• March 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 9th, 2022

Dahil nagamit at ‘di pagrespeto sa official seal ng siyudad: AIAI, dineklarang ‘persona non-grata’ sa Kyusi kasama si Direk DARRYL

Posted on: June 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAY resolusyon na ibinaba ang Quezon City na persona non-grata na ang Kapuso comedienne na si AiAi delas Alas at ang director na si Darryl Yap sa buong siyudad.

 

 

 

Ang dahilan, dahil sa ginawa nilang content during election campaign kunsaan, gumanap si AiAi bilang si Ligaya Delmonte na tila pagpo-portray ng hindi maganda sa incumbent at nanalong Mayor muli ng QC na si Joy Belmonte. Pero more to that, nagamit kasi ang official triangular seal ng siyudad na edited at naiba.

 

 

 

As much as some netizens, especially yung mga BBM supporters ay nagsasabing O.A. at bitter lang daw dahil natalo ang Konsehal na nagsampa ng resolusyon at may pumupuri rin kay AiAi sa ipinost nitong Tiktok dance video hanggang sa kanyang Instagram na “Unbothered,” marami pa rin ang nababasa namin at nagko-comment na “Dasurrrvvv!!!” meaning deserve lang daw ng comedy actress at ng director na maging persona non-grata.

 

 

 

Sa isang banda, tila ipinapakita nga ni AiAi na ngayon ay nasa America kasama ang kanyang mister na dedma siya o para ipakita na happy lang siya at yun nga, unbothered.

 

 

Pagkatapos ng caption niya, nag-post ito ng mga hashtags na “Happy wife happy life,” “good vibes,” “los angeles” at “enjoy life.”

 

 

 

Ang balita namin, naka-planong bumalik na agad si AiAi sa bansa from the U.S., so let’s see kung dahil sa resolution na ito ay magkaroon ng pagbabago or sadyang wala siyang paki lalo pa nga’t sabi nga ibang mga comments ng netizens, “siyempre tutulungan sila ni BBM at pakikiusapan si Mayor Joy na ma-lift ang ban sa kanila.”

 

 

 

***

 

 

 

KITANG-KITA namin sa FDCP Chairman na si Liza Diño ang fulfilment sa nakaraang anim na taon ng Film Development of the Philippines kunsaan, siya ang tumayong Chairperson.

 

 

 

In fairness naman kasi, isa talaga si Liza sa napakaraming nagawa sa FDCP. Nandiyan ang 100 years ng Philippine Cinema, bukod pa sa 20th year ng FDCP. Nag-celebrate rin ng Philippine Film Industry Month.

 

 

 

“Parang every year, may something to celebrate. But I see it as an opportunity para ma-push ang mga program na magawa,” sey niya.

 

 

 

Bukod dito, na-hit din ng pandemic ng mahigit dalawang taon na ang industriya at nagpatuloy lang si Liza at ang FDCP na mapagpatuloy pa rin ang film industry.

 

 

 

At ngayong iba na ang administrasyon, si Liza ang isa sa mga sangay ng gobyerno na nabigyan ng panibagong reappointment

 

 

 

Kaya sabi nga niya, “So far, may trabaho pa naman ako. I am officially reappointed. Pero siyempre, at the end of the day, as a Presidential appointee, the new President really has the prerogative kung gusto nilang i-replace.”

 

 

 

Pero tapos na raw silang mag-submit kay BBM ng mga manifestation nila para makapagpatuloy pa rin sila.

 

 

 

Tuloy-tuloy lang nga si Liza at ang buong FDCP na ngayong buwan ng June ay busy naman para sa June’s pride month sa pamamagitan ng PeliKULAYa: International LGBTQIA+ Film Festival sa pamamagitan ng hybrid format mula June 10 hanggang June 26.

 

 

 

***

 

 

 

EMOSYONAL pa rin ang buong cast ng Pepito Manaloto na ngayon ay magbabalik na muli sa ere.

 

 

 

Ang Pepito Manaloto: Tuloy ang Kuwento, ang isa sa paboritong sitcom sa Kapuso network ay mapapanood na nga muli simula sa Sabado.

 

 

 

Pero hindi pa rin mapigilan ng cast na kinabibilangan nina Michael V, Manilyn Reynes, Chariz Solomon, Mosang, Arthur Solinap, Jake Vargas ang maging emosyonal na maalala ang namayapang director ng show na si Direk Bert de Leon.

 

 

 

Aminado ang lahat na iba raw talaga, lalo na sa unang araw na nag-taping sila na wala na ito.

 

 

 

Pero siyempre, tulad ng title ng show, “tuloy ang kuwento,” ano man ang nangyari, tuloy-tuloy pa rin silang magpapatawa.

 

 

 

Naging open din ang cast na nang magkaroon ng pandemic at hindi sila nakapag-taping, pinalitan muna sila ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento. Pinuri nila ang mahusay na pagkakagawa nito, pero inaming kinabahan din kung makakabalik pa ba sila na mga original cast.

 

 

 

(ROSE GARCIA)

Pagtatalo ng China at Pinas sa WPS: Bilateral consultation, friendly communication, kailangan

Posted on: June 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng China na ang pagtatalo nila ng Pilipinas sa usapin ng West Philippine Sea ay mangangailangan ng “bilateral consultation and friendly communication.”

 

 

 

“We are two neighbors who have some differences, but what is crucial is the way and manner we handle the differences. We need to manage our differences with bilateral consultation and friendly communication,” ayon kay China’s Ambassador to the Philippines Huang Xilian sa isinagawang turnover ng iba’t ibang broadcast equipment na dinonate ng China kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar.

 

 

 

Tinanong kasi si Huang hinggil sa naging hakbang ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ipatawag ang senior official ng Chinese Embassy sa Pilipinas bilang bahagi ng protesta makaraan ang umano’y “harassment” ng Chinese Coast Guard (CCG) sa isang Philippine vessel na nagsasagawa lamang ng research activity sa bahagi ng West Philippine Sea.

 

 

 

Ayon sa statement ng DFA, nagsasagawa na rin sila ng pag-review sa impormasyon sa naturang insidente para sa paghahain ng panibagong diplomatic action.

 

 

 

Sinabi ng DFA ang hakbang ng gobyerno ng Pilipinas ay gagawin lalo na kung merong paglabag ang mga barko ng China sa soberenya ng Pilipinas at pagsagka sa karapatan ng bansa sa maritime jurisdiction.

 

 

 

Binigyang diin pa ng DFA na anumang illegal activities ng mga dayuhan sa paligid ng Ayungin Shoal ay dapat na maging sentro ng diplomatic protests dahil sa ito ay nasa sovereign rights at jurisdiction ng bansa.

 

 

 

Ito rin umano ay bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) at continental shelf ng Pilipinas na pinagtibay noong 2016 Award sa international arbitration.

 

 

 

“I would refer you to the statement of the Secretary of Defense just recently. We have been in communication with them in a diplomatic and peaceful manner as part of our joint efforts to secure peace and stability in South China Sea,” ang tugon naman ni Huang.

 

 

 

Tinukoy ni Huang si Philippine Defense Secretary Delfin Lorenzana.

 

 

 

“As Secretary Lorenzana said, diplomacy works well and we continue to manage our differences with diplomatic and peaceful means,” dagdag na pahayag ni Huang.

 

 

 

Sinabi pa ni Huang, nananatili ang magandang relasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Chinese counterpart nito at vice versa.

 

 

 

“PCG maintains good communication with the Chinese Coast Guard. The Commandant of the Chinese Coast Guard visited here two weeks after my arrival in this beautiful country and they had a very good exchange of views. China has also received delegation from PCG,” ayon kay Huang.

 

 

 

“It would be very important for them to maintain this kind of friendly exchanges and cooperation so they can perform their duty which promotes our bilateral relations as well as peace and stability in South China Sea,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Marcos Jr. ‘higit P623-M’ nagastos sa eleksyon ayon sa kanyang SOCE

Posted on: June 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INIHAIN na ng kampo ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Commission on Elections (Comelec) ang kanyang statement of contribution and expenditures (SOCE) — bagay na nagdedetalye sa kanilang mga nagastos para sa eleksyong 2022.

 

 

Ayon sa kanyang SOCE, Martes, P623,230,176.68  ang nagastos nina Bongbong mula sa natanggap na P624,684,320.09 kontribusyon.

 

 

Narito ang breakdown ng gastusin nina Bongbong:

 

mula sa sariling bulsa ni Marcos Jr. (P0.00)

 

mula sa cash contributions (P371,795,856.59)

 

mula sa mga in-kind contributions (P251,434,320.09)

 

 

Ang P623.23 milyong ito ay pasok pa rin sa P674 milyong “spending limit” na alinsunod sa Republic Act 7166 para sa mga kumandidato sa pagkapangulo at pagkabise presidente.

 

 

Sa ilalim kasi ng naturang batas, P10 kada rehistradong botante lang ang pwedeng gastusin ng isang kandidato sa pagkapangulo. Sinasabing 67,442,714 ang rehistradong botante noong ika-9 ng Mayo.

 

 

 

Ganito naman ang itsura ng mga natanggap nilang kontribusyon:

 

cash contributions mula sa “other sources” (P373,250,000)

 

in-kind contributions mula sa “other sources” (P4,200,000)

 

cash contributions mula sa partido (P0.00)

 

in-kind contributions mula sa partido (P247,234,320,09)

 

 

Lunes lang nang sabihin ng Partido Federal ng Pilipinas, na kinabibilangan ni Marcos Jr., na umabot lang sa P272 milyon ang nagastos nila para sa eleksyong 2022.

 

 

Dati nang inaakusahang nagpapatakbo ng “troll farms” — na nangangailangan ng malaking pondo — si Marcos Jr. dahil sa mga naglipanang disinformation tungkol sa kanilang pamilya sa social media, bagay na kanyang itinatanggi.

 

 

 

Kilala ang pamilya Marcos para sa ill-gotten wealth lalo na noong panahon ng diktadurya ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., bagay na kinikilala sa Supreme Court decisions noong 2003, 2012 at 2017.

 

 

 

Ngayong ika-8 ng Hunyo, ang deadline ng pagpapasa ng SOCE ng mga kumandidato noong 2022.

 

 

 

Iprinoklama ng Kongreso bilang susunod na pangulo si Marcos matapos umani ng 31.62 milyong boto. (Daris Jose)

Mojdeh hataw pa ng 3 ginto sa Iloilo

Posted on: June 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WALANG makapigil sa matikas na kamada ni Brent International School standout Micaela Jasmine Mojdeh nang sumisid pa ito ng tatlong gintong medalya sa 2022 National Invitational Sports Competition kahapon sa Iloilo Sports Complex.

 

 

Binuhat ni Mojdeh ang Calabarzon Region sa matikas na kampanya nito matapos masikwat ang gintong medalya sa girls’ 400m IM (5:18.51), 100m butterfly (1:05.26) at 200m butterfly (2:25.01).

 

 

“I’m so happy and I’m quite satisfied with my performance today compared yesterday. I’m just thankful to my coaches, my family and to all my friends who keep on cheering for me,” ani Mojdeh.

 

 

Sa kabuuan, may limang gintong medalya na si Mojdeh sa torneo kasama ang kanyang dalawang ginto sa 50m butterfly (29.89) at 200m IM (2:30.10) sa opening day.

 

 

Susubukan ni Mojdeh na walisin ang lahat ng asignatura nito sa pagsabak sa kanyang ikaanim na event sa 100m breaststroke ngayong araw sa kanyang ika-16 kaarawan.

 

 

Nagparamdam din ng lakas sina Lucena City pride Nicholas Ivan Radovan at Marcus Johannes De Kam na humataw ng tig-dalawang ginto sa ka­nilang kategorya.

 

 

Naghari si Radovan sa boys’ 200m butterfly (2:11.88) at 100m butterfly (58.61) habang humirit pa ito ng isang tanso sa 400m IM (5:06.11).

 

 

Sa kabilang banda, pinatunayan ni De Kam na isa ito sa pinakamahusay na freestyle sa bansa matapos kubrahin ang ginto sa boys’ 100m freestyle (55.07) at 200m freestyle (2:02.15).

 

 

Nag-ambag naman ng pilak si Hugh Antonio Parto sa boys’ 200m butterfly (2:13.94) habang nakatanso si Yohan Mikhail Cabana sa boys’ 50m backstroke (29.03).

 

 

“We are happy with the results that we are getting right now and we’re hoping to win more medals on the final day of the competition,” ani Calabarzon coach Virgilio de Luna.

De-kalidad dapat ang quality ng films para makapasok sa Netflix: Chair LIZA, nananawagan ng suporta para sa film industry mula sa gobyerno

Posted on: June 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SABI ni Chair Liza Dino, kailangan ng support film industry ng support ng gobyerno, lalo na sa financial needs.

 

 

Para raw makatiyak na magiging competitive ang mga pelikula natin ay dapat may funding ito mula sa gobyerno. Let’s face the sad reality na hindi masyadong pinapansin ng gobyerno ang entertainment industry.

 

 

Karaniwan na yung mga artista ay naaalala lang pagdating ng campaign period. Pero pag nanalo na ay kalilimutan na ang ipangakong suporta.

 

 

Sabi pa ni Chair Liza, kung gusto natin na ang ating movies ay maging parte ng Netflix, dapat de-kalidad ang quality ng finished product.

 

 

Hindi pwede ang bara-bara na produkto. Kaya ang kailangan ng film industry ng funding to keep it going.

 

 

Ipinagdiriwang ng Film Development Council of the Philipppines (FDCP) ang Pride Month by holding PeliKULAYa: International LGBQTIA+ in hybrid format mula June 10 to 26 sa iba’t-ibang Cinematheque venues sa buong bansa.

 

 

***

 

 

AYON kay Direk GB Sampedro, ibang klaseng movie naman itong High (School) on Sex.

 

 

“Kahit sabihin na parang pare-pareho ang ginagawa kong tipo ng pelikula, kung panonoorin mo naman ay hindi naman pare-pareho ang style ko sa pagdidirek. Iba’t-iba rin naman ang kwento at iba’t-iba rin ang characters,” sagot ni Direk GB.

 

 

“Kahit na sexy movies ang ginagawa ko, I make sure ‘yung sexy scenes ay naiba naman sa nagawa ko. Hindi lang tayo basta gumagawa ng sexy scene. Ang sa akin, dapat ‘yung sexy scene na gagawin ay kailangan sa istorya at hindi basta inilagay lang.”

 

 

Pero obvious na nagugustuhan ng Vivamax ang trabaho ni Direk GB dahil marami siyang projects sa Vivamax.

 

 

***

 

 

ANO kaya ang damdamin ng mga sexy stars ng Viva (marami sila) na lumalabas sa mga movies ng Vivamax sa observation ng ibang na they are exploited because they are being asked to strip naked sa camera?

 

 

Pero alam naman siguro ng mga sexy stars na ito what they are getting into bago pa man sila pumayag na tumanggap ng sunud-sunod na movies na may kasamang hubaran.

 

 

Well, ‘yung iba sexy star sinasabing stepping stone lang nila ang pagpapasexy. Gusto nilang matupad ang dream nila na maging artista, something they have nurtured bata pa sila.

 

 

Yun iba siguro, iniisip na isang oportunidad ang nagbukas via Vivamax para sila ay makilala bilang mga artista kaya go for gold kahit na may offer na movies pero kailangan ng nudity.

 

 

Soft porn nga ang tawag ni Baron Geisler sa tipo ng movies na ginagawa ng Vivamax. Pero maging siya ay di nakaligtas dahil nagpasexy rin siya sa Pusoy.

 

 

Sabi ng isang friend namin, bakit daw ang mga babae lang ang hinuhubaran sa Vivamax?

 

 

Ibig niyang sabihin, mas daring ang sexy scenes ng mga babae kaysa mga lalaki. May double standard daw, hahaha.

 

 

(RICKY CALDERON)

P20.28-M na pinsala sa agri sector dulot ng pagputok ng bulkang Bulusan

Posted on: June 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PUMALO na sa kabuuang P20.28 million ang kabuuang pinsala sa sektor ng agrikultura na naidulot ng pagputok ng bulkang Bulusan sa Sorsogon nitong Linggo lamang.

 

 

 

Ang naturang tala ay mula sa tatlong bayan na apektado ng pagbagsak ng abo, partikular na ang Casiguran, Juban at Irosin.

 

 

 

Pinakamalaking bahagdan ng pinsala ay sa mga tanim na palay.

 

 

 

Sa kabilang dako, ilang mga residente ang nanindigang mananatili lamang sa kanilang tahanan dahil ligtas pa naman sa banta ng Bulusan volcano.

 

 

 

Karaniwang dahilan ng mga ito, walang mapag-iiwanan ng mga alagang hayop.

 

 

 

Ayaw naman dalhin sa Sorsogon Dairy Farm na pansamantala sanang inalok na kanlungan ng mga ito dahil mas lalong magiging pahirapan ang pagpunta sa mga alaga.

 

 

 

Sa ngayon, umakyat na rin sa 2,784 na pamilya o 13,920 individuals ang apektado ng abo mula sa Mt. Bulusan. (Daris Jose)

Pinas, naiwasan ang bagong Covid-19 surge dahil sa vax, pagsunod sa protocol – PDu30

Posted on: June 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAIWASAN ng Pilipinas ang panibagong surge ng Covid-19 cases sa pamamagitan ng nagpapatuloy na Covid-19 vaccinations at pagsunod sa minimum public health standards.

 

 

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi.

 

 

“If I were to judge myself, the one single thing that my government did was to contain Covid-19 in a very much earlier span of time. And to think na ‘yung iba sa ngayon nagkaroon ng surge simply because maybe the citizens of that country do not want to follow regulations. E tayo dito, sabi ko, takot ,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

 

Pinuri naman ng Chief Executive ang pagtalima ng mga mamamayang Filipino sa Covid-19 health protocols.

 

 

Nakapagbigay aniya ito ng kumpiyansa na magbalik-trabaho.

 

 

“Because we (re)started our economy, yung mga trabahante bumalik na, nakalabas na,” ayon sa Chief Executive.

 

 

Samantala, nanawagan naman ang Pangulo sa mga healthcare workers at vaccinators na “stretch their efforts” at tulungan na alamin at kilalanin ang mga Filipino na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakapagbabakuna laban sa Covid-19.

 

 

“Yung hinahanap natin ‘yung itong mga vulnerable o kaya ng may mga edad na na hindi nakakalabas at di pa naiinjeksyunan, if we can manage to find them,” anito.

 

 

Hindi naman lingid sa kaalaman ng Punong Ehekutibo na marami sa mga ito ay bone-weary, subalit umapela siya sa mga ito na “to do more” para sa kapwa Filipino.

 

 

“Alam kong pagod na kayo  but you have to do more for your countrymen. ‘Yan lang ang pakiusap ko sa inyo …This time do it for the country and do it for your countrymen,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Samantala, inalala naman ni Pangulong Duterte ang ginawang paglaban ng Pilipinas sa panahon ng kasagsagan ng pandemya.

