” ayon kay Marcos sa isang miting.

 

 

Idinagdag pa nito na umaasa siya na ang bansa ay makararanas din ng kalayaan mula sa dibisyon o paghahati-hati na nag-ugat mula sa “cancel culture, discrimination, at violent hate crimes.”

 

 

“Sana ay huwag tayong magpasakop sa ganitong pag-iisip. Palawigin ang ating pagrespeto, pagtanggap, at pag-unawa sa isa’t isa,” ayon kay Marcos. (Daris Jose)

Ads June 14, 2022

Posted on: June 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments