• March 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 13th, 2022

Mas maraming envoys, nag-courtesy visits kay Marcos

Posted on: June 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY ang pagdating ng mga  diplomats para magbigay ng courtesy visits kay  President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

 

Kabilang na rito sina  United Nations Resident Coordinator in the Philippines Gustavo Gonzalez, Sweden Ambassador Annika Thunborg, Ambassador Charles Brown of the Holy See, at Irish Ambassador William Carlos.

 

 

Sinabi ni Thunborg  na ang kampanya laban sa ilegal na droga ay  pinag-usapan sa miting nito kay  Marcos.

 

 

“Yes, it was specifically discussed with the president and as mentioned, the very strong commitment to continue the war on drugs within the framework of the law and with respect for human rights and focus on rehabilitation and socio-economic development was expressed,” ayon kay Thunborg.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Marcos na hiniling sa kanya ni outgoing President Rodrigo Roa Duterte na ituloy nito ang kanyang giyera laban  sa ipinagbabawal na gamot subalit sa sarili nitong paraan.

 

 

Noong panahon ng kampanya, sinabi ni Marcos na hahabulin ng susunod na administrasyon ang  mga ‘big targets.’

 

 

Sinabi pa niya na makikipagtulungan ang gobyerno ng Pilipinas sa  foreign counterparts sa pagpuksa sa ilegal na droga.

 

 

Maliban sa problema sa ilegal na droga, sinabi ni Thunborg na ang  economic at  financial policies, at maging ang  transnational crimes, ay napag-usapan din sa courtesy call. (Daris Jose)

Marcos, ipagpapatuloy ang giyera laban sa illegal na droga ‘with respect for rights, focus on rehabilitation’- diplomat

Posted on: June 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANGAKO si President-elect Ferdinand Marcos Jr.  na ipagpapatuloy niya ang sinimulang giyera  ni outgoing President Rodrigo Roa Duterte laban sa  illegal na droga  na may paggalang sa karapatang-pantao at nakatuon ang pansin sa rehabilitasyon.

 

 

Sinabi ni Ambassador Annika Thunborg of Sweden,  ipinahayag ni Marcos ang usaping ito sa kanilang meeting kung saan tinalakay ang “the rule of law, human rights, and the war on drugs,” at iba pang paksa.

 

 

“We also touched upon political affairs and importance and the strong commitment that has been expressed by the President-elect to conduct the war on drugs within the framework of the law and with respect for human rights and focus on rehabilitation and socio-economic development,”  ayon kay Thunborg.

 

 

“It is]something that is very much appreciated on my government’s side,” dagdag na pahayag ni Thunborg.

 

 

Tinalakay din sa miting ang  “importance of collaborating among nations based on international law” at “transnational collaboration to handle challenges… such as the global drug trade, transnational crime and the pandemic”,  ayon kay Thunborg.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Marcos na pagtutuunan  ng pansin ng kanyang administrasyon ang  pagtugis sa mga  drug lords, sa halip na mga small players.

 

 

Sinabi pa niya na itutulak niya ang pagpapabuti sa  rehabilitation centers para sa mga durugista o  drug users at gamutin ang mga ito bilang pasyente sa halip na isang kriminal. (Daris Jose)

Ads June 13, 2022

Posted on: June 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Netizens, tuwang-tuwa sa ginawang pagpapakumbaba: SHARON, nakipag-ayos at reunited na kina TITO SEN, HELEN at mga pinsan

Posted on: June 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGANAP na rin ang reconciliation sa pagitan nina Megastar Sharon Cuneta at ng mag-asawa na si Senator Tito Sotto at veteran actress na si Helen Gamboa pagkatapos na lumamlam na ang ‘election fever’.

 

 

Last June 11, nag-post si Sharon ng series of photos kasama ang kanyang Tito Sen at Tita Helen, at mga cousins sina Apples, Lala, at Ciara Sotto.

 

 

Simple lang ang naging captions ni Mega sa kanyang IG posts na, “Mama”, “Daddy”, “My sisters and me. Tonight.” Pero damang-dama ang masayang reunion niya with Sotto family, na kitang-kita rin sa yakap at mga ngiti nila, na kung saan pinusuan ng netizens at followers ni Sharon, na karamihan ay positibo naman ang naging reaction.