 

 

Muling pinasalamatan ni Pangulong Duterte ang China sa pagbibigay sa bansa ng first batch ng Covid-19 vaccines.

 

 

“We started with zero. We were just floating, waiting for the next thing to happen. And maski anong sabihin ng iba and other nations, we would like to reiterate again our gratitude to China,” anito.

 

 

Habang ang ibang bansa ay nag-iimbak ng doses ng Covid-19 vaccines, napakabait aniya ng China nang ibahagi nito ang kanilang bakuna sa Pilipinas.

 

 

“One day, without us really expecting it, China announced that they’re shipping to the Philippines vaccines to start the yung panlaban natin (our fight), the war against the Covid-19,” dagdag na pahayag ni Pangulong Duterte. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Jeepney drivers nagbabala na hihinto ng operasyon

Posted on: June 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGBIGAY ng babala ang mga jeepney drivers na sila ay hihinto sa kanilang operasyon ngayon linggo upang iprotesta ang tumataas na presyo ng krudo at iba pang produktong gasolina.

 

 

 

Ayon sa Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (Piston) na ang mga miyembre na kasama sa kanilang asosasyon ay umaangal na sa mga nagaganap na pagtaas ng presyo ng krudo sa mga nakalipas na buwan.

 

 

 

“The P6.50 increase in diesel and P2.70 in gasoline per liter may force us to stop operating to avoid further losses in our operations,” wika ng Piston.

 

 

 

Sa ngayon, ayon na rin sa kanila, ang mga drivers ay halos wala ng kinikita dahil sa situasyon ngayon. Halos lingo-linggo na lamang ay nagtataas ng presyo ng krudo at oil products ang merkado.

 

 

 

“If you look at it, its as if the big oil companies are already insulting the Filipino people because there are days that prices are decreased and then increased,” saad ni Piston national president Modesto Floranda.

 

 

 

Ganon din ang sentimiento ng samahang Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (Pejodap). Sa ngayon, marami na sa mga jeepney drivers ang naghahanap na ng iba trabaho at source ng kanilang kabuhayan.

 

 

 

May darating na naman na pagtataas ng presyo ng produktong petroleum ngayon linggo kung saan ang mga kumpanya ng langis ay naganunsyo ng pagtataas ng diesel na P6.30 hanggang P6.50 kada litro at P2.50 hanggang P2.70 kada litro ng gasoline. Ito na ang ikalawang sunod na pagkakataon na nagtaas ang presyo ng diesel ngayon linggo.

 

 

 

“While the transport groups have been asking the government to suspend the collection of excise tax and value-added tax on oil products for months, jeepney drivers have continued to operate with no choice despite the increases in fuel,” dagdag ni Floranda.

 

 

 

Sinabi naman ni Fejodap national president Boy Rebano na ang ibang transport groups ay nagbabalak ng gumamit ng electric jeepneys bilang isang alternatibong transportasyon sa tumataas ng presyong petrolyo.

 

 

 

“It will be punishing to drivers and operators to switch to electric jeepney but we can’t see any other alternative other than this. If we’re always going to be dealing with price increases, then its going to kill us, especially drivers who are suffering the most in this situation,” wika ni Rebano.

 

 

 

Samantala, umaapela naman ang pamahalaan sa mga grupo ng transportasyon na huwag na nilang ituloy ang kanilang plano na huminto ng kanilang pasada dahil sa tumataas ng presyo ng produktong petrolyo.

 

 

 

“We appeal to jeepney drivers and operators not to push through with their plan to halt trips this week. The government is doing what it can do to help drivers and operators amid the rising oil prices,” sabi ni acting presidential spokesman Martin Andanar.

 

 

 

Patuloy pa rin ang pagbibigay ng fuel subsidies sa sektor ng transportasyon na apektado ng mataas ng presyo ng produktong petrolyo. Hanggang noong June 1, may 180,000 ng mga drivers at operators sa sektor ng pampublikong transportasyon ang nabigyan ng fuel subsidies. LASACMAR