• March 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 7th, 2022

Ads June 7, 2022

Posted on: June 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Bilang ng mga mahihirap na pamilya sa bansa, pumalo na sa 4.6-M

Posted on: June 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DUMAMI pa ang bilang ng mahihirap na pamilyang Pilipino ngayon ayon sa ginawang pagsusuri ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2021.

 

 

Ayon kay Commission on Population and Development (POPCOM) Executive Director, Usec. Juan Antonio Perez III, pumalo sa 600,000 ang bilang ng mga mahihirap na pamilya sa bansa dahilan para pumalo na sa 4.6M ang kabuuang bilang ng mga ito sa Pilipinas.

 

 

Nasa 23% na rin aniya ng kabuuang populasyon ang bilang ng mga Pilipinong nabubuhay below poverty line, mas mataas ito ng 2% kumpara sa naitala ng kagawaran noong taong 2018.

 

 

Paliwanag ni Perez, ang kinaharap na COVID-19 pandemic ng bansa ang pangunahing dahilan nito matapos na maapektuhan ng mga ipinatupad na lockdown ang ekonomiya.

 

 

Dahil dito ay umaabot na raw sa Php 16,000 ang halaga ng poverty threshold sa buong Metro Manila na may katumbas naman na Php 12,000 sa buong bansa.

 

 

Ibig sabihin ay hindi na sasapat ang isang income earner para mabuhay ang isang pamilya.

 

 

Samantala, ibinahagi naman ni Perez ang mga programang patuloy na ilulunsad pa ng POPCOM ngayon sa ilalim ng susunod na administrasyon upang makatulong na maibsan ang kahirapang nararanasan ng ating mga kababayan kabilang na ang patuloy na pagsuporta sa family planning, food security, pabahay, at wage policy. (Daris Jose)

Thompson hinirang na PBA MVP

Posted on: June 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KAGAYA ng inaasahan, na­pasakamay ni guard Scottie Thompson ng Barangay Ginebra ang Most Valuable Player trophy ng PBA Season 46 kahapon sa The Leo Awards.

 

 

Kumolekta ang 28-an­yos na produkto ng Perpe­tual Altas ng 2,836 points pa­ra maging ikalawang Gi­nebra player na nagwagi ng MVP matapos si Marc Ca­guioa noong 2012.

 

 

“Iyong hard work ko, iyong mga nangyari sa bu­hay ko, ang dami ‘di ba, on and off the court,” sabi ng 2015 PBA Draft No. 5 overall pick.

 

 

Tinalo ni Thompson pa­­ra sa award sina TNT Tro­­pang Giga guard Mikey Williams (1,332), Robert Bo­­lick (1,295) ng NorthPort at Calvin Abueva (1,066) ng Magnolia.

 

 

Kinilala si Williams bilang Rookie of the Year.

 

 

Nauna nang hinirang si Thompson bilang Best Pla­­yer of the Conference at Finals MVP ng nakaraang Governors’ Cup na pi­­nagharian ng Gin Kings.

 

 

Nakasama ni Thompson sa Mythical First Team si­na Williams, Abueva, June Mar Fajardo ng San Mi­­guel at Arwind Santos ng NorthPort.

 

 

Nasa Mythical Second Team sina Bolick, CJ Perez ng San Miguel, Christian Standhardinger ng Ginebra, Matthew Wright ng Phoenix at Ian Sangalang ng Magnolia.

 

 

Ibinigay naman kay Ter­rafirma guard Juami Tiongson ang Most Improved Pla­yer award,.

 

 

Si Kevin Alas ng NLEX ang tumanggap ng Samboy Lim Sportsmanship trophy.

Go, nangakong muling ihahain ang batas na magbabalik sa death penalty para sa ilegal na droga, pandarambong

Posted on: June 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HANDA si Senador Christopher “Bong” Go na muling ihain ang batas na magbabalik sa death penalty para sa ilegal na droga at pandarambong sa susunod na Kongreso.

 

 

Matatandaang isinulong ni Go ang Senate Bill No. 207, na naglalayong muling ibalik ang death penalty, noong Hulyo 2019.

 

 

Subalit, nabigo namang maipasa ang nasabing batas sa 18th Congress.

 

 

“We can file it again if we want. Itong SB 207, reinstating the death penalty for certain heinous crimes involving dangerous drugs and plunder,” ayon kay Go sa isang panayam.

 

 

Aniya, ang muling pagbabalik ng capital punishment ay alinsunod sa kampanya ni Pangulong Duterte laban sa illegal drugs.

 

 

Sinabi pa ni Pangulong Duterte na ang nasabing batas ay makapagdi-discourage ng criminal activities.

 

 

“Pag hindi takot ‘yung tao sa mga awtoridad makokorap na naman, balik ang droga, balik ang kriminalidad. Sayang po ‘yung inumpisahan ni Pangulong Duterte,” dagdag na pahayag ng senador.

 

 

Sa ilalim ng panukalang batas, ang pandarambong o illegal acquisition ng yaman ng isang public officials na nagkakahalaga ng P50 milyong piso ay may kaparusahan na kamatayan.

 

 

Kasama rin sa batas ang “importation, distribution, and possession of dangerous drugs, cultivation of illicit narcotic plants, and unlawful prescription of dangerous drugs in the list of drug-related crimes.”

 

 

Iginiit din ng senador na ang kampanya laban sa ilegal na droga ay “improved peace and order in the country” at “flourished businesses in the communities.”

 

 

“Napatunayan naman po in the last six years, tingnan ninyo mas nakakalakad po ang inyong mga anak pauwi sa inyong bahay na hindi nababastos at hindi nasasaktan. Dahil po iyan sa ginawa ng Administrasyong Duterte,” ayon kay Go.

Fine Arts gallery ng Nat’l Museum, pansamantalang isasara para sa pres’l inauguration

Posted on: June 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PANSAMANTALANG isasara ang Fine Arts gallery ng National Museum of the Philippines simula bukas, Hunyo 6 upang bigyang-daan ang paghahanda para sa inagurasyon ng bagong Pangulo ng bansa.

 

 

“The National Museum of the Philippines is deeply honored by the official announcement of the choice of its National Museum of Fine Arts in Manila as the venue for the inauguration of the 17th President of the Philippines, Ferdinand Marcos Jr., on June 30, 2022,”ayon sa advisory ng National Museum of the Philippines.

 

 

Nagsilbi rin itong venue para sa inagurasyon nina Presidents Manuel L. Quezon (1935), Jose P. Laurel (1943), at Manuel Roxas (1946).

 

 

Ang museum Inauguration committee ay magkakaroon ng special preparations at arrangements para sa presidential activity, kaya naman, kailangan na pansamantalang isara ang National Museum of Fine Arts hanggang alas-9 ng umaga ng Hulyo 5, habang ang National Museum of Anthropology at National Museum of Natural History ay magpapatuloy naman ang regular operations nito “until further notice”.

 

 

“We apologize for any inconvenience, and express our thanks for your understanding,” ayon sa advisory sabay sabing “Everyone can be assured that we at the #NationalMuseumPH will do our utmost to support this forthcoming momentous event of the presidential inauguration.”

 

 

Sa ulat, pinili ng kampo ni Marcos ang National Museum of the Philippines sa Maynila bilang venue para sa inagurasyon dahil nag- matched ito sa kanilang requirements.

 

 

Ang National Museum of Fine Arts, ay matatagpuan sa old Legislative building sa kahabaan ng Padre Burgos Drive,ay isang National Historical Landmark.

 

 

 

Itinayo ito noong 1926 at muling itinayo noong World War II, 1949.

 

 

Ang National Museum ay mayrrong “conscientiously maintained and preserved the building as a historical structure of the highest importance” simula noong 1970s.

 

 

“Installed within its halls is the largest public assemblage of Philippine fine arts that can be accessed by Filipinos and tourists,” ayon sa ulat. (Daris Jose)

P272 milyon lang nagastos sa kampanya ni BBM

Posted on: June 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KUNG ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) nina president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paniniwalaan, umabot lang sa P272 milyon ang nagastos nila para sa eleksyong 2022.

 

 

Ito ang isiniwalat ni George Briones, general counsel ng PFP, sa ulat ng ABS-CBN News pagdating sa kanilang statement of contributions and expenditures (SOCE) na ihahain sa Commission on Elections (Comelec) ngayong Lunes.

 

 

“The PFP spent P272 million by way of expenses in the last 2022 presidential campaign, which is well below the maximum expenditure of P337 million allowed by law for a national political party,” ani Briones kanina.

 

 

“The PFP SOCE was signed and prepared by PFP National Treasurer Antonio Ernesto ‘Anton’ Lagdameo who was recently nominated as by President Elect Ferdinand Marcos, Jr. as his SAP or Special Assistant to the President.”

 

 

Ang spending limit para sa mga political party ay nasa P5 kada botante na aabot sa P337 milyon. Para sa mga kandidato sa pagkapangulo at pagkabise presidente, P10 kada botante ang pinapayagan, na aabot sa P675 milyon. Inaasahang maghahain din si Marcos Jr. ng sarili niyang SOCE.

 

 

Tanging si Sen. Panfilo “Ping” Lacson pa lang ang nagsumite ng kanyang SOCE sa 10 kumandidato sa pagkapangulo ngayong 2022. Hinihingi ito ng Comelec para malaman ang ginastos para sa isang halalan, kabilang ang mga donasyon at kung may sobra pa sa pondo. Meron kasing “spending limit” para rito.

 

 

Kinukumpirma pa naman sa Comelec kung natanggap na nila ang SOCE ng PFP pati na ng iba pang presidential candidates.

 

 

Dati nang inaakusahang nagpapatakbo ng “troll farms” — na nangangailan ng malaking pondo — si Marcos Jr. dahil sa mga naglipanang disinformation tungkol sa kanilang pamilya sa social media, bagay na kanyang itinatanggi.

 

 

Kilala ang pamilya Marcos para sa ill-gotten wealth lalo na noong panahon ng diktadurya ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., bagay na kinikilala sa Supreme Court decisions noong 2003, 2012 at 2017.

 

 

Sa Miyerkules nakatakda ang deadline ng paghahain ng SOCE ng mga kumandidato, na siyang hindi na ie-extend ng Comelec.

 

 

Matatandaang iprinoklama ng Kongreso bilang susunod na pangulo si Marcos matapos umani ng 31.62 milyong boto. (Daris Jose)

Nakakikilig ang sagutan nila sa Instagram… Sobrang sweetness nina KYLINE at MAVY, hindi na maitago

Posted on: June 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI na maitago nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi ang sobrang sweetness na meron sila.

 

 

Todo kung maka-cheeer si Kyline kay Mavy. Uso na rin yata talaga na suot ng girlfriend ang jersey ng mga jowa nila, huh!

 

 

Suot ni Kyline ang jersey ni Mavy kaya matching silang dalawa. Kung todo cheer si Kyline kay Mavy, gayundin ang huli.

 

 

Naka-shoot si Mavy ng bola sa basketball at sa sobrang tuwa nito, wala na itong pakialam kahit ang daming tao sa FilOil Flying V Center. Nagtatakbo si Kyline pagka-shoot ng bola sa ring kay Mavy sabay binuhat ito ng huli.

 

 

O ha!

 

 

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Mavy ng picture nila habang karga niya si Kyline at may caption na, “I Win.”

 

 

Nag-reply si Kyline rito at muling sinabi na number 1 fan daw siya ng Kapuso actor. Bukod pa sa may pa-banner siya na may nakalagay na “Heroes #13 No. 1 Fan.” Nag-caption din si Kyline sa IG niya na, “Will forever be your fan.”

 

 

Mas lalo naman silang tinukso ng mga kapwa artista sa kani-kanilang mga Instagram account.

 

 

***

 

 

NAGKAROON ng grand launching ang pinakabagong streaming app na AQ Prime Entertainment sa Conrad Hotel noong Sabado.

 

 

Ito ang pinakabagong streaming company na maghahandog ng mga pelikulang gawang-Pinoy kabilang na ang mga orihinal na likha, nirerenta o on-demand na mga palabas, pay-per-view live events, at cable channel subscription.

 

 

Magiging live ngayong June 2022, ang AQ Prime ay magdadala ng libo-libong oras ng streaming entertainment para sa mga smartphone at TV sa buong Pilipinas, at maging sa iba pang bansa sa Southeast Asia, Middle East, South Korea at North America.

 

 

May listahan din ang AQ Prime pagdating sa mga classic Filipino show at movie, pati na rin mga bago at kapana-panabik na independently produced film.

 

 

“Excited kaming magbigay ng pinakakumpletong paraan para magkaroon ang mga Pilipino sa buong mundo ng entertainment content para sa isang streaming platform,” pahayag ni Atty. Aldwin Alegre, President at CEO ng AQ Prime.

 

 

Para naman kay Atty. Mary Melanie “Honey” Quiño, Chief Operations Officer ng AQ Prime Entertainment: “Naka-focus kami sa paghahatid ng dekalidad na entertainment na alam at mahal ng mga pamilyang Pilipino. Alang-alang dito, magkakaroon din ang AQ Prime ng isang talent development company sa pakikipag-ugnayan sa mga Korean film at entertainment partners. Pagkakataon ito para sa talentong Pinoy na maipamalas sa larangan ng pelikulang Koreano, K-drama at iba pa.”

 

 

Napapanood din ang bagong streaming platform ng AQ Prime sa pagbibigay-pansin sa napapanahon at makabuluhang content na sumasaklaw sa LGBTQIA+, musika, pati mga game show, talent show at reality programs.

 

 

Meron ding Director’s Cut by AQ, na isang hiwalay na app para sa mga sexy at mature na content — mula sa mga orihinal na kathang likha ng AQ hanggang sa mga na-acquire na title galing sa Korea at iba pang lugar.

 

 

Mada-download na ang AQ Prime ngayong June 2022 sa mga Apple at Android device, kasama na ang mga smartphone at smart TV. Mag-download sa Google Play Store at Apple App Store at mag-subscribe sa AQ Prime Entertainment service sa halagang P99 lang kada buwan.

 

 

In fairness, ang direct connection nila sa Korea ang nakikita naming isang edge ng AQ Prime. Sa grand launch palang, dumating na ang isa sa mga respetadong actor sa Korea na si Choi Moo Su at ang bagong K-pop girl group na Witchers.

(ROSE GARCIA)