 

 

Matatandaan na nagsimula ang isyu kina Sharon at pamilya Sotto na nang mag-file din ng COC (certificate of candidacy) ang asawa niyang si Senator Kiko Pangilinan, kaya naging magkalaban ang mag-tito bilang vice president. But sadly, pareho nga silang ‘di pinalad at si Mayor Sara Duterte ang binoto nang nakararaming Pilipino.

 

 

Samantala, nag-post na rin si Ciara ng kaparehong series of photos plus additional photos na kung saan kasama naman ni Sharon ang kanyang mga pamangkin sa pinsan.

 

 

Isang Bible verse nga ang pinost ni Ciara, “Blessed are the peacemakers, for they will be called children of God (Matthew‬ ‭5:9‬ ). Kasunod ang salitang, “Ate” na may kasamang heart emoji.

 

 

Agad naman nag-comment ang panganay ni Sharon na si KC Concepcion sa post ni Ciara ng, “MY FAMILY!!!”, na isa rin sa labis na natuwa sa kaganapang ito.

 

 

Say naman ng mga ‘marites’ na tuwang-tuwa rin sa gestures na pinakita ni Sharon:

 

 

“this is so nice to see! for sure, Sharon is happy and so are her second parents and sisters. ang ganda pa rin ni miss Helen.”

 

 

“All is well that ends well.”

 

 

“Nice to see them together!”

 

 

“Dapat naman na priority ang family.”

 

 

“Kung dikit lang ang naging laban sa VP race sa nanalo, baka hindi magkapatawaran ang pamilya sotto at pangilinan. Pero dahil hindi naman ganun ang nangyari na kahit ipagsama ang ang boto ni Kiko at Tito wala pa rin magbabago sa result. Kaya dapat lang na magkabati na. At happy ako na si Sharon unang lumapit.”

 

 

“Kahit isa sa kanila ay nanalo, para sa akin, iba ang personal.”

 

 

“Win win kasi ang nangyari. Kung sino nanalo sa dalawa dadalhin na lang yung isa.”

 

 

“Dapat lang silang mag move on na kasi politics is just 1 day family is forever. Love, love, love.”

 

 

“Buti naman ok na sila. Mahal talaga nila si Sharon. Sharon last na yan ha bka sa susunod hindi ka na nila patawarin…”

 

 

“Who are you to say that? Helen always referred to Sharon as her panganay! So she loves Sharon unconditionally.”

 

 

“Sharon last na yan??? Pinagsasabi mo! Walang narinig na masama from sharon the whole time. She expressed how bad she felt when Kiko run pero syempre dun siya susuporta.”

 

 

“Walang masamang tinapay si helen, if she forgive they will all follow.

 

 

“She is really Helen’s panganay.”

 

 

“Sweet naman si Sharon kahit mejo oa sya.”

 

 

“Anong gusto mo tikisin ni Sharon yung Tita niya na parang 2nd mom na niya? Para talaga sa inyo eh wala nang gagawing mabuti si Sharon. Nagpakumbaba nga eh, masama pa rin?”

 

 

“Wala naman silang magagawa dahil desisyon ng asawa nya yon at as a wife you always support your husband.”

 

 

“Si Kiko lang naman ang walang kama-kamag anak kahit pa makasagasa ng kamag anak, wala lang sa kanya. Kawawa naman tuloy itong si Sharon naipit sa dalawang bato na nag umpugan but I’m glad they’re ok na, family is family they should patch things up.

 

 

“Eto dapat dinidikitan ni shawie. her one and only fam na alam mo mahal siya. kung kani kanino sya dumidikit for validation and love.”

(ROHN ROMULO)

Tiger Woods pangatlong atleta ng US na nasa billionaires list ng Forbes

Posted on: June 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KASAMA na si golf star Tiger Woods sa listahan ng bilyonaryo na manlalaro sa buong mundo.

 

 

Inilabas ng Forbes magazine ang nasabing pagsali ni Woods sa billionaires list isang linggo ng masali si NBA star LeBron James.

 

 

Base sa Forbes na aabot sa mahigit $1.7 bilyon ang yaman nito na karamihan ay galing sa mga larong sinalihan at ang iba ay mula sa mga endorsement nito ng iba’t-ibang brand.

 

 

Magugunitang noong nakaraang taon ay naaksidente ang 46-anyos na US golf star habang ito ay patungo sa isang golf tournament sa California.

 

 

Dahil dito ay pangatlo na si Woods sa atleta ng US na nasa billionaires list na una ay si NBA legend Michael Jordan